Today's Libre 11272009

  • Uploaded by: Matrixmedia Philippines
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Today's Libre 11272009 as PDF for free.

More details

  • Words: 5,296
  • Pages: 12
VOL. 9 NO. 7• FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

The best things in life are Libre

PINAGKAGULUHAN. Kinuyog ng mga taga-midya si Andal Ampatuan Jr., mayor ng Datu Unsay, Maguindanao, pagdating niya sa airport ng General Santos City kahapon.

Ampatuan Jr. dinala sa NBI Basahin sa page 2

NEWS

2 KAMBAL na halik ang pinangsalubong nina Efren , Sr. at Lucia sa kanilang anak na si Efren Peñaflorida, ang 2009 CNN Hero of the Year, nang dumating ito kahapon sa airport.

Andito na si Kuya Ef DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport si CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida lulan ng Northwest flight (NW281) 11:25 Miyerkules ng gabi. Tangan ang plakeng sagisag ng karangalang nakamit, tinanggap si Peñaflorida ng daandaang mag-aaral at guro ng Dynamic Teen Co. (DTC), na humiyaw at nagwagayway ng mga watawat ng Pilipinas. Dinumog nila si Peñaflorida, niyakap at hinalikan habang sumisigaw ng “Kuya Ef” at “Bayani!” Kinilala ng CNN si Peñaflorida, 28, para sa pagsisimula ng isang “pushcart classroom” upang maghatid ng edukasyon sa

ROGER MARGALLO

Suspek sa masaker hinuli Ampatuan Jr. sa NBI sa Maynila nakapiit GENERAL Santos City—Kinukubli pa ni Andal Ampatuan Jr. ang mukha sa isang scarf habang pinauulanan ng mga tanong ng mga reporter hinggil sa umano’y pag-uutos niya sa masaker ng 57 katao noong Lunes. “The reason I came out is to prove that I am not hiding and that I am not guilty,” ani Ampatuan, alkalde ng bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao, na pinamumunuan ng angkan niyang malapit na kakampi ni Pangulong Macapagal-Arroyo. Isinuko siya ng kapatid na si Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan kay Presidential Assistant for Mindanao Secretary Jesus Dureza kahapon ng umaga. Dalawang oras na naghintay

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

si Justice Secretary Agnes Devanadera sa pagdating ng helicopter na sinakyan ni Ampatuan, kasama si Dureza, papunta sa lungsod na ito. Dinala ang alkalde sa VIP Lounge para sa summary inquest makaraang dumating ang abogado niyang si Seigfred Fortun nang hapon. Nagpupuyos sa galit si Esmael Mangudadatu, vice mayor ng Buluan. Kasama sa mga pinaslang ang asawa niya, dalawang kapatid na babae at dalawang abogado habang bumibiyahe upang

ihain ang kanyang certificate of candidacy para sa pagka-gobernador ng Maguindanao sa halalan ng Mayo 2010. Tinangka niyang ambaan si Ampatuan, ngunit napigilan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI). Anang kapatid niyang si Buluan Mayor Ebrahim Mangudadatu: “We want justice. We leave this to the law ... We are educated. We do not kill people.” Nilipad sa Maynila si Ampatuan 3:50 ng hapon. Dinala siya sa tanggapan ng NBI sa Maynila kung saan mahigpit ang pagbabantay sa kanya. TJB, JRU, JIA, DZP, LBS, VC, AZZ, RMVG, DJS, CS, JSA, AFP, Reuters

mahihirap na bata bilang alternatibo sa pagsali sa mga gang. Nakapaghatid na ang DTC ng aklat sa may 1,500 bata sa mga maralitang lugar at lansangan. Igagawad sa kanya ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang Order of Lakandula. Niña Calleja

RESULTA NG

LOTTO 6/42

01 06 12 21 35 41 P8,722,985.40

LOTTO 6/49

RESULTA NG

Hamon sa Comelec: Mapayapang halalan sa Maguindanao

07 24 27 33 46 47

DAPAT nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga hakbang upang matiyak na matahimik at matapat ang mga halalan sa Maguindanao kasunod ng mga politikal na pagpatay sa lalawigan, sinabi ni Akbayan Rep. Walden Bello. Idinagdag ni Bello na dapat ay Comelec at hindi ang Armed Forces ang mamahala sa botohan doon. Aniya, dapat ipag-utos ng Comelec sa pulis at militar na simulan na ang pagdisarma sa mga warlord sa Maguindanao, bagay na dapat ay matagal nang ginawa. Iyan ang magiging daan sa mapayapang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, dagdag niya. LBS

