Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun Ang Siksikan at Lagus-lagosan Ni: Melba Padilla Metacritic
Ginawa ang espasyo upang magsilbing lunasaran ng kaalaman. Bakit? Dahil kung ang isang indibidwal ay myroong espasyo nagkakaroon siya ng kasiguraduhan ng kanyang kaalaman batay sa ispesipikong espasyo ng larangan na kanyang tinatahak.Gayundin ang espasyo ay magsisilbing instrumento upang magkaisa ang mga mamamayang Pilipino dahil nagkakaroon ng palitan ng proseso ng pagbibigayan para sa bawat isa. Ganyan kumilos ang espasyo hindi sa literal na paggalawa kundi kung paano nito binibigyang importansya ang bawat isa. Ang papel ni Melba Padilla na pinamagatang Siksikan at Lagus-lagosan ay tumutrol sa kaisipang ng ideyang “espasyo”. Sa unang pagpapakahulugan niya, “Ang espasyo ay pawing partikular at konkreto, lawak, luwang at gawang. Masasabing sa pagpapakahulugan ni Padilla ay mabubuo ang ideya na maaaring ang espasyong tinutukoy ay ang espasyo sa bias ng kapaligiran. Ngunit kung dadalumatin ng mabuti ang espasyo para sa kanya ay isang konsepto kung saan maaari itong maging instrumeto sa pagpapaunlad ng ating kaisipan at gawaing pang komunikasyon. Naidagdag ni Melba Padilla na sa paggamit ng ideya ng kaisipan ng “espasyo’ ay hindi maaaring wala lamang. Kailangan ay mayroon itong kaakibat na kahalagahan at kabisahan para sa kasarinlan ng bawat indibidwal dahil wala naman daw umano tayong eksaktong bihis sa salitang “Space” ng Amerikano at sa “salitang “Espacio” ng mga Kastila. Kaya naman naman hindi tayo maaaring dumipende sa paggamit lamang ng ideya basta-basta kailangan mayrong dahilan kung bakit mo ito ginagamit. Sa kabilang banda naman kanyang tinuran ang pagtinigin ng mga Pilipino sa ideya ng kaisipan ng “Espasyo”. Ani niya, “Ang pagtingin ng mga Pilipino sa espasyo ay isang puwang, nangangailangan ng pagpuno, pagsiksikan at palamanan”. Matuturan sa sinabing ito ni Melba Padila na ang impresyon ng mga Pilipino sa ideya ng “Espasyo ay isang bagay na kailangan punan. Sapagkat mayroong pagkukulang at kaluwangan. Kinakailangan itong siksikan. Maaaring kaalaman, ideya o hangarin. Maging pagkakailanlan. Naibahagi din ni Melba Padilla ang konsepto ng pag-aangkin ng espasyo ng mga Pilipino. Sa kanyang inihalimbawa na pangungusap kalimitan daw natin sabihin ang mga ganitong kataga, “Mabuti’t nagawi kayo sa amin”. Ayon kay Melba Padilla ito ay nagpapahiwatig ng pagkamkam ng espasyo. Hindi ito madedepena bilang pagkakamal bagkus ito ay marahil na isang likas ng gawi ng mga Pilipino. Isa
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
pa sa apat na pagbabahagi ni Melba Padilla at yang likas na konsepto ng pag-uumpukan. Para sa akin maitutulay ko to sa konsepto ng estended family sa Pilipinas kung saan pilit nagkukumpulan ang mga magpapamilya, maaring anak, kpatid apo sa isang bahay dahil umaaasa lamang sa kita ng isa. Ito marahil maiiba ang ideya ng espasyo kung saan nagamit ito sa hindi matalinong pamamaraan. Ang ikaapat sa kanyang ibihagi ay tumuturan sa konsepto ng labas at loob ng espasyo. Sa kanyang pahayag magkakaugnay ang bawat bagay. Mapa-loob o labas ang bawat tagpo ay nag-uugnay sa iisang layunin at lunsarin na maespasyuhan ang mga paksang kakabit ng soyo-politikal na aspeto. Ang huli naman ay ang ideya ng konsepto na maka-personal. Kaniyang inihalimbawa ang pagbibigay direksyon ng mga Pilipino. Kung saan hindi niya binibigay ang eksaktong pngalan ng kalsada bagkus sinasabi niyang “pagkaliwa mo sa kanan didiretso lka lang tapos kakanan at pagkatapos kakaliwa. Tila walang katapusang pagbibigay ng mga oimpormasyong pilit isinisiksika ng personal na interes. Sa paglalahat, ang ideya ng isang “Espasyo” ay maaaring maging instrumento sa paglikomng mga kaalamang bayan na maaaring dalumatin upang magluwan ng talinong sasapat sa pangangailangan ng lahat ng indibidwal. Mahalga sa isang tao na malaman niya kung saan siya lulugar, saan siya makikipagsik-sikan at sa papaanong paran siya maghahanap ng lagusan. Iyan ang ideya ng konseptong “espasyo” tumututro sa gawi at isipang ng makamasang Pilipino.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun Hiyas ng Tulang Tagalog Metacritic
Masasabing ang panulaang Pilipino ay mayroong mayamang kasaysayan. Mula sa pagkaka kokonsepto dito, pagdedepena at higit sa lahat ang pagkakakbuo nito bilang isang panitakng hindi lamang panrehiyunal bagkus tumutulay din sa aspetong Pambansa. Hindi nga mikakaila na marami ng tulang nailimbag na pinakinabangan at nagamit bilang tulay sa pagpapaunlad ng diwa bilang isang indibidwal. Diwa bilang isang makabansang Pilipino. At ang diwa bilang isang Hiyas na dapat panggalagaan at paunlarin. Mababalangkas ang simula ng panulaang Pilipino sa taong 1953. Pamilyar? Dahil ito rina gn taon kung saan nailimbag ang unang lapat na aklat ng Doctrina Christiana na mayroon ding salin sa ating katutuboing wika. Ang mga nailimbag na panulaang Pilipino noong taong 1953 ay hindi napangalanan ngunit sa pagkakalap ng mga