Reaksyong Papel sa Napanood Pamagat: Cyberbullying and Suicide: 13 Reasons Why Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict Ipinasa kay: Bb. Mariane Joyce C. Adviento 1. Mga Layunin Karamihan sa mga kabataan ay nakakaranas ng pang-aapi sa kanilang mga kaibigan, kaklase, o di kaya’y mga kamag-anak. Dito natin makikita ang masamang epekto nito lalo na sa mga taong mahina ang kanilang kalooban o sa mga taong walang kalaban laban. Karamihan sa mga biktima ng Cyberbullying ay maaaring gumawa ng desisyon na patayin ang sarili. Sa reaksyong papel na ito, tampulan into ang isang orihinal na Netflix show na aking napanood noong nakaraan na buwan. Sa pagbibigay ko ng reaksyon ukol dito, layunin ng papel na ito na, (1) hikayatin ang mga kabataan na panoorin ng responsible (iminumungkahing may kasamang magulang) ang palabas na ito upang magkaroon ng kamalayan lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanila, (2) upang maging alerto sa mga naoobserbahan na galaw ng ibang tao, lalo na kung may kaugnayan sa pang-aapi, (3) upang alam kung ano ang gagawin kung sakaling ito’y mangyari. 2. Mahalagang Puntos 13 Reasons Why: Cyberbullying and Suicide Mahahalagang Kaisipan a. Ang 13 Reasons Why ay isang young adult novel na isinulat ni Jay Asher noong 2007 at ito’y nagawan ng isang serye sa Netflix at naging executive producer si Selena Gomez. Ang serye na ito ng Netflix ay ipinapakilala ang isang high school student na si Clay Jensen at ang kanyang kaklase Hannah Baker, na nagpakamatay. Nang-iwan siya ng 13 cassette tapes na kung saan dito niya ipinapaliwanag kung bakit niya pinatay ang sarili niya. Bawat tape ay nagawa para sa bawat taong na kung saan responsible sa kanyang pagkamatay. b. Sa palabas na ito ay nagkaroon ng maraming kontrobersiya, lalo na’t karamihan sa mga magulang at mga guro sa iba’t-ibang eskwelahan ay nagsasabing ito ay mapanganib na panoorin ng mga kabataan. Sa pagunlad storya, may pangyayari na kung saan dito ipinapakita ang sexual assault, rape, underage drinking, driving under the influence, body shaming, and suicide. c. Sa debu ng nasabing palabas, sa mismong website na ginawa ng Netflix para sa 13 Reasons Why, dito nakikita ang iba’t ibang mga link ng mga suicide helplines. 1-800-273-8255 ang hotline na isinagawa ng National Suicide Prevention Hotline sa U.S.A. Maasahan natin na may roon ring suicide
1|Page
prevention hotline dito sa Pilipinas, Manila Lifeline Centre: 02-896-9191 at ang The Natasha Goulbourn Foundation: 02-804-4673. d. Sa bawat episode ng 13 Reasons Why ay ipinapakita ang laman ng isang cassette tape. Sa episodes 9, 12, at 13, dito ipinapakita ang maseselang bahagi ng istorya. Ngunit ang pinakamaselang episodyo ay ang 13 dahil dito ipinapakita ang talagang rason kung bakit itinuloy ni Hannah Baker ang pagpatay ng kanyang sarili. (Kung hindi niyo po kayang ma-spoil, iminumungkahi kong lumaktaw sa mga susunod kong pangungusap) Pagkatapos na pinagisipan ni Hannah ng mabuti kung papaano niyang patayin ang kanyang sarili, dumaan siya sa bahay nila Bryce Walker, kung saan may nagtitipon dito. Nung karamihan na sa mga tao ay umalis na, unti-unting pinagsamantalahan ni Bryce si Hannah ngunit hindi ito tinigilan ni Hannah. Sa susunod na araw, nagpakamatay na siya. Mga Batayan a. May mga isinagawang batas sa Pilipinas para sa mga biktima ng panggagahasa, ito ay ang Republic Act No. 8353 o ang tinatawag na “The Anti-Rape Law of 1997”. “Prior to 1997, rape is considered committed by having carnal knowledge of a woman: (1) by using force or intimidation; (2) when the woman is deprived of reason or otherwise unconscious; or (3) when the woman is under twelve years of age or is demented”. b. Isa rin naming batas ay ang Republic Act 10627, o ang Anti-Bullying Act of 2013. Sa ilalim ng batas, itinuturing na bullying ang, "any severe or repeated use by one by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student; infringing on the rights of the other student at school or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school”. Mensahe Ang palabas na ito ay ipinapakita ang karaniwang problema ng karamihan sa mga estyudante sa panahong ito. Katulad ni Hannah, maraming estyudante ang nakakaranas ng pang-aapi at minsan ang kanilang resolusyon na lamang ay ang pagpapakamatay. Ang pagiiwan ni Hannah ng kanyang mga inirecord na tapes ay ipinapasabi kung ano ang nagawa ng mga taong nakatanggap nito at kung ano ang naging epekto nito sa buhay niya. Ginawa niya ang mga ito upang maipasa ito sa iba at para maiwasan na magawa ang pagkakamali na ginawa niya at ang mga taong may ginawa, at walang ginawa para sa kanya.
