VOL. 7 NO. 72 • FRIDAY, MARCH 6, 2009
The best things in life are Libre
YUMMY NA, OK PA TUWING KUWARESMA
NAGKALAT ang mga sariwang pagkaing hango sa dagat sa mga palengkeng tulad nito sa Maynila. Sa maraming Katolikong sumusunod sa abstinensya tuwing panahong ng Kuwaresma, katakam-takam ang mga putaheng ito. Kaya nga lang tuwing ganitong panahon din tumataas ang halaga ng seafood. AFP
Pinoy wagi ng P6.6M Taga-Cebu nanalo ng super grand prize sa Reader’s Digest Sweepstakes
D
Ni Beverly T. Natividad
AHIL sa pagsagot sa tinuturing ng marami bilang “junk mail,” P6.6 milyon ang napanalunan ng isang lalaki.
Napanalunan ni Nicholas Dangcalan, 44, taga-Cebu City, ang super grand prize sa Reader’s Digest Sweepstakes, ang pinakamalaking premyong napanalunan isang Pilipino mula nang mag-umpisa ang sweep-
stakes sa bansa noong 1990. Nabunot ang pangalan ni Dangcalan mula sa may 2.1 milyong lahok mula sa Hong Kong, Singapore, Taiwan, at Pilipinas sa the 2008 Reader’s Digest Sweepstakes, na nag-alok na
kabuuang premyong P15 million. Bilang Super Grand Winner ng 2008, nanalo si Dangcalan ng P6.6 milyon. Nagbunutan noong Enero 13 sa Singapore. “It was really unexpected, I didn’t think I’d win,” ani Dangcalan sa INQUIRER kahapon sa paggawad na ginawa sa Edsa Shangri-La Hotel. “I almost gave up joining because I’ve also joined before and I never won anything, not even a minor prize.”
Binahagi ni Dangcalan na nagpasya sila ng kabiyak niyang huwag muna ipagbibigay-alam sa tatlo nilang anak ang tungkol sa premyo hanggang sa maipaliwanag na nila sa mga bata na hindi pera ang tugon sa lahat ng bagay sa buhay. “We want to tell them that they still have to work hard,” aniya. Nagbabasa si Dangcalan ng Reader’s Digest mula noong nasa hayskul pa siya.
YY
Mahahawa ka sa kulugo niya sa finger VIRGO
Love:
Y
•Ang KAPALARAN ng lovelife mo
page 5
•Walang tutol Simbahan
kung iiwan mo ang mister mong NAMBUBUGBOG page 3
•Payo ng PAREKOY ang nasa Celeb Chika page 4 • FULL HOUSE nasa Enjoy
page 5
NEWS
2
Comelec: Tuloy halalang computerized sa 2010
T
Nina Kristine L. Alave at Michael Lim Ubac
ULOY na tuloy na ang computerized na halalan sa Mayo 10, 2010, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chair Jose Melo kahapon.
“We are ready. There will be full automation nationwide,” ani Melo sa isang press briefing matapos katigan ng Senado Miyerkules ng gabi ang P11.3-bilyong supplemental budget para sa automation ng halalan sa 2010.
Idinagdag ni Melo na itutulak ng Comelec ang pambansang awtomasyonon ng mga halalan sa kabila ng mga pagdududa at pagtutol ng ilang mambabatas at ilang information technology professionals. Nagkaisa angmga
senador na sina Edgardo Angara at Richard Gordon na ang pagsang-ayon ng Senado sa House Bill 5715 ay tanda na ng katapusan ng manomanong pagbilang sa mga boto. Ang siyam na senador na pumabor sa panukala ay sina Angara, Gordon, Juan Miguel Zubiri, Loren Legarda, Rodolfo Biazon, Lito Lapid, Ramon Revilla Jr., Gregorio Honasan at Aquilino Pimentel Jr.
