Talumpati Para Sa Magtatapos.docx

  • Uploaded by: riza mendoza
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Talumpati Para Sa Magtatapos.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 482
  • Pages: 2
“Our ability to reach unity in diversity will be the beauty and the test of our civilization” Sa _____________. Sa aking mga kamag- aral, kalaro at mga kaibigan, sa aming mga butihing guro at mga magulang. Isang magandang gabi.

Ngayong gabi, isang kabanata na naman ang muling magsasara, at isang bagong libro ang mabubuksan. Sa pagsasara ng kabanatang ito , ay natitiyak kong marami tayong natutunan. Mga bagay na dapat nating tandaan at baunin, upang mas maunawaan natin ang bagong libro at kabanata ng ating buhay. Maaaring sa panibagong libro na ito, hindi maiiwasan na minsan mayroon tayong mga bagay na hindi agad mauunawaan, maaaring may ibang bagay na hindi pupukaw ng ating interes, mga bagay at ideya na iba sa ating kultura at paniniwala. Ilan sa mga ito ay maaaring magpaisip sa atin kung tatapusin natin ang ating nasimulan. Going through to a higher level of our lives is much different from what we previously enjoyed. It is more challenging and more matured this time. Makikilala natin ang ating mga bagong kaibigan, mga bagong karakter sa ating librong sinisimulan. Mas malawak na lipunan ang ating gagalawan. Marami tayong makikilala at makakasalamuha. Makikita ang ating pagkakaiba sa iba. Sa paniniwala, kultura at ideya, at , malalaman natin unti unti kung ano ang ibig sabihin ng pakikisama at pakikiisa. Pakikiisa. Pagkakaiba. Edukasyon. Tatlong salita na hindi pa masyadong malinaw sa mura nating isipan. Walang masyadong epekto sa atin bilang bata. Pero habang isinusulat ko ang maikling talumpating ito. Napukaw ng mga salitang ito ang aking isip. Bilang isang munting bata, napaisip ako kung gaano kahalaga ang pagkakaisa. Alam kong isa ito sa pundasyon para umunlad ang isang lipunan. At Tayo bilang mga bagong magsisipagtapos, ay magkaroon sana ng pakikiisa at pagkakaisa saan man tayo makarating at mapunta. As a great leader once said to his people “Remember upon The conduct of each depend the fate of all”. And he almost conquer the world. Before I end this up, May I take this privilege to acknowledge the heroes of my own story. Sa aking mga guro na walang sawang nagtiyaga upang lahat kami ay mapatuto. Hindi biro ang dedikasyon na ibinuhos ninyo upang tapatan ang kulit naming magkaklase maunawaan lang ang lesson sa araw araw. Salamat Po. Sa aking mga kaklase, bahagi na natin ang bawat isa. Nakakalungkot dahil maghihiwa hiwalay na tayo. Magkakaroon tayo ng mga panibagong mga kaibigan pero hindi ko kayo makakalimutan. Mamimiss ko kayo.

Higit sa lahat, sa aking mga magulang. Wala ako sa inyong harapan kundi dahil sa inyo. Ang karangalan ko ay iniaalay ko sa inyo. Salamat po sa pag aaruga at sa pagmamahal. Mahal ko po kayo. Salamat sa paaralang kumupkop sa akin sa loob ng 6 na taon. Ikinararangal ko ito.

“ It’s time to say goodbye, but I think goodbyes are sad so I’d rather say hello. Hello and see you to our new adventure.

Related Documents

Talumpati
April 2020 6
Talumpati
July 2020 3
Talumpati
October 2019 6
Talumpati
November 2019 8
Talumpati
June 2020 8

More Documents from ""