SINOCENTRISMO Ang sinosentrismo ang kaugalian at paniniwalang ang Tsina ang gitna ng buong daigdig at na ang mga Tsino ang higit na nakatataas na lahi. Isa itong uri ng etnosentrismo.
Sinosentrismong pampulitika. Sa politika, ang sinosentrismo ay isang konsepto ng
ugnayang internasyonal na inadopta ng mga dinastiya ng Tsina sa kanilang mga ugnayan sa ibang mga bansa, partikular na sa silangang Asya. Sa ilalim ng konseptong ito, tanging ang Tsina lamang ang karapat-dapat na matawag na “estado” at tinatagurian ang mga iba’t-ibang mga sambayanan bilang mga barbaro. Kinilala bilang mas mabababang uri ang mga bansang Monggolya, Korea, Japan, Vietnam, at Tibet, o ’di kaya bilang mga napapasailalim sa Tsina. Kinilala ang mga ugnayan sa pagitan ng Tsina at ng mga bansang ito bilang isang relasyong tributaryo kung saan nag-alay-tributo ang mga bansang ito sa Emperador na Tsino.Sa ilalim ng eskemang ito ng ugnayang internasyonal, ang Tsina lamang ang nagkaroon ng Emperador o huangdi (皇帝), na Anak ng Langit; mga hari o wang (王) lamang ang mayroon ng ibang mga bansa. Ang paggamit ng mga Hapon ng katawagang Emperador o tennō (天皇) ay isang pagsasataob ng prinsipyong ito. Mahalagang punahin na tinutukoy pa rin ng mga Koreano ang Emperador ng Japan bilang Hari, sang-ayon sa tradisyonal na gamit Tsino.Nagwakas ang panahon ng sinosentrismo sa ugnayang internasyonal noong ika-19 dantaon kung kailan naging isang semikolonya ang Tsina ng iba’t ibang mga bansang Europeo. Ito ang kung kailan natalo ang Tsina sa Digmaang Sino-Hapon at nawalay sa kanila ang Korea bilang tributaryo. Noong ika-20 dantaon inadopta ng Tsina ang kanluraning konsepto ng mga pantay at malalayang estado.Maaaring sabihin ng ilan na hindi naman talaga inabandona nang lubos ng Tsina ang kanilang mga lumang idea ng sinosentrismo. Ginawa ng bagong-tatag na RPT (Republikang Popular ng Tsina) na ilangkap ang Tibet at Xinjiang sa kanilang pambansang territoryo. Nakatakas lamang ang Monggolya dahil sa pagiging protektoradong Ruso nito.Naipakita rin ang mga elementong sinosentrista sa mga kamakailan lamang ugnayan ng Tsina sa Korea at Japan.
Sinosentrismong pangkultura. Sa sentidong pangkultura, tumutukoy ang sinosentrismo sa kaugaliang tingnan ang ibang mga bansa o sambayanan bilang mga inapong pangkultura lamang ng Tsina. Dahil sa pagkataglay ng Tsina ng higit na mas mahabang kasaysayan kaysa sa mga karatig bansa at dahil malawak ang paghiram ng mga bansang ito sa modelong Tsino sa maaagang bahagi ng kanilang mga kasaysayan, hindi maikakaila ang isang sinosentrikong pananaw sa silangang Asya. Gayumpaman, higit pa dito ang sinosentrismo sa pagkaila nito sa mga karatig-bansa ng pagkawalang-katulad at pagkabalido ng kanilang mga sariling kultura. Halimbawa na rito ang pagpapalagay ng isang alamat na Tsino sa pinagmulan ng Japan bilang isang paninirahang Tsino mula sa dinastiyang Qin, at ang mababang pagturing ng maraming Tsinong Filipino sa kanilang mga kababayang hindi nagtataglay ng lahing Tsino.Nagdulot ng iba’t ibang tugon mula sa mga karatig-bansa ang sinosentrismo. Naging isang mapagtatag na impluwensya sa pagbuo ng mga pambansang identidad ang mga pananaw ng mga ito sa Tsina at sa nangingibabaw na papel nito. Sa kabila ng pagtutol sa pangingibabaw na Tsino at ng mga pagsubok sa paggiit ng kanilang sariling identidad, mahalagang punahin na isinagawa ito ng karamihan sa mga bansa sa loob ng balangkas ng sinosentrismo. Iilan lamang din ang kumwestyon sa sistemang sinosentrismo
BUDISMO Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising") ay isang relihiyon at pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni
Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-Silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravāda (Sanskrit: Sthaviravāda), Mahāyāna, at Vajrayāna (uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao. Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels): ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha), at ang Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230 hanggang 500 milyon ang bilang ng mga Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang lupalop ng daigdig.
Paniniwala. Nakatuon ang Budismo sa mga turo ni Siddhartha Gautama o "Buddha", at
minsan ding Gautama Buddha, na isang mangangaral na nabuhay noong sirka 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang rehiyon ng Indiya. Nahati rin ang Budhismo sa Budismong Theravada at Mahayana Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising") ay isang relihiyon at pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, TimogSilangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravāda (Sanskrit: Sthaviravāda), Mahāyāna, at Vajrayāna (uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao. Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels): ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha), at ang Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230 hanggang 500 milyon ang bilang ng mga Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang lupalop ng daigdig.
