Today's Libre 12032009

  • Uploaded by: Matrixmedia Philippines
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Today's Libre 12032009 as PDF for free.

More details

  • Words: 3,308
  • Pages: 8
Lord, I pray that my brothers get a job, so they may help us with the maintenance medication of my other brother who has a nervous breakdown. Kaming dalawa ng sister ko lang ang bumibili ng gamot niya. Kulang kasi ang salary namin sa gamot. We have own families na, that’s why we don’t have enough money for his medicines. Help us. Amen (Rosalie Pelones)

The best things in life are Libre

VOL. 9 NO. 11 • THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

RP pinaka-math-tinik Ni Jerry E. Esplanada

N

AGBULSA ng 100 medalya ang mga Pilipinong henyo sa math at nagkampeon kontra sa 19 iba pang bansa sa 2009 Philippine International Mathematics Competitions (PIMC) na dinaos nitong huling dalawang araw sa Iloilo City. Nanalo ang Pilipinas ng 24 ginto, 32 pilak at 44 tansong medalya, ayon kay Dr. Simon Chua, pangulo ng Mathematics Trainers’ GuildPhils, na nag-host sa PIMC. Pumangalawa ang Thailand na may 48 medalya, kabilang ang 20 ginto, kasunod ang Taiwan na may 46 medalya (14 ginto). Nag-uwi ng 42 medalya ang dating kampeong Tsina na nagtapos sa ikalimang puwesto. Dinaig ito ng Hong Kong na may 3 gintong medalya, lamang ng isang ginto sa Tsina. Sinundan sila ng Indonesia na may 39 medalya; South Korea, 22; Malaysia, 17; Bulgaria 10; at Singapore, 6. Lumahok din sa paligsahan ang mga kinatawan mula sa Brunei Darussalam, India, Iran, Nepal at South Africa. Noong isang linggo, umatras ang anim na bansa—Russia, Vietnam, Bhutan, Sri Lanka, Zimbabwe at Netherlands—dahil sa pangamba sa kanilang buhay makaraan ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao, noong Nob. 23. Sa 24 gintong medalya ng bansa, 16 ang mula sa paligsahang indibidwal. Si Taiwanese Professor Sun Wen Hsien, pangulo ng International Math Competitions, ang chair ng PIMC board of jurors. Vice chair si Dr. Pramote Kajornpai ng Thailand. Sa South Korea gaganapin ang pandaigdigang paligsahan sa isang taon.

SANTA LUBLOB PINAKAKAIN ng mga diver na nakabihis Santa Claus ang iba’t ibang uri ng isda na naglalanguyan sa loob ng isa sa mga higanteng tangke sa Manila Ocean Park. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa naturang pasyalan.

REUTERS

NEWS

2 RESCUE INILILIKAS ang mga pasahero ng Wonderful Stars ng Roble Shipping Lines na papuntang Ormoc City makaraan itong bumangga sa cargo ship na Subic Bay 1 ng Gothong Shipping Martes ng gabi sa Mactan Channel. May 519 pasahero at kawani ng lantsa ang nailigtas.

FVR: Gloria dapat magbitiw DAPAT magbitiw si Pangulong Macapagal-Arroyo dahil sa pagpapababa sa katayuan ng tanggapan niya bunsod ng pasya niyang tumakbo para sa isang puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos kahapon. “In the interest of fair play, she should resign so as not to give her undue advantage over whoever will run against her in Pampanga,” sinabi ni Ramos sa mga reporter sa Ninoy Aquino

Palasyo tiniyak seguridad ng huwes

TONEE DESPOJO

Ampatuan Sr. kinasuhan Ni Marlon Ramos at ng Inquirer Mindanao

HINABLA kahapon ng mga taga-usig ng pamahalaan si Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at pitong iba pang kasapi ng makapangyarihan niyang angkan para sa masaker ng 57 katao sa lumalawak na imbestigasyon na nagtulak sa pagpalit sa may 1,000 pulis Maguindanao. Iniimbestigahan ang ilan sa 1,092 pulis para sa papel nila sa pamamaslang noong Nob. 23 sa mga taga-suporta ng kandidato pagka-gobernador na si Ebrahim Mangudadatu at mga mamamahayag, ani Chief Supt. Leonardo Espina, tagapagsalita ng Philip-