3. Reaksyon 2|Page
Ang nagustuhan ko sa istorya ay ipinakita nila ang mga importanteng mga paksa sa paraan ng pagbibigay ng mga ispesipikong detalye. Katulad na lamang sa pagkamatay ni Hannah Baker, nagbigay siya ng tape na naayon sa bawat taong may kaugnayan sa pagkamatay niya, at ito’y ipinaliwanag niya sa haba ng isang oras bawat episodyo. Maliban sa pagbibigay ng detalye, napansin ko rin na may progreso ang istorya. Ito’y nagsimula sa maliit na bagay lamang hanggang sa makarating ito sa limitasyon ng bida. Hindi nila ikinakailangang idiin ang opinyon ng ibang karakter sa istorya dahil nakadepende na ang mangungunawa ayon na sa nanonood. Isang krimen na napansin ko dito ay ang panggagahasa. Sa tingin ko ay may naging kasalanan si Hannah Baker kung bakit nangyari ito sa kanya at sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit kinain ito ng konsensya niya kaya’t itinuloy niyang patayin ang sarili niya. Katulad ni Hannah, si Clay Jensen na kahit napapansin na niya na nasa emotional breakdown stage na si Hannah, wala parin siyang ginawa. Napansin niya ito ngunit wala siyang ginawa. Ngunit makatwiran naman ang naging wakas. Walang totoong nanalo sa laban. Namatay parin si Hannah at kahit anong gawin ni Clay, hinding hindi na niya maibabalik ang buhay ni Hannah. 4. Saloobing pansarili Dalawa ang natutunan ko sa 13 Reasons Why. Isa, may mga bagay na kailangan mong gawin bago pa ito mawala. Sa bawat karakter sa istorya ay nakagawa ng pagkakamali na rineregret nila hanggang ngayon. (Iminumungkahi kong panoorin muna ang palabas bago basahin ang mga susunod kong pahayag). Una ay si Hannah Baker, alam nating lahat na siya’y nakasentro sa istoryang ito. Aaminin natin na siya mismo ay may naging kasalanan sa lahat ng ito. Ngunit kung papanoorin mo, bawat karakter sa istorya ay may nagawang kasalanan na hindi lamang nakaapekto sa buhay ni Hannah kundi pati sa kanikanilang mga buhay. Pangalawang aral, may mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik pa. Kapag natapos na, natapos na. Kaya’t kailangang pag-isipan mo mabuti ang iyong gagawin bago mo pa ito pagsisihan sa kinabukasan. 5. Mga Sanggunian (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from https://jlp-law.com/blog/anti-bullying-act-of2013-republic-act-10627/ Howard, J. (2017, July 31). '13 Reasons Why' tied to rise in suicide searches online. Retrieved January 02, 2018, from http://edition.cnn.com/2017/07/31/health/13-reasonswhy-suicide-study/index.html
3|Page
Joselito Guianan Chan, Managing Partner, Chan Robles and Associates Law Firm. (n.d.). CRALAW. Retrieved January 02, 2018, from http://www.chanrobles.com/republicactno8353.htm#.WjGF37puJs Joselito Guianan Chan, Managing Partner, Chan Robles and Associates Law Firm. (n.d.). CRALAW. Retrieved January 02, 2018, from http://www.chanrobles.com/republicactno8353.htm#.WjGF37puJs Summary of Each Cassette Tape. (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from https://thirteenreasonswhyenglish.weebly.com/summary-of-each-cassette-tape.html Why Schools Are Warning Parents About Netflix's Series 13 Reasons Why. (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from http://people.com/human-interest/schools-sendingletters-to-parents-about-13-reasons-why/
4|Page
