Today's Libre 10072009

  • Uploaded by: Matrixmedia Philippines
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Today's Libre 10072009 as PDF for free.

More details

  • Words: 5,386
  • Pages: 12
VOL. 7 NO. 219 • WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

The best things in life are Libre

ISANG SHOUTOUT NA HAMON

Sa Facebook pinanganak Ni Philip C. Tubeza

N

AGSIMULA lang ito sa isang shoutout sa Facebook. Sa loob ng ilang araw, nakaakit ng 1,200 katao ang hamon ni Dom Hernandez sa mga kaibigan na tulungan ang mga biktima ng Bagyong “Ondoy.” Mahigit 80,000 bag ng relief goods na naibahagi ng pangkat sa Metro Manila at Rizal.

Bumuo ang pangkat ng isang “human chain” kagabi sa Meralco Avenue sa Pasig City upang gunitain ang pagtatapos ng hakbang nito. Binigay na kahapon ang mga huling donasyon sa 2,000 mag-anak na pansamantalang

nakahimpil sa Philippine Sports Arena (dating Ultra) sa Pasig. “I challenged my friends on Facebook ‘Oh, lahat kayo na mayayabang at mayayaman, now is the time to show it’,” ani Hernandez, 23 taong gulang. Kumalat ang hamon sa Face-

book, Twitter ang mga FM radio station. Nakiisa ang mga kaibigan ni Hernandez sa University of Asia and the Pacific, mga mag-aaral mula sa Ateneo at De La Salle, mga manggagawa mula sa Ortigas at mga nakatira sa mga condominium sa Pasig. Inalok ng may-ari ng Mega Tent sa Meralco Avenue ang lugar para sa pagkilos. Isa naman si Alessandra de Rossi sa mga artistang tumungo doon. Noong Huwebes, dinaos ng pangkat ang konsyertong “Raise the Roof” kung saan ito nakalikom ng P150,000.

BUTAS NA SAKO SA WAKAS, nakapasok na kahapon sa Talim Island, Rizal, ang mga namamahagi ng relief goods, salamat sa Chinook Helicopter ng US military. May mga dala silang sakong bigas. Kaya nga lang nabutas ang sakong karga ang isang sundalong Amerkano. RAFFY LERMA

NEWS

2 RESULTA NG

L O T T O 6 / 4 2 Dahil sa pagbaha, naging

03 17 20 27 32 35 P19,557,586.80

SUERTRES SUERTRES

EZ2 EZ2

4(Evening5draw)9 (In exact order)

22 4 (Evening draw)

SIX DIGIT DIGIT SIX

6 8 0 5 4 7 RESULTA NG

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

LOTTO 6/49

03 05 23 31 35 37 P28,142,128.80

mabenta mga air mattress MAY kakaibang gamit na lubos na pinakikinabangan ng mga Pilipino makaraan ang pananalanta ng Bagyong “Ondoy” — ang Inflatable bed. Ilang biktima ng pagbaha sa Metro Manila ang sumakay sa mga air mattress, na pinaglagyan pa ng mga alagang hayop at ilang gamit, upang m a k a l i g t a s s a t umataas na tubig-baha. Tumalon nang may 400 porsyento ang bentahan ng inflatable bed sa ACE Hardware chain ng SM Group, napag-alaman ng I NQUIRER kahapon. Dahil sa pagkakabunyag na kulang ang pamahalaan sa rubber boats, nais nang maghanda ng mga Pilipino para sa susunod na pananalanta ng

isang bagyo, at gawing balsa ang kamang binobombahan ng hangin. Napuna ang pagtaas sa bentahan sa mga sangay ng ACE malapit sa mga lugar na lubos na binaha, tulad ng Cainta at Antipolo sa Rizal, at Malabon, Pasig at Quezon City sa Metro Manila, ayon sa SM. Kung dati apat hanggang limang kama lang ang nabebenta sa sangay ng ACE sa Megamall, umaabot na sa 20 piraso ang binibili kada araw mula noong isang linggo. Mabenta na rin ito sa Internet. DCD, DJY

KUNG sa mga balsa nakatayo o kaya’y nakaupo sa bangko, sa mga air mattress na tulad nito na nagsulputan sa mga lugar na baha pa rin, nakahiga ang mga pasahero. Ito’y kuha sa Karangalan Village sa Cainta, Rizal. LYN RILLON

Mga preso may puso rin Ni Marlon Ramos

M

ADALAS silang ituring na pabigat sa lipunan ngunit pinatunayan ng mga bilanggo sa Muntinlupa na puwede rin silang tumulong sa mga nangangailangan.

