Written Report_pagsasalin.docx

  • Uploaded by: Jonathan Robregado
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Written Report_pagsasalin.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 399
  • Pages: 2
Pagsasalin Tungo sa Intilektwalisasyon ng Wikang Filipino

Isa na siguro sa pinakamahalagang tuklas ng tao ay ang wika at pakikipagkomunika. Nang dahil sa dalawang konseptong ito nagkakaroon ng pagkakaintindihan sa dalawang taong mayroong magkaibang pinaniniwalaan. Gayunpaman, hindi parin maituturing na sapat ang pagkokonsepto ng ating Wika. Kung ating sisiyasatin ang batas pangwika ng Pilipinas malalaman at masisipat na hindi parin ganap na laganap at buo ang Wikang Filipino bilang isang wikang pangakasemiko na maaaring magamit na panghubiog upang mapatibay ang sandigan ng mga kabataan sa katalinuhan. Kaya naman hindi maiakkaila na kailangan ng bagong templa ang pag sasaintelektwalisa ng ating wika. Dito papasok ang Pagsasalin. Ayon kay Italo Calvano mula sa Lipat at Lapat ng Pagsasalin, “Without translation, I would be limited to the boarders of my own country. The translator is my most important ally. He introduces me to the world. Madadalumat sa pahayag ni Calvano na mahalagang sandata ag pagsasalin upang mamulat ang isang tao sa mas malaking mundo na kanyang ginagalawan. Hindi lamang nakukulong sa isang wika na pinagkukunan ng talino bagkus pinanalalawak sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sulatin na nakasulat sa ibang lenggguwahe na isasalin naman na naaayon sa wikang gingamit ng isang tao sa lugar na kanyang kinabibilangan. Sa panahon ngayon na nauusop ang mga social media application mas naisasantabi ang paggamit ng Filipino bilang Lingua Franca ng mga kabataan.. Imbes na ituro sa Filipino nag mga terminolohiya na galling sa ingles ay mas pinipili ng mga magulang hayaan ang mga anak nila na maunag matutong magsalita ng Ingles dahil para sa kanila ay mas maganda itong pakinggan at nakakamayaman sa panlasa ng tenga ng mga tao sa kanilang paligid. Hindi naman makakabawas

kung ating susubukang isalin o ipaintindi sa mga bata sa maka-filipinong gawi kaysa naman tuluyang mabansot na lamang nag ating wika. Kung tutuusin maganda na matuto ang mga magulang ng pagsasapraktika ng pagsasalin upang habang bata pa lang ay natatamnan na ng buto ng makabayang utak ang kanilang mga anak. Gayun din namans sa mga guro sa ating paaralan ng tinuturing ng ating lipunan na ating mga pangalawang magulang. Kung magkakaroon sila ng puso para sa larang ng pagsasalin bilang isang daan uopang mgaing instrument sa pagpapatalino sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kalagayan ng Wika sa Digital Age

Kahalagahan ng pagiging Intelektwalisado ng Wikang Filipino

Kahalagahan ng Pagsasalin para sa Wikang Filipino

Pagsasapratika ng Pagsasalin:Intrumento sa Intelektwalisasyon ng Wikang FIlipiono

Related Documents

Written Report.docx
May 2020 11
Recital Written
November 2019 7
Written Submission
November 2019 13
Written Test
November 2019 19
Written Report
June 2020 5

More Documents from ""