P16,000,000.00 SUERTRES SUERTRES

3 8 8 EVENING DRAW

EZ2 EZ2 25 20

EVENING DRAW IN EXACT ORDER

SIX DIGIT DIGIT SIX

5 9 2 7 9 6

Editor in Chief

Chito dF. dela Vega Desk editors

Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist

Saksi: Sumunod lang kami sa utos (Editors note: Lumabas ang artikulong ito kahapon sa website ng Qatar-based na Arab news organization na Al-Jazeera) SINALAYSAY sa Al-Jazeera ng isang lalaking nagsabing nasaksihan niya ang masaker noong Lunes sa Maguindanao kung paano siya inutusan na patayin ang mga kasapi ng a n g k a n g k a l a b a n s a p u l i t ika—kabilang ang mga babae at bata—at tiyaking walang maiiwang ebidensya. Ayon sa saksing nagpakilalang “Boy,” mahigit 100 silang armadong kalalakihan na nagpatigil sa isang convoy ng mga taga-suporta at mamamahayag, dinala sila sa isang liblib na lu-

gar sa may kabundukan kung saan sila pinagpapatay. Sinabi ni “Boy” kay AlJazeera correspondent Marga Ortigas na nagmula ang utos kay Andal Ampatuan Jr., alkalde ng bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao at kasapi ng makapangyarihang angkang malapit kay Pangulong Macapagal-Arroyo. “Sinabi mismo ni Datu Andal sa amin: Kahit sinong Mangudad a t u — b a b a e m a n o b ata—kailangang patayin … Hindi na namin tinanong kung bakit, sinunod na lang namin.” Hindi bababa sa 57 katao ang natuklasang nasawi sa masaker noong Lunes.

Ritche S. Sabado

WHO bibigyan Pinas ng bakuna sa H1N1 TATANGGAP ang pamahalaan ng siyam na milyong dose ng bakuna laban sa influenza A ( H 1 N 1 ) m u l a s a Wo r l d Health Organization (WHO). Inihayag kahapon nina Health Secretary Francisco Duque III at WHO Director General Margaret Chan na ipinangako ng ahensiya na bigyan din ng bagong tuklas na bakuna ang mga umuunlad na bansa. Nangako naman ang pamahalaan na ire-record ang pagbibigay ng bakuna at sabihin sa WHO kung may mga hindi inaasahang mararana-

san ang mga babakunahan. Sinabi ni Chan na darating ang unang kargamento ng 1.2-milyong dose ng bakuna bago matapos ang taon. Ibinunyag ni Duque na uunahing bakunahan ang may 400,000 health workers na may “higher risk of getting the disease ... due to the larger probability of exposure.” “The vaccines will be given free of charge,” diin niya. Sunod na babakunahan ang mga buntis, mga may malalang sakit, batang limang taon pababa at matatandang higit 60 anyos. DZP

Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail: [email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.

Slider phone na may wireless FM para sa lahat N G AY O N , h i n d i n a kailangang i-connect ang earphones upang makinig sa iyong favorite FM station. Inilunsad ng LG Electronics ang bago nitong modelo ng cellphone na may Wireless FM — ang LG GB230 slider phone, isang stylish phone na may built in antenna. Gamit ang LG G B 2 3 0 , m a a r i n g irecord ang FM tuner at i-edit ang ni-record na music bilang ringtone. Ta m a n g - t a m a n g panregalo ngayong

card slot na hanggang 2GB, at Bluetooth 2.1 + EDR. Mabibili ang LG GB230 slider phone

Pasko, hitik ang LG GB230 sa iba pang features tulad MP3 Player/MPEG4 Video, 2 megapixel camera, at 6MB integrated m e m o r y, m i c r o S D

na may Wireless FM sa halagang P5,400. Para sa iba pang kaalaman, bumisita sa www.lge.com

FEATURES

4

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

UST AB Alumni Awards

WITH

DQ birthday blowout winners

KASAMA ni Janine Rafael (kaliwa) ang kanyang mga kaibigan sa napanalunan niyang blowout para sa kanyang birthday sa Dairy Queen Gateway Food Express branch noong Nov. 19. ANDREW TADALAN

THE UNIVERSITY of Santos Tomas Artlets Alumni Association (USTAAA) has formed the search and awards committee for outstanding graduates of the college. To be known as the AB’s G.A.N.T.I.M.P.A.L.A, (Gov’t service, Advocacy, Nation-building, Teaching, Media and Communications, Public Relations, Advertising, Law and Justice and Apostolate), the alumni awards aim to acknowledge graduates of the Faculty of Arts and Letters who have excelled in their chosen fields of expertise. In tandem with AB’s GANTIMPALA, Gawad Alab will be conferred to winners of prestigious awards like the Pro Ecclesia et Pontifice, National Artist, Ramon Magsaysay,