Sa kabila ng pagkakabilanggo, nakahanap ng paraan ang 21,000 preso sa New Bilibid Prisons (NBP) upang makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong “Ondoy.” Nitong Set. 28— dalawang araw matapos bahain ang maraming lugar sa Kamaynilaan—ay hindi nagalmusal ang mga preso upang makapagbigay ng 20,800 lata ng sardinas sa mga biktima ng bagyo, ayon

kay Supt. Armando Miranda, superintendent ng NBP. “The inmates said it was their little way of bringing help to those who lost their relatives and homes because of the floods,” ani Miranda. Sabi niya, nagkasundo ang mga kasapi ng “council of elders” ng mga bilanggo mula sa maximum, medium at minimum security facilities sa gawain.

Nakaipon din ang mga preso ng mga lumang damit at pitong sako ng bigas na binili gamit ang kinita sa kanilang handicraft business. Sinabi naman ni Msgr. Roberto Olaguer, chaplain ng NBP, nagluto rin ang mga preso ng tatlong dram na tinapay at cookies para sa mga biktima ni Ondoy. “The inmates’ gesture of goodwill showed that they are still part of our society even if they’re behind bars,” ani Olaguer. Ibibigay ang mga naipon ng mga preso sa mga biktima ng bagyo sa lungsod ng

Mga leksyon na natutunan ng Marikina NILABAS ni Marikina Mayor Marides Fernando noong Martes ang ilang “hard lessons” na natutunan ng lungsod sa pananalanta ng Bagyong “Ondoy.” Unang aral: Wala nang palusot sa mga iskwater na nakatira sa mga peligrosong lugar. Pangalawang aral: Dapat may minimum

na taas ang mga itinatayong bahay o gusali batay sa taas ng pagtatayuan nito. Pangatlong aral: Mas hihigpitan ang pagpapatupad sa mga alituntunin sa illegal parking. Pang-apat na aral: Dapat may nakaantabay na higit pang rubber boat at rescue equipment na nakahan-

da para sa mga biglaang pangangailangan. A n i Fe r n a n d o , magmumuni ang pamahalaang lungsod sa mga aral na ito sa darating na mga araw upang mabatid ang pinakamahusay at pinakamabisang paraan sa pagtugon sa mga sakunang sintindi ng dinulot ni Ondoy. DJ Yap

Muntinlupa, particular sa mga tagaBarangay Poblacion.

Editor in Chief

Chito dF. dela Vega Desk editors

Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist

Ritche S. Sabado Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail: [email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.

3 Dumating na Part 2 ni Pepeng MULING nagdulot ng pagbaha sa hilagang Luzon ang Bagyong “Pepeng” kahapon. Dalawang araw nang nasa Dagat Timog Tsina sa hilagang-kanluran ng Luzon ang bagyo nang bumalik ito sa mga lugar na sinalanta nito noong Sabado, anang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Inaasahan ang pagtama ng bagyo sa Ilocos Norte kagabi, taglay ang hanging hanggang 105 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 135 kph, ani Pagasa Director Prisco Nilo. Aniya, makararanas ng anim na oras na pagulan ang hilagang-kanluran ng Luzon, kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra. A Papa

Guinsaugon nagpadala ng tulong Nina Jani Arnaiz, Tarra Quismundo at Jerome Aning

UPANG suklian ang tulong na natanggap ng bayan nila sa panahon ng panganagailangan, natungo sa Maynila ang mga kasapi ng St. Bernard municipal disaster and coordinating council upang mamahagi ng relief items sa mga biktima ng Bagyong “Ondoy.” “It’s just appropriate for us to pursue the cause just like what the whole world did for us during the 2006 Guinsaugon Tragedy,” ani Jane Araneta, executive assistant ni St. Bernard Mayor Rico Rentusa. Pinangungunahan ng alkalde ang pangkat, na ayon kay Araneta ay makikipaguganayan sa Strengthening Assets and Capacities of Communities and Local Governments for Resilience to Disasters (Accord) sa lalawigan ng Rizal. Proyekto ang Ac-

cord ng humanitarian aid department ng European Commission at ng Corporate Network for Disaster Response. Layon nitong paigtingin ang kakayahang mapababa ang bantang inaamba ng mga trahendya. Nabalita ang Guinsaugon noong Pebrero 2006 nang, makaraan ang dalawang linggo nang malakas na pagulan, gumuho ang isang bahagi ng Mt. Kan-abag at binaon ang Guinsaugon, nalibing nang buhay ang hindi bababa sa 1,000 katao.

FEATURES

4

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

When upset, don’t go on eating binge By Mitch Felipe, Contributor

W

HAT does it take to stay thin, healthy and fit? Judith Beck, author of the bestselling book The Beck Diet Solution, concludes there are two types of thin person: those who are not working hard to stay thin and those who do. Obviously, those who are exerting STA. ROSA, LAGUNA Near Plaza

P3,745

Per Month Thru Pag-IBIG

RESERVATION – 5,000 NET DOWN – 3,378 (x15 months) Call: Nel Balosbalos Tel. (049) 534087 CP – 0919 3075017

much effort to stay thin have greater chances of gaining weight because their healthy way of thinking about food and exercise is not yet automatic. Let me describe a fit thin person based on my personal experience and observations. Can maintain a normal body weight over a long period of time



•Not obsessed about weight •Does not think about food all the time

•Loves to move and stay active most of the time Has self-control over food Committed to his/her chosen physical activities

• •

Environment Your home and work environment can greatly affect your lifestyle and weight. If you know a thin person, ask about his/her parents’

lifestyle and understand that one’s body is also related to its roots. One can have the environment of a thin person. Don’t keep foods where it is accessible like one’s room, dining table and refrigerator. Eliminate highcalorie foods at home and work. Stick with people who value healthy eating. Visit health clubs, yoga centers or sports clubs.







Weight, food and

exercise Karen Bridson described in her book “The Secrets of Skinny Chicks” the profiles of 21 women who are models, celebrities, fitness professionals, athletes and sports enthusiasts. Body Mass Index (BMI): 18 to 21 (normal range is 18.5 to

24.9) Body fat percentage: Majority of them maintains a 19-percent body fat which is considered in the “athlete” category for women. Average daily calorie intake of 21 women: about 1,700 calories (considering their weight and physical activities) They engage in physical activities like walking, abdominal exercises, running, swimming, home video exercise, group exercise classes, strength training, yoga, Pilates and other sports four to seven times a week.

Thinking Dr. Judith Beck (daughter of Dr. Aaron Beck, who is known for Cognitive Therapy) recently introduced cognitive psychology in weight

management. She shares solutions for people struggling to lose and maintain weight. Thin people do not think about food all the time and can differentiate hunger from desire to eat. Thin people do not resort to food bingeing when they are emotionally upset. Thin people do not feel hopeless when they gain weight. Thin people are careful in choosing foods and limiting it to a reasonable degree. Thin people think about living a healthy lifestyle every day even if they have already reached their goals. E-mail the author at mitchfelipe@ gmail.com

• • • • •

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

MAY panalangin ka bang gusto mong mabasa ng ibang tao? Ipadala ito sa INQUIRER L I B R E , at kung ito’y angkop sa mga pamantayan namin, ilalathala ito. Maaring nasa Filipino, Ingles o Taglish ang panalanging hindi hihigit sa 350 characters with spaces. Ipadala ito sa libre_pdi@inquirer .com.ph o mag-log on sa www.libre.com.ph.

topmodel Friday, Oct. 9

Sunrise: 5:47 AM Sunset: 5:42 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 23ºC Max. Humidity: (Day)78%

www.libre.com.ph JHAY Tacdol Age: 24 Height: 5’8” Weight: 164 lbs.

5

6

SHOWBUZZ

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

ROMEL M. LALATA, Editor

A ‘Big Brother’ first: Twins By Marinel R. Cruz

T

HE REALITY program Pinoy Big Brother, which premiered on Oct. 5, introduced two features that’s never been seen in any of the “Big Brother” franchises in the world: two houses, plus two pairs of identical twins.

“This is a first,” director and business unit head Lauren Dyogi told INQUIRER Entertainment during the program launch last week. “I had to go to the Endemol main office in Amsterdam last July for this. Madugo ito for the production team. The technical requirement is tedious. We also had to change the configuration of the house.” Endemol, a television pro-

TWINS JM (left) and JP

duction company based in The Netherlands, owns the “Big Brother” franchise. It also produces the popular shows Fear Factor, Deal or No Deal and Wipeout. The new features in this PBB season may now be duplicated in other “Big Brother” shows, said Dyogi. “That’s what’s good about the franchise. When I talk with Endemol consultants like Anushka Bahn, I’m also given suggestions as to what would work for the Philippine edition and what wouldn’t.” The identities of the 12 new “residents” were introduced on Sunday night. They are: Princess, described as the sassy vamp from Cebu; Tom, the romantic stud from Samar; Melissa, the inday kengkay from Samar; Delio, the simpatikong kusinero from Batangas; Paul Jake, the negosyante prince from Cebu; Jason, the boy astig from Mindoro; Yuri, the multilingual hottie from Japan; Carol, the conservative pharmacist from Manila; Mariel, the struggling mom from Davao; and Yhel, the young widow from Pampanga.