ibidensya maaaring sabihin na ang mga Panulaan ng panahon na iyon ay mayamn sa sukat at tugmaan. Hindi lamang sumasalamin ang tula sa pangkrainaiwang aspeto ng pamumuhay bagkus ito’y dinadalumat ang sitwasyong kinakaharap ng mga katutubo noon. Ang unang Gobernador Heneral ng Pilipinas na si Miguel Lopez De Legazpi ay gumawa ng hakbang kungsaan nilipat niya ang sentro ng panulaan mula sa Cebu ay dinala niya patungong Maynila. Dito marahil magsisimula ang ekspidisyon ng Wikang Tagalog bilang batayang Wikang gagamitin sa pagsulat ng panulaang Pilipino. Kung sisiyasatin ng maaigi malalamang ang unang lugar na nagimprenta ng mga tulang Pilipno ay sa parte ng Maynila t sa ilsang lalawigang kalapit nito. Kasabay ng pag-I prenta ng mga unang panulaan tila naging tulay ito ng mga Kastila upang paglunsaran ng pag-aaral sa ating wika sa pamamagitan ng pagsasalin nila ng mga libo nila patungo sa ating wika. Sa poarteng ito ng kasaysayan masasabing napalkas ang kakayahan nila sa wika natin. Sa kabilang banda walang kakmalay-malaya ng mga Pilipino sa pang-lalamang ng mga Kastila. Kung titingnan tila kastila ang naging diber upang pasimulan ang palimbagang Pilipino. Ngunit kung sisiyasatin ng mabuti mayroong pitong tagalog na libro na Memorial de La Vida Cristiana en Lengua Tagala (1605), Arte Y Reglas de le Lengua Tagala (1610), Librong pag-aaralan ng mga Tagalog ng Wikang Castila (1610), Explicacion de la Doctrina Christiana en Lengua Tagala (1627), Meditaciones, Cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong pag Eexercicios (1645), Compendio del arte de la Lengua Tagala (1703), at huli Vocabolario de la Lengua Tagala (1754). Sa ptiong libro n aito ang mayroong malaking naiambag
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
ay ang Librong Compedio na sinulat ni Fray San Agustin. Dahil naiswalat nito ang sukat na wawaluhin at pipituhin sa tula na kinahiligan gamitin ng tagalog na manunulat sa paggawa ng mga tula. Sa paglalahat ang Hiyas ng Tulang Tagalog ay matutulay sa pagiging mayaman ng ating Kultura hindi dahil sa pananako ng mga Dayuhan. Naging hiyas ito dahil nagsilbi itong lunsran ng talino at galing ng mga Pilipinong mnaunulat. Hindi maitatanging nab ago pa man masakop ang Pilipinas ay mayaman na ang kultura hindinlamang sa kasabihan bagkus sa gawing panulaan. Dito mapagtatanto ang khalagahan ng kasaysayn upang hindi mapiringan ng kasinungalingan galing sa iba.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Diaak Maawatan: Unang Sulyap sa Ilokano Varayti ng Filipino Ni: Elizabeth A. Caliwanagan Metacritic Mahalga ang pag-aaral ng Wika dahil sa paraang ito masusulyapan ang pagkamit ng konsepto ng pagkakaintindihan hindi lamang ng dalwang magkarehiyun na naguusp ng kanilang wika. Bagkus ang pagkakaintindihan ng lahat ng indibidwal sa Pilipinas. Dito papasok ang madugong pag-aaral sa ibat-ibang varayti ng wika sa Pilipinas. Kilala ang Pilipinas bilang isnag bansang mayroong maraming wika kaya naman masasabing madugo ang pag-aaral ng ibt-ibang varayti na ito. Nguni tang papel ni Caliwanagan, ay magbibigay linaw at mag popokus sa pagusbong ng Ilokano bilang isang varayti ng Wikang Filipino. Una muna nating dalumatin ang kahulugan ng pamagat ng papel ni Elizabeth Caliwanagan. Kung susuriin ito ay nakasulat sa isang Wikang kung ang mga tagalog ang magbabasa ay mahirap sa kanila para maintindihan. Bakit kanyo? Iba-iba ang istraktura ng isang wika. Nariyan ang aspetong Ponolohikal, Morpolohikal, Ponolohiya t Morpolohiya kaya naman hindi madali para sa iba na intdihin ang wika ng isang taong nanggalin sa iabng lalawigan. Sa siste ng Wikang Ilokano, iba ang istraktura at pagkakagaw ng kanilang wika. Kaya naman kinakailangan ng masusing pagsiyasat upang maintidihan ito. Balik tayo sa pamagat. “Diak Maawatan”, kung titingnan at pakikinggan ay magkaiba sa Wikang Filipino ngiunit kung bibigyang importansssya ang ibig sabihin ng salitang Ilokano na ito ay “Hindi ko maintindihan”. Hindi ba’t nakakatuwa kung iisipin na ang inaakala ng iba na malalim na kahulugan ay mayroon lamang pa lng mababaw. Dito ngayon papasok ang kahalagahan ng pag-aaral ng varayting ito ng Filipino. Para masimulan ang pag-aaral sa varayti ng Ilokano sa Filipino kailangan munang himayin ang ponolohikal na istraktura ng dalawa. Makikita ito sa makabagong edisyong ng Grammar ng Filipino ni Garcia(1992) kung saan mayroong 21 na ponema ang kanyang nailathala. Sa Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiangco (2003) binagong ediyon at sa Ilokano Reference Grammar ni Constantino (1971), mayroong 17 na katinig at 5 patinig. Para naman kay Rubio (1997), mayroon ding 17 na patinig ngunit sa halip na /f/ ay/ts/ naman ang dagdag sa 16 na bilang. Kung ating pagsasabungin ang konsepto I Constantino at Rubio ng Patinig magkakaroon tayo ng 18 bilang ng katinig sa Filipino at Ilokano. Makikita sa mga natala na impormasyon na magkaiba talaga ang istraktura ng
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Ilokano at Filipino. Kaya naman hahantong at hantong tayo sa proseso ng pagdadalumat. Kung pagbabasihan ang napansin ni Reyes-Ortero (2002) tungkol sa paraan ng mga pananalita ng mga broadcaster na Ilokano mababatid ang pagbabagong nangyayari sa aspetong ponolohikal maging sa pagkakabuo ng mga salita sa Ilokano. Halimbawa, Ang /u/ at /o/ ay malayang nagpapalitan sa dulo ng silabol. Pagkatapos nagkakaroon ng pagpapaikli ng mga salita kapag ito ay nasa anyo ng ng Wikang Ilokano. Sa aspeto naman ng paglalapi nagkakaroon ng mas ginagamit ang /um/ sa Filipino kaysa sa Ilokano na ang gamit ay /ag/. Sumunod naman ay sa aspeto ng sintaktik. Kung saan babantayan ang pagkakaayos ng mga salita. Kung sa Filipino ay ginagamitan ng diwa ng paguulit sa Ilokano ay nagdadagdag lamang sila ng /-to/ kapag nagtatapos ang katinig sa pandiwa at /-nto/ kapag nagtatapos naman sa katinig. Makikita ang pagkakaiba ng estraktura ng Filipino sa Ilokano. Ano naman ang maaring makitang kahadlangan sa matiwasay na pagkatuto at paggamit ng Ilokano sa malayang kombersayon. Ito ay sa bias ng “Tagalog Imperialism, kung saan ang tingin ng mga tagalog ay iisa lamang ang salitang umiiral kauya naman kapag nakarinig ng mg ibang wika ay gingagawang katatawanan na siyang nagdudulot ng pambababoy sa wika. Gayundin nakaka apektop ang sosyo-politikal na mga enerhiya sa paglapastangan sa mga wika. Sa paglalahat, ang bagong usbong na Iloka no bilang varayti ng Filipino ay napakagandang hakbang upang maitaaguyod ang isang bansang nagkakaintindihan kahit marami ang mga wika. Hindi naman kailang mayroong magharing wika sa ating bansa. Ang kailangan lamang ah yang tamang edukasyon at pagrespeto sa mga reheyunal na wika. Sa ganitong paraan nailalapit natin an gating bansa sa isang konsepto ng pagkakaisa.
Kulo at Lolorum (81) Akronim Metacritic
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Isa ang wika sa pinakamahalgang uri ng instrumenting nagluluwal ng kasarinlan. Kapa gang isang wika ay napag-araln tila nasakop mo na ang isang bansa. Dahil hindi lamang letra ang tinuturol nito kundi pati ang kulturang nakakbit na dito. Nguni tang problema hindi sapat ang mga kaalalamang maroon tayo upang tuluyang maintindihan ang mga ito. Laolo na kungiba ang straktura nito maging ang haba at lalim ng kahulugan nito. Kaya naman humahantong tayo sa pagpapaikli ng mga salita. Ito ay ang tinatawag nating Akronim. Ano ang maaaring maging kahalagahan ng isang salitang pinaikli? Sa site ng pag aakronim nakikita ang kahalgahan nito sa aspetong ibntelektwal. Dahil mas madali nga naman maaalala ang isang bagay kung ito ay binubuo lamang ng mga ilang salita. Tulad nalamang ng mga ahwnsya ng gobyerno sa ating bansa. Tulad ng Department of Science and Technology na ang akronim ay DOST. Ang Commission on Higher Education na mayroong akronim na CHED. Ang huli naman ay ang termino sa siyensya na “RADAR” na ang ibig sabihin ay Radio Detection and Ranging”. Hindi ba mas nagkakaroon ng kadaliang maintiddihan ang mga salita dahil ito ay nabigyan na ng akronim. Ayon sa pag-aaral ang kadalasang gumamit ng mga salitang pinaiikli ay mga nasa milenial generation o ang mga ten-edyer. Kadalasan pinapauso ng mga akronim na walang masgyadong kabuluhan tulad ng SKL o Share Mo Lang, o kaya naman KSP o Kulang Sa Pansin.Nariyan din ang uso sa mga trop among buraot ang pinaikling salita na KKB o Kanya Kanyang Bayad. Ang mga pagpapaikli ng mga salitang ganito ay hindi natin masasabing nakaktulong sa pagpapaunlad ng ating wika lalo na ang oiba ay halos sa salitang Ingles ang Baybay. Gaya ng nauna kung inihalimbawa ang mga ahensya ng Gobyerno. Akal monay hindi nag-aral ng Wika upang ipaial ang ibang wika sa pag aakronim. Mas magkakaroon siguro ng kaausan kung ang Wikang Filipino ang gagamitin sa pagtugaygay ng mga akronim nagagamitin ng mga Ahensya ng Gobyerno lalo na’t sila ang kdalasang naririnig sa mga balita, nasusulat sa dyaryo at naririnig sa radio. Sa pamamaraang ito hindi lamang napopokus ang kanoilang pakinabang ngunit sa isang banda ay naipapalaganap ang paggamit ng maka-Filipinong Wika sa buong bansa. Sa paglalahat, wala namang masama kung bibigyang akronim ang salita lalo na kung ang layunin ay magbigay at maging pantulong upang tumaas ang kaalaman ng isang tao. Ngunit ating ipamutawi sa ating puso at isipan na sa pagpaapikli ay maaaring malimutan ang halaga ng buong panggalan liban kung ito ay tao, bagay, hayop, pook o maging pangyayari. Isa pa, kung hindi
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
talagang kayang pigilan ang sarili na magbigay akronim ay kailangan ay naaayun ito sa baybay ng ating Wikang Pambansa. Ano pa ang silbi ng pagsasabatas ng isang pambansang wika kung hindi din naman ito magiging instrumento sa pagtugaygay ng mga panibagong kaalaman ng mga tao. Kaya mahalaga na sa bawat kilos na gingawa natin ay ating isinasa alang-alang mga maaaring maging resulta. Dahil dsa huli kung maganda ito tayo din ang makikinabang at kung pangit tayo din naman ang magdudusa.
