Test Questions G-7.docx

  • Uploaded by: Demee Resulga
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Test Questions G-7.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 3,528
  • Pages: 5
DIVISION UNIFIED TEST IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT Araling Panlipunan –Baitang 7 Pangalan: ______________________

Pangkat ____________ Petsa:______________ Marka:_______________

Piliin ang LETRA ng pinakawastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang. ___1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng EPEKTO ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo? A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyongKristiyanismo. B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa. C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan. D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano. ___2. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya ng pagtatanggol sa bayan at paghahandog ng sariling buhay. Ano ang tawag sa kamalayang ito? A. Patriotismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo ___3. Ang pagdating ng mga iba’t - ibang mananakop sa Silangan at Timog – Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspetong pulitikal ng mga nasakop na bansa? A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang bansa ___4. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Timog Silangang Asya? A. Marami ang napinsala at namatay. C. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya. B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war. D. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at komunismo. ___5. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng pamamahala. Alin sa mga sumusunod na sistemang politikal ito nahahawig? A. Demokrasya B. Monarkiya (Konstitusyonal) C. Monarkiya (Walang takda) D. One Party Government ___6. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega-Mercado, Lea Salonga at iba pa ay pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob at labas ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan? A. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki. B. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae. C. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae. D. May taglay ng karapatan at kalayaan ang mga babae. ___7. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na usapin sa mga bansa sa Silangan at TimogSilangang Asya partikular na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol sa usapin na ito? A. Ang kulturang kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano. B. Nanatiling tradisyonal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano. C. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang kultura at relihiyon. D. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na nakatulong sa kanilang pagpapasya sa buhay. ___8. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig? A. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga Asyano. B. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse. C. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng mga Asyano sa kanilang sariling hangarin. D. Maraming atletang Asyano ang hinangad ng ibang mga bansa na makuha nila. Suriin ang sumusunod na pahayag para sa bilang 9 hanggang 10. ___9. Pahayag 1: Ang Thailand ay hindi nasakop ng kahit na sinong dayuhan samantalang ang Korea ay sinakop ng mga Hapones. Pahayag 2: Lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya ay sinakop ng mga Europeo. A. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama

C. Lahat ng pahayag ay tama. D. Lahat ng pahayag ay mali.

___10. Pahayag 1: Ang mga nanakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay pawang mga Kanluranin Pahayag 2: Gumamit nang dahas ang mga Kanluranin sa pananakop sa Silangan at Timog Silangang Asya A. .Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali C. Lahat ng pahayag ay tama. B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama D. Lahat ng pahayag ay mali.

___11. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon? A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman. B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo. C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari. D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa. ___12. Itinuturing ng ilan na isang porma ng neokolonyalismo ang tulong pinansiyal, militar at impluwensiyang kultural na hatid ng mga bansang kanluranin sa mga bansa sa Asya. Ano ang mabisang gawin ng mga Asyano upang mapangalagaan nila ang kanilang sariling kapakanan? A. Putulin ang ugnayan sa mga bansang ito at simulan ang pagiging nakapagsasarili sa aspektong pinansiyal,militar at kultural. B. Pumili ng mga bansang makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa aspektong pinansiyal, militar at kultural. C. Pag-aralan at suriin ang epekto ng mga kasunduang umiiral at bubuin pa lamang kaugnay sa aspektong pinansiyal, militar at kultural. D. Lumahok sa iba pang samahang panrehiyon at pandaigdig para sa higit na tulong pinansiyal, military at kultural. ___13. Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin ay ang pagbabago sa kalagayang pangekonomiya ng mga Asyano. Bagama’t may ilang bansang umunlad, karmihan sa mga bansang Asyano na nasakop ng mga dayuhan ay hindi pa rin ganap na maunlad sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin ng mga nasakop na bansa kung sakaling muling makipag-ugnayan sa kanila ang mga dating mananakop na dayuhan? A. Tanggihan ang mga dayuhang bansa na naghahangad na makipagkalakalan B. Tukuyin lamang ang mga lugar kung saan maaaring makipagkalakalan ang mga dayuhan na dating mananakop ng bansa. C. Talikuran ang hindi magandang karanasan sa mga dayuhan subalit itigil na ang pakikipag-ugnayan sa kanila. D. Tanggapin ang kanilang pagnanais na pakikipagtulungan at pakikipagkalakalan. ___14. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratly na tinatawag din ng mga Pilipino na Kalayaan Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga bansang Asyano ay sinakop ng mga Kanluranin, ano ang nararapat gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot sa Spratly Islands? A. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ng mapayapa ang nabanggit na krisis B. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan C. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang malakas na puwersa ng China D. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly ___15. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin? A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa ___16. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan lang ay patuloy ang pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga di magandang karanasan na kanilang tinamo tulad ng pang-aabuso, pagmamaltrato at iba pa. Kung ikaw ang Sec. of DFA ano ang iyong imumungkahing mabisang gawin ng pamahalaan ukol dito? A. Himukinangmga OFW nabumaliksamgabansangpinagtatrabahuhan B. Wakasan ng Pilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa. C. Himukin ang mga karatig bansa na magpairal ng economic embargo. D. Maglunsad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga nagbalik na OFW ___17. Ito ay isang halamang ibenebenta noon ng mga Ingles sa China na kapag inaabuso ay nagdudulot ng MASAMANG EPEKTO sa kalusugan. A. opyo B. marijuana C. bungang-kahoy D. wala sa nabanggit ___18. Ito ang tawag sa lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko. A. melting pot B. culture system C. resident system D. reduccion ___19. Sa pamahalaang demokrasya, ang kagustuhan ng nakararami ang nasusunod. Ano ang naidudulot nito ? A. malayang pamumuhay B. mapayapang pamumuhay C. pagyaman ng mamamayan D. pagtanggap sa mga dayuhan ___20. “Ito ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.” Ano ito? A. Rebolusyon B. Ideolohiya C. Diwa D. Nasyonalismo

___21. Ang patuloy na impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga mananakop sa bansang dati nitong kolonya, bagama’t wala silang tuwirang militar o politikal na kontrol sa mga ito ay tinatawag na ______________. A. rebolusyon B. ideolohiya C. neokolonyalismo D. imperyalismo ___22. Ang sumusunod ay mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig, MALIBAN sa; A. Nasyonalismo B. Militarismo C. Imperyalismo

D. Neokolonyalismo

___23. Ang mga sumusunod ay miyemro ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang mapalakas at mapaunlad ang kalakalan sa rehiyon MALIBAN sa A. Malaysia B. Pilipinas C. Saudi Arabia D. Thailand ___24. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Isa sa mga halimbawa nito ay si Ferdinand Marcos ng Pilipinas na kumontrol ng kapangyarihan ng mahabang panahon. A. Kapitalismo B. Sosyalismo C. Demokrasya D. Awtoritaryanismo ___25. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga Español na ginamit na instrumento para masakop ang bansa? A. Islam B. Buddismo C. Kristiyanismo D. Hinduismo ___26. Ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga kababaihan ay isa sa mga pagbabago sa lipunan at pulitika ng Asya. Anong karapatan ang HIGIT na nakamit ng mga kababaihan sa Asya? A. pagpili ng relihiyon B. paglahok pulitika C. pagdesisyon sa pamilya D. wala sa nabanggit ___27. Mahalaga ang edukasyon sa mga Asyano. Itinuturing itong kayamanang hindi mananakaw. Kaalinsaay sa usaping ito, naging malaki ang impluwensya ng edukasyong kanluranin sa mga kolonyang Asyano. Ano ang naging BUNGA nito sa mga bansang Asyano? A. Maraming katutubong Asyano ang nag-aral sa Europa. B. Kinopya ng kolonya ang edukasyon ng mga mananakop. C. Ang mga nag-aaral sa Europa ay mabilis na nakapaglilingkod sa pamahalaan. D. Naging daan ito tungo sa pagyaman, katanyagan at kapangyarihan ng mga katutubo. ___28. Nakilala ang Malaysia sa malawak na plantasyon ng goma (rubber), naging pangunahing panluwas ito sa nasabing bansa dahil sa pagdala ng mga British ng mga buto nito upang pasimulan ang plantasyon ng rubber tree sa rehiyon, samakatuwid; A. Ginamit ng mga British ang kanilang puso na makatulong sa mga katutubong Malayo upang mapaunlad ang kanilang rehiyon B. Likas sa mga British ang pagkamatulungin nakikita ito sa kanilang kusang loob na pagdala ng mga bagay na inihandog sa mga Malayo C. Hindi likas na tanim o halaman ang goma sa Malaysia at may ibang lugar ito na pinagmulan. D. Kapag may pagkukusa at tiyaga maging asensado ang isang bansa kagaya ng Malaysia na malaki ang utang na loob sa mga British Para sa bilang 29 Suriin ang talahanayan ukol sa bilang ng mga ‘di marunong bumasa at sumulat sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and above) 1970