FRIDAY, MARCH 6, 2009
Hindi pa kinukubra P174-M premyo sa Superlotto
MAY payo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa nanalo ng kahalati ng P347-milyong jackpot ng SuperLotto: Kubrahin na ninyo ang pera bago pa mabura ang numero sa tiket ninyo. Sinabi kahapon ni Dr. Larry Cedro, tagapagsalita ng PCSO, na 11 araw na ang nakalilipas mula n a n g m a p a n a l u n a n a n g n apakalaking premyo sa 6/49 pero ang ikalawang nanalo ay hindi pa kinukuha ang parte niyang P173.9 milyon. “We advise the winner to claim it now before the numbers on his ticket fade,” aniya. Nagbabala si Cedro na ang
tiket ng lotto ay gawa sa thermal paper na limitado ang buhay. Aniya, sensitibo ito kaya hindi dapat mabasa o maarawan. Ang isa pang nakahula sa nanalong kumbinasyon na 06, 34, 20, 26, 12, and 33 na lumabas noong Peb. 22 ay kumubra na. Binili ng 50-taong-gulang na empleyada mula sa Caloocan ang kanyang tiket sa Pasay City. Tumaya siya ng P120 at pinili ang mga numero mula sa petsa ng kanyang kasal, kaarawan ng isa niyang anak, ang address ng kanilang bahay at sa plaka ng isang kotse na nakita niyang mabilis ang pagtakbo. Julie M. Aurelio
P50-B stimulus plan ng Kongreso malabong pipirmahan ng Pangulo BAKA hindi maipatupad ang bersyon ng Ko n g r e s o n g i s a n g economic stimulus package pagkalagda ni Pangulong Macapagal-Arroyo sa General Appropriations Act of 2009 o ang P1.415trilyong pambansang badyet ngayong taon. Sinabi ni Budget Secretary Rolando Andaya kahapon na ivi-
veto ng Pangulo ang probisyong naglalaan ng P50 bilyon para sa congressional aid package. Nakapaloob ang alokasyon sa badyet na pinasa ng bicameral conference committee nitong Enero, at kukuhanin mula sa n a k a t a k d a n g p a mbayad sa utang. “There is a differ-
ence between what is written on paper and the actual cash available to cover it,” ani Andaya sa INQUIRER . Nakatakda ang P50-bilyong alokasyon na pondohan ang mga programang imprastraktura, serbisyo publiko at edukasyon upang mapaigting ang ekonomiya. Christian V. Esguerra
DALAWA sa tatlong lalaking nakita sa mga police security camera na pumapatay ng isang lalaki ang inaresto ng pulis-Maynila kahapon. Sinabi ni Manila Police District (MPD) Sta. Cruz police station 3 commander, Supt. Romulo Sapitula, na inaresto sina Gerry Jamal Buacan at Ali Ampatuan Sultan para sa pagpatay kay Ernesto dela Vega, 35, taga-Quezon Boulevard sa Sta. Cruz, Maynila.
“We were able to identify the suspects on the CCTV (closed circuit TV) footage taken when the incident happened. Within an hour, my men were able to arrest the two suspects whose features were captured on video,” ani Sapitula. Ayon sa MPD homicide section, na-
ganap ang insidente bandang 8:30 ng gabi noong Miyerkules sa kanto ng Arlegui at Nepomuceno sa Quiapo. Nakita sa bidyo na binaril ng mga suspek at isa pang lalaki si Dela Vega. Agad na tumalilis ang mga suspek pagkatapos nito. Jeannette I. Andrade
2 lalaki kitang pumatay sa video nahuli ng pulis
For Hiring COMPUTER PROGRAMMER Apply at: 152 Scout Limbaga Brgy. Sacred Heart Q.C. Bring updated clearances 923-0446 • 9288285
RESULTA NG
LOTTO 6/49
10 11 17 19 42 44 P27,742,255.20
SUERTRES SUERTRES
7(Evening8draw)4
(In exact order)
EZ2 EZ2
18 23
(Evening draw)
SIX DIGIT DIGIT SIX
0 3 6 5 3 7
Presyo ng pandesal binabaan
MAS MURA na ng 50 sentimo ang isang supot ng 10 pandesal, sinabi ng Philippine Federation of Bakery Association Inc. (PFBA) Ibinaba ng mga panaderya ang presyo ng tinapay dahil sa pagbaba ng halaga ng liquefied petroleum gas at harina, sinabi ni Luisito Chavez ng PFBA. Aniya, dapat ay bumaba pa ng piso ang presyo ng isang balot ng loaf bread bago matapos ang buwan. “If prices of flour and LPG go down further, then we can pass on more savings to consumers,” aniya. Idinagdag ni Chavez na maliban sa bawas presyo ay mas malaki na rin ang mga pandesal. Abigail L. Ho
Editor in Chief
Chito dF. dela Vega Desk editors
Romel M. Lalata Dennis U. Eroa Armin P. Adina Cenon B. Bibe Graphic artist
Ritche S. Sabado
Libre is published Monday to Friday by the Philippine Daily Inquirer, Inc. with business and editorial offices at Chino Roces Avenue (formerly Pasong Tamo) corner Yague and Mascardo Streets, Makati City or at P.O. Box 2353 Makati Central Post Office, 1263 Makati City, Philippines. You can reach us through the following: Telephone No.: (632) 897-8808 connecting all departments Fax No.: (632) 897-4793/897-4794 E-mail:
[email protected] Advertising: (632) 897-8808 loc. 530/532/534 Website: www.libre.com.ph All rights reserved. Subject to the conditions provided for by law, no article or photograph published by Libre may be reprinted or reproduced, in whole or in part, without its prior consent.