Hagkis ng Halakhak Metacritic Isa sa mga tinitingnan ng mga tao sa istaktura ng isang panitikan na kanilang babasahin ay ang pamamaraang ginamit dito. Maaaring gusto nila na naglalaman ito ng maraming metapora. O
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
di kaya naman ay naglalaman ito ng mga tagong mensahe na sa dulo ng babasahin mo malalaman. Pwede rin namang sa paraang patanong. Tila ika’y kanilang tinatanung sa kung ano ang maaaring sumunod na mangyari. Ngunit dahil sa kaguluhang tinatamasa ng ating bansa ngayon ay minsan ang pinaka gusto nila sa panitaikan ay yung mayroong aspetong pasisiyahin sila. Tila ito ang magigigng kanlungan ng kanilang nalulungkot ng mga damdamin. Dito ngayon papasok si Amado V. Hernandez isang manunulat pero isa din namang mala-komidyante sa paraan ngk ayang pagsulat. Kilalang- kilala ang Pangalan na Amado V. Hernandez sa larangan ng pagsulat. Masasabing isa a siyang haligi sa pagsusulat ng panitikang Pilipino. Karamihan ng kanyang mga gawa ay nagpopokus sa mga usaping Nasyunalismo, Imperyalismo, Demokrasya. At kung ating mapapansi ang mga larang na kanyang piniling sulatin ay tumutulay sa usaping Politikal sa ating bansa. Masasabing mabibibgat an gmga paksang kanyang tinatalakay. Kaya naman para sa isang karaniwang Pilipino ay mahibirapang intindihin ang kanyang mga obra. Ngunit sa ganitong sabi, iniiba niya ang timpla ng kanyang mga obra nang sa gayun ay kumilala ang kanyang obra sa konsepto ng pagkapantaypanytay. Kaya naman, ginamit niya ng larang ng pagbibigay katuwaan sa mga pangalan ng kanyang mga gawa. Isa sa maaaring maging halimbawa ay ang obra niyang Dula na pinamagatang “Mukha ng Isang Bagol”. Ang obranmg ito ni mado V. Hernandez ay nakasentro sa usapin ng demokrasya na tumutugaygay sa ideyang Politikal. Mabigat kung iisipin. Ngunit sa pamamagiutan ng kanyang kakaibang pamamaraan ay gumawa siya ng mga pangalan na tatatak at maaalala ng mga tao upang maintindihan ang daloy ng dula. Ang pangalang Bantog at Pantog ang kaniyang ginamit na pangalan. Marahil hindi ito nakakatuwa kung babasahin ngunit kung may pagkakataong siguradong ang buong daloy ng programa ay nakatutuwa dahil ganito ang paraan niya ng pagbabahagi ng kaalamang hindi nananapak ng uri. Panlahat kung ating isasapuso.Kitang-kita nag pagiging malikhaing manunulat niya. Dahil nabibigayan diin niya ang paksa na kanyang pinagpopokusan habang napapasaya niya ng mga tao’t nabibigyan din ng kaalaman. Sa paglalahat, masasabing isang larawan si Amado V. Hernandez ng isang rebolusyunaryong manunulat dahl sa mga paksang kaniyang pinipiling tugaygayin sa kanyang mga obra. Sa kabilang banda naman, siya ay nagiging nakapawi ng kalungkutan ng iba, Isang komidyanteng pinasasaya sila. At panghuli, siya ay nagiging isang guro. Tagapamahagi ng
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
kaalaman sa ibat-ibang uri. Hindi niya marahil sinusuri ang uri ng isang indiidwal bagkus para sa kanya ang isang panitakn ay dapat maging lunsaran ng kaalaman at komoditi ng kasiyahan pra sa lahat. Hindi lamang sa mga nakapagtapos at mayroong nalalaman bagkus poati sa mga pangkaraniwang gusto niyang linangin ang isipan at tugaygayin ang kasiyahang nawawala sa kanila sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Kaligayahan sa Kasawian “Batang Tondo” Ni: Rosario Torres-Uy Meatcritic
