Konseptong_papel.docx

  • Uploaded by: Joanna Marie Forges
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Konseptong_papel.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 981
  • Pages: 3
San Beda College Kolehiyo ng mga Sining at Agham KAGAWARAN NG FILIPINO Maynila

Pangalan : Camille B. Villaruz Samuel M. Villena

Konseptong Papel sa pananaliksik sa Filipino 2

Paksa: Pinakamabisang Paraan ng Pag-iipon ng Pera Para sa mga Estudyante ng 1-AMC (SY:20142015)

Rasyunal Bilang mga estudyante ng Financial Management ay mahalaga na malaman naming ang tamang paraan ng pagpapahalaga sa pera. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang pera ay isang bagay na pangkalahatang tinatanggap bilang isang daluyan sa pagpapalitan.Ito ay isang sukatan ng halaga o isang paraan ngpagbabayad. Sa panahon ngayon, alam naman natin lahat na importante ang pera sa pang araw- araw nating buhay. Sa darating na panahon , ang magiging trabaho naming ay tungkol sap era. Kung kaya’t naisipan naming isagawa ang pananaliksik tungkol sa pag iipon. Dito aalamin namin ang pinakamabisang paraan na ginagamit upang makapag-ipon ang mga estudyante. Ang mga kabataan ang susi sa kaunlaran n gating bansa, kaya dapat habang bata pa lamang sila ay matutunan na nila ang pag-iipon. Kaya naisipan naming gawing panauhan ang mga estudyante ng marketing na nasa unang baiting, ikalawang semestre, taong 2014-2015. Ito ay upang malaman kung ilan ba sa mga