Catholic Mass Media, The Outstanding Thomasian Alumni (TOTAL), TOYM, TOWN, Palanca, Dangal ng Lipi/Lahi, etc. and Gawad Adhika will recognize the prime movers of major college projects and activities. To be formally launched on Dec. 2 at the Audio-Visual Room of St. Raymund’s Bldg., in time with the association’s Christmas get-together, the project hopes to affirm Artlets who are commendable role models as alumni and to uphold the tradition of gratitude and loyalty to the Faculty of Arts and Letters. Nominations for the three-inone awards may be forwarded to the UST AAA office at the Ground Floor of the AB Bldg. up to Jan. 6, 2010. The new members of the UST AAA Board are Edgar Morada, Dang Uy-Koe, David

Casuco, Nicky Salandanan, Patria Manalastas-de Leon, Ajie Paras-Angeles, Malou Agregado, Anna Lissa Santos-Villar, Edna de Jesus-Ocampo, Jay de Castro, Jay Calpo, Romeo Teope, Nenet Galang-Pereña, Buboy Geronimo, Bob Novales, Jones Campos and Val Pelayo. Council of Advisers includes present AB Dean Michael Anthony Vasco and former Deans Armando de Jesus, Belen Lorezca-Tangco, Ophelia AlcantaraDimalanta and Magdalena Alonso-Villaba. The search and awards committee members are Zyrel Paas, Julie Cabrera-Sy, Anabelle Ochoa, Teddy Pereña, Ric Dimaculangan, Chito de la Vega, Marinel Cruz and Hernani Geronimo. For inquiries, call 406-1611 loc 8374 or 894-3576 or send e-mail to [email protected].

Quirino: Continue efforts against A(H1N1)

NOV. 21— Eurickha Keith S. Albener, 5, Manila

NOV. 23— Liam Shen M. Guiang, 1, Pampanga

NOV. 24— Bianca San Juan, 9, Bulacan

Linggu-linggo, isang lucky birthday celebrator ang mananalo ng Dairy Queen blowout. Upang makasali, i-text ang LIBRE (space) kumpletong pangalan, magiging edad, lugar, petsa ng kaarawan sa 0917-8177586 o sa 0920-9703811 dalawang linggo bago ang birthday mo. Halimbawa: LIBRE Eileen Camarillo, 34, Parañaque, Nov. 28

NOV. 26— Urieh Quiriado, 2, Manila

NOV. 26— Nelson B. Calupaz, 40, QC

NOV. 26— Eunice Kate S. Albener, 4, Manila

Puwede ring ipadala ang mga detalyeng ito sa [email protected] at magsama ng picture at contact numbers.

rapidly for the last two weeks in different parts of Europe – leaving 1.3 million sick, 75,000 hospitalized and almost 300 deaths from still an unknown strain or mutation of the swine flu virus. Palacios explained that Enzacta is the exclusive worldwide distributor of Alfa HF1. Its health prevention technologies are backed by 15 years of research and development. Alfa HFI is a Viral Fusion Inhibitor which prevents all types of viruses from attaching them-

selves to the cells of the host body thus preventing contamination and spread of the virus. “For those who need to build resistance from all viruses such as flu, dengue, HIV, HPV, swine flu, among others, the first caplet gets you on your way to building virus resistance,” Palacios stressed. Those interested in Enzacta Philippines’ Alfa HF1 (antiswine flu product) may visit Enzacta offices at Unit 1118 Cityland Mega Plaza Condominium (back of Robinson’s Galleria) Ortigas, Pasig City. For more information, call 706-5876 or fax 706-5448.

topmodel Saturday, Nov. 28

Sunrise: 6:02 AM Sunset: 5:25 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)70%

ERIKA Mae Vergara, 18, 3rd yr. BCS Major in Marketing sa Jose Rizal University

RODEL ROTONI

DINAOS ni Rowena de Torres (gitna) ang premyo niyang blowout sa Dairy Queen Ali Mall branch noong Nob. 19. Kasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay. ROMY HOMILLADA Samantala, binabati ng INQUIRER LIBRE ang mga sumusunod:

HEALTH and wellness expert and enthusiast Cory Quirino recently urged health advocates to continue efforts on health prevention technologies against A(H1N1) scare as an “urgent global health concern.” On Quirino’s Sunday noontime radio program MaBeauty Po Naman over DZMM, special guest Enzacta Philippines Senior Director Hans Palacios said that their group also calls vigilant efforts against another growing world pandemic called “Pneumonic Plague,” spreading

FEATURES

Hamon sa 2 Binibini Ni Armin Adina

T

APOS na ang Miss Earth ngunit may dalawang malaking patimpalak pa na dapat abangan.

Umarangkada ang Pilipinas sa Miss Earth sa pagsungkit ni Sandra Inez Seifert sa ikalawang puwesto at sa mga parangal na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown. Ngayon naman, masusubok ang ganda at galing ng mga Binibining Pilipinas na sina Marie-Ann Umali at Melody Gersbach. Haharapin ni Gersbach ang mahigit 60 kinatawan sa Miss International na gaganapin sa Cheng-

du, China. Sisikapin ng 23taong-gulang na Bicolana na mapanatili ang magandang rekord ng Pilipinas sa Miss International kung saan apat na kababayan na ang nagwawagi — sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979) at Precious Lara Quigaman (2005). Nahigitan lang ito ng Venezuela na may limang panalo sa naturang paligsahan.

Samantala, tatangkain naman ni Umali na iuwi ang unang panalo ng

GERSBACH

Pilipinas sa Miss World. Ang pagtatapos ni Evangeline Pascual sa ikalawang puwesto noong 1973 ang pinakamataas nang nakamit ng Pilipinas sa patimpalak. Pumangatlo si Ruffa Gutierrez makalipas ang 20 taon. Katunggali ni Umali, 22, ang mahigit 100 delegada sa patimpalak na idaraos sa Johannesburg, South Africa. “My singular goal is to bring home that crown,” anang Caviteñang nagtapos ng Tourism sa De La Salle-College of St. Benilde. Mataas naman ang pag-asa ni Binibining Pilipinas Bianca Man-

Your World. Your Lifestyle A member of the Rustan Group of Companies and the exclusive franchisee of high end brands such as: Lacoste, Gucci, Armani Exchange, Ferragamo, Nine West, Prada, Polo Ralph Lauren, Kenneth Cole, Calvin Klein, Makeroom, Beauty Bar, Lush and more….

URGENT HIRING for:

CASHIERS Female, between 20 to 28 years old At least 5’2” in height Graduate of any business related course At least 6 months cashiering work experience preferably in a retail company Smart looking and with good communication skills

SALES CONSULTANTS Female, between 18 to 27 years old At least 2 years in college; 5’2” height for female and 5’7” for male Personable, with clear complexion and good communication skills Interested applicants are invited to personally apply at the address stated below:

STORES SPECIALISTS, INC. Personnel Department G/F Accelerando Bldg. 395 Sen. Gil Puyat Ave., Makati City (Walking distance from MRT Buendia Station/ beside Jaguar Cars Showroom) Applicants shall be entertained everyday starting at 9:00 am to 11:00 am. Please bring your comprehensive resume, TOR/Certification of grades and recent photo.

alo, isa sa mga paborito sa Miss Universe pageant sa Bahamas nitong Agosto, na magpapakitang-gilas ang mga kapwa niyang reyna. Ani Manalo, mapapansin si Umali dahil sa kanyang “positive attitude.” Magugunitang nabigo si Umali na mag-uwi ng korona sa una niyang pagsabak sa Binibining Pilipinas noong 2006. Ngunit muli siyang lumahok nitong Marso, at nanalo ng isang korona at mga parangal na Best in Evening Gown at Miss Photogenic.

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009 Samantala, sinabi ni Manalo na lulutang ang ganda ni Gersbach dahil mukha siyang isang “Barbie doll.” Mahigit pitong buwang naghanda sina Gersbach at Umali

5

para sa kani-kanilang patimpalak. Pinayuhan din sila ni Manalo. “Everything I learned in the Miss Universe pageant I shared with them,” aniya. Ayon kay Manalo, pinakamahigpit na katunggali nina Umali at Gersbach ang mga kinatawan ng Mexico sa dalawang pageant.

KAWIT, CAVITE

Near Imus Boundary

P3,500

Per Month Thru Pag-IBIG

RESERVATION – 5,000 NET DOWN – 4,131 (x15 months)

UMALI

Call: Lena Ropan Tel.: 387-4028 CP: 0927-5186-088

SHOWBUZZ

6

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

ROMEL M. LALATA, Editor

Meh ganon? Rebyu ni Vives Anunciacion The Twilight Saga: New Moon Directed by Chris Weitz

P

ARA sa mga magulang, iispelingin ko na po, dahil parang walang gustong magsabi ng dapat sabihin.

ANG loveteam nina Bella at ng kanyang bampirang si Edward

ANG barkada ng mga maskuladong werewolves

Sa ikalawang pagkakataon pagkatapos ng saksakan nang matagumpay na aklat at pelikulang Twilight, inuulit ni Bella Swan ang pinakamimithi niya. “Kiss me,” sabi ng teenager. Basahin ninyo ulit ang mga aklat at panoorin ang pelikula, bilangin ninyo kung ilang beses niya itong sinabi, at pagkatapos ay ipaliwanag sa mga dalagita

Jinkee takes round 3 FIRST, the wild gossip. Then the flat denial. But this did not put out the fire, no! Tuesday night, Jinkee Pacquiao spoke on nationwide television, effectively reversing her husband Manny’s earlier insistence that rumored paramour Krista Ranillo is just a close friend. To her credit, Jinkee was reluctant to tackle the issue. But when interviewer Jiggy Manicad (24 Oras, GMA 7) asked what she would say to Ranillo, given the chance, “round 3” started — the unguarded outpouring. Jinkee’s oblique confirmation that all wasn’t well did not escape... anyone. Speaking in Filipino, she asked if any girl would be happy in a relationship with a married man, knowing that this

JINKEE Pacquiao could rip apart the man’s family. Some lines were more direct than others: “She’s young... there are many other things she can aspire for.” Last Sunday, Jinkee said

on Showbiz Central: “We’re still talking about our problem.” If we go by unstoppable online posts, a good guess is that it’s a Manny, not money, problem. Inquirer Entertainment Staff

ninyo kung bakit gano’n na lang ang pangangati ni Bella. Alam n’yo na ang ibig kong sabihin, at ito ang nakagugulantang. Aklat at pelikula itong sinadya para dapat sa mga teenager. Pero ang subtext ay R18. Sa ika-18 na birthday ni Bella (Kristen Stewart), isang aksidente sa bahay ng mga Cullen ang puputol sa paglalandian ng love team at maghuhudyat kay Edward (Robert Pattinson), sa utos na rin ng amaing si Carlisle (Peter Facinelli), na lisanin ng pamilyang Cullen ang Forks, Washington, at iwan niya ang kasintahan. Siyempre devastated at depressed si Bella, at ang susunod na isang oras mahigit ng pelikula ay pagsasadula kung paano mag-adjust si Bella sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal. Nandiyan ang tumitig sa bintana nang matagal (alam kong illustration lang ito pero iyon ang punto — wala siyang ginawa nang ilang buwan.) Naisipan din niyang sumama sa isang estranghero kahit na obvious kung ano ang pakay nito sa kanya. Sumakay din siya sa motorsiklo nang walang suot na helmet, na muntik na ika-bagok ng kanyang ulo. Buti na lang nandiyan ang bago niyang manliligaw na si Jacob (Taylor Lautner), para maghubad at idisplay ang kanyang maskuladong katawan kay Bella.

Ayaw ’yan ni Edward. Ang huli niyang gagawin ay tumalon sa bangin at mag-dive sa dagat. Sa Italy, akala ng powers ni Edward, namatay na si Bella. Magpapakamatay sana si Edward sa harap ng madlang pipol, pero sa tulong ng kapatid niyang si Alice (Ashley Greene), mapipigilan ni Bella si Edward. Hindi pa iyon ang happy ending, mas nakagugulat pa roon. Ang mga eksena kung saan nilagay ni Bella ang kanyang sarili sa kapahamakan ay mga paglalarawan sa nararamdaman niyang angst at depression. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang may mangyari sa katawan niya, dahil walang nangyayari sa kanila ni Edward. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ito mapansin ng mga nakatatandang manonood, at dapat R13 ang palabas sa halip na PG13. Tungkol sa teenage sex and hormones ang kasalukuyang dalawang Twilight movies, at magiging mas masalimuot pa ito sa Twilight Saga: Eclipse kung saan marriage, pre-marital sex at teen pregnancy ang mga issue. Hindi ito malayo sa palabas sa telebisyon na Katorse, ang kaibahan lang ay ipinapakita sa TV ang paghihirap ni Nene bilang isang disgrasyada. Sa Twilight, gwapo at palaging naghuhubad ang mga lalaki. “You’re sorta beautiful,” sabi ni Bella kay Jacob. Hay nako.

ENJOY

8

Kapalaran YYY

‘‘‘‘

CAPRICORN

Y

‘‘‘

PP

AQUARIUS

Once mo lang makikita tapos forever hindi na

Madali kang maawa sa nangangailangan

Foot powder yan, hindi yan pulbo

YY

‘‘

PISCES

Magastos sa kuryente Magkakamali ka na mga bumbilya mo naman ng hirit mamaya

YYYY

‘‘

PPPP

ARIES

May makakatitigan ka mamaya--long hair ka!

Lonely ang ref niyo, wala kasing laman

Kapag napasubo, nguyain mo na lang

‘‘‘

PP

TAURUS

Magda-drop siya hints na ayaw na niya sa iyo

Tatrangkasuhin ka na, may kasama pang LBM

YY

‘‘‘

PPP

GEMINI

Magtataka ka bakit matigas ang pwet niya

Umutang lang sa hindi mo kaibigan

Tanda mo na, gusto mo pa ring pinagsasabihan

YYYY

‘‘‘‘

PPP

CANCER

Gusto mo ng security? Mamimigay ka ng food Huwag munang lalabas kaso hindi nila type Umibig sa sikyu sa iyong lungga

SCORPIO

BLADIMER USI

‘‘‘

PP

Pagbigyan mo once, Tingnang maigi ang bill, Tanggalin na braces, baka dinadaya ka na nakakapangit yan no aabuso na yan

YYYY

LIBRA

UNGGUTERO

PP Wala kang inaaway pero madadamay ka

Mananalo ka kaso hindi cash prize

VIRGO

STEPH BRAVO

Solusyon hanapin mo, huwag hustisya

YY

LEO

FULLHOUSE PP

Ok lang kapag masakit, Hindi madudukot pera kung walang bulsa hindi ka pa manhid

YY

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

‘‘‘

PPPP

Mas ok pa yung Mahilig sa ‘for da boys’ Mag-eenjoy ka sa Ninja kasi type pala boys murang gupit sa barber Assassin--so violence!

Y



PPPP

Nakipagpustahan siya kaya ka lang niligawan

Mas ok mangarap kung walang pera

Idaan mo sa jack en poy, mananalo ka

YY



PP

Late siya parati kasi galing sa ibang date

Uutangan ka na, nanakawan ka pa

Maiinom mo ang kape ng may kape

‘‘‘‘

PP

YYYYY SAGITTARIUS

Tapos na playtime, seryosohan na! Love:

Y

Mahahabol din ng pera Tuturuan mo sila ng mo mga utang mo leksyon—mali naman



Money:

e k o J tim

Career:

CROSSWORD PUZZLE

17. 19. 21. 22. 26. 27. 28. 31. 33. 34. 36. 37. 38. 39. 40.

P

e

MGA ANGAS

Nervous Rise Brace Handle Us Nimble High mountain Vehicle Rodent Brags Ceremony Napping Fermented beverages Leans Marry

DOWN

"Panakip butas mo lang pala ako!" — Panty

ACROSS 1. Limit 4. Peaks 9. Mount 10. Appeared

12. 13. 14. 15. 16.

Curves Noses Spring Distress signal Posed

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.

Rug Secret Foot Likewise Of the consul Barn sound Australian birds Stiff hair Poles

11. Daylight saving time 15. Chosen 18. Stitch 20. Dowel 23. Having masculine power 24. Ecstatic 25. Anatomical networks 28. Arab garment 29. Missing 30. Light 32. Venomous snake 35. Currency 36. Uncooked SOLUTION TO TODAY’S PUZZLE

SPORTS

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

9

Kings pilay vs Tigers Ni Musong R. Castillo

A

NTIPOLO—Matagal ng kilala at kinatatakutan ang lakas ng Barangay Ginebra sa backcourt. Ngunit iba ang sitwasyon sa KFC PBA Philippine Cup

matapos masaktan sina Jay-Jay Helterbrand, Mark Caguioa at Celino Cruz. Nais ng Gin Kings na wakasan na ang kanilang twogame losing streak laban sa kulelat na Tigers ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City. “We didn’t expect this to happen,” ani coach Jong Uichico. “Who would have thought that (one day) we PBA STANDINGS

Team Alaska SMB Ginebra Sta. Lucia Talk ‘N Text Purefoods BK Barako Rain/Shine Coke

W 8 7 5 5 5 4 3 2 2 1

L 1 2 3 3 3 4 5 7 7 7

MGA LARO NGAYON (Ynares Center, Antipolo) 5 p.m. – Talk ‘N Text vs Burger King 7:30 p.m. – Coca-Cola vs Barangay Ginebra

would run out of point guards. But definitely, we will go with what we have tomorrow.” Sinabi ni Uichico na aasa ang Kings sa mga laro ng beteranong si Johnny Abarrientos na isang taon na sa reserved list at ang baguhang si Kevin White. Sinabi ni Uichico na maraming pangalan ang sumulpot upang mapalakas ang Ginebra backcourt ngunit wala ng kakayahan ang Kings na magbigay ng matagal na kontrata. Lumaro si Abarrientos tatlong linggo na ang nakaraan ngunit nasaktan ang kanyang middle finger kontra Red Bull. May bruised knee si Helterbrand at si Caguioa naman ay higit na seryoso ang problema sa tuhod. Bali ang kanang middle finger ni Cruz. Samantala, puntirya ng kampeong Talk ‘N Text ang back-toback win sa pagharap ng Tropang Texters laban sa Burger King 5 p.m.

Nadal laglag na sa World Tour LONDON—Masaklap ang karanasan ni Rafael Nadal sa ATP World Tour Finals Miyerkules sa O2 Arena dito. Natikman ni Nadal, world number two, ang ikalawang sunod na talo matapos yumuko kay Russian Nikolay Davydenko, 6-1, 7-6. Ang pagkatalo ay limang buwan matapos hindi maidepensa ni Nadal ang kanyang titulo sa Wimbledon dahil sa tendinitis. “I fought a lot. I tried my best all the time but it wasn’t enough to win these matches,” sabi ni Nadal na natalo kay Robin Soderling sa first round. Kung bigo si Nadal,

nakuha ni Swede Robin Soderling ang karangalan bilang unang manlalaro sa semifinals matapos gulatin si world number three Novak Djokovic, 7-6, 6-1. Pinalitan ni Soderling sa torneo si Andy Roddick na may injury. Wala ng pag-asa si Nadal na umabante sa semifinals kahit talunin niya si Djokovic sa kanyang huling laro. "Wake up Rafa, remember you’re the number two in the world,” sigaw ng isang batang manonood kay Nadal. Inabot ng pagod si Djokovic na lumaro ng 100 beses sa ATP Tour bago ang bakbakan. Reuters

ATAKE UMAATAKE si Miami Heat guard Dwyane Wade (kanan) habang nakabantay si Orlando Magic forward Mickael Pietrus sa NBA Miyerkules sa Orlando, Florida. Tinunaw ng Heat and Magic, 99-98.

AP

Kidd tinulungan Dallas Mavericks; Allen Iverson nag-iisip magretiro HOUSTON—Umakyat si Jason Kidd sa ikalawang puwesto sa NBA all-time assist list matapos niyang tulungan ang Dallas Mavericks na talunin ang Houston Rockets, 130-99, Miyerkules. Gumawa ng pitong assists si Kidd tungo sa kabuuang 10,337. Naunahan ni Kidd si Mark Jackson (10,334) ngunit hinahabol pa rin niya si John Stockton na may 15,806. Nangunguna ang Mavericks (11-4) sa Southwest Division. Bumuslo si Jason Terry ng 27 puntos at may 25 puntos si Dirk Nowitzki para sa Dallas na ginamit ang 18-4 run sa fourth quarter. May 24 puntos si Carl Landry at 20 puntos si Trevor

Ariza para sa Rockets (8-7). Samantala, ayon sa isang online report, nakatakdang magretiro si Allen Iverson ngayong season. Sinabi ni Stephen Smith sa isang pahayag sa web, malaking dahilan sa desisyon ni Iverson ang kawalan ng interes ng mga koponan sa kanyang serbisyo. Ganunpaman, naniniwala si Iverson na may kakayahan pa siyang makipagsabayan sa mga pinakamagagaling na manlalaro. I feel strongly that I can still compete in the highest level. There is “a whole lot left in my tank.” “His legacy would be huge,” sabi ni Cleveland Cavaliers All-

Star LeBron James. “He’s one of the best when you talk about guys 6-foot and under in the game of basketball. He played injured and he played hard every single night. I don’t think it should end this way, but if if it does, he’s left a lot of great things behind.” Lumaro ng tatlong beses sa Memphis Grizzlies ang 10-time All Star ngayong season bago lumiban dahil sa personal na dahilan. COMPLETE RESULTS: Charlotte 116 Toronto 81; Indiana 86 LA Clippers 73; Boston 113 Philadelphia 110; Miami 99 Orlando 98; Cleveland 98 Detroit 88; New Orleans 102 Milwaukee 99 (OT); Dallas 130 Houston 99; San Antonio 118 Golden State 104; Denver 124 Minnesota 111. Reuters

New Balance Power run raises hope for cancer Nov. 29 THE NEW Balance Power Run which aims to raise funds for cancer awareness projects kicks off November 29 at the Fort Bonifacio Global City. More than 6,000 runners will see action in the 3K Run/walk for cancer and the 5K, 10K and 21K categories. The race starts 5:30 a.m.

“The number of individuals who signed-up for the event is just overwhelming. We are very happy how runners are supporting our cause. The 6,000 participants who are running with us to raise hope for cancer is already an indication of how we will be able to successfully support the pro-

jects of our beneficiaries,” said Anton Gonzalez, president of Planet Sports, Inc. The cancer awareness projects will be spearheaded by Carewell (Cancer Resource and Wellness Community), Philippine Cancer Society, ICanServe Foundation and the Natasha Goulbourn Foundation.