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Isa sa kilalang lugar ng mahihirap ang Tondo sa Maynila. Hindi lamang sila kilala sa pagkakaroon ng maraming mahihirap na naninirahan pati sa paggawa ng krimen ay namamayagpag ang kanilang lugar. Ganyan kung ilarawang ang Tondo sa halos lahat ng anyo ng Media hindi dadaan ang araw na walang naibabalitang mayroong masamang nannyari sa mga taong napadaan man o nakatira na dito. Ano ang maling pagbibihis anyo sa Tondo Nagkaroon tayo ang mga kapawa Pilipino ng Stigma na ang Tondo ay lugar ng basagulero. Ngunit kung iisipin hindi naman ito ang magiging bansag sa kanila kung nagkakaraoon sila ng pantay na karapatn tulad ng natatanggap ng ibang mahihirap sa bansa. Ang problema kasi ay iunahan ng pagmamanipula ng Media kaya naman hanngang sa ngayon ay hindi na maiaalis ang bansag na ganito sa kanilang lugar. Paan ng aba magkakaroon ng pag-asa sa lugr ng Tondo. Sa aking palagay ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na edukasyon para sa kabataan at mga nakatataanda. Kung pagbabasihan nag pag-aaral na ginawa ni Uy kanyang nabanggit na ang mga kabataan sa TOndo kahit walang baon ay sinisikap makapasok. Itong kaalamang ito ang maaaring pagkapitang ng LGu at NGO upang bigyang pansin ang kalagayan ng kakulangan ng maayos na edukassyon sa mga kabataan ng Tondo. DAhil nga nabihisan ng opag-uuri ng mga kapwa Pilipino ang mga tagatondo ay ganun nalamang din nila inuuri ang mga taong nakatira dito. Nariyan ang mga basagulro, mamatay tao-durugita. Ang mga bansag na ito ang kalimitang namumutawi sa mga bibig ng mga hindi nakatira sa Tondo. Ngunit kung sila ang nasa kalagayan ng mga nakatiradoon mararamdaman nila ang sakit ng pa-uuring ginagawa at ang kahirapang bumabalot sa lugar ng Tondo. Ano ng aba ang maaaring maging tulay para makaalpas ang mga tao sa Tondo sa paguuring ginagawa sa kanila. Para sa akin ang una ay nag pagpapahalaga sa edukasyon. Mahirap man kailangan paroing igapang ang kinabukasan ng mga anak.Kahit ano mang hirap kailangan lamangnilang magtiwal na darating at darating ang gulong ng buhya at ito ay iikot din sa kanilang palad. Pangalawa ay ang pagtanggal sa kaisipang “hanggang dito nalang kami” “dito kami pinanganak, dito rin kami mamamatay”. Ang ganitong pag-iisip ay walang espasyo kung gusto ng isang tao na umunlad taga Tondo ka man o hindi. Kailangan ang ganitong kaisipan ay burahin at palitan ng paggawa at pagkilos sa pag-abot ng pangarap. At pangatlo hindi sa sinsabi kong makupad ang gobyerno pero parang ganun na nga. Sa ganitong sitwasyong ng isang naghihirap na liugar. Ang dapat talagang tumutok nang maiigi ay ang Gobyerno. Kailangan mabigyan ang mamamayan ng sapat na edukasyon sa maaaring gawing negiosyo ayon nga sa 8 fold path ng
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
budismo. Isa sa kailangan ng tao ay ang Right Livelihood. SA ganitong paraan hindi mo tintuturuang umasa ang mga tao sayo bagkus sa pamamagitan ng pagbibigay edukasyon at kaalaman pati panimulang puhunan. Nailalayo natin sila sa pinakahuking maaaring gawing opsyon ang pagkapitsa patalim. Sa paglalahat, wala namang maghihirap kung walang nanlalamang. Kailangan maging pantay ang pagtingin ng gobyerno sa lahat. Wala dapat silang inuuri. Bago sila mang-uri nang kapwa kailangan suriin muna nila ang tama sa mali. Mabuti sa hindi. Ngayon, tingnan nila ang epekto nitosa mga mahihirap. Ayon kay Siddharta Guatama, Natural ang kahirapan sa miundo, ang kinakailangan upang malampasan ito ay ang matuklasan, na ang pagiging ganid makasarili at pag-uuri ay siyang nagpapalala nito. Hindi dapt mautawi sa atin ang galit bagkus kailangan ipakalat natin ang ganda ng pag-asang dapat makamtan ng bawat indibidwal lalo na ang mga batang ayon naman kay Jose Rizal, “Ay ang Pag-asa nan gating Bayan”.