Reaksyong Papel sa Napakinggan Pamagat: Cyberbullying and Suicide: Blue Whale Game Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict Ipinasa kay: Bb. Mariane Joyce C. Adviento 1. Mga Layunin Sa pagunlad ng teknolohiya, marami sa atin ay nakakdiskubre ng iba’t ibang bagay, karamihan ay may naitutulong sa mundo at may mga iba naman na nagiging mapanganib sa mundo. Sa nakaraan na dalawang taon, naririnig ko sa aking mga kaibigan ang isang laruan na kumakalat sa internet, at ito ay ang “The Blue Whale Game”. Kaya’t sa reaksyong papel na ito, layunin nitong, (1) maibigay ang impormasyon tungkol sa laruan na ito upang maiwasan, at alam ang gagawin kung sakaling makatanggap ito, (2) hikayatin ang mambabasa na iwasan ang ano mang mapanganib na laroon na ibinibigay ng kahit sino man at (3) kung sakaling may pinagdadaanan, iminumungkahing magpakita sa isang eksperto na maaaring makatulong sa problema. 2. Mahalagang Puntos The Blue Whale Game: Suicide and Cybercrime Mahahalagang Kaisipan a. Ang The Blue Whale Game ay isang laruan na naging viral sa internet lalo na sa bansang Russia. Ito ay ibinibigay ng hindi kinikilalang mga tao upang idownload at laruin ito. Ikinakailangang tapusin ito sa loob ng 50 na araw upang masabing nanalo ka sa laruang ito. Isa sa mga utos na kinakailangang gawin ay ang paghihiwa ng iyong katawan sa hugis na balyena (whale), na kung saan naging batayan sa pangalan ng laruan. Sa huling araw, iuutos na patayin ang sarili upang manalo sa laruan. b. Ang unang kaso ng Blue Whale Game ay nagsimula noong 2015 na kung saan mayroong 18 anyos na babae ang tumalon sa tulay ng Portugal bilang isa sa mga utos na kailangang gawin. May mga salitang “Sim” at “F 57” na nakaguhit sa kanyang katawan na ginamitan umano ng kutsilyo. c. Noong 2016, natagpuan ang sinasabing ringleader o ang nagimbento ng sinabing laruan. Si Philip Budeikinq, isang 21 na anyos na lalaki ay kinasuhan ng paggawa ng mga iba’t-ibang grupo sa taong 2013-2016 na kung saan itinataguyod ang pagbibigti. Itinuturi niya ang kanyang mga biniktima na “biological waste” at idiniin na sila’y naging masaya sa desisyon nilang pagpapakamatay. d. Isa ang Russia na kung saan karamihan sa mga kabataan ay nabibiktima dahil sa laruang ito. Noong March 2017, may naibalita na higit 130 na mga kaso ang 5|Page
naiuugnay sa laruang ito. Noong nakaraang Pebrero, isang 15 na anyos (Veronika Volkova) at 16 na anyos (Yulia Konstantinova) na mga babae ay tumalon sa isang ika-14th na palapag ng isang gusali pagkatapos nilang nakompleto ang 50 na utos na ibinigay sa kanila. Ngunit bago sila namatay, nang-iwan na sila ng kanilang mga mensahe na isang litrato ng kulay asul na balyena sa mga iba’t ibang social media platforms. Mga Batayan Sa Pilipinas, ang Act No. 3815 ay isang kilos sa pagrebisa ng mga penal codes at mga iba pang penal laws. Sa ilalim dito ang Article 253 na kung saan ipinaliwanag ang kahulugan ng giving assistance to suicide bilang, “any person who shall assist another to commit suicide shall suffer the penalty of prision mayor; if such person leads his assistance to another to the extent of doing the killing himself, he shall suffer the penalty of reclusion temporal”. Kung kaya’y dito sumasailalim ang krimen na ginawa ni Philip Budeiking. Maaaring makulong sa 6 hanggang 20 na taon, ngunit kapag hindi natuloy ang pagpapakamatay ng biktima, makukulong na lamang siya sa 1 hanggang 6 na buwan (arresto mayor). Mensahe Ang bawat kilos ng tao ay nakakaapekto sa iba. Kaya’t maraming kabataan ang nakakaranas ng depresyon dahil sa masamang pananaw nila sa mundo. Ang nakakapagpabagabag ay may mga taong gumagawa at huhanap parin ng kasamaa para sa sari-sarili nilang aliwan, at hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao. Kaya’y hanga’t maari, kinakailangan nating maging matatag sa kahit ano mang problema na madadatnan natin.