FRIDAY, NOVEMBER 27, 2009

Power-So K

HANTY-MANSIYSK, Russia—Lalong tumingkad ang makulay na karera ni Grandmaster Wesley So matapos niyang kumpletuhin ang matikas na 1.5-.5 panalo laban kay super GM at dating world championship contender Vassily Ivanchuk Ukraine sa second round ng 2009 World Chess Cup sa KhantyMansiysk Center of Arts dito. Matapos pisakin si Ivanchuk sa kanilang unang laban, isinalba ni So (Elo 2640) ang draw sa Ukrainian (ELO 2739) sa kanilang ikalawang paghaharap upang marating ang round of 32 ng sulungan ng pinakamalalaking pan-

galan sa chess. Masusubukan sa ikatlong pagkakataon ang lakas ng Batang Bacoor-Cavite laban sa paboritong si Gata Kamsky ng Estados Unidos sa third round Nobyembre 27. Biktima ni Kamsky si Filipino

SPORTS

GM Rogelio Antonio, Jr. sa first round at GM Zhou Weiqi ng China sa second round. Pinuri nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay at FIDE honorary lifetime president Florencio Campomanes ang narating ni So, 16, at isang hayskul senior sa St. Francis of Assisi College. “Like (world boxing champion) Manny Pacquiao, Wesley is now a national treasure. He gives the whole nation something to cheer about after all those natural calamities,” sabi ni Pichay. “Wesley puts the country back in the international chess map again,” ani Campomanes.

SO young, So good.

IN HUDDLE Beth Celis [email protected] hinihingi niyang rematch malinaw na inamin niyang talagang tinalo siya ni Mayol sa sagupaang ginanap sa Chiapas, Mexico. Sinasabi ni Sosa na intentional o sinadya ni Mayol ang head-butt kaya dapat na dinisqualify siya. Ang kapal naman masyado ni Sosa at manager niya para

magsabi pa nang ganoon samantalang mismong ang Mexican doctor na si Dr. Ibarra matapos na eksaminin ang sugat at gamutin ay inatasan ang Puerto Rican referee Roberto Ramirez na ituloy ang laban. Kung talagang grabe ang kanyang sugat sa pisngi hindi naman siguro sira ang ulo ng nasabing Mexican doctor para iutos na ituloy pa ang boksing. Siyanga pala, bukod sa sugat sa pisngi putok din ang labi at dumudugo ang ilong si Sosa. Malinaw na malinaw na aawatin na ni Ramirez ang laban dahil laglag si Sosa nang abutin siya nang four-punch

FILE PHOTO

Torres honored

Huli sa panahon NASA modern times na ang mundo at lahat ay dinadaan na sa computer, pero ito palang si dating WBC lightflyweight champion Edgar Sosa na tinalo ni Rodel Mayol sa pamamagitang ng 2nd round TKO ay huling-huli pa sa panahon! Akalain ninyong ini-aangal ni Sosa ang kanyang pagkatalo dahil ang head-butt na nagpaputok sa kanyang pingi ang naging dahilan umano ng kanyang pagkatalo. Ang mabigat pa nito, gusto pang ideklarang no-contest ang laban at magkaroon nang rematch. Aba! Eh doon lamang sa

DENNIS U. EROA, Editor

combination tampok ang pamatay na upper-cut sa round two na sinundan pa na hindi magkamayaw na kaliwa at kanan ni Mayol. Tapos sasabihin niya na nasaktan siya sa head-butt at dapat na dinis-qualify na si Mayol. Sa tutuo lang ginagawa lamang alibi ni Sosa ang accidental head-butt dahil talaga namang nakakahiya siya sa harap ng mga kababayan niyang Mehikano dahil bugbog sarado siya! Siguro sa halip na magkakahol ang kampo ni Sosa, dapat na this early i-negotiate na nila ang rematch para ma-asbaran na naman siya ni Mayol.

By Marc Reyes NEWLY CROWNED Asian long jump queen Marestella Torres was honored by her fellow athletes during yesterday’s send-off for the Philippine contingent to the Laos Southeast Asian Games. Torres, 28, gave the Philippines its first gold medal in the Asian Athletics Association Championships since 1987 when she leaped 6.51 meters and rule the women’s long jump event early this month in Guangzhou, China. She beat World No. 9 Chen Ya Ling of China and Masumi Sachiko of Japan.

PAID ADVERTISEMENT

Related Documents

Todays Libre 03312009
April 2020 45
Todays Libre 04012009
April 2020 35
Todays Libre 03262009
April 2020 38
Todays Libre 12162008
December 2019 21
Todays Libre 040209
April 2020 12

More Documents from "Matrixmedia Philippines"

June 2020 8
Today's Libre 11102009
June 2020 11
Libre-08122009
May 2020 7