Ang Nasyonalismo at Wika Metacritic
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Kung nakakabit ang wika sa kultura gayun din naman ang Nasyonalismo. Sa panahon ng Biak na Bato ginamit ang Tagalog bilang Wikang rebolusyunaryo.Sinalamin nito ang pagiging nasyonalismo ng mga Katipunero at Supremo Andres Bonifacio sa ating bansa. Nang gumawa ng buwan ng Wika ang Ama ng Wika na Si Manuel Quezon kanyang naipakita ang nasyonalismomsa baying kanyang pinaglilingkuranNang panahon ng Martial Law ginamit naman ang Wikang Pilipino bilang Wika ng pag-aalyansa. Sinalamin nito ang pagiging nasyonalismo ng mga tumututol sa rehimen ni Marcos. Noong taong 1987 napakita ang pagiging nasyonalismo ng ating korte at Preidente Aquino naihayag ang opisyal n Wikang Pambansa ng mga Pilipino ang Filipino. Sa ganitong turan nmakikita na magkaulawayaw ang wika at pagiging nasyonalismo ng isang tao. Sa panahon ngayon ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino ay tila humihiwalay na sa bias ng wika na kilala sa ngayon. Dahil narin sa pag-unlad ng ekonomiya at ng mundo ng Internet nagsisulputan ang ibat-ibang paraan ng pakikipagkounoka gamit ang ibt-ibang wika. DAhil dito tila nawaalan ng hiyas mabuhay at magpatulaoy sa pag-unlad ang Wikang Filipino. Ngunit sa kanbilang banda naman, napapanatili parin ang mga Woika dahil sa mga kabataang nagpoapakita ng hilig sa panitikang Pilipino at di kalaunan ay ginagawang digree sa kolehiyo. Kaya masasabing may laban parin naman ang Wikang Filipino sa patuloy na pag-unlad ng panahon nating ngayon. Ngayon naman ating tugaygayin kung papa-ano natin maipapakita ang ating pagiging nasyonalismo sa pang-araw-arw na pamumuhay. Una, dapat matuo tayong tanuwina ang kasarinlang ibinigay at ipinaglaman ng ating mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay. Pangalawa, Ang paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagkanta ng maayos sa ating Pambansang Awit. Pangatlo naman ay ang pagkilala sa ating Wikang Pambansa na Filipino. Gayundin ang paggalang sa mga rehiyunal na mga wika sa ating bansa. Pang-apat ang pagpapanatili ng paggamit ng kulturang pagiging magalang at mapagkumbaba. Sa simpleng mga gawing ito ay hindi lamang napapnatili ang identidad ng ating bansa bagkus naboibigyang diin ang mga mahahalagang kultura at kasaysayan na maroon an gating bansa.
Sa paglalahat, hindi lamang natatapos sa pagsunod kundi kailangan gawain at isabuhay ang pagiging Nasyonalismo mo bilang tao. Kaakibat nito ang pangangailangang gamitin aat paunlarin ang Wikang Pambansa. Wala namang ibang makikinabang sa paggalang, pagrespeto at
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
pagssasabuhay ng ating kultura kundi tayong mga nagpapahalaga din dito. Ang mga mamamayang Pilipino. Sa huli kailangn natin panatilihin ang pusong nag-aalab para ipag-tanggol ang bayan at ang utak na pagkamit ng kasarinlan. Huwag nating ibaon sa limot bagkuss isabuhay natin ito sa pangaraw-arw nating gawain. Sa eskwelahan man yan, opisana, kalsada, ibang bansa. Walang paring tatalo sa baying kinalikahan at kinamulatan mo ng talino at puso.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Ang Pagsakay nina Juan Masolong at Flor Contemplacion sa MRT Metacritic Ang Metro Rail Transit o mas kilala bilang MRT at isang opsiyon upang mapadali ang biyahe ng isang tao. Kung baga nagsisilbi itong tali na hihila sa kanila upang mapadali ang ka ilang buhay. Nirerepresebnta ng MRT ang bulok na sistema ng ating Gobyerno sa bulok na sistemang naghahatid ng buhay sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. At nagbabalik sa kanila bilang parausan ng bayan at isang buhay na bangkay na salamin ng patuloy na kahirapan sa ating bansa. Gaya nalamang ng Kwento Ni Flor Contempalacion na nagtrabaho sa ibang bansa upang tustusan ang kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya. Ngunit sa huli nabalikta at siya pa laong nagpahirap sa kanya ang pagiging OFW niya na sa kalaunan ay nagresulta sa kanyang kasawian. Sa mundong puno ng kabalintunaan saaan kaya maaaring lumugar ang Isang Flor Contemplacio at Juan Masolong. Na ang tanging kagustuhan ay ang kaginhawaan sa buhay ngunit kabaliktaran ang kganilang mga tinamasa. Kung sisuriin ang mga pina pokus ng mga Pilipino sa pagpunta sa ibang bansa ay hindi para magsaya, magwalwal omagliwaliw. Ang kanilang sadya ay ang perang kanilang kikitain na magiging lunsaran ng kaginhawaan sa kanilang pamilya sa kanilang pamilya. Sa unang naratibo ni Juan Masolong kanyang nabanggit na “Samakatuwid, bagaman aktibo nang naglalakbay ang taumbayan na tila nagpapakita ng kanilang kalayaan, ang kanilang paglalakbay at katunayan ay sentro ng kapangyarihan sa Maynila at sa bawat pamayanan”. Base sa sinabe ni Masolong madadalumat na ginagawa lamang patabaing baboy ng gobyerno an gmga mahihirap upang patuloy na tangkilikin na gpag-alis ngbansa. Lalo nilang pinapahirap ang Pilipinas u[pang sa ganitong landasin magkaroon ng kaisipang umalis ang Flor Contempalcion ng Pilipinas. Tila ito ay isang lihim pero hayagang “Human Trafficking” hindi sa literal na pagbebenta ng laman bagkus sa pagbaebebnta ng mga pangarap na maaaring maabot kahit hindi ka pumunta ng ibang bansa. Ang MRT ay nagamit bilang isang kanlungan ng mga mahihirap na gustong itawid ang kanilang pamilya. ANg tanging paraan na lamang ay umalis at sumakay sa agos ng pagkaktaon sa bansa. At iwan ang pamilya at bansang naghihingalo upang makamit ang kasarinlan.