Bansa China Hongkong South Korea Philippines Thailand Singapore

1980

1990

2000

B

L

B

L

B

L

B

L

64.48 35.29 19.89 18.29 27.29 40.46

33.84 7.88 6.26 14.59 11.99 14.1

47.82 23.76 11.07 12.09 17.37 26.19

22.02 5.98 3.15 10.06 7.5 8.67

33.08 5.63 6.56 8.12 10.51 16.73

13.55 4.65 1.61 7.06 4.64 5.51

23.72 9.83 3.59 4.87 6.12 11.62

8.34 3.46 0.86 4.54 2.85 3.73

Pananda: B – babae L – lalaki

___29. Ano ang pinakamabisang naging EPEKTO sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na may mababang illiteracy rate? A. Nakatulong ang mga mamamayan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa. B. Napanatili ang katatagang pampulitika. C. Napagyaman ang ugnayan sa loob at labas ng bansa. D. Nagtungo ang mga mamamaya sa ibang bansa upang magtrabaho. ___30. Ang mga sumusunod ay pangyayaring naganap at naging papel ng nasyonalismo upang makalaya ang bansang Vietnam. Iayos ang mga pangyayari ayon sa historikal na kaganapan ng bansa. I. Vietnam War na sinalihan ng bansang Amerika II. Pagkakahati ng Vietnam sa dalawa dahilan sa magkatunggaling ideolohiya III. Pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa kilusang Viet Minh sosyalismo IV. Pag-iwan sa Timog Vietnam ng Amerika at pagpapasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo A. I, II, III, IV

B. II, I, IV, III

C. III, IV, II, I

D. IV, III, II, I

Pag-aralan ang pigura sa ibaba para sa bilang 31.

___31. Bago maganap ang kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo, magkatulad ang patakarang panlabas ng China at Japan. Subalit magkaiba naman ang kanilang naging tugon sa pagdating ng mga dayuhang mananakop sa kanilang bansa. Gamit ang Venn Diagram sa itaas, panghambingin ang pakikitungo ng dalawang bansa bago at sa harap ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin? A. Pagkakatulad: Pagkakaiba: B. Pagkakatulad: Pagkakaiba: C. Pagkakatulad: Pagkakaiba:

-Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan; -Tinanggihan ng China ang mga dayuhan. Tinanggap ng Japan ang mga dayuhan. -Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan; -Tinaggap ng China ang mga dayuhan. Tinanggihan ng Japan ang mga dayuhan. -Parehas na binuksan ang bansa sa mga dayuhan; -Tinaggap ng China ang lahat ng mga Kanluraning bansa. Tinanggap ng Japan ang bansang United States. D. Pagkakatulad: -Parehas na binukasan ang bansa sa mga dayuhan. Pagkakaiba. -Tinanggap ng China ang United States. Tinaggap ng Japan ang lahat ng mga Kanluranin. ___32. Ang mga kababaihang Asyano ay nakalaya sa napakaraming restriksiyon bunga ng_____________________. A. pag-aaral ng mga kababaihan C. pagluwag ng pagkakabigkis ng pamilyang Asyano. B. pagdayo ng mga kababaihan D. pagtanggi ng mga kababaihang magpailalim sa restriksiyon. ___33. Kung sa unang pagkatalo ng mga Tsino ay nagtapos sa paglalagda ng isang kasunduan na tinawag na Nanking (Nanjing); ang ikalawang digmaang opyo naman ay nagtapos ng isang kasunduang tinawag na_______. A.Yandabo B.Kanagawa C.Tientsin D. sphere of influence ___34. Kung sa Unang Yugto ng Imperyalismong kanluranin ay hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya,iba naman ang naging kapalaran ng Timog-Silangang Asya.Karamihan ng mga daungan sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga kanluranin. Ano ang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-Silangang Asya? A. Palawakin ang kanilang kaharian at ipalaganap ang Kristiyanismo B. Ipakilala ang mga bagong tuklas na mga kagamitan na siyang mapagkakakitaan C. Mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto D. Masuri, makita, at masaksihan ang mga isinulat ni Marco Polo tungkol sa kanyang paglalakbay sa Asya ___35. Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899,tinawag itong “Rebelyong Boxer” dahil ang mga naghihimagsik ay mga kasaping may mga__________________________ A. kaalaman sa giyera B. hilig sa pagkanta C.kasanayan sa gymnastic exercise D.kasanayan sa martial arts ___36. Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay napasailalim ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagtangka ang mga Pilipino na makamit ang kalayaan ngunit ito’y nabigo.Sa pagpasok ng ika-19 na siglo,nagsimulang magpalawak ng teritoryo sa Asya-Pasipiko ang United States. Isa ang Pilipinas na nais niyang makontrol dahil sa istratehikong lokasyon nito. Noong una, tinulungan ng mga Amerikano ang rebolusyong Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.Natalo ang mga Espanyol at idineklara ang kalayaan ng Pillipinas noong Hunyo 12, 1898 kung saan sinasabing pinaglaruan lamang ang mga Pilipino, sa paanong paraan? A. Lihim na pagkakasundo ng Spain at United States na susuko ang Spain sa United States at isasalin ang kanilang karapatan sa pamamahala sa Pilipinas. Samakatuwid,hindi pa rin malaya ang Pilipinas. B. Magtatag ng puwersang militar ang Amerikano,upang maging dahilan umano sa pagsuko ng Spain C. Hikayatin ang mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol at akiting tumanggap ng pera bilang kabayaran nila sa kalayaan mula rito. D. Pinasunod nila sa anumang naging kasunduang nakasaad sa Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898 ___37. Tulad ng Pilipinas,maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia, Portugal, Netherlands, at England na ang layunin ay kontrolin ang sentro ng kalakalan. Bukod dito, ay sinubukan ding palaganapin ang Kristiyanismo, nguni’t hindi sila nagtagumpay.Alin sa mga sumusunod ang naging DAHILAN? A.Umaayaw ang mga katutubo dahil sa kanilang mga masasamang inaasal B.Malakas ang impluwensiya ng Islam sa rehiyon C.Naging kaagaw sa paniniwala ng mga katutubo ang kanilang hanapbuhay kaya walang panahon D.Ang dati nilang pinaniniwalaan ay ayaw na nilang mapalitan

