Society for the Advancement of Veterinary Education and Research
BANGGITIN ANG HIMIG 2009 MECHANICS 1. Ang paligsahan na ito ay bukas para sa mga mag-aaral ng kolehiyo ng De La Salle Araneta University. 2. Ang layon ng paligsahan na ito ay para matuto, makinabang, at ibahagi ang nalalaman ng bawat mag-aaral tungkol sa ating sariling musika. Ang lahat ng mga tanong na ginamit sa paligsahan na ito ay nanggaling sa iba’tibang pananauli.
3. Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawang miyembro. Ang bawat koponan na sasali ay dapat magbayad ng kaukulang butaw sa simula palang ng kanilang rehistrasyon hanggang bago magsimula ang mismong paligsahan.
4. Ang paligsahan na ito ay nahahati sa tatlong bahagi: ang madali, katamtaman, at mahirap na bahagi. Ang tatlong bahagi na ito ay binubuo ng 10 tanong na masasagot base sa mga kulay na kanilang makikita sa tabing [pula, dilaw, asul, at luntian]. Ang ibang tanong ay masasagot lamang sa pamamagitan ng pagkilala.
5. Ang bawat bahagi ng paligsahan ay binubuo ng 3 parte:: •
pagpili ng tamang sagot sa tanong (multiple choice)
•
pakinggan ang himig – bibigyan lamang ng 1-11/2 minuto ang mga mag-aaral upang mapakinggan ang musika
•
panunuod ng music videos – bibigyan din ang mag-aaral ng 1-1/2 minuto upang makita at pakinggan ang nilalaman ng video .
6. Pagkatapos matapos ang isang bahagi ng paligsahan, ang mga tagatala ng iskor ang mismong magbibilang ng lahat ng nakuhang puntos ng bawat koponan. At ang koponan na nakakakuha ng pinakamataas na puntos ay makakasama sa susunod na bahagi ng paligsahan. •
10 pinakamataas na koponan ay makakasali sa katamtamang bahagi ng paligsahan
•
5 pinakamataas na koponan ay makakasali sa mahirap na bahagi ng paligsahan
7. Pag nagkataon na may nangyaring “tie” sa bawat koponan, magkakaroon ng isang “tie-breaker” upang malaman kung sino ang makakapasok sa susunod na bahagi ng paligsahan.
8. Magbibigay kami ng papel sa bawat koponan upang doon nila maisulat ang kanilang sagot. Sa bawat “answer sheet”, dapat maisulat nila ang pangalan ng kanilang grupo para sa kanilang pagpapakilanlan. Kapag hindi nila naisulat ang pangalan ng kanilang grupo, ang kanilang sagot ay di na agad tatanggapin. 9. Dalawang beses lang sasabihin ang tanong.
10. Ang mga koponan ay bibigyan lang ng 10 segundo upang maisulat ang kanilang sagot sa papel. Pagkatapos ng 10 segundong hanggahan, dapat naipasa na ng mga koponan ang kanilang papel sa mga tagakolekta. Ang koponan na nahuli magpasa ng papel ay hindi na tatanggapin. 11. Ang koponan na makikitang nagongopya, nagsasabi, o nagtuturo ng sagot ay agad agad na tatatanggalin sa paligsahan. 12. Ang mga mananalo sa paligsahan na ito ay makakakuha ng gantimpala.