Sino ang tsokolate mo sa eleksyon? Ako’y naglalakad mag-isa sa kalyeng makitid Upang bumili ng tsoknat, Hay. Ang hirap naman talaga. Yun na lamang kasi ang mabibili ng Natitira kong limang piso. Gusto ko namang sumaya nang kaunti, Limutin muna ang aming Yaman ng paghihirap. Sige, lakad pa… Hindi pa sementado ang kalyeng aking nilalakaran… Nararamdaman kong unti-unting nasisira ang Aking nag-iisang pares ng tsinelas. Kawawa naman ako, Masisira pa ang tsinelas ko. Ano kaya kasing ginagawa nila sa kaban ng barangay? Bakit hindi pa napaaayos ang kalyeng ito? Ibinubulsa kaya? Ang dami noon ah. Sssshhhh. Manahimik ka kaya. Baka marinig ka pa Eh… Sige, lakad pa… Uy, sino’ng kumalabit sa akin? Hala… Wala namang tao. May multo kaya sa kalyeng ito?? (Tingin sa ibaba) Ang swerte ko naman! Pagkakataon naman oh… Isang tsokolate! Maganda ang pagkakabalot… Mukhang imported! Mukhang hindi naman binubuksan. At kahit bukas naman at medyo may rumi ito… Bakit ba? Minsan lang ako makatikim ng imported na tsokolate noh! Tutal naman at walang tao… Crunch! Grrwmmwrrmmwrrm! Mmmmmmm! Tunay ngang… Hulog ng langit! (Makailang sandali) Hedlayn: disi-otso anyos na bata, Kumain ng tsokolate, patay! Nakitang nakahandusay sa makitid na kalye sa barangay Mara Lita. Sa autopsy, Nahaluan ng pesticide ang Tsokolateng kanyang nakain. Ang pangalan ng tsokolate ay…
Ikaw? Sino ang tsokolate mo sa paparating na eleksyon?