TITSER ni Liwayway Arceo
I. Simula Mga Tauhan: Amelita - Ang pangunahing tauhan ng nobela na nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano na nais ng ina para sa kanya. Aling Rosa - Ang tuso at mapang aping ina ni Amelita. Mauro - Katulad ring titser ni Amelita at hindi nagtagal sila ay nagging mag-asawa. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito upang pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas priyoridad niya ang pamilya kaysa ibang bagay. Osmundo- Isang mayamang binata na umiibig kay Amelita. Mang Ambo – Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa kanyang ina. Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinaggap si Amelita at itinuring para na ring isang anak Rosalida (Lida) – Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita. Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida at Rosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita. Felisa, Norberto at Jose – Kapatid ni Amelita na ayon kay Aling Rosa sila daw ay “may sinasabi”. Si Felisa ay isang OB-Gyne; Si Jose ay isang inhinyero habang si Norberto naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Letty – Siya ang batang pinalaki sa layaw ng magulang at paboritong apo ni Aling Rosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing higit na nakakaangat si Letty sa materyal na bagay subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa kanyang pamilya. Mister Batac – Isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo. Enteng – Dating nakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makaalis. Inutusan siya ni Osmundo na patayin si Mauro subalit hindi niya ginawa dahil utang niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapaaral sa anak.
Suliranin: Tutol ang ina ni Amelita na si Aling Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong edukasyon at ayaw rin ni Aling Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang daw na tagapagturo sa paaralan na kakaramput lang isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Amelita kay Osmundo.
II. Gitna Saglit na kasiglahan: