SURVEY QUESTIONNAIRE “Magandang umaga o hapon”., Kami po ay sina… at kami po ay mga third year medical students ng De La Salle University-HSI. Kami po ay Group 3 sa aming subject na Community Medicine III na nakatalaga na gumawa ng pagsusuri (research) o magconduct ng isang survery tungkol sa estado ng pagpapabakuna sa inyong lugar, partikular na sa Cluster 3 Zone 1A.” “Maaari po ba kaming humingi ng unti nyong oras upang maisakatuparan namin ang aming pagsusuri? Nais po sana namin kayong tanungin ng mga katanungang patukoy sa pagpapabakuna sa inyong komunidad. Makakaasa po kayo na ang inyong mga kasagutan ay mananatiling pribado at amin lamang pong gagamitin para sa aming pag-aaral”. Salamat.
SAMPLE SURVEY QUESTIONNAIRE: * Ang survey questionnaire ay ibibigay at ipapasagutan lamang sa mga magulang na may anak na edad 0-71 months. 1. Kayo po ba ay may kaalaman tungkol sa pagpapabakuna? 2. Kanino nyo po nakuha ang impormasyon tungkol dito? (Barangay Health Worker, Kapitbahay, etc?) 3. Ano po ang tingin ninyo sa pagpapabakuna ng inyong sanggol na anak? 4. Nasubukan niyo na po bang pabakunahan ang inyong sanggol na anak? Kung hindi, bakit? 5. Saan po kayo nagpabakuna o nagpapabakuna ng inyong anak? (Barangay Health Center, Private Hospital,etc? 6. Bakit nyo po napiling pabakunahan ang inyong anak sa (sagot sa tanong #5)? (Mura? Reliable and effective?, etc) 7. Ilang taon po ang inyong anak ng inyong unang pabakunahan? 8. Anu-ano po ang ibinakuna sa inyong anak? a. b. c. d. e.
BCG DPT 1, 2, and 3 OPV 1, 2, and 3 HEP – B 1, 2, and 3 MMR
9. Kayo po ba ay bumabalik pang muli sa (sagot sa tanong #5) upang kumpletuhin ang bakuna ng inyong anak?
10. Mayroon po ba kayong napansin na pagbabago pagdating sa kalusugan ng inyong anak pagkatapos ninyo syang pabakunahan? 11. Kayo po ba ay may kaalaman tungkol sa mga epekto at maaaring benepisyong makuha ng inyong anak mula sa pagpapabakuna? 12. Anu-ano po ang inyong kaalaman tungkol sa benepisyo ng pagpapabakuna?