Detalyadong Banghay Aralin sa Hekasi 6-A
Petsa: February 27, 2019 Oras: 2:20 PM – 3:00 PM
I.
Layunin Pagkatapos ng klase, inaasahan na ang mag-aaral na: a. Matutukoy ang pangyayari sa pamamahala ni Pangulong Joseph Estrada. b. Maisa-isa ang mga programa na kanyang naipatupad.
II.
Paksang-Aralin a. Paksa: Ang Pamamahala ni Joseph E. Estrada b. Sanggunian: Batayang Aklat sa Hekasi 6, Pahina 279-281 c. Kagamitan: Construction Paper, Cartolina, Pentel Pen, Manila Paper
III.
Pamamaraan:
Gawaing Guro A. Paghahanda a. Panalangin -Magsitayo ang lahat para sa panalangin at tinatawagan ko si Kyla na pumunta dito sa harap upang pangunahan kayo sa pagdarasal.
Gawaing Mag-aaral
-Ama naming makapangyarihan, nagpapasalamat kami sa panibagong nuhay na binigay mo sa bawat isa sa amin. Sa hapong ito Ama gabayan nyo po kami at bigyan ng sapat na talino upang maunawaan ang lahat ng aralin. Ito po an gaming mga dalangin sa pangalan ni Hesus, Amen. b. Pagbati -Magandang Hapon klas! -Maari na kayong umupo.
-Magandang hapon sir Remran! -Salamat po guro.
c. Pagtatalang mayliban sa klase - Sinu-sino ang wala sa hapong ito? - Magsimula tayo ditto sa kaliwang bahagi. -Wala po sir, nandito kami lahat. -
Magaling dahil nandito kayo lahat. Bigyan natin ng palakpak ang ating mga sarili -Ang lahat ay pumalakpak.
d. Pagbabalik Aral - Bago tayo mag-aaral sa ating panibagong aralin sa hapong ito, sino ang nakaalala sa ating nakaraang aralin? - Magaling Kenneth, umupo kana.
-
Ang ating nakaraang aralin ay ang pamamahala ni Corazon C. Aquino. Salamat sir.
B. Aktibiti - Sa hapong ito klas, magkakaroon tayo ng aktibiti, at bago tayo magsisimula hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Magsimulang magbilang dito sa kaliwang-banda. -
-
Lahat ng pangkat 1 dito sa kaliwang bahagi, ang pangkat 2 sa kanan at ang pangkat 3 dito sa gitna. Naindihan klas? Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para tapusin iyan. Ang gagawin ninyo ay bubuohin ninyo sa blanko ang mga nawalang letra para makompleto ang pinapahayag nito.
-
1,2,3,1,2,3,1,2,3,1,2,3,1,2,3
-
Opo sir.
-
Pangkat 1 ANG PAMAMAHALA NI J O S E P H E. E S T R A D A
-
Pangkat 2 ANG PAMAMAHALA NI J O S E P H E. E S T R A D A
-
Pangkat 3 ANG PAMAMAHALA NI J O S E P H E. E S T R A D A
-
Ang ating panibagong aralin sa hapong ito ay ang Pamamaahala ni Pangulong Joseph E. Estrada. Salamat po sir.
A _ G P _ M _ M _ H _ L A _I J _ _ E _ _ E. _ S _ _ _D A
-
Magaling dahil nagawa ninyo ng tama ang inyong mga gawain.
C. Analisis - Basi sa inyong mga ginawa nakalipas ang ilang minute, ano ang panibagong aralin sa hapong ito? - Elaicel, tumayo ka.
-
Magaling Elaicel, makakaupo kana. Sa hapong ito klas, bago natin tatalakayin an gating aralin, basahin muna ninyo an gating layunin.
D. Abstraksyon - Sino ba sa inyo ang nakakilala kay dating Pangulong Joseph E. Estrada? - Kenneth, ibahagi mo sa klase ang iyong ideya.
-
a. Matutukoy ang pangyayari sa pamamahala ni Pangulong Joseph Estrada. b. Maisa-isa ang mga programa na kanyang naipatupad.
-
Magaling Kenneth, maari ka ng umupo. Si Pangulong Joseph E. Estrada ang ika-13 na mabigyan ng pagkakataon ng Pilipinas mula sa unang Republika at siya ay nanumpa sa kanyang tungkulin bilang Pangulo sa simbahan ng Barasoain noong Hunyo 30, 1998. Kailan siya nanumpa klas?
-
Mga programang naipatupad ni Joseph E. Estrada sa kanyang panunungkulan:
Epektibong pamamalakad ng pamahalaan Ibig niyang magkaroon ng pagbabago at maging katangi-tangi ang kanyang pagsisilbi sa bayan. Ayon sa kaniya, kinakailangang malaman at makitang mabuti ng sambayanang Pilipino ang lahat ng mga gawain, proyekto at pati na ang mga suliranin ng bansa. Repormang pangsakahan Dahil sa programang ito, mahigit sa 100, 000 magsasaka sa bansa na walang lupa ang nabigyan ng lupang masasaka. Dagdag pa rito, nagsulong din ng programang pautang para sa mga magsasaka upang mabigyan ito ng puhunan para makapagpundar ng maliit na negosyo. Ilang magsasaka ang nabigyan ng lupa klas? Magaling nakikinig talaga kayo.
-
-
-
-
-
-
Si Joseph E. Estrada ang ika-13 pangulo sa Pilipinas.
-
Salamat sir Remran.
-
Noong Hunyo 30, 1998.
-
100,000 magsasaka ang nabigyan ng lupa. Salamat sir.
-
Agham at Teknolohiya Alam ng pamahalaan ang kahalagan nito upang makaagapay ang bansa sa mga pagbabagong pandaigdig sa larangan ng produksiyon. Murang Bilihin Upang tugunan ito, inilunsad ng pamahalaan ang Enhanced Retail Enhanced Retail Access for the Poor Access for the Poor (ERAP). Ano ang ERAP? Magaling klas!
-
Malinaw ba ang lahat ng ating mga napag-aralan sa hapong ito?
- Wala ba kayong mga katanungan? E. Aplikasyon - Sa hapong ito magkaroon naman tayo ng panibagong aktibiti at gagawan ninyo ito sa parihong pangkat. - Bibigyan ko kayo ng mga programa na nagawa ng iba`t-ibang pangulo, ang inyong gagawin ay hanapin ninyo ang programa ni Pangulong Estrada at ipadikit ninyo sa Manila Paper, pagkatapos ipaslit sa pisara. Ang pangkat na maunang matapos ay may karagdagang limang puntos. - Naindihan ba ng bawat pangkat? F. Paglalahat - Klas, lagi nating tandaan na sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada , malaki rin ang tulong sa ating bansa. - Kagaya na lamang ng pagtupad sa kanyang programa upang matulungan ang mga pangangailangan ng bawat isa lalo na ang programa niya para sa mga magsasaka na walang mga lupa. IV.
Pagtataya Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa papel.
1. Kailan nanumpa si Pangulong Joseph E. Estrada? a. Hunyo 30, 1998 b. Marso 30, 1998 c. Pebrero 30, 1998 d. wala sa mga nabangit 2. Ibig niyang magkaroon ng pagbabago at maging katangi-tangi ang kaniyang pagsisilbi sa bayan. a. Programang pangsakahan b. Epektibong Pamamalakad ng Pamahalaan c. Agham at Teknolohiya d. Murang Bilihin
-
Opo sir.
-
Wala po sir.
-
Opo sir.
3. Ito ay ang pagbibigay kaagapay sa bansa sa pagbabagong pandaigdig sa larangan ng produksiyon. a. Agham at Teknolohiya b. Murang Bilihin c. Epektibong pamamalakad ng pamahalaan d. Programang Pansakahan 4. Ito ay ang programang paglunsad ng Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP). a. Murang bilihin b. Agham at Teknolohiya c. Programang pangsakahan d. Epektibong pamamalakad ng pamahalaan 5. Ito ay programa na mabigyan ng lupa ang mga walang lupa. a. Repormang pangsakahan b. Murang bilihin c. Agham at Teknolohiya d. Wala sa mga nabanggit
V.
Takdang Aralin -Pag-aralan ninyo pamamahala ni Macapagal-Arroyo.
ang Gloria
Prepared by: Remran M. Tribunalo