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

pine National Police (PNP). Inutusan na ni Interior Secretary Ronaldo Puno kahapon si Gov. Zaldy Ampatuan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na sagutin sa loob ng limang araw ang mga paratang na nabigo siya

“to protect the civil, human and political rights” ng mga biktima. Kinasuhan ang nakatatandang Ampatuan ng multiple murder, damage to property at robbery. Kasama sa hinabla ng National Bureau of Investigation sina Nords Ampatuan, Akmad Ampatuan, Saudi Ampatuan Jr., Bahnarin A. Ampatuan, Sajid Islam U. Ampatuan, Akmad “Tato” Ampatuan Sr. at Zaldy “Puti” U. Ampatuan. Nauna nang kinasuhan ng multiple murder si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

SA KABILA ng mga banta sa buhay ng mga abogado at prosecutor, itinulak kahapon ng Malacañang ang walang puknat na pag-usig kay Mayor Andal Ampatuan Jr. at iba pang suspek sa Ampatuan massacre. “The prosecutors should go full blast in doing their jobs. They have nothing to fear and the authorities will see to it that they’re given appropriate protection while doing their job,’’ pagtitiyak ni Executive Secretary Eduardo Ermita. Sinabi ni Ermita na naatasan na ang Philippine National Police na protektahan ang mga huwes at prosecutor at maging si acting Justice Secretary Agnes Devanadera na bumubuo ng kaso laban sa mga suspek. TJB

International Airport bago tumulak pa-Australia. Tinawag niyang “inexcusably mysterious” ang pasya ng Pangulo, at “diminishes the stature of the presidency.” Ayon kay Ms Arroyo, nais lang niyang paglingkuran ang mga Kapampangan. J Aning

22

araw na lang pasko na

LOTTO 6/45

RESULTA NG

02 06 09 20 43 45 P8,832,031.20

SUERTRES SUERTRES

7EVENING 7 DRAW 8

EZ2 EZ2 5 18 EVENING DRAW

IN EXACT ORDER

FOUR DIGIT DIGIT FOUR

6 7 0 8

Editor in Chief

Chito dF. dela Vega

OFW hinahanapan ng trabaho NAGSIMULA na ang pamahalaan sa paghahanap ng trabaho para sa 200,000 Pilipinong manggagawa na nanganganib masesante bunsod ng krisis sa pautang na tumama sa Dubai. Sinabi ni Labor Secretary Marianito Roque kahapon na naghahanap sila ng mga bukas na

trabaho sa anim na iba pang teritoryo sa United Arab Emirates: Abu Dhabi, Sharjah, Ajman, Umm al Qaiwain, Ras al Khaimah, at Fujairah. Minaliit naman ni Roque ang magiging epekto ng krisis sa Dubai sa halaga ng mga remittance ng mga Pilipino. CVE

Misuari abswelto sa rebelyon PINAWALANG sala kahapon ng Makati Regional Trial Court si dating Moro National Liberation Front chair Nur Misuari sa kasong rebelyon kaugnay sa madugong pagsalakay sa isang kampo ng militar sa Sulu noong 2001. Ibinasura ni Judge Winlove Dumayas ng Makati RTC Branch 59 ang kaso laban kay Misuari at pito pang iba dahil hindi nai-

pakita ng prosekusyon na sila ang namuno sa paglusob sa kampo sa Busbos, Jolo, Sulu, kung saan may 100 ang namatay. Napawalang sala si Misuari isang araw matapos niyang ihain ang kanyang certificate of candidacy upang maging gobernador ng Sulu sa ilalim ng partidong Bangon Pilipinas. Allison W. Lopez

BLACKLIST SINUGOD ng mga militante ang tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila. Doon ay sinunog nila ang bitbit na black list kung saan nakatala ang pangalan ng mga kandidatong ayaw nilang magwagi sa halalan sa 2010. NIÑO JESUS ORBETA

Desk editors

Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist

Ritche S. Sabado Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail: [email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.