OK LANG SA SIMBAHAN
FEATURES
FRIDAY, MARCH 6, 2009
3
Iwan abusadong mister mo
I
The monsignor said the basis for Church annulment in cases of domestic violence is “psychical immaturity”. Fr. Armand Tangi of the Society of St. Paul assures na hindi kasalanan ang ginagawa ng isang misis na iiwan ang mister para makaiwas sa pananakit, lalo na kung dumarating sa puntong nanganganib ang kanyang buhay. “The moral obligation of any human being is to life,” aniya. “It’s more (of) a sin not to protect the inviolability of one’s own life,” paliwanag
Ni Cathy C. Yamsuan
N OUR predominantly Catholic society, militant sectors often blame the Church for the prevalence of domestic violence.
They accuse Catholic bishops of discouraging battered women from leaving the home despite the pain inflicted by their partners. This is to keep intact the family which is considered the basic unit of society. Catholic priests however, assure na hindi ganito kakitid ang utak ng Simbahan. Kapag nasa panganib na ang babae,
preserving her wellbeing becomes her moral obligation. “Wife battery is actually a basis for the declaration of nullity (of marriage) sa Church,” explains Monsignor Mario Martinez, a Canon lawyer and parish priest of the Resurrection of Our Lord Parish in Parañaque City. Moreso “kapag regular” ang pananakit, dagdag niya.
Sometimes the men do not know that what they are doing is wrong — Ruffa Ni Cathy C. Yamsuan
MARCH 8 of every year is International Women’s Day. The first celebration was on March 19, 1911 in Austria, Denmark, Germany and Switzerland, where more than a million women and men joined rallies and campaigned for women’s rights and against discrimination. On April 10, 1990, President Corazon Aquino signed Republic Act 6949 declaring March 8 of every year as National Women’s Day. The 2009 Women’s Month theme is “Babae, Yaman ka ng Bayan!” Inquirer Research
SILENCE cannot be considered golden kapag domestic violence na ang pinaguusapan. “The first step is to break the secrecy,” ani Dr. Honey Carandang, isang kilalang child psychologist. Sa maraming kaso kasi, the attacks stop only when the deeds of the violent partner, often male, are exposed. Umiiral ang kahihiyan kapag kumalat na sa mga kamaganak at kapitbahay na nananakit ang padre de familia so nahihinto ito. In 2007, 6,679 cases of domestic violence against women were recorded in the Philippines, prompting Avon Philippines to launch its Speak Out Against D o m e s t i c Vi o l e n c e
campaign last month. Matindi ang stigma ng domestic violence. And often it is directed against t h e b a tt e r e d woman. At this day and age kasi, may mga t a o p a r i n g t um a t a n ggap na normal or given in a society a n g pananakit o p a g control ng lalaki sa babae. Ang pagsusumbong is discouraged dahil magdudulot lang ito ng kahihiyan sa pamilya. Sa kaso pa nga ng domestic violence survivor na si Rose Rigos,
she chose to keep quiet about the beatings “to protect him from my own family.” A n i R u f f a G u t i e rr e z , spokesperson of Avon’s new crus a d e , “ s o m etimes the men do not know that what they are doing is RUFFA wrong. In my case, m y h u sband still blames me for leaving.” She added that when a woman “has a family to protect, nagkukunwari siya (that everything is alright).” Violence in the
home comes in many forms. Most rampant na siguro ang physical abuse tulad ng p a n a n a m p a l , p a mbubugbog, paninipa, panununtok or the use of objects to inflict pain. Philippine laws also recognize sexual abuse which involves violence of a sexual nature. Psychological abuse, on the other hand, include emotional blackmail, pagmumura at panlalait to erode a person’s self-esteem. M e r o n d i n g e c onomic abuse where an offended party is made to believe na wala siyang kuwentang tao simply because wala siyang income, mas kaunti ang kita niya or umaasa siya ng kabuhayan sa lalaking abuser.
pa niya. Fr. Rey Bernard Martinez of Sto. Niño Parish in Tondo, Manila agrees. He said a battered individual who continuously suffers “should consider any option available to be free or get out (of) that experience of hell.” A priest assigned in Metro Manila warns that if a battered wife remains in a violent environment, “she will be martyred. Walking out is for her safety.” The priest who requested anonymity noted however, that the clergy cannot openly endorse the act of leaving the abode.
STA. ROSA, LAGUNA Near jeepney route per month for 25 years
P3,750
RESERVATION – 5,000 DOWN – 3,378 (X 15 MONTHS) CALL : ELENA SANCHEZ TEL 5208410 CP 0927 518 6088
“If the woman comes to a priest during confession, she will be advised to stay away from her husband or probably report the violent incidents to the police but we cannot openly tell female parishioners to leave their violent husbands,” he said. The priest also qualified that domestic violence, and no other agenda, should be the sole reason a battered woman leaves her husband. Meanwhile, a Visayas-based priest recalled cases where the battered wife is allowed to leave the home “until magbago ang offender at saka (pa lang sila) magkakabalikan.”
MONTALBAN
One ride from Ever-Commonwealth month P 3,880 per for 25 years
Reservation – 5,000 Down – 4,471 (x15 months) Call: Marie Pableo CP 09209099843
SHOWBUZZ ROMEL M. LALATA, Editor
Saan masarap mag-outing? MGA kabarkada kong Parekoys, This is Andrew, 28 years old, and I am an avid fan of your show. Tuwangtuwa talaga ako sa adventures ninyong magkakabarkada. Naaalala ko tuloy ‘yung mga panahon na nasa college kami ng mga kabarkada ko. Sa hirap ng buhay, after namin sa school, marami sa amin nagabroad na. ‘Yung iba, nagcall center naman. Ako, may sarili na akong business na, kahit papaano, ay kumikita na ng kaunti. Tatlo ang kabarkada kong nagtatrabaho sa Dubai at ngayon lang sila uuwi ng sabaysabay after three years kaya magkakaroon kami ng reunion. Sa April, sila dadating. As the class president dati at “pinakaresponsible” sa barkada namin, ako na lang daw mag-organize. Um-oo naman ako. Help naman o, mga Parekoys! Saan ba masarap mag-outing this summer kasama ang mga barkada ko? Dapat, siyempre, exciting at maganda ang lugar na pupuntahan namin dahil baka matagalan bago masundan ‘to. Salamat! Andrew Hi, Andrew! Tamang-tama ang sulat mo dahil malapit na talaga magsummer. Ano pa nga bang topic ang swak na swak sa usapang summer kundi ang outing. Sabi nga nila, swerte tayong mga Pinoy dahil maraming magagandang lugar sa Pilipinas na talaga namang maipagmamala-
Pero ang suggestion ko ay banana boat ride at sunbathing. Wag niyong kalimutan magbaon ng extra sunscreen lotion para sa mga girls! Ang inyong PApable Parekoy, Mario (Zanjoe Marudo)
ki natin. Kung ako ang tatanungin mo, tatlong “B” ang maisusuggest ko: Baguio, Boracay, at Batangas. Oo, yan ang mga pinaka-common pero sigurado ka namang hindi ka sasablay. Kung gusto niyong takasan ang init ng araw sa Manila, Baguio ang best bet niyo. Makakapagbonding na kayo on the road paakyat, marami pang activities kayong pwedeng gawin sa Baguio mismo. Pwedeng magboating sa Burnham, maghorseback riding, picnic, hiking at kung anu-ano pa. Siyempre, pwede ring mamili ng mga strawberry jam, peanut brittle at mga fresh na gulay, handicrafts, ukay-ukay at kung anuano pa. Kung beach naman ang gusto niyong puntahan, you can never go wrong sa pagpili ng Boracay (kung medyo may budget) at Batangas (kung medyo nagtitipid). Gamitin mo na alng ang imagination mo sa dami ng activities na pwedeng gawin.
Nabanggit na ng Parekoy nating si Mario ang mga “usual” na lugar na pinupuntahan kung may outing. Ako naman, ang suggestion ko eh yung mga medyo “alernative” para maiba naman. Kung 3 “B’s” ang kay Mario, ang sa akin naman ay V.I.P.: Vigan, Ifugao, at Palawan. Sa Vigan, pwede kayong mag historical tripping dahil nandiyan ang Vigan Heritage Village. Pwede rin kayong bumisita sa Baluarte at makipag-tripping naman sa mga friendly animals. Sa Ifugao naman, siyempre nandiyan ang Rice Terraces. Kung yan ang pupuntahan niyo, wag kalimutang magbaon ng hiking boots, camera at maraming tubig. Sa Palawan naman, wildlife ulit, magagandang beaches at pwede rin mag-diving at magpiyesta sa seafood. Kung pupunta kayo, sama niyo naman kami! Ang inyong REsponsible Parekoy, Joseph (John Prats)
Ako marami akong naiisip na magagandang puntahang lugar para mag-outing. Una siyempre ang Batangas kasi Batangueno ako. Pero sa totoo lang, sabi nga sa isang kasabihan, it's the thought that counts. Kahit saan pa ninyo mapili magpunta basta enjoy lang at i-enjoy ninyo ang company ng isa't-isa lalo pa't nagyon lang uli kayo magkikita at magbo-bonding pagkatapos ng matagal na panahon. Siyangapala, wag ninyong kakalimutan manood ng Parekoy, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Wowowee. Sa susunod na Linggo, kaming mga Parekoy naman ang may-outing sa Baguio. Nood kayo, ha? Ang inyong KOYable Parekoy, Jess (Jayson Gainza) ANG tatlong Parekoy sa Baguio
FRIDAY, MARCH 6, 2009
Another victory for Cesar
I
By Dolly Ann Carvajal
HAD a blast with my fave amigo Cesar Montano at his resto Bellisimo during an impromptu victory party after Buboy was named Best Game Show Host for Singing Bee (which won Best Game Show) at the 7th Gawad Tanglaw. Buboy is elated that he won. “Nakakatuwa kasi experimental lang na nag game show host ako,” he said. “Di ko akalain na mananalo pa ko as best host.” The cool staff of his show joined the celebration. We were ribbing Buboy about how funny he looked in his earlier films like Golden Buddha so he should ban all VCD copies of those movies. “Nagulat ako when a fan gave me a VCD compilation of all my films,” he said. “So kahit pirated, tinanggap ko na rin (laughs). But I don’t support piracy.” He was on his fifth day of antibiotics for his tooth so
Buboy said he could not drink wine yet. But after much prodding, he gave in and proposed a toast for more success and lasting friendship. We are planning to go to his hometown Bohol on Holy Week and continue the outreach program for less fortunate kids in various towns of the province which he started with his wife Sunshine. The highlight of the night was when we took turns in asking Buboy “tough 10” questions. His revealing answers made us all scream with delight. Unfortunately, it’s all off-therecord.
