St.Mary’s Academy of Caloocan SY 2009- 2010
Sean Martin Philip N. Serrano
10-Faith
Paksa: mga epekto ng makabagong teknolohiya sa mga kabataan Layunin:makasulat ng isang talumpati na magpapakita sa mga nakaririnig ang importansya ng pagkontrol sa sarili Inaasahang epekto: maipaalam na hindi mabuti ang epekto nito lalong lalo na sa mga kabataan
“Realidad o Pantasya” Kabataan, ang mga tinatawag na kinabukasan ng ating bayan marahil ay ito nga ang katotohanan ngunit walang kasiguraduhan dahil sa mga makabagong teknolohiya ngayon na lumalason sa isipan ng mga kabataan ang isa dito ay “video games” Ang “video games” ay ginawa upang maentertain ang isang tao ngunit sa lalo pang pagunlad nito ay iba na ang mga ipinapakita sa mga kabataan dito din nagsisimula ang paguudyok sa mga kabataan na gumawa ng mga krimen dahil sa mga inilalahad ng mga gumawa ng “video game” dun sa laro katulad ng mga krimen na nakikita ng mga kabataan doon sa laro at kanilang naiaadapt at nadadala sa realidad, halimbawa nalang ang mga pangyayari sa amerika kung saan ang isang magaaral ay nagdala ng baril sa kanyang eskuwelahan at binaril ang kanyang mga kamagaral ang kadahilanan daw kung bakit nangyari ito ay ang sobrang paglalaro ng “video games”. Ito din ang kadahilanan kung bakit nawawalan ng oras ang isang bata para sa kanyang pamilya at pokus sa pagaaral kung saan nagmamadali ang estudyante na umuwi upang maglaro sa “computer shop” o sa kanyang sarili “computer” . kung hindi natin aaksyunan ito? At ipagpapatuloy ng mga kabataang kasalukuyan ng naadik ditto sa mga “video games” na ito. Papano na ang kinabukasan nila?
Kailangan natin matulungan ang mga batang ito na magkaroon ng control sa mga kanilang saril. Ngayon magdesisyon tayo, saan tayo tutungo sa realidad? O sa pantasya?