3. Reaksyon Noong narinig ko ang laruan ito, akala ko ito’y kawili-wili at hindi inaasahang naiuugnay pala ito sa kasamaan. Madaming websites sa internet ang nakakapagsabing mapanganib ito at marami nang namatay dahil sa laruang ito. Sinasabi nila na ang target ng mga tagagawa ay ang mga taong mahina ang kalooban at malubha ang sakit nila sa depresyon o dikaya’y nagdadalawang-isip na sa pagpapakamatay. Nagulat ako nang mabalita ko na may roon talagang tao na namamatay dahil sa laruang ito. Sa isipan ko, tinanong ko kung bakit nila nagagawa ito. Hindi ako mapakali sa realisasyon na pagod na pagod na talaga sila sa buhay at sa mga taong nasa paligid nila. Siguro sila’y biktima ng bullying at ginusto na lamang mamatay kaysa naman sa pangmatagalang tukso at sakit ang natatanggap nila. Sa pagsusuri ko sa laruang ito, malapit na akong nakarating sa deep web na bahagi ng internet na kung saan maaari mong hanapin ang laruang ito. Ngunit hindi ko itinuloy, dahil alam kong hindi ito kinakailangan at alam kong ako’y may control sa aking sarili. Para sa akin, sana ganito ang ginawa ng mga nabiktima sa laruang ito, dapat marunong silang hindi sumangayon at tumalikod sa panganib. 6|Page
4. Saloobing pansarili Sa paggawa ko ng reaskyong papel na ito, napagtanto ko na lahat tayo ay may pinag-dadaanan. May sari-sarili tayong mga problema, yung iba pinili nilang magpatulong ngunit yung iba naman, kinikimkim na lamang. Minsan, wala sa atin ang nakakaalam kung kelan magpapakamatay ang isang tao. Parang isang lobo iyan, patuloy itong tumataas ngunit hindi mo malalaman kung kalian ito mawawalan ng hangin at mahuhulog. Aaminin kong isa akong biktima sa pang-aapi o di kaya’y pangtutukso, ngunit nakakaya kong kontrolin ang aking emosyon at pag-iisip. Noon akala ko malulutas ko ang aking mga problema sa paraan ng pagpapakamatay, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maitulak ang sarili ko na saktan ang aking sarili. Mahirap pala ang pagplano ng pagpapakamatay, paano na kaya kapag itinuloy mo? Ang mas nakakaalarma, may mga taong magtutulak saiyo kagaya na lamang ang laruan na The Blue Whale Game. May mga panahon na kinakailangan na nating burahin an gating mga isipan, lalo na kung alam mong sarili mo lang naman pala ang msasaktan. 5. Mga Sanggunian (n.d.). Retrieved January 02, http://www.lawphil.net/statutes/acts/act_3815_1930.html
2018,
from
Game linked to teenage deaths. (2017, May 01). Retrieved January 02, 2018, from http://www.news.com.au/lifestyle/real-life/news-life/blue-whale-suicide-game-linked-to130-teen-deaths-is-just-tip-of-the-iceberg-in-the-worlds-suicide-capital/newsstory/62a3f76de05d14db4100fd81a511714c Krishnan, A. (2017, May 04). 'Blue Whale' suicide game is pushing teenagers to take their life! App sets a date for player's death in this internet challenge. Retrieved January 02, 2018, from http://www.india.com/buzz/blue-whale-suicide-game-is-pushing-teenagers-totake-their-life-app-sets-a-date-for-players-death-in-this-internet-challenge-2081518/ Russia, W. S. (2017, July 19). Blue Whale suicide 'game' ringleader is jailed for three years in Russia for inciting young people to kill themselves. Retrieved January 02, 2018, from http://www.dailymail.co.uk/news/article-4709894/Blue-Whale-suicide-game-ringleaderjailed-Russia.html Will Stewart In Russia For Mailonline. (2017, February 27). Russian teenagers committing suicide 'as part of bizarre social media GAME called Blue Whale', police say. Retrieved January 02, 2018, from http://www.dailymail.co.uk/news/article-4264838/Teenagerscommitting-suicide-social-media-GAME.html