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Sa paglalahat, makikita ang bias ng kahirapan bilang social agent ng mga Flor Contemplacion upang maging OFW at makipagsapalaran lugar na hindi. Sila pamilyar. Hindi natin kailangn matulad kay Flor Contemplacion na naging pamato ng ating gobyerno sa experimental na pagpapalakas sa ating ekonomiya. Ang kailangn ng mga Pilipino ay maaayos na trabaho sa kanilang bansa, kung saan mararamdaman nilang ligtas sila at sa kabilang banda ay makaksama pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Kailangan ipagpatuloy ang pagkalampag sa ating Gobyernong tila palaging nagsisiyesta. Hindi natin sila ibinoto upang panoorin tayong malugmok. Iniluklok sila upang maging tagaluwal ng pag-asa sa pang-araw-araw na pangangailangan at pgbayo sa hindi tutmitigil nap ag-usbong ng kahirapan.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Wika, Kultura at Katutubong Kaalaman Ni: Narcisa Paredes Canilao Metacritic Ang Wika ay Kabuhol ng Kultura. Sinasabibing hindi mabubuo ang anyo ng isang wika kung ito ay hindi nabihisan akulturisasyon. Sa mahabang kasaysayan ng Pilipinas masasabing batak na tayo kung pagdedebatihan ang usaping tumuturol sa kaugnayan ng wika, kultura at katutubong kaalaman. Hindi malayong maging isa tayong promenenteng institusyon sa pagsusulong ng isang wika pinagtibay ng kultura at katotobong kaalaman. Bago pa man dumating ang mga Kastila ay dumaan na sa proseso ng sibilisayson ang Pilipinas. Makikita ito sa pagkakaroon natin ng sitema ng pagsusulat, sistema ng paniniwala, sistema ng pangangaso at sistemang tumutulay sa kabuan natin bilang isang sibilisadong mamamaya. Binulag lamang tayo ng mga Dayuhan upang tuluyang masakop an gating bansa. Ginamit nila ang pinaka epektibong paraan ang pagbabasot sa ating katutubong kaalaman at pagbabansag sa atin bilang mangmang. Nagpatuloy ang ganitong trato sa mga Pilipino hangang sa dumating ang mga Amerikano, na ginawa naman tayong paamuhing tuta na susunod sa bawt galaw at uto nila. Nang tayo;y lumaya ay tila walang silbi dahil dumating naman ang mga Hapon. Sa kagustuhang matamoang One Asian ay nagawa nilang gawin ang pinakamarahas na maaaring gawin sa atin. Magpasahangang ngayon hindi parin nating Malaya tayo dahil sa mga sosyopolitikal na problema na naglilimita sa atin sa pag-abot ng ating mga mithiin. Hindi natin naalis ang iniwang sugat sa atin ng mga mananakop. Hindi natin alam kung papaano gagamitin ang wika bilang intrumento upang mapalaya ang bansa. DAhil na nagagamit ang wika sa ibang elemto na tinatawag na “Discursive Construction of Reality” kung saan bih=nibihisan nila ng ibang anyo ang kahulugan ng isang salita upang malinlang tayo sa katotohanan. Papasok din ang pagsasalin bilang instrumento. Ani ni Canilao, kailangan matutong magsalin ang mga Pilipino sa mahusay na pamamaraan. Na ito ay nagiging lunsaraan ng talinong bayan. Ang mga instrumenting ito ay siyang magiging lunsaran ng isang intelektwl na wika na magagamit bilang sandata sa pagkamit ng anumang pangarap na minimithi.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Sa paglalahat, ang indi maitatanging, hindi maaaring paghiwalayin ang usaping kultural, wika at katutubong kaalalaman. Dahil sa pamamagitan ng pagtugaygay sa tatlong aspetong ito ng Pagka-Pilipino mapapaunlad ang ants natin bilang Isang maka-Filipinong mamayang. Hindi lamang pinahahalgahan nag wika bagkus inisi ang kulturang oinagmulan at mga katutubong kaalaman na bumuo sa bansang ating patuloy na pinapanday upang magkamit ng kasarinlan.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
The Methamorphosis of Filipino as National Language Jessie Grace L. Rubrico Metacritic Matagal ng usapin kung ano ang dapat maging katawagan at kilalaning wika ng Pilipinas. Sa isang konsepto ng wika, dapat ito ay naiitindihan, isang Wikang kakabit ng kultura t naglalayong paunlarin ang katutubong kaalaman batay sa kasaysayan. Kung tutuusin lahat naman ng wika sa ating bansa ay masasabing karapatdapat. Ngunit kailangan ng isa kung saan hindi maglulunsad ng rehiyunalisasyon. BAgkus ito ay magluluwal ng pagkakaisa sa wikang magiging Pambansa. Ang wikang maaaring salitain ng lahat. Ang wikang hindi naghahari at inuuri ang iba at ang Wikang naglilingkod opara matamo ang kasarinlan. Noong panahon ng Biak na bato pumailanglang ang Tagalog bilang wika ng rebolusyon. Ito ang Wikang ginamit ni Andres Bonifacion upang magsulong ng isang nasyonalismong grupo na magluluwal ng kasarinlan para sa Pilipinas. Noong taong 19835 nilunsad ni Quezon na