TOM The two pairs of identical twins are JP (the jetsetter dad from Quezon City) and JM (the delightful dad from Quezon City) on one hand and, on the other, Toffi (the basketbolero from Rizal) and Kenny (the joker jock from Rizal). For their first challenge, the twins were forbidden to tell the other housemates of the existence of a second house and their twin brothers. “It’s a good mix,” said Dyogi of the 12 housemates. “There will surely be at least one housemate that a viewer can relate to.”

million.” He added that the house now carries a European motif for the interiors with colors inspired by the paintings of Van Gogh. The director said the aim for this season is to make the show “more controversial than ever.” He explained: “I’m not too concerned with the ratings. What I want to achieve is what we call the water-cooler effect. We want the show to be talked about in schools and in the offices. This is also why we appreciate comments coming even from the show’s detractors. Mas kakabahan pa kami kung ’di na nila kami pinapansin. They’re part of what’s keeping the show afloat.”

Not affected Dyogi also said PBB is not affected by the news that the “Big Brother” program in Australia has folded up. There’s also a report that the show in the United

More than P10M Dyogi revealed that the cost of renovating the PBB house for this season has exceeded P10 million, “but not beyond P50

TWINS Toffi (left) and Kenny

Greek film fest honors RP cinema By Bayani San Diego Jr. APART from Pusan (South Korea) and Vladivostok (Russia), the 50th Thessaloniki International Film Festival is also honoring the Philippines in a special retrospective. According to its website, the “Independence Days” section of the Greek fest, which runs Nov. 13-22, is “paying tribute to Philippine cinema of the 21st century.” Thirteen Filipino films are included in the section, which presents “outstanding developments in alternative/independent cinema from all over the world.” They are: Adolfo Alix Jr.’s Adela; Pepe Diokno’s Engk-

wentro; Sherad Anthony Sanchez’s Imburnal; Raya Martin’s Independencia and A Song for Indio Nacional; Brillante Mendoza’s Tirador, Kinatay and Lola; Alix and Martin’s Manila; Lav Diaz’s Melancholia; Khavn de la Cruz’s The Muzzled Horse of an Engineer in Search of Mechanical Saddles; Jim Libiran’s Tribu; and John Torres’ Todo Todo Teros.

Director’s triumph The website noted that the country’s “rise” in the international scene is “evident” in Mendoza’s Best Director triumph in Cannes and Diokno’s back-toback win [the Orizzonti prize and Luigi De Laurentiis award] in Venice—both this year.

The site noted that “Philippine cinema has a long history” and that today’s directors are “descendants” of pioneers Ishmael Bernal, Lino Brocka and Raymond Red. Thessaloniki commended the current crop of RP filmmakers for their “independent and creative spirit.” Filipino films, according to the site, “illustrate the country’s various realities [with] fresh, nonconformist voices … radical in content and form.” Mendoza is lauded for his “harsh yet poignant and compassionate brand of social realism.” Diaz is similarly hailed for his “commitment to realism.” It was also pointed out that

veteran actress Anita Linda, “a Philippine cinema icon since the 1940s,” top-bills two films in the retro: Adela and Lola. Martin, who also has three films in the list, is noted for depicting his countrymen’s “struggles for independence and identity.” The site describes De la Cruz as a “pioneer” in the digital movement; while Torres, Libiran and Sanchez are praised for “depicting their country in a candid, outspoken manner.” These filmmakers, the site related, “seek to make testaments of lives.” Curated by film critic Lefteris Adamidis, the Independence Days section will feature a round-table discussion as well.

PRINCESS Kingdom will air its final series next year. “The show ran in Australia for 10 years; in the UK, nine years. Mahaba na rin ’yon. PBB is still young. Personally, I don’t expect to work on the show as its business unit head that long. Two or three years more, happy na ako,” he declared. Pinoy Big Brother: Double Up will air its Primetime Weeknights, hosted by Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales and Toni Gonzaga, after Dahil May Isang Ikaw on ABS-CBN. Afternoons, the network will air PBB Uber after Maria de Jesus. Weekly highlights inside the PBB house will be telecast on PBB Weekend Primetime Saturdays and Sundays at 6 p.m. on Studio 23. Photos from pinoybigbrother.com

Estrada on CNN’s ‘Scene by Scene’ A VISIT on the set of former President Joseph Estrada’s new comedy with Ai Ai de las Alas will be featured on CNN’s Scene by Scene—Films of Asia-Pacific on Oct. 17 at 9:30 p.m. and Oct. 18 at 3:30 a.m. and 4:30 p.m. Estrada plays a minibus driver trying to deal with his daughter’s plans to marry her FilipinoAmerican boyfriend in the movie titled Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round.