KINARIR ng mga batang ito ang pagsayaw, halatang inspired na inspured sa kanta ni Beyonce na “Single Ladies.” Mapapanood sila sa Youtube, search niyo lang ang “Single Gaydies.” ROMY HOMILLADA
4
JEN-JEN Llanes
topmodel Sunrise: 6:12 AM Sunset: 6:05 PM Avg. High: 32ºC Avg. Low: 22ºC Max. Humidity: (Day)68%
Friday, Mar. 6
ENJOY
Kapalaran
May makakatakas na bad words sa bibig mo
YY
AQUARIUS
Sana makinig ka sa babala ng isip mo
YY
PISCES
Masasaktan ang personal property mo
ARIES
Para siyang bumbilya, puwede mong on/off
YYYY YY
TAURUS
Maiinis ka na pag sinama mo sa bahay
YYYYY
GEMINI
Mas mahal mo siya ngayon kesa kahapon
YY
CANCER
Ayaw ka niyang kasabay sa pagkain
YY
‘‘
PPP
Huwag pagtiyagaan ang tira-tira ng iba
Masarap talagang matulog sa trabaho
Low maintenance cost ang semi-kalbo
Mas malapit dedlayn, mas inspired ka
Tingin nilang lahat sa iyo isa kang ATM
Turn off mga kliyente mo sa ringtone mo
Di tatanggapin sa bangko mga ID mo
Kung pangit, idaan mo na lang sa kulay
Mas paniniwalaan ang may maraming pera
Balaan ang lahat, huwag magpupula
‘‘‘ ‘‘
‘‘
PPPP PP PPP
‘‘‘‘
PPP
‘‘‘‘
PP
Bumili na ng matinong backpack
Babagal na naman brain cells mo
Meron kang mabibili na peke pero maganda
Kulang ang isang panyo sa pawis mo
‘‘‘
PPP
‘‘‘‘
LEO
VIRGO
Mahahawa ka sa kulugo niya sa finger
LIBRA
SCORPIO
‘‘
Hindi sina-shoplift ang wallclock
Y
‘‘‘
YYY
‘‘‘‘
YYYY
‘‘‘‘‘
BLADIMER USI
UNGGUTERO
PPP
Sumakay ng barko, Masyado kang excited, Mapapansin mo, wala pumunta sa Mindanao pala siyang leeg ingat, baka mabigo
YY
P
Sa sobrang bigay todo, mabu-burnout ka
PPPPP
Kakamayan ka muna Mahirap maningil kung Pag enjoy ka, di ka na lampas na ng 1 year kailangang pagsabihan bago ka niya i-break
PPP
Di ka kumportableng Sa palengke ka bumili, malamang meron makitulog sa bahay nya Maghanap na ng bibilhing bahay
e k o J ti
Mag-practice bago mo SAGITTARIUS gawin sa kanya yon Love:
Y
TITSER: Bakit ka na-late?
‘
5
P.M. JUNIOR
PUGAD BABOY
YY
CAPRICORN
FRIDAY, MARCH 6, 2009
Mahalin mo mga kaopisina mo
PPP
Atupagin ang tambak na dapat labhan
Money:
Career:
CROSSWORD PUZZLE
BY ROY LUARCA
P
me
EDWARD: Nawalan ho kasi ng P500 yung lalaki. TITSER: Tinulungan mo siyang maghanap? EDWARD: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya. —padala ni OneMig ng Sampaloc, Manila
18. Halt 20. Alarm bell 22. Semi-aquatic mammal 24. Preside over 27. Military cap 31. Absent 32. Epoch 35. Pot 36. Act of stowing 38. Finish 39. Letters 40. Reverence, suffix 41. Conjugation forms 42. Saxophone
DOWN
ACROSS
1. Starchy root 4. Trainees 9. Aborigine 10. Fat
12. 13. 15. 16. 17.