ang dapat pagbatayan ng isang wikang pmabansa ay mula sa isa sa mga katutubong wika. Matagumpay ang Tagalog dito ngunit. Nagkaroon ng usapin dahil nga mayroon naman daw iumanong bisaya, ilokano at marami pang iba. /ngunit nanatili at naihayag na sa kombensyon ang wikang gagamitin. Sa taong 1959 naman ay napagpasayahan na Pilipino ang magiging wikang Pambansa na nakabaytay sa tagalog. Ang letrang P ay sumisimbolo upang maiwasan ang rehiyunaisasyon. Noong taong 1987 naman ay ipinatupad ayon sa konstitusyon na pinaburan ni Pangulong Aquino ang pagtatakda sa Filipino bilang Wikang Pambansa. Kung saaan nmana dito ang titik F ay sumisimbolo sa lahat ng katutubong wika na siyang magiging gabay sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang oisang Wikang Pambansa. Kung pagmamasdan ang naging tahak ng pagbabago sa wika masasabing ang mayroong pinaka sakto sa isang wikang panglahat ay ang Filipino. Dahil nirerepresenta nito ang mga rehiyunal na wika. Walang naghaharing uri sa kanilang larang. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin kongkreto ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. Lalo kung tutugaygayin nag konstitusyon tila naglulunsan lamang ito ng pagbibihis uri sa ating Wikang Pmabansa. Dahil pumapailang-lang parin ang maaaring pagpalit ng Ingles o kaya naman ay Arabic kawapag wala nang wikang mapipili. Sa aking palagaya ng
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
kailangan natin ay ang sama-samang pakikibaka sa hamon ng nagbabagong mundo. Ksabay nito ang pagturol sa kakulangan at kamaliang ating natatamo sa kasalukuyan dahil sa hindi pagpapahalaga sa ating Wika. Kitang- Kita ito sa ginawang hakbang CHEd at DepEd sa pagbabalak alisin ang Filipino at Panitikan gayundin ang pagpapababa sa antas na sakop na maaaring ituro ang Filipino bilang isang asignatura. Huwag nating hintayin na ang mismong sitwasyon na ang magtakda ng kapalaran ng ttutungunhin ng wika. Ngayon pa lamang ay simulant na natin ang rebolusyon. Ang pagkakabuon ng Filipino ay hindi biro, isa itong hiyas na dapat pangalagaan, payubungin at higit sa lahat ay pakaingatan.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun Pagiging Lalaki, Pagkalalaki, at Pagkamaginoo Metacritic
Isa sa mga haghaharing uri sa mundo ay ang mga kalalakihan. Halimbawa na lamang sa Estados Unidos kung saan wala pang nailauluklok na babaeng president sa kanila. Sa kasaysayan ng China, ang mga nagpapatakbo ng mga dinastiya ay an gmg akallakihan. Sa Pilipinas naman makikita ang pagiging duminante ng mga lalaki dahil sa presensyang iniwan nito sa aspetong konstitusyunal. Kung saan makikita na halos lahat ng batas ay pumapabor sa mga kalalakihan. Paano nga ba masasabi na ang isang indibidwal ay lalaki. Marahil dahil sa kanyang kasariaan ng siya ay ipinanganak. Mayroong siyang reproductive Organ ng isang lalaki. Ngunit sa isang pahayag ni Leonardo D. de Guuzman nan a kahit daw walang likas na masama sa pagdedetermina ng kasariaan ng isang tao, nagbubunga parin daw ito ng pang-aapi dahil sa pagtawag ng pansin sa kasarian sa halip na samismong pagkatao”. Ang tinuturan ng panayag na ito ni de Guzaman ay hindidapat maging basihan ng isang pagkilala kung ikaw marahil ay isang lalake o babae mas mahalagang makita at maramdaaman ang bisan na nagagawa mo para sa lahat. Ang pagiging tulay ng pagkatao bilang lunsaran ng pagkakaisa. Paano naman masusukat ang pagkalalaki ng isang tao. Marahil sa paraan ng kanyang kilos at galaw. Ang kanyang galaw ay nagiging salamin ng kanyang pagkatao. Minsan sa pangalwang paerte na ito ng pagiging lalaki papasoka ng pagkakaron ng pagdududa sa sarili. Maraming maging rason pero iisa lamang ang maaring maging sagot. SA parteng ito iyo pang tinuturanang kabisahan ng pagkatao mo sa loob na dapat siyang salaminin ng iyong kasarian. Ang ikatlo naman ay ang Pagkamaginoo. SA pilipinas isa sa mga kinakilangan ng isang lalaki ay pagiging maginoo. Ngunit minsan ang pagiging maginoo ng isang inbidwal ay naabuso. Lahat tayo ay tao, napapagod. Pero pagdating sa mga Public Utility Vehicles ay nagiging superman ang tindigan ng mga lalaki adahil hindi sila pwedeng umupo dahil sa konsepto ng pagiging maginoo. Sa aking palagay ang konsepto ng pagiging maginoo ay dapat ituran sa sitwasyong kailangan. Hindi upang ipakita sa iba na ikaw ay malaks ngunit sa totoo lang ikaw ay mahinang nagpapanggap lamang dahil sumusunod ka lamang sa conform.
Jonathan F. Robregado ABF 1-2
Wika, Kultura at Lipunan G. Randy Sagun
Mahirap maging babae gayundin naman ang hirap na maging isang lalaki. SA tingin ko ang pinupunto ng pepel na ito na dapat walng magharing –uri parang sa wika lang yan. Wlang dpat nangingibabaw. Lhat dapat ay pantay-pnatay. Siguro masasabi mong lalaki ang isang kaharap mo kung mayroon itong paninidigan, integridad, puso, talino at higit sa lahat pagpapakumbaba. Iyana ng lalaki hindi lamang binabase sa laki ng muscles. Bagkus sa laki ng intelektwla na skapasidad na gampanan kung ano ang tungkulin niya sa lipunan.