___38. Tulad ng China,nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng pagkatalo nito sa digmaan sa mga Brirtish,nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain.Isa sa ‘di matanggap ng mga Burmese ay ang gawin silang lalawigan lamang ng India hinangad nilang maihiwalay at matutupad lamang ito kung lalaya mula sa pananakop ng mga Brirtish.Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na__________________________________. A. ipakita ang kanilang lihim na liksi,bilis at paraan sa pakikipaglaban. B. maipalabas ang kanilang mga bagong natuklasan na mga kagamitan sa pakikipaglaban. C. maipakita at maipaalam ang kanilang pakikisimpatiya sa mga mananakop. D. ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo. ___39. Noong Hulyo 1997, ang mga bansang Japan, Thailand, at karamihan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya kabilang na ang Pillipinas ay dumaranas ng suliranin. Anong krisis ang sinasabing EPEKTO tulad ng suliraning kinakaharap din ng mga bansang maunlad na kanluranin? A.Krisis ispiritwal B.Krisis Moral C.Krisis Pisikal D.Krisis Pinansiyal ___40. Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng kilusan laban sa Japan,ito ay ang Anti-Fascists People’s Freedom League o AFPFL sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat. Ano ang naging resulta ng kilusan? A.Nagapi ang mga Hapones, bumalik ang mga Ingles pero hindi na nila ito binigyan pa ng pagkakataon. B.Hindi sila nagtagumpay, naging pabigat at pasakit sa kanila ang nasabing kilusan. C.Nagtagumpay sila noong una, pero dahil sa mapang-abusong samahan sumuko din ang mga kasapi nito. D.Marami ang mga nagprotesta sa kanilang ginawa kaya minabuti nilang buwagin ang nasabing kilusan ___41. Noong June 12, 1898 nakamit ng mga Pililpino ang kalayaan sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo nang matalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano ngunit nagpalabas ang mga Amerikano ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglipat ng pamamahala ng Pilipinas sa mga Amerikano mula sa mga Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon/reaksiyon ng mga Pilipino? A. Kasamang lumagda ang mga pinuno ng mga Pilipino dahil maluwag nilang tinanggap ang mga Pillino bilang pasasalamat sa kanilang tulong B. Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilippino kaya sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano nguni’t dahil sa walang pakikiisa ang ibang Pilipino ay nakapagtatag ito ng pamahalaang kolonyal C. Dahil sa ipinakitang kabaitan ng mga Amerikano sa kanila ay hinayaan nila itong manatili sa paninirahan at hinayaang linangin ang mga likas na yaman D. Dahil sa pang-aabuso ng mga Pilipinong laging humingi sa kanila ng dolyar,minabuting pinaalis ni Aguinaldo ang mga ito dahil naging kahiya-hiya sa kanyang pamunuan ang ginawa ng mga kapwa Pilipino ___42. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensiyang dayuhan.” A. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya C. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman B. Napapanatili ang kultura ng isang bansa D. Pinapahalagahan ng mga kolonya ang kulturang dayuhan ___43. Alin sa sumusunod ang pangunahing SALIK sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Pilipinas? A. Patakarang pangkabuhayan na nakaapekto sa mga Pilipino C. Racial Discrimination B. Pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa mga Pilipino D. Lahat ng nabanggit ___44. Sa digmaang ito, natalo ang mga Tsino dahil sa lakas ng puwersa ng England at France at nilagdaan ang kasunduang Tientsin. A. Unang Digmaang Opyo B. Ika-2 Digmaang Opyo C. Ika-3 Digmaang Opyo D. Ika-4 na Digmaang Opyo ___45. Si Corazon Cojuangco Aquino na isang babae ay tumatak sa bansa at sa Asya dahil sa kanyang ipinamalas na tapang at pagmamahal sa bayan. Saang larangan siya nakilala? A. pulitika B. palakasan C. sining D. literatura Para sa bilang 46-50 Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan, at MALI naman kung hindi sa patlang bago ang bilang. _______46. Kapag karamihan ng mga kababaihan sa isang bansa ay hindi nakapag-aaral, ipinapakita nito ang lubusang pagpapabaya sa kanila ng lipunan. _______47. Kahit walang nasyonalismo, malaki pa rin ang posibilidad na lalaya ang mga bansa sa kamay ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya dahil ito naman ang gustong mangyari ng mga dayuhan. _______48. Isa mga pagbabagong naganap sa panahon ng pananakop ay ang pagkawala ng mga karapatang-pantao. _______49. Ang pagkakaroon ng mga pribilehiyo at karapatang-pantao sa mga etniko, kababaihan, at iba pa sa Asya ay senyales ng tuluyang paghina ng kapangyarihan ng mga mananakop. _______50. Sa panahon ng neokolonyalismo, umusbong ang sistema ng kalakalan sa mga karatig bansa sa Asya.

Related Documents

Test Questions
October 2019 21
Ccna Test Questions
October 2019 15
Post Test Questions
November 2019 19
Level Test Guide Questions
October 2019 15

More Documents from ""