Decompose Alms distributor Seed Flower garland Solo
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Threads Concerning Slogan Firewood Competent Death Within, prefix Singer
11. Songbird 14. Direction, abbr. 19. Taro-based food 21. Displease 23. Cares for 24. Price 25. Shed 26. In agreement 28. Fencing swords 29. Bear-like mammal 30. Directory 33. S-shaped curve 34. Headland 37. Prevailed SOLUTION TO TODAY’S PUZZLE
Realtors lusot sa Tropang Texters
BINITAWAN ng Sta.Lucia Realtors ang 16-puntos agwat sa fourth period ngunit nagawa pa ring lusutan ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 106-100 kagabi sa Motolite-PBA Fiesta Cup road game sa Ynares Arena sa Pasig City. Samantala, pag-aawayan ng Barangay Ginebra at Burger King ang solong liderato ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Nalusutan ng Gin Kings ang Coca Cola Tigers, 110-103 victory Miyerkules at binuksan ng Titans ang kanilang kampanya kontra Sta.Lucia, 96-87 noong nakaraang Pebrero 28. Mangunguna si Rod Nealy sa atake ng Ginebra.
FRIDAY, MARCH 6, 2009
SPORTS
DENNIS U. EROA, Editor
BRITON BINUHAT SARILING BANGKO
Angat sa lakas, parehas sa bilis: Hatton L
ONDON—Babalik sa lugar ng kanyang unang talo si Ricky Hatton at naniniwala siyang madidiskubre ni Manny Pacquiao na ibang boksingero na ang haharapin ng pambansang kamao.
DETERMINADO
PILIT na binubuhay ni Deron Williams ng Utah Jazz ang bola kontra Houston Spurs sa NBA. Nagwagi ang Jazz, 10194. Kumpletong resulta: Cleveland 91 Milwaukee 73; Miami 135 Phoenix 129; Boston 115 New Jersey 111; NY Knicks 109 Atlanta 105; Oklahoma City 88 Washington 83; Chicago 110 Golden State 88; Dallas 107 San Antonio 102; Utah 101 Houston 94; Portland 107 Indiana 105; Memphis 118 LA Clippers 95. REUTERS
Tigers mabangis sa UAAP volleyball Ni Cedelf P. Tupas
PINAGLARUAN ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 25-22, 25-14, 25-17 at kumpletuhin ang twogame sweep sa UAAP men’s volleyball finals Miyerkules sa The Arena sa San Juan. Ang panalo ay tumapos sa nakakamanghang kampanya ng Tigers na tinapos ang season na may 18-0 panalo-talo marka. Ito ang ikalawang sunod na taon na kinuha ng UST ang kampeonato sa liga. Kapwa may 15 puntos sina John Paul Torres at Rene James Pecaña sa Tigers na winalis ang
best-of-three series. Sa women’s division, pwinersa ng La Salle Lady Archers ang winner-take-all Game 3 ng ambusin ang FEU Lady Tamaraws, 17-25, 25-21, 25-18, 25-18. Gagawin ang kampeonato 2 p.m. Linggo sa The Arena sa San Juan. Kumislap sina Stephanie Mercado at Charleen Cruz sa Lady Archers na tinabla ang serye, 1-1. Rookie of the Year si Melissa Gohing ng La Salle at best reciever ang kasanggang si Manilla Santos. Best blocker rin ang alas ng La Salle na si Jacqueline Alarca.
Sinabi ni Hatton mas mahusay na siyang boksingero sa Hatton na tinalo ni Floyd Mayweather Jr isang taon na ang nakalilipas. Diniin ni Hatton na ang East versus West nila ni Pacquiao Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas ay pagkakataon upang makuha niya ang titulong pinakamagaling na boksingero sa mundo pound-for-pound. Apat na pandaigdigang titulo ang hawak ni Pacquiao na huling tinuruan ng leksyon si Oscar De La Hoya sa welterweight division. Maghaharap ang dalawang mandirigma sa timbang na 140 libra o bilang mga light-welterweight. Hindi pa nakatitikim ng talo si Hatton bilang light-wel-
terweight. Sinabi ni Hatton na puntirya niya ang knockout ngunit hindi siya magpapabaya laban sa isang Pacquiao. “I will always go for the knockout but I can’t go crashbang-wallop against a fighter like Manny,” sabi ni Hatton na may kartadang 45-1 kabilang ang 32 knockouts. Dagdag ni Hatton: “I strongly believe I will be as fast as Manny. If I’m not as fast as Manny, I’ll only be the narrowest of margins behind. He’s going to get a shock. The technical side and the speed will shock him more than anything.” Pinaliwanag ni Hatton na malaking tulong ang pagsasanay niya sa ilalim ni Floyd Mayweather Sr. Nagsimula ang
Relax lang si Pacquiao
KUNG si Ricky Hatton ay gigil na gigil, relax lang si Manny Pacquiao na dumating Martes sa Los Angeles International Airport mula sa London. ‘‘It feels good being back here (in the US),” wika ni Pacquiao sa Asian Journal. “My body feels good. I’m ready to train. I’m ready to go back to work.”
Ginawa ni Pacquiao ang dalawang rounds ng shadow boxing, tatlong rounds ng mitts, dalawang rounds sa speed bag, tatlong rounds sa jumping rope, dalawang rounds sa double bag at abdominal exercises ang ginawa ni Pacquiao sa una niyang pagsabak sa pagsasanay sa Wild Card Gym.
kanilang samahan noong 2007 at nag-resulta ito sa kanyang tagumpay kontra Pauli Malignaggi Nobyembre para sa titulong IBO light-welterweight. “With the technical stuff that me and Floyd have been working on, the hand speed, the combinations punches, my all round defence and boxing ability, I think Manny has got something else to worry about rather than just my sheer size,” diin ng Batang Manchester. Tinuon ni Hatton ang kanyang buong atensyon bilang light-welterweight samantalang pinagharian ni Pacquiao ang flyweight, super-bantamweight, super feather-weight at lightweight bago durugin si De La Hoya bilang welterweight. Pinuri rin niya si Pacquiao. “It’s phenomenal what Manny has achieved. But I’m the biggest man he’s faced. I’ve always said at 140 pounds I believe I’m too strong and too big.” Reuters
FEU, Letran umarangkada Umabante ang kampeong FEU at Letran sa Final Four ng Luzon eliminations ng 13th Nestea Fit Beach Volley Championships kahapon sa SM Mall of Asia. Isang panalo na lang ang kailangan ng Tams at Knights upang marating ang national finals Mayo 6-9 sa Boracay. Tinalo nina Joshua Alcarde at Jan Berlin Paglinawan ng FEU sina Rene Ali at Fernando Amlain ng Lyceum-Batangas, 21-10, 21-15, at hinataw nina Joseph Erickson Ramos at Eden Canlas ng Letran sina Gabriel Usman at Marion Roa ng PCU, 21-17, 21-14.
Surfing sa siyudad M
ARAMI na ang nahihilig sa pagsu-surfing ngayon. Dahil sa katanyagan ng Siargao at La Union sa mga dayuhang surfer, naengganyo na rin ang mga Pilipino na sumakay sa mga alon. Pero ngayon, hindi na kailangan pang bumiyahe nang malayo upang makapag-surfing.
SAFE din sa mga bata ang surfing lessons na binibigay ng Philippine Surfing Academy. PHOTOS BY ARMIN ADINA Makikita ang Philippine Surfing Academy sa Club Manila East sa Taytay, Rizal. Doon, hindi lamang nagpapakitang-gilas ang mga babae’t lalaking surfers, nagtuturo rin sila sa mga nais sumubok nito. Posible ito dahil sa dambuhalang wave pool na tinatawag na Oceanwaves. Lumilikha ito ng
mga along maihahambing sa tunay na alon ng karagatan. May tatlong bahagi ang Oceanwaves na magkakaiba ang lalim. May diving sa isang bahaging may lalim na hanggang 14 talampakan. Maaari namang lumangoy at magtampisaw sa isang bahaging may lalim na aabot sa 4 talampakan. Habang
sa bahaging may lalim na hanggang 6 talampakan naman ginagawa ang surfing. Ang kagandahan pa sa Oceanwaves, hindi na maiinip ang mga surfer sa pag-aabang sa tamang lakas at laki ng alon. Regular ang paglikha ng alon sa pool, kaya mas makakarami ng pag-surf ang sinumang sasabak dito. Mas ligtas din sa Oceanwaves dahil walang panganib ng mga nakasusugat na corals o banta ng paglusob ng mga pating. Kaya naman kahit mga bata maaaring sumabak sa surfing dito. Maliban sa Oceanwaves pool ng CLub Manila East, nandodoon pa rin ang naunang Beachwaves pool para sa nais lumangoy o maglaro sa isang mala-dagat na pool. Available pa ri nang kayak pool, at iba pang mga pool na naaayon sa iba’t ibang hilig ninyo. Matatagpuan ang Club Manila East sa Km. 24 Manila East Road, Taytay, Rizal. Tumawag sa 284-4740/41, 660-2801/02 o pumunta sa website na www.clubmanilaeast.com. Armin Adina
Bukas na ang Xevera Mabalacat MULA sa tagumpay ng Xevera Bacolor na sold-out sa iilang buwan lamang, inaalay naman ngayon ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp. ang Xevera Mabalacat. Mas malaki at puno ng magagandang oportunidad para sa bawat pamilyang Pilipino ang bagong housing project. Sa loob ng Xevera Mabalacat matatagpuan ang Munisipyo ng Mabalacat, isang paaralan, simbahan, palengke, at dalawang clubhouse. Mayroon ding commercial areas at amusement park, na pinangalanang Feliz Cidade. Mayroon ding himpilan ng mga pampasaherong sasakyan para sa mga residente. Tinatapos na rin ang daan patungo sa Xevera Mabalacat mula sa Clark Field. Ang disenyo ng arkitektura sa Xevera Mabalacat ay engrande at mala-Kastila. Pero abot-kamay ang pagkakaroon ng saril-
MARAMI ang naaliw sa pagtatanghal ng mga ABS-CBN artists, kabilang sina (mula kaliwa) Anne Curtis, Iya Villania at Shaina Magdayao.
De-kalidad na mga gamot mas abot-kaya na MASAYA si Dr. Rery Melchor Santos, pangulo ng Philippine Medical Association sa hakbang ng GlaxoSmithKline (GSK) Philippines na ibaba ang presyo ng mga gamot nito ng hanggang 50 porsyento. Inilunsad noong Miyerkules ng GSK ang programa nitong “Reach” sa Ramon Magsaysay Center sa Maynila. Sa hakbang na ito, babawasan nang malaking prosyento ang mga tanyag na gamit para sa iba’t ibang uri ng karamdaman, kabilang ang para sa hypertension, cervical cancer at HIV infection. Ani Santos, mas matitiyak na ngayon ng mga manggagamot ang tuluy-tuloy na pag-inom ng gamot ng mga pasyente dahil mas abot-kaya na ang mga ito. Dagdag pa niya, natatagalang gumaling ang mga pasyente
dahil hindi sila makabili ng sapat na bilang ng mga gamot. “I hope all reputable pharmaceutical companies will do the same,” pahayag pa niya. “GSK recognizes the need to iprove patient access to the best quality medicines and have worked to help address this,” ani Robert Taboada, pangulo at general manager ng GSK. Dagdag pa niya, layunin ng GSK na gawing mas abot-kaya ang mga gamot nito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas. Ito ang unang bansa sa Asya kung saan pinatupad ang programa. Paglilinaw ni Taboada, hindi apektado ang kaledad ng gamot sa bagsak-presyo. Masigasik pa rin ang pananaliksik nila at mas agresibo pa sa pagpapakalat ng mga gamot.
ing bahay dito dahil P4,927.71 lang ang buwanang hulog sa pamamagitan ng P700,000 loanable amount sa Pag-IBIG na may mas pinababang 7-porsyentong interest rate sa loob ng 30 taon. Tagumpay ang paglulunsad ng Xevera Mabalacat. Punong puno ng tao ang buong Xevera Mabalacat sa pagtatanghal doon ng Sunday variety show ng ABSCBN na ASAP. Malugod namang binati ni Menchu Antigua, host ng naturang event ang lahat ng taong dumalo sa Xevera Mabalacat, kabilang sina Vice President Noli De Castro, Mabalacat Mayor Marino "Boking" Morales, PAGIBIG Fund President Romero F.S. Quimbo at Pampanga Judicial Vicar Msgr. Edgardo Pangan. Maaasahan ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng magandang buhay ng Globe Asiatique sa pamamagitan ng kanilang susunod pang housing projects.
AFFORDABILITY ADVOCATES. Harping the promotion of high quality yet affordable drugs are (from left) GSK Vice President for Government and Public Affairs, PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer Lorna Fajardo, Medicines Transparency Alliance-Philippines Vice Chairman Roberto Pagdanganan, , Philippine Medical Association President Rey Melchor Santos, UK Ambassador Peter Beckingham, and GSK President and Managing Director Roberto Taboada.
Unmask the world of Broadcasting
THE freshmen Broadcast Communication students of Lyceum of the Philippines University (LPU) will hold the career forum “Masquerade: Unmask the Real World of Broadcasting ” on March 10, from 1 p.m. to 4 p.m. at LPU’s Mini-Theater. The speakers for this event are Cheska San Diego, Radyo Natin Network radio announcer, and Mr. Eroll Dacame, former Express Balita newscaster and now a DZAR radio announcer. The event is a project of Section A102 for their Broadcast Media subject handled by Walter Labajo. “Masquerade” aims to reveal the real industry of broadcasting and to inspire Mass Communication students through the speakers’ stories.