ERAP (left) and Ai-ai. JIM GUIAO PUNZALAN

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

Hunk has a new ‘dance partner’ By the Entertainment Staff

POPULAR hunk has reportedly broken up with Lady Love—though they never confirmed nor denied the relationship because of its rather scandalous start. LL is said to have stolen PH from his Original Girlfriend. Seems LL got her comeuppance because PH purportedly junked her for another woman—a Sexy Dancer on a noontime show.

Maybe PH just wants a new dance partner. So what will happen to LL and PH’s joint projects?

Secret weapon How did Controversial Celebrity acquire his newfound

power in the industry? According to a source, CC provides indispensable services for Rich Boss: He acts as front for RB’s hidden wealth and serves as procurer, too, supplying RB with nubile women.

‘Separadas’ anonymous Have separated celebrities formed a support group? Controversial Per-

7

sonality, recently separated from Model Wife, was spotted shopping in an upscale mall with Former Starlet, who’s estranged from her NonShowbiz Husband. FS is managed by a Scandalous Celebrity notorious for seeking “companions” for CP and other powerful men. Professional matchmaker?

Casting ouch Acclaimed Director is always gung-ho about auditioning Young Hunks for upcoming projects. AD makes sure to get the YHs’ cell

PINOYS RULE IN BANGKOK FILMFEST RP FILMMAKERS scored a rare back-toback win at the 7th Bangkok Int’l Film Festival. Raya Martin’s historical drama Independencia won the top prize, Golden Kinnaree, in the Southeast Asian competition; Sherad Anthony Sanchez’s gritty gang story Imburnal tied with Malaysian James Lee’s Call If You Need Me for the Special Mention in the same section. Martin, currently in the US for a screening of Independencia in the New York Film Festival, told the I NQUIRER via SMS, “Philippine cinema is alive and well.” Sanchez’s Imburnal a Cinema One Digital fest winner, earlier got the Woosook and Netpac awards in Korea’s Jeonju film fest. The SEA competition jurors were Italian journalist Vincenzo Bugno, Singaporean filmmaker Roystan Tan and Thai rocker Tul Waitoonkiat. Independencia also won the Netpac prize in Bangkok. Netpac (Network for the Promotion of Asian Cine-

ma) consists of film critics from all over the world. Bangkok’s Netpac jurors were Sri Lanka’s Ranjanee Ratnavibhushana, South Korea’s Jung Soo-wan and Thailand’s Graiwoot Chulphongsathorn. The event’s official publication, Festival D a i l y, c a l l e d t h e Philippines “a new tiger” in world cinema. Last year, RP won three awards in Bangkok: Brillante Mendoza’s Serbis (Golden Kinnaree) and John Torres’ Years When I Was a Child Outside (Special Mention) in the SEA section; and Francis Xavier Pasion’s Jay (Special Mention) in t h e M a i n C o m p e t ition. This year, Adolfo Alix Jr.’s Aurora was also in the SEA Section. Alix and Martin’s Manila and Mendoza’s Kinatay were featured in SEA Panorama section. A short film by Lav Diaz, part of the trilogy Jeonju Digital Project 2009: Visitors, was screened as well. In the Main Competition, where Mendoza was a jury member, Peter Brosens and

Jessica Woodsworth’s Altiplano (BelgiumG e r m a n y - N e t h e r-

lands) won the Grand Prix. Bayani San Diego Jr.

INQUIRER LIBRE 10•08•09 phone numbers and keeps in touch with the boys. Some of the YHs have complained that AD’s persistence borders on harassment. And yes, AD volunteers to “rehearse” love scenes with the

neophyte studs. Whatever floats AD’s boat.

Incorrigible crasher Movie Insider has gained a nasty rep as gate crasher in industry events.

Friends can only roll their eyes because they know MI attends these parties not to show support, but for the free grub. Worse, MI isn’t shy about stealing seats from other guests, according to a mole.

ENJOY

8

Kapalaran CAPRICORN

PUGAD BABOY

YYYY

‘‘‘‘

PP

Hanap ba naman ay singkamas...buntis!