SHOWBUZZ

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

3

ROMEL M. LALATA, Editor

Starlet nagwala sa ad shoot Ng Inquirer Entertainment Staff

N

AKAPANOOD ng live drama ang mga taga-advertising nang magwala ang Pretty Starlet sa sobrang selos habang nasa set ng isang commercial shoot. Ayon sa isang mole, nagulantang si PS nang makita ang kanyang Hunky Boyfriend kahalikan si Sweet Ingénue sa isang palabas sa TV. Ay grabe raw ang pagbaha ng luha ni PS, habang binibitawan ang linyang ito na pangOscars talaga: “Why don’t you just stab me in the heart?” Kaya naman pala feeling ni HB nasasakal siya at hinahanap hanap si SI tuloy.

Join sa TV5

Nagpasya na si Kapuso Stalwart sa sumali sa bagong team ng TV5.

Mukhang malaking kawalan ang pag-alis ni KS at mukhang naiwang tuliro ang mga big boss. Lalo na’t si KS ang “mukha” sa likod ng isang matagumpay na prangkisa. Yun ba ay dahil hindi agad nabigyan si KS ng mga angkop na follow-up projects sa Kapuso channel? Ayan tuloy, mukhang nabighani si KS ng TV5 dahil sa mga malalaking proyekto, at may kasama pang corporate job.

Aray sa bulsa

Napapailing at hindi maka-

paniwala ang mga TV execs. Kinuha kasi nila itong isang Troubled Actress at ginastusan ng network ng P6 milyon—at nauwi ang lahat sa wala. Kasi biglang iniwan ni TA ang proyekto ayan tuloy at kung anu-ano nang mga problema ang tumama sa production. Nakatipid na sana ang mga TE kung kumuha na lang sila ng mga propesyunal mula sa sarili nilang talent pool.

Matigas dila 1

Bad mood si Stunning Star sa isang big advertising event. Lahat tuloy tensyonado. Buti na lang at may kumausap sa kanya at nagsabing kailangan niyang mag-behave. Inatasan siyang buksan ang kanyang charm na ginawa naman niya kaya ayun, marami naman nabighani na mga big-

shot executives. Pero nawala lahat nang alindog niya nang magsalita siya. Hindi man lang niya mabigkas-bigkas nang maayos ang pangalan ng produkto. At lipstick lang yon!

Matigas dila 2

Matapos ang ilang ulit na take, nagpasya ang mga Advertising Big Shot na piliin ipalabas ang maling pagbigkas ni Gorgeous Star ng isang salita sa TV commercial. Inisip kasi ng mga ABS na nagmukha raw kasing “real and accessible” si GS pag ganun. Ayun, naging usap-usapan tuloy ang commercial. Pero sa maling dahilan.

Puno’t bunga

Kung ano ang puno siya rin ang bunga.

Kung nababansagang gold digger itong si Sexy Starlet ng mga intrigero’t intrigera, ito ay dahil may masamang reputasyon din ang kanyang Dear Dad nung kabataan rin ito. Nakipag-hookup diumano si DD kay Lovely Singer—sa paniwala niyang isa itong milyonaryang heredera. Nang hindi siya isama ni LS sa last will nito, aba’y dagli siyang nakipag-breakup kay DD. Aray!

Di hiwalay

May umiikot na chismaks na hindi naman daw hiwalay ang High-Profile Couple na ito. Ayon sa isang mole, ikinasal diumano ang dalawa sa Mexico. Ang tsismis na breakup ay para sa mga boss ni babae na ayaw ang mga koneksyon sa politika ni lalaki.

