Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Maynila
Isang Pagsusuri sa Akdang Ang Mundo sa Paningin ng Isang. . . ni Rogelio L. Ordonez bilang kabahaging pagtupad sa mga kahingian ng Asignaturang Komunikasyon sa Akademikong Pilipino
Ipinasa ni John Robert L. Rodriguez Ipinasa kay G. Arlan Manalac Camba ngayong Ika-24, ng Agosto, 2009
I Paksang Diwa
Ang pangunahing ideyang umusbong sa maikling kwentong “Ang Mundo sa Paningin ng Isang…” uri ng tao sa lipunan. Ang mga klase ng taong ginagamit ang kapwa nila para mapataas pa ang kanilang posisyon o kapangyarihan. Ang mga klase ng taong nasisilaw sa salaping nakikita nilang makakapitan nila sa kanilang kinabukasan at para lamang sa pansariling kagustuhan. At ang mga klase ng taong nagtitiis na magpasakop sa kanilang panginoon.
II Kasaysayan Nagtrabaho ang awtor , noong estudyante pa siya sa kolehiyo, sa iba't ibang kapitalista, sa konstruksiyon, sa pabrika ng tela, sa pagawaan ng armature, sa pabrika ng plastic bag at sa Philippines Free Press dahil nagsusulat na siya . Nakita at naranasan niya ang hindi makatrungang trato sa mga manggagawa sa ilalim ng mapang-aliping sistemang kapitalista at dahil labis na tubo ang pangunahin nilang interes, nakakalimutan na nila ang kapakanan ng mga manggagawang silang bumubuhay at nagpapaligaya sa kanila. Nabigyan niya ng pansin ang ari dahil may pararelismo ito sa manggagawa,parehong mahalaga lamang sa kanilang amo kapag pinakikinabangan pa ngunit kapag mahina na at halos wala nang silbi, binabalewala at nilalait pa. III Conflict -Tauhan
-Pangyayari -Author Ang istilo ni Rogelio L. Ordoñez sa pagpapahayag ng mensahe niya sa kanyang akda ay ang paggamit ng konotasyon upang mabigyan ng ibang kahulugan ang mga salitang ginamit niya. Gumamit siya ng teoryang realismo kung saan ipinapakita lamang niya ang nasaksihan niya sa ating lipunan. Higit sa lahat gumamit siya ng teoryang marxismo kung saan ipinapakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pagahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
-Title
IV Political Cultural Economic Psychological Sociological Conclusion Pagkatapos ko mabasa ang maikling kwentong ” Ang mundo sa Paningin ng Isang…”, Namangha ako sa awtor dahil makapagsulat ng isang akdang kailangan talagang malalim na pag-unawa upang maintindihan ang nais ipahiwatig na mensahe sa mga mambabasa. Nilikha niya ang isang akdang kakaiba sa mga akda na patungkol din sa lipunan ,dahil gumamit ng makatotohanang kwento na may halong kabastusan, na siyang nagpalalim sa kwento. Nais niyang iparating ang hindi wastong pagtrato ng mga negosyante sa mga mangaggawa. Binigyan din niya ng ideya ang mga manggagawa na sila ay may kakayahan o kapangyarihan upang baguhin ang ganitong kalagayan.
Rekomendasyon