Mahal na’t maganda pero di bagay sa iyo

Ipagluksa muna patay mong kuko

YYY

‘‘‘

PPP

AQUARIUS

Maiinlab ka uli sa dati mong syota

Kung mahirap gawin, maningil ng malaki

Bawal matulog sa inuman

‘‘‘‘

PP

PISCES

Para kang aso, ang dali mong ma-inlab

YYYY YY ARIES

TAURUS

GEMINI

CANCER

LEO

VIRGO

‘‘

PP Sobra ka na sa tulog pero inaantok pa rin

YY

‘‘‘

PP

Mas mahal niya politika kesa sa iyo

Huwag magsayang ng pagkain

Huwag hahawak ng barbecue stick

YYYYY

‘‘‘

PPP

Wala ka raw kapalit sa buhay niya

Masama magbiro basta tungkol sa pera

Laway ni boss, sa iyo titilamsik

Y

‘‘

YY



PP

Mapipilitan mag-diet ang walang pera

Huwag na huwag mag-ober da bakod

YY

‘‘‘‘

PP

Yayain mong pakasal para i-break ka niya

Kahit malansa amoy, pera pa rin yan

Nasasayang lang oras mo sa trabaho

YYYYY

‘‘‘

PPP

LIBRA

Mapupunta sa iyo yung matulis ang baba

Maginaw naman, huwag mag-aircon

Dapat may suot kang kulay orange

YYYY

‘‘‘‘

SCORPIO

Mas ok itsura niya kung Makakalimutan mo na naman magbayad wala kang eye glasses

Y

ANDRE ESTILLORE

PP

‘‘‘

PPP May tanong sila hinggil sa gender mo, sagutin!



ANDOY’S WORLD

May makikita kang multo sa elevator

Lumalaki gastos ng lumalaking suweldo Money:

BLADIMER USI

Mali pagkakaintindi mo sa instructions

Matigas na tono ng boses niya

YYY

UNGGUTERO

PP

Kapag nakita mo Isoli siya sa parents presyo, mamumutla ka niya at humingi refund

Gusto mong makilala? SAGITTARIUS E di kausapin mo!

P.M. JUNIOR

Nagtataka iba kung Huwag pakabuka bibig bakit sobra suwerte mo kapag humihikab

Magbabago anyo niya Mahirap ka man, may kapag bilog ang buwan mas mahirap sa iyo

Love:

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

e k o J tim

Career:

CROSSWORD PUZZLE

BY ROY LUARCA

P

e

17.Close to 18.Strangers 22.Corrida cheer 23.Urns 30.Above 31.Expel 33.Beepers 36.Culture medium 37.Harvest 38.Complete 39.Splashy 40.Former

19.The Greatest 20.Goose 21.Ranges 24.Eggs 25.Black people 26.Forest features 27.Avoid 28.Severity 29.Examines 32.Weight allowance 34.Interjection 35.Mole

DOWN

SA ISANG seminaryo MADRE: Father, pagsabihan mo naman yung mga seminarista. Umiihi sila sa pader! FATHER: Sister naman. Maliit na bagay, huwag mo nang pansinin. MADRE: Naku, Father, malalaki po. Malalaki!' —padala ni Merril Soriaga ng Parañaque ACROSS 1.Young sheep 5.Ancient Greece city 10.Woodwind

11.Mountain lion 12.Overtake 13.Tabloid 15.Sharp

1.Cuts 2.Decrease 3.Hebrew lawgiver 4.Overwhelmed 5.Resort 6.Bar 7.Pool master Parica 8.Rajah’ s wife 9.Reluctant 14.Sailor 16.Malay sailboat

SOLUTION TO TODAY’S PUZZLE

9 SPORTS UST, FEU, Adamson paborito GM Paragua stays in the hunt for title sa Shakey’s V-League Season 6 WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

P

UPUNTIRYAHIN ng University of Santo Tomas Tigresses ang ika-lima nilang titulo sa second conference ng Shakey’s V-league Season 6 na magbubukas Linggo sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Tulad ng Tigresses, paborito rin ang Far Eastern University Lady Tamaraws, Adamson Lady Falcons at defending champions San Sebastian Lady Stags na magpasiklab sa conference. Lumakas ang UST sa pagbabalik nina Ange Tabaquero at Most Valuable Player Roxanne Pimentel. Agad na masusubukan ang Tigresses na sisimulan ang kanilang kampanya laban sa Lady Falcons 2 p.m. Linggo. Maglalaban ang FEU at University of the Philippines 4 p.m. Lalahok rin sa torneo ang Ateneo, Lyceum at St. Benilde. Lalaro ang San Sebastian at

St. Benilde sa Oktubre 20 matapos ang NCAA volleyball championship. Sinabi ni league commissioner Tony Boy Liao na pinapayagan ang bawat koponan na kumuha ng isang guest player matapos pagbawalan ng Philippine Volleyball Federation ang mga kasapi ng pambansang koponan na sumali sa liga dahil sa kanilang pagsasanay para sa darating na Southeast Asian Games. Kasama ni Liao sa Forum sina Sports Vision chairman Moying Martelino, V-League operations chief Ricky Palou at Shakey’s general manager Vic

Gregorio. ‘‘We’ve invited the national team to play tune-up matches against V-League teams,’’ sabi ni Liao na sinabing inimbitahan rin ngunit hindi sumali ang UAAP champion La Salle. Pinabagsak ng SSC ang UST noong nakaraang taon sa finals. Magpapakitang-gilas rin sa Tigresses sina Aiza Maizo, Judy Caballejo, Maika Ortiz at Dimaculangan. Iba na ang itsura ng Stags na siyang reyna ng NCAA volleyball. Hindi na lalaro sina Lou Ann Latigay, Sasa Devanadera, Suzanne Roces at Charise Ancheta. Aasa ang Lady Stags kay guest player Jinni Mondejar at Joy Benito, Melissa Mirasol at Margarita Pepito. Cedelf Tupas

FILIPINO GRANDMASTER Mark Paragua downed Indian GM Neelotpal Das of India in the sixth round Monday night to vault into contention in the fifth Prospero Pichay Cup international chess championship at the LWUA Building in Quezon City. Paragua climbed to 4.5 points to be in the company of countrymen GMs Eugene Torre and Darwin Laylo, who drew their matches, and stay within sight of the $5,000 champion’s purse. Top seed GM Mikhail Mchedlishvili of Georgia bested GM Rogelio Antonio Jr. to wrest the solo lead with 5.0 points going to the last three rounds of the tournament.

OFFICIAL TABULATOR ACSAT has been named official tabulator of Smart-Subic International Marathon slated on October 23-25. One may register for the ACSAT, Burlington and Nike backed running event online by visiting www.subicinternationalmarathon.com. Photo shows David Sia of Acsat receiving the official singlet from Gen Sam Tucay (left) and Adi de los Reyes of Eventologists, the race organizers.

Adamson Lady Falcons kampeon KINUMPLETO ng Adamson ang best-of-three title sweep matapos durugin ang FEU, 64-50 sa Game Two ng UAAP women’s basketball finals kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Ito ang unang kampeonato ng Lady Falcons matapos ang kanilang back-to-back noong 2003 at 2004. Sa juniors, pinabagsak ng De La Salle-Zobel ang Ateneo, 57-53 at puwersahin ang do-or-die bukas.

SPORTS

WEDNESDAY, OCTOBER 7, 2009

DENNIS U. EROA, Editor

CAIDIC, LIM, CALMA, BROWN ILULUKLOK

Hall of Fame A

PAT na manlalarong gumawa ng pangalan sa mundo ng basketbol ang iluluklok Biyernes sa PBA Hall of Fame sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel. Lumaro ang apat sa kilalang Northern Consolidated na hindi lamang nagningning sa lokal kundi maging sa pandaigdigang paligsahan. Kabilang din sa Hall of Fame ang isang mahusay na import, kinatawan at dating commissioner na kilala sa kanyang pagmamalasakit sa kapakanan ng liga. “It is with the highest regard that the PBA welcomes [this batch] to the Hall of Fame,” pahayag ni PBA Commissioner Sonny Barrios kahapon. Pangungunahan ni sweetshooting forward Allan Caidic at skywalker Samboy Lim ang mga pararangalan. Kilala si Caidic sa buong Asya bilang manlalarong may pamatay na tira sa labas. Pasok rin si Hector Calma at Ricardo Brown. Si Calma ay

tinawag na Director dahil sa kanyang husay bilang playmaker. Makakasama ng apat ang pumanaw at pinakamamahal na PBA Commissioner Emilio “Jun” Bernardino. Pinakamatagal na commissioner ng liga si Bernardino. Pasok rin si Bobby Parks sa Hall of Fame. Pasok rin sa Hall of Fame si Carlos “Honeyboy” Palanca III, ang kinatawan ng Ginebra sa board na malaki ang naitulong upang maging bukambibig ng mga miron ang liga. “After more than two months of deliberation, we’re happy to formally announce this year’s batch of inductees in the PBA Hall of Fame,” sabi ni PBA chairman Lito Alvarez ng Burger King sa isang pahayag. Pinangunahan ni Alvarez ang Hall of Fame executive committee na kinabilangan din nina