7|Page
Reaksyong Papel sa Nabasa Pamagat: Cyberbullying and Suicide: The Amanda Todd Case Joanna Marie S. Forges | Grade 12 – St. Benedict Ipinasa kay: Bb. Mariane Joyce C. Adviento 1. Mga Layunin Kapansin-pansin ang pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, kaya naman naiimbento ang iba’t-ibang laruan o di kaya’y applications na mapapakinabangan sa karamihan ng bagay. Sa panahon ngayon, maaari ka nang makipag-usap sa ibang tao sa mundo, malayo man o malapit, basta’t gamit ang iba’t-ibang social media platforms. Ngunit minsa’y inaabuso natin ang paggamit ng internet. May mga bagay na nadidiskubre natin ng aksidente, may mga bagay na hindi natin akalain na mapanganib pala, at minsan ang patutungo nito’y maaaring ikamatay mo. Ang bahagi nito sa kabuuang reaksyong papel ay layunin na (1) bigyang depinisyon ang paggamit ng social media, (2) masuri ang cyberbullying at kung ano ang ugnay nito sa suicide, at (3) tangkilikin ang responsableng paggamit ng internet sa mga kabataan. 2. Mahalagang Puntos The Amanda Todd Case: Cyberbullying and Suicide Mahahalagang Kaisipan a. Ang Facebook, Youtube, Instagram at Twitter ay mga pinakamasikat na social media platforms na hindi lamang pakikipag-komunika sa mga taong malalayo kundi maaari ring mag-upload ng mga larawan, videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa edad na 13-29. b. Noong nakaraang Oktubre 2012, may nagpakamatay na 15 anyos na dalaga na si Amanda Todd. Si Amanda Todd ay nagpost ng isang video sa Youtube. Dito niya ibinunyag ang kanyang buhay na kung saan siya’y naabuso, natukso, at napagsamantalahan sa internet. Gumamit siya ng mga nasulatan na cards upang ipahayag ang kanyang mensahe. c. Lumaki si Amanda Todd na masiyahin at namuhay ng maginhawa, hanggang sa naipakilala siya sa isang hindi kilalang account sa Facebook. Ang taong ito ay tila linigawan siya at sinuyuan siya ng mga matatamis na salita sa punto na nakombinsi niya si Amanda na ipakita ang kanyang pribadong parte ng kanyang katawan. Pagkalipas ng isang taon, naging viral ang kanyang litrato kung kaya’t natukso siya sa eskwelahan, at kinailangan niyang magpalipat-lipat ng mga eskwelahan. Ang kanyang reputasyon ay nasira, wala siyang mga kaibigan, at siya’y patuloy na tinukso ng kanyang mga kaklase. Karamihan parin ng mga 8|Page
tao ay itinuturing hangal ang kanyang naging desisyon na pagpapakamatay. Ang iba naman ay sinasabing ito’y nararapat sa kanya. d. Sa Abril 2014, naaresto na ang lalaking nagkalat ng litrato ni Amanda na kung saan ito’y bungad ng kanyang pagpapakamatay. Ang sabi ng awtoridad ay may mga nagawang krimen na rin ang suspek kagaya ng, “extortion, internet luring, criminal harassment, and child pornography”. Mga Batayan May mga batas sa Pilipinas na maaring panlaban sa bullying. Ang Republic Act No. 10627 o ang tinatawag na “Anti-Bullying Act of 2013”, layunin nitong pigilana ang bullying sa anumang paraan na naoobserbahan sa eskwelahan. Si Amanda Todd ay maaari ring ipaglaban ang kanyang karapatan bilang isang menor de edad sa batas na, Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”, na kung saan ang lumabag sa batas nito ay maaaring makulong sa 6 hanggang sa 12 na taon. Mensahe Ang mga makabagong teknolohiya ay dapat nating ingatan, lalo na kung hindi natin alam kung ano ang peligro na maaari nitong maidudulot sa buhay natin. Sa kaso ni Amanda Todd, nagsikap siyang iwasan ang mga bullies ngunit patuloy parin siyang tinutukso dahil sa isang pagkakamali na nagawa niya, at ito’y naging sanhi sa pagpapakamatay niya.