HINDUISMO Ang Hinduisms (Sanskrit: Sanātana Dharma "eternal law")ay isang relihiyon na nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India. •
Kasaysayan. Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang
nagpaumpisa nito.[2][3]Sinasabi na ang mga Aryano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong mundo.[4] Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan ang 890 milyon ay nakatira sa India[5] at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.
Paniniwala.Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”.
Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigitkumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.
Sistemang Kaste. Ang Sistemang Kaste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada, pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.
ISLAM Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol. Ito ang tunay na diwa ng Islam. Sa pagsunod sa Allah - (Ang Lumikha) at pagtalima sa Kanyang mga kautusan, ang Muslim ay nakikiisa sa sandaigdigan na kung saan siya nananahanan, sapagka’t ang lahat ng bagay sa daigdig ay sumusunod sa kautusan ng Allah. Isang matibay na katotohanang ang lahat ng bagay sa daigdig ay sumusunod sa isang panuntunan at di-nababagong batas na kung saan sila sumusunod; ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang gabi, ang maghapon, ang lupa, ang mga puno, at ang mga hayop; ang lahat ay sumusuko sa isang panuntunang itinalaga ng Allah sa lahat ng bagay. Ang pinakalayunin ng Islam ay upang panatilihin ang mga sumusunod: a) Ang Deen (Panuntunan ng Buhay)
Nagtakda ang Allah ng mga batas at panuntunan, nagpadala ng mga Sugo, at nagpahayag ng Kanyang mga Aklat upang panatilihin ang Deen, at bantayan ito laban sa anumang pagbabago, at ialay ang lahat ng pagsamba sa Allah lamang. Kanyang ipinag-utos ang Jihad (pakikibaka dahil sa Allah) upang panatilihing mangibabaw ang Kanyang Salita, at upang alisin ang hadlang na nagpipigil sa tao sa pagsamba sa kanilang Rubb. b) Ang Talino Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng sumisira sa pag-iisip maging ito ay pagkain, inumin o anu-paman. Ang Allah ay nagsabi: “Katotohanan, ang alak, sugal, (pagsamba at pag-aalay sa) diyus-diyusan, at pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng palaso ay mga kasuklam-suklam na gawain ni Satanas.” [Qur’an, 5:90] c) Ang Tao Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng bagay na nakakasira sa tao. Ang tao ay hindi pinahihin- tulutang saktan ang sarili o magpakamatay. Ang pananakit sa iba ay ipinagbabawal din, at gayundin ang pagpatay sa iba o pagbibigay ng anumang nakapagpapahina sa katawan ng iba. Kaya naman ang pagpataw ng parusa sa pagpatay ng kapwa ay itinakda upang ipagtanggol ang buhay ng tao. Ang pagkitil sa buhay ng kriminal ay higit na mabuti kaysa iligtas ang buhay niya nang wala na siyang pagkakataon pang pumatay ng iba. Walang katuturan ang pagpapakita ng habag sa mamamatay-tao, at inaalisan ng awa ang naging biktima. (halimbawa ang pamilya ng biktima). d) Ang Ari-arian. Ang paghahanap-buhay at pagsisikap na magka- roon ng sariling pagkakitaan ay pinahihintulutan at maging ang pagpapanatili sa mga ito. Ang pagwaldas ng yaman at ang labis na paggugol kahit na sa mga pinahihintulutang bagay ay ipinagbabawal sa Islam. Ang Allah ay nagsabi:“....At kumain at uminom subali’t huwag mag-aksaya...” Ipinagbabawal sa kaninuman ang mag-abuso maging sa sariling yaman. Hindi pinahihintulutan ang sinuman na kunin ang ariarian ng iba nang walang pahintulot. Ipinagbabawal ang pagkamkam ng ari-arian ng iba. Sa ganitong kadahilanan kung bakit dapat putulin ang kamay ng isang magnanakaw bilang parusa. Gayundin naman, ang patubuan ay ipinagbabawal upang iligtas ang ari-arian ng tao laban sa pagmamalabis at pagsa-samantala. e) Ang Dangal Iniingatan ng Islam ang dangal ng tao, at ipinagbabawal ang paninirang-puri o pang-aabuso ng dangal o karangalan ng iba. Magkagayon, pinanatili ng Islam ang karapatan ng tao upang ipagtanggol ang kanilang dangal, at gawin itong ligtas. Ang pang-abuso nito ay may nakalaang kaparusahan.
TAOISMO Ang Taoismo, mula Tsinong Daojiao 道教 (binibigkas dào (tulong·impormasyon) jiào (tulong·impormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pangrelihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan ang salitang 道, Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan", bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wu wei (aksyon sa pamamagitan ng walang aksyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusangloob.
Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan”. Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta ng di pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma”. Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil mapagkumbaba ito. Ang tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.