Rene Pardo ng Purefoods at Mamerto Mondragon ng Rain or Shine. Kabilang din sa mga pumili ang pumanaw na kinatawan ng Barako Bull na si Tony Chua. “So far, there are already 22 players and personalities who had been inducted, twelve in 2005 and 10 in 2007,” ani Alvarez. “So, it’s plain to see that as time passes, it becomes even more difficult to pick honorees who are all deserving and worthy to be called Hall of Famers.” Kabilang sa Hall of Fame selection panel sina Barrios, dating PBA chairman Joaqui Trillo, Alvarez, Chua, Manila Bulletin sports editor Ding Marcelo, INQUIRER sports editor Teddyvic Melendres, Tempo assistant sports editor Tito Talao at broadcaster Andy Jao na puno ng Hall of Fame nomination committee. Pinangunahan ni Bobong Velez ang honors committee na siyang pumili sa huling pito.

Twice-to-beat hangad ng Stags Ni Jasmine W. Payo

DOMINANTE TOTOO nga ang balita. May ibubuga si Japeth Aguilar (kaliwa), ang kontrobersyal na numero unong draft pick ngayong taon sa PBA draft. Gumawa ng alingasngas si Aguilar, 6-foot-9, matapos niyang isnabin ang Burger King na ‘‘mapalad’’ na kinuha siya sa draft. Lumaro Lunes ng gabi si Aguilar sa Smart-Gilas kontra Powerade-Pilipinas sa ‘‘Pinoy Basketbol kakampi ninyo’’ na isang benepisyong laro para sa mga nasalanta ni ‘‘Ondoy.’’ Hindi binigo ni Japeth ang kanyang mga tagahanga at dinomina ang mga tulad nina Asi Taulava, Kerby Raymundo, Joachim Thoss at Jay-R Reyes na nag-resulta sa 98-69 panalo ng Smart Gilas. Lumaro sa labas (tatlong tres) at ilalim si Aguilar na nagtapos na may 24 puntos. Wala ring sagot ang Powerade kay American CJ Giles na bumuslo ng 22 puntos na pinatamis ng 16 rebounds, five blocks at two assists. “They have excellent players,” sabi ni Gilas coach Rajko Toroman. “Maybe we don’t have these kinds of players, but we worked as a team.” Pinapanday ni Toroman ang mga nasyonal bago sumali sa 2011 Fiba-Asia Championship, Olympic qualifier para sa London 2012 Games. Makikita si Aguilar kontra Jay-R Reyes ng Powerade-Pilipinas sa Araneta Coliseum. JIM GUIAO PUNZALAN

MATAPOS matikman ang unang talo sa 16 laro, hangad ng San Sebastian Stags na bumawi at makuha ang twice-to-beat advantage sa NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Haharapin ng Stags ang Jose Rizal University Bombers (14-2) 4 p.m. matapos ang bakbakan sa pagitan ng College of St.Benilde at Perpetual Help. “It’s heartbreaking, but we have to move on and focus on getting the twice-to-beat advantage in the Final Four,” wika ni San Sebastian coach Ato Agustin.

Dalawang linggo na ang lumipas nang talunin ng Letran Knights ang Stags, 80-63. Dahil dito, hindi na posible ang 18-0 balak ng SSC na sana ay nag-resulta sa unang upuan sa finals. Malakas rin ang bentahe ng Bombers sa twice-to-beat. May 15-2 kartada ang kampeong San Beda Red Lions. Tiwala si JRU coach Ariel Vanguardia na lalaban nang husto ang Bombers. Hiniya ng Stags ang Bombers sa first round, 91-76. “At this point, there is very little room for error,” sabi ni Vanguardia. “I hope our experience in this kind of situation can pull us through.”

MGA LARO NGAYON (FilOil Flying V Arena) 10 a.m.—St. Benilde vs Perpetual (Jrs) 11:45 a.m.—Jose Rizal vs San Sebastian (Jrs) 2 p.m.—St. Benilde vs Perpetual (Srs) 4 p.m.—Jose Rizal vs San Sebastian (Srs)

PAID ADVERTISEMENT

Related Documents

Today's Libre 10072009
June 2020 21
Todays Libre 03312009
April 2020 45
Todays Libre 04012009
April 2020 35
Todays Libre 03262009
April 2020 38
Todays Libre 12162008
December 2019 21
Todays Libre 040209
April 2020 12

More Documents from "Matrixmedia Philippines"

June 2020 8
Today's Libre 11102009
June 2020 11
Libre-08122009
May 2020 7