NOVENA TO SANTO NIÑO N:
O mapagpalang Santo Niño
B:
Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.
Ang Pagsisisi MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.
Panghuling Panalangin Oh katamistamisang Hesus! Talos kong Ikaw ay bukal ng pagibig at madlang awa. Ikaw ay makapangyarihan, nguni't makatarungan at mapagsaklolo. Hindi mo pinababayaan ang huminingi sa Iyo ng ano mang tulong. Dahil diyan, ako ay dumudulog sa Iyo ngayon. Oh, mahal na Sto. Ni�o at isinasamo ko po sa Iyo na bigyan ng katahimikan ang aking kaluluwa. Ilayo ako sa mga tukso at sa ano mang kasamaan at hulugan ako ng Iyong mahal na biyaya. Siya nawa. MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.
Panginoon kong Hesukristo , Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo, at nagtitka naman akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.
Paghahandog Oh, katamistamisang Hesus! Inihahandog ko po sa Iyo ang aking kaluluwa; sapagkat dahil sa pag-ibig sa Sangkatauhan, Ikaw ay nagkatawang-tao at upang magbigay ng halimbawa ng kababaan, Ikaw ay sumilang sa isang yungib na sinisilungan ng mga hayop. At Ikaw ay napalagay lamang sa isang sabsaban. Alang-alang nga sa pag-ibig mo at pagpapakasakit, ako'y nagtitikang matibay na hindi na muling magkakasala sa Iyo. At nawa'y pagkalooban Mo po ako ng Iyong mahal na biyaya na aking pakaiingatan, sa hangad na kung ako'y mamatay, ako'y maging marapat sa kaluwalhatian ng Langit. Siya nawa.
Page 4
Page 1
N:
O mapagpalang Santo Niño
B:
Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.
N:
O Hesus, Ikaw ang nagsabi: "Lumapit kayo sa Akin, kayong mga napapagal at nabibigatan at kayo ay Aking pagiginhawain." Buong pananalig akong lumalapit sa Iyo at sa pamamagitan ni Santa Mariang Birhen, ay isinasamo kong ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang ito...(idaing ang kahilingan)
N:
O mapagpalang Santo Niño
B:
Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.
N:
O Hesus na isinilang sa gitna ng karalitaan, ngunit nagtataglay ng pangalang Hesus na ang ibig sabihin ay "Tagapagligtas," Ikaw ang Hesus ng mga nagdaralita at iligtas Mo kami sa aming kagipitang pangkabuhayan.
N:
O mapagpalang Santo Niño
O Banal na Sanggol, Diyos na makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, ako ay naninikluhod sa Iyong harapan. Buong puso akong sumasamba, sumasampalataya at nagmamahal. Lubos akong nagsisisi sa aking mga kasalanan. Iniaalay ko sa Iyo ang aking sarili. Itulot Mo na ako ay matulad sa Iyong mga kabanalan, gawin Mo akong maamo, mababang-loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo.
B:
Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.
N:
O Emmanuel, na ang ibig sabihin ay "Ang Diyos ay sumasa-atin." Suma-amin Ka nawang lagi at ipagtanggol Mo kami sa lahat ng panganib ng kaluluwa at katawan.
N:
O mapagpalang Santo Niño
B:
Dinggin Mo at ipagkalooban ang aking kahilingan.
O Hesus, Ikaw ang nagsabi na anuman ang aming hingin sa Ama sa ngalan Mo ay ipagkakaloob sa amin; buong pagsusumamo na hinihiling ko sa Ama sa kabanal-banalan Mong Pangalan at sa pamamagitan ni Santa Mariang Birhen na ipagkaloob sa akin ang biyayang ito…(idaing ang kahilingan)
N:
O Hesus nasa bisa ng Iyong pangalan, ang maraming tao ay nalunasan sa kanilang mga karamdaman, maawa Ka sa mga maysakit at pagkalooban Mo sila ng lunas ng kaluluwa at katawan.
Panalangin Oh, maawaing Hesus! Nanalig po akong lubos na Ikaw ay Diyos na totoo, bugtong na Anak ng Diyos at tunay na Anak ni Maria. Sa pagkilala ko sa Iyong kabutihan at pagkamahabagin, pinupuri po Kita at sinasamba. At sa kabanalbanalan Mong pangalan, hinihiling kong ako'y pagkalooban Mo po ng iyong biyaya at ng hinihingi ko sa pabnonobena na ito, kung baga marapat sa Iyong kaluwalhatian at ikagagaling ng kaluluwa ko. Siya nawa.
Mga kahilingan sa Santo Niño N:
(Humingi ng awa para sa sarili at para sa iba na nais tulungan)
Page 2
Page 3