Iniulat ni: Jan Samuel C. Matuba IV-Muon
Hibik ng Pilipinas Hibik – daing, “appeal” Mga tulang nagpapahayag ng poot at pagbabanta ng
Pilipinas sa mananakop nitong Espanya Nagpapahayag din ng madaming di-makatarungang mga pangyayari at pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino
Malaking tensyon ang namumuo sa mga Pilipino at
mga Espanyol lalo na sa mga pari Mga pangyayari tulad ng: paggarote kina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora Pag-aalsa ng iba’t-ibang lalawigan; isa na ang Cavite Mataas na buwis opresyon Aktibo ang KKK at mga Ilustrado
Tatlong tulang tungkol sa “hibik” ng pilipinas sa
mananakop nitong Espanya Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya ni
Hermenegildo Flores Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni Marcelo H. del Pilar Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres Bonifacio
Hibik ng Inang Filipinas sa Inang Espanya ni Herminigildo Flores Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingni't sa dalita’y di na makaiwas. Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ngayo’y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim.
Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa mga anak ko’y ang ibig lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.
Sa pagpapalago ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal. Sapagkat anumang bilhin sa kanila, kaya namamahal, dahil sa bendita, kahit anong gawin pag may halong kanta ay higit sa pagod ang hininging upa.
Ibig ng simbaha't kumbentong marikit organo't kampana aranyang nagsabit; damasko't iba pa, datapwa't pawis ng bayan kukunin, mahirap mang kahit. Ani sa asyenda't kita sa simbahan sa minsang mapasok sa mga sisidlan ng mga kumbento'y di na malilitaw kaya naghihirap, balang masakupan.
Ang dulo'y marami sa mga anak ko ang di makabayad sa mga impuwesto sa gayong katataas ng mga rekargo pagka't kailangan naman ng estado. Sa bagay na iyan, ang mga mahirap na walang pagkunan ng dapat ibayad, sa takot sa Sibil, aalis ngang agad, iiwan ang baya't tutunguhi'y gubat.
Dito pipigain naman ang maiiwan, na di makalayo sa loob ng bayan, siyang pipiliting magbayad ng utang kahima't wala ng sukat na pagkunan. Maghanapbuhay ma'y anong makikita wala nang salapi, ibayad ang iba pagkat naubos nang hititin ng kura sa pamamagitan ng piyesta't iba pa.
Sa limit ng mga piyesta't mga kasayahan ay walang ginhawang napala ang bayan kundi ang maubos ang pinagsikapang sa buhay ng tao'y lalong kailangan. Ang kapalaluang paggugol ng pilak nang dahil sa pyesta ay di nag-aakyat sa langit, kundi ang santong pagliyag ng puso ang siya lamang hinahanap.
Niyong ang ating Amang hindi madadaya sa inam ng pyesta at lagi ang ganda, sapagkat ang ating gawang masasama ay di mangyayaring bayaran ng tuwa. Ibigin ang Diyos nang higit sa lahat at ito ang siyang lalong nararapat ngunit ang prayle'y walang hinahangad kungdi magpalalo't ang baya'y maghirap.
Ang pangako nila sa mga anak ko ay magbigay lamang sa mga kumbento ng kuwalta'y sa langit naman patutungo at ligtas sa madlang panganib sa mundo. Saka sasabihing ang kanilang aral ay utos ni Kristong dapat na igalang bago hindi'y gayo't kauna-unahang lumalabag sila sa Poong Maykapal.
Ang mga anak ko'y turuan nga lamang ng bala-balaking dapat matutuhan kahima't maubos ang lahat ng yaman kikilanlin ko pang darakilang utang. Dapwa'y sa akin daya at pag-api ang siyang nakayang pawang iginanti, kaya hanggang ngayon sa ikabubuti ng kalagayan ko'y wala pang masabi.
Gayunmay'y ako pa ang siyang masama kung aking idaing yaring pagkaaba, sarisaring dusa nama'y nagbabala sa balang dumamay sa aking pagluha. Yamang may hustisyang hindi humihibik kung dili sa balang ayon sa matuwid sa di natutulog na awa ng langit ipauubaya yaring pagkaamis.
Ngunit hindi kaya ngatngatin ng pula ng ibang potensya sa balat ng lupa ang kamahalan mo kung mapag-unawang sa anak ay inang tunay ang dumusta? Hanggang dito ina't ang bahala'y ikaw dangal mo'y tanghalin ng sansinukuban ang pagkakasundo ng lahat mong kawal ay lumagi nawa sa kapayapaan.
Analisis Sinasabi dito ang mga pag-api at pagsasawalang
bahala sa mga Pilipino Marami ding reklamo ukol sa mga prayle na sinasabing nagpapapiyesta, naniningil sa para daw sa “simbahan”, etc. Maraming pagmamalabis at pag-aabuso ng mga kura’t prayle at mga ibang namumuno sa mga tao Tila ipinaaalam sa Espanya ang mga pag-abusong ginagawa ng mga ipinadalang tao sa Pilipinas
Tungkol sa Naglathala Herminigildo Flores Isang “local hero” ng mga Tagalog Kabilang sa KKK Isang matapang na katipunero at isa ding magiting na manunulat
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas ni Marcelo H. del Pilar *some text missing*
Analisis Ngayon nama’y paglalahad ng mga pangakong
binitawan o ang mga magagandang pangarap ng Espanya sa Pilipinas Subalit ang mga Espanyol sa kolonya (Pilipinas) ay binibigo ang mga ito kundi ay umaabuso pa
Tungkol sa Naglathala: Marcelo H. Del Pilar Isa sa mga Ilustrado Patnugot ng pahayagang La Solidaridad Madami nang naisulat na madalas ay kritisismo sa mga prayle at mga mapagmalabis na mga pinuno
Katapusang Hibik Ng Pilipinas ni Andres Bonifacio Sumikat na, Ina sa sinisilangan Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuway kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap, Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis Ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; hinain sa sikad, kulata at suntok makinahi't ibiting parang isang hayop ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon barilin, lasunin, nang kami'y malipol. sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon. Aming tinitiis hanggang sa mamatay bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman.
Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap tiis ay pasulong, patente'y nagkalat recargo't impuwesto'y nagsala-salabat. Sari-saring silo sa ami'y inisip kasabay ng utos na tutuparing pilit may sa alumbrado bayad kami'y tikis kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at buhay na tinatahanan bukid at tubigang kalawak-lawakan at gayon din pati ng mga halamanan sa paring Kastila ay binubuwisan. Bukod pa sa rito'y ang iba't-iba pa huwag nang saysayin, O Inang Espanya sunod kaming lahat hanggang may hininga Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban kami'y di na iyo saan man humanggan ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.
Di na kailangan sa Espanya ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila paraiso namin ang kami't mapuksa langit mo naman kung kami'y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.
Analisis Pinapakita dito na pagkatapos ng 300 taon ay sa wakas
di na natiis ng Pilipinas ang mga pagpapahirap ng Inang Espanya Naghuhudyat din ng galit at poot dahil sa lahat ng mga kapabayaan ng Inang Espanya Ito’y magpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino para sa kanilang bayan Naghuhudyat ng pagsiklab ng isang rebolusyon
! Di pa daw tapos ang tulang iyon ni Andres kaya’t sa
Hibik ng Pilipinas (1932) ni Leandro A. Diazon kaya’t sa isang bersyon nito ay may idinagdag na pambungad: Kung tawagin ako’y Perlas ng dagat ng Silanganan, ngunit ako’y parang ibong nakapiit sa kulungan; kung sabihin ay sagana sa lahat ng kailangan nguni’t salat sa paglayang pangarap ko habang araw; ang lupain ko’y malawak, sagana sa kayamanan, nguni’t ako’y suno lamang sa sarili kong tahanan.
Tungkol sa Naglathala: Andres Bonifacio Isa sa mga pinuno ng Katipunan Ilan sa sinulat “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” Ang kanyang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ay epektibong nagpagising ng damdamin sa maraming Pilipino Inisulat ito ni Andres nang tapat sa kanyang damdaming tulad ng damdamin ng mga karaniwang Pilipinong tulad niya
Summary Ang tatlong tula ay “sunud –sunod” Hibik ng Pilipinas sa Espanya pinahayag ang mga abuso sa loob ng bansa Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Inilahad ang mga dapat pangako ng Espanya Katapusang Hibik ng Pilipinas Pinapakita naman dito ang pagkaubos ng pasensya ng Pilipinas at ang pag-aalab ng damdamin nito para sa kalayaan