CLASSIFIEDS

4

HOUSE & LOT

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

CONDO/TWNHSE

CONDO/TWNHSE

RESORT

FOR LEASE COMMERCIAL/ RESIDENTIAL

FOR LEASE

1. RESIDENTIAL HOUSE

#550 Batulao St., Ayala Alabang

HOUSE

2. STORE SPACES/ WAREHOUSES

– Alabang Zapote Rd., Las Piñas – Molino Rd., Dasmariñas, Cavite

3. CHEMICAL TANKS Bauan, Batangas

MEMORIAL LOT

HOUSEHOLD JOBS

TUTORIAL LESSONS

COMMERCIAL

ARCHITECTS LIPAT BAHAY

HOUSE & LOT

ALL RENTAL-NEGOTIABLE Call Tel. No. 892-26-81 ARIEL/ DING / REXIE

BEDSPACE CONDO/TWNHSE

LOT ROOM & BOARD CONDO/TWNHSE

ACCOUNTANT

FARM/FISHPEN/ RAWLANDS

ENGINEERS

HOUSEHOLD JOBS

COMML/RESDL

HOUSE & LOT

OFFICE SPACE FOR RENT

CLASSIFIEDS

OFFICE SPACE FOR RENT

RyKeroll Rent-a-Van Latest Model

CARS

CARS FOR RENT

WANTED TO BUY

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

BUSINESS OPPORTUNITIES

10 HRS. P1,800 with driver

COMMERCIAL

CAR LOAN

7878776 4095266 0921-3497170

CAR LOAN ANNOUNCEMENT

APARTMENT

HEALTH & BEAUTY

LOT FOR LEASE

MUSICAL INSTRUMENTS

BUSINESS OPPORTUNITIES

5

SPORTS

6

GIANTS PANALO

Kapalaran CAPRICORN

AQUARIUS

YYYY

‘‘‘

PPP

In the mood siya to entertain you tonight

Kung magpapa-party, konti lang imbitahin

Giginawin ka, as in giginawin ka talaga

YYYY

‘‘‘‘

PPP

Either pag-ibig yan or heart attack

Bumili ng maraming batteries at kandila

Mag-ingat sa mga foot-related injuries

YYY

‘‘‘‘

PP

PISCES

Di ninyo matatapos ang Magpadala uli ng pera sa probinsiya sinumulan kahapon

ARIES

Mapapadami na Pagkatapos kang iwan, Give to charity kesa ibili mo ng beer o alak yan naman kain mo, tsk tsk babalik siya sa iyo

YYY

Lagot adik ka na sa plants vs zombies

‘‘‘‘‘

PP

YY

‘‘‘

PP

TAURUS

Magmumukha kang tanga sa pagtrato niya

Hingin tamang sukli kahit nahihiya ka

Sa bahay ka muna, mag-hibernate

YY

‘‘

PPP

GEMINI

Balutin ang gamit niya bago ihagis sa bintana

Masyadong malaki ang sisingilin sa iyo

Umupo ng maayos sa toilet bowl

YY

‘‘‘‘

PPP

Galing niya umacting na mahal ka niya

Tutulong ka rin kasi kokonsensiyahin ka

Huwag makidagdag sa tensyon sa opisina

YY

‘‘‘‘

CANCER

LEO

LIBRA

SCORPIO

PP

Kung kailangan sa Magkukunwari siyang bading para i-break mo negosyo, bilhin agad

Y VIRGO

Matutuluan ng tubig ang mesa mo

‘‘‘‘

Akala mo itatanan ka Madami kang energy pero kikidnapin ka lang kapag malaki bayad

PPPP Basta boss nagsalita, pumalakpak ka!

YY

‘‘‘‘

PP

Magtago ka man, hindi ka niya hahanapin

Kilala ka lang nila kasi may pera ka uli

May kakalabit sa iyo, paglingon mo, wala

YYYY

‘‘‘

PPPP

Intresado siya sa iyo hindi lang halata

Madami nagpaparinig na regaluhan sila

Mag-aral ng professional wrestling

YY

‘‘‘‘

PPP

Siya ang dahilan kung Bumili ng magandang SAGITTARIUS bakit sasakit ngipin mo damit para gumanda Love:

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

Y



Money:

Dapat matuto kang magsalita ng mabilis

e k o J tim

Career:

P

e

HOLDAP LOLA: Amang, wala akong pera! HOLDAPER: Alam ko kung asan ang pera mo! (Sabay pasok ng kamay sa bra ni lola.) LOLA: Ituloy mo iho, may dollars pa sa ibaba!! —padala ni Eliza V. ng Quezon City

Painters kumislap Ni Musong Castillo

G

INIBA ng Rain or Shine ang Talk ‘N Text, 95-93 sa KFC PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Iniskor ni dating La Salle enforcer Ryan Araña ang 11 puntos sa fourth quarter na sumindi sa umaapoy na pagbabalik ng Elasto Painters na follow-up sa kanilang matikas na upset Purefoods Tender Juicy Giants. Sa ikalawang laro, dinaganan ng Purefoods Giants

ang Coca Cola Tigers, 88-79.Tinapos ni Araña ang sagupaan na may 20 puntos na bumalewala sa hindi paglalaro ni starting pointguard Solomon Mercado. Dahil sa panalo, umakyat ang Elasto Painters sa 3-7, samantalang dumausdos sa 6-4 ang Tropang Texters.

“This is a big win for us,” wika ni coach Caloy Garcia habang katabi si Araña sa press room. “He’s been a bigtime player ever since college. That’s what we lack, a go-to-guy. “Good thing he delivered (offensively) because he doesn’t know how to play defense.” Pinangunahan ni Harvey Carey ang Texters na may 14 puntos na tumulong sa Texters na kunin ang 85-73 abante.

Suns pinalamig ng NY Knicks NEW YORK — Tumipa si Danilo Gallinari ng 27 puntos at dumukot ng 10 rebounds upang tulungan ang New York Knicks na palamigin ang Phoenix Suns, 126-99, Martes sa NBA. Pinutol ng Knicks ang fivegame losing streak at ibinigay kay dating Suns coach Mike D’ Antoni ang panalo. Nagdagdag si David Lee ng 24 puntos at may 22 si Al Harrington para sa Knicks na may season-best 71 puntos sa first half. Gumawa si Steve Nash ng

20 puntos at nagbigay ng walong assists para sa Suns na bumagsak sa 14-4. Bago ang laro ay dala ng Suns ang four-game winning streak na kung saan ay nagwagi sila ng 21.3 average. Apat seasons naging head coach ng Suns si D’Antoni bago siya tanggalin matapos ang pagkatalo ng Suns sa San Antonio Spurs sa first round ng playoff noonf 2008. Samantala, si New Jersey general manager Kiki Vandeweghe na ang magiging coach ng Nets ngayong sea-

son. Maraming ininterbyu na aplikante ang Nets ngunit nag-desisyon ang manedsment na kunin na lang si Vandewehge. Sinibak ng Nets si coach Lawrence Frank noong nakaraang Linggo. Bagsak sa 0-17 marka ang Nets ngayong season. KUMPLETONG RESULTA: Boston 108 Charlotte 90; Washington 106 Toronto 102; NY Knicks 126 Phoenix 99; Denver 135 Golden State 107; Miami 107 Portland 100; LA Lakers 110 New Orleans 99. Inquirer wires

Tamaraws, Lions abante Ni Cedelf P. Tupas INUNGUSAN ng Far Eastern University ang University of the East, 86-85, at pumasok sa semifinals ng Philippine Collegiate Champions League kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Binura ng Tamaraws ang anim puntos agwat ng Red Warriors sa huling dalawang

minuto upang iposte ang panalo. “It’s a miraculous win,” sabi ni FEU coach Glenn Capacio. “I’m happy they did not give up. There were doubts that we were not going to pull it off. But we played good defense and that won it for us.” Sa unang laro, binigo ng San Beda Red Lions ang Mapua Cardinals, 77-75.

Blockbuster bout slated March 13—Yahoo Sports THE FIGHT EVERYBODY IS SALIVATING about to become a reality. Top Rank chief Bob Arum is set to arrive in Manila anytime soon to present a fight contract that will pit seven-division champion Manny Pacquiao against undefeated welterweight star Floyd Mayweather Jr. possibly on March 13, reports on the web revealed yesterday. The reports said that Mayweather had already agreed in principle to the fight, with both camps bowing to relentless public pressure and foregoing plans to engage in tuneup matches before colliding in the ring in a bout that could end up wiping out boxing’s box-office records. Yahoo Sports, which carried the report, tagged Las Vegas, Dallas and New Orleans as possible hosts to the fight. The Nevada gambling capital, though, should have an edge in the race to host the fight because Mayweather is based in Las Vegas and Pacquiao has historically preferred to fight there, too.

CHAMP 2009 Tour of Luzon champion Mark Guevarra is the new Pollen-B endorser. The cycling king is proud to be associated with a product from England that has been known for decades as a natural health supplement for zest and vitality. The unique food supplement in tablet form is made with pure beecollected pollen. Guevarra, who is now competing in Indonesia, will soon represent the country in Laos.

SPORTS So, Malakhov muling nagtabla KHANTY-Mansiysk, Russia—Tabla na naman ang sulungan nina Pinoy GrandmasterWesley So at Russian super GM Vladimir Malakhov sa fourth round ng 2009 World Chess Cup. Dahil dito, maghaharap sa rapid tiebreak matches Miyerkules ang magkatunggali sa Khanty-Mansiysk Center of Arts dito. Haharapin ng magwawagi si third seed at Russian GM Peter Svidler. "Generally speaking, I am OK if the classical games were drawn. Here the tie break goes. To my mind I play tie breaks better than classical games. But my previous opponents did not give me any chance to come to the tie breaks," sabi ni So sa official World Cup website.

Friday, Dec. 4

Sunrise: 6:01 AM Sunset: 5:24 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)73%

LUKAS Juan, 21, Accountancy graduate ng PUP

RODEL ROTONI

topmodel

THURSDAY, DECEMBER 3, 2009

Mahusay

YAKANGYAKA SERYOSO si Rubilen Amit habang inaasinta ang kanyang tira, samantalang nakatingin si Bata Reyes.

Ni June Navarro

U

MABANTE sina Efren “Bata’’ Reyes at Rubilen Amit sa World Mixed Doubles Classic final matapos duruguin ang Team Europe nina Mika Immonen at Borana Andoni, 7-1, kahapon sa Nuvo City Lifestyle Center sa Libis, Quezon City. “I struggled with my breaks. Luckily, her (Amit) breaks and pocketing were excellent,’’ wika ni Reyes. Nanguna ang Team Philippines sa Group A at tutumbukin nila ang tambalan nina Charlie Williams at Eun Ji Park ng South Korea na nagwagi sa Group B kontra Lee Vann Corteza at FilAm Shanelle Loraine ng Team Philippines B, 7-3. Hinila ng masamang laro ni Andoni

ang Team Europe na nag-resulta sa 4-0 abante ng Team Philippines. Bagamat nakuha ang fifth frame, 1-4, rumatsada na sina Reyes at Amit sa kasunod na tatlong frames. Nagwagi ang Team Philippines sa tambalan nina Hayato Hijikata at Kaori Ebe ng Japan, 7-4, sa first round.

7

RODEL ROTONI

“I was quite tentative yesterday (Tuesday) because I don’t want to disappoint him (Reyes),’’ wika ni Amit. “But he told me to just play my usual game and don’t put pressure on myself. Those kind words of encouragement really helped.’’

HIRING!!! REAL ESTATE ASSOC./CONSULTANT • • • • • • •

20-27 years old Male at least 5’6” ht. Degree holder (any 4-year course) With pleasing personality with/without experience Ambitious, dynamic, flexible, aggressive Metro Manila based 10,000 - 12,500 basic plus incentives, commissions and travel abroad

TEXT OR CALL 0928-3498736

Related Documents

Todays Libre 03312009
April 2020 45
Todays Libre 04012009
April 2020 35
Todays Libre 03262009
April 2020 38
Todays Libre 12162008
December 2019 21
Todays Libre 040209
April 2020 12

More Documents from "Matrixmedia Philippines"

June 2020 8
Today's Libre 11102009
June 2020 11
Libre-08122009
May 2020 7