3. Reaksyon Sa pagpasok ng aming bakasyon para sa Pasko at Bagong Taon, aaminin ko na ilang oras kong hindi tinigilan ang paglalaro ng aking celpon. Lagi kong tinitignan ang aking mga social media apps katulad na lamang ng Facebook, Twitter, Instagram, at Youtube. Napansin ko na madami pala akong nakikitang tao na hindi ko naman kilala sa totoong buhay ngunit maaari parin akong makipagugnayan sa kanila, ngunit hindi ko naman gagawin iyon dahil alam kong may posibilidad na ako’y mailalagay sa panganib. Sa nangyari kay Amanda, ang masasabi ko ay hindi lamang ang nagkalat ng litrato ang may kasalanan dito kundi si Amanda din. Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa isipan niya at ginusto niyang ipakita ang pribadong parte ng kanyang katawan. Gayon pa man, huwag nating husgaan ang isang tao dahil sa isang pagkakamali niya, dito pumasok ang problema, Sa bawat paglipat niya ng eskwelahan, mas nauna ang alingawngaw at hindi na nila binigyan ng pagkakataon upang tubusin ang sarili niya. Nang napagisipan na gawin ulit ng suspek ang takutin siya, pinili na niyang patayin ang sarili niya dahil hindi na niya kayang labanan ang sakit ng mga salita na naririnig niya sa ibang tao tungkol sa kanya. Naiintindihan ko ang nagawang desisyon ni Amanda dahil ang tanging pagpipilian na lamang niya ay habang buhay siyang matutukso o mawala na lamang siya upang matapos na ang lahat. Minsan kasi may mga taong sumusobra na kaya’t ang epekto nito nasosobrahan din sa hindi inaakalang paraan. 9|Page
4. Saloobing pansarili Simula noong umunlad ng lubos ang teknolohiya, ang tanging inaatupag na lamang natin ay ang ating mga gadgets. Para ikinulong natin ang ating mga sarili sa riyalidad. Minsan nga’y nasosobrahan natin ito at maaari tayong makadiskubre ng mga bagay na maaaring ipahamak natin. Nakaugalian na sa ating mga pinoy ang pagiging chismosa’t chimoso at karamihan sa atin ay naghahanap ng paraan upang tugunan ang ating kuryusidad. May kasabihan nga na “curiosity kills you”, kaya’t kailangan mong isipin ng mabuti ang iyong gagawin. Napagtanto ko rin na, bakit hindi nating subukang iwasan ang paggamit ng gadgets dahil hindi lamang ito nakakasakit sa pisikal na kasulugan natin kundi pati na rin ang ating sosyal, emosyonal, at spiritual na kalusugan? Bakit hindi nating subukang iwasan ang mga bagay alam nating sasaktan lang tayo? Bakit hindi nating iwasang magsalita ng mga bagaybagay na hindi naman talaga nating alam ang buong istorya bago pa tayong makasakit ng ibang tao? Alalahanin natin na hindi natin nakokontrol ang pag-iisip ng ibang tao, pero maari natin itong ipasintabi muna ang masasamang saloobin at bigyan natin ng paglilinaw ang mabuti at tamang pagtingin ng mga bagay-bagay. 5. Mga Sanggunian (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1992/ra_7610_1992.html Republic Act No. 10627 | GOVPH. (n.d.). Retrieved January 02, 2018, from http://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/12/republic-act-no-10627/ The Unforgettable Amanda Todd Story. (2017, May 19). Retrieved January 02, 2018, from https://nobullying.com/amanda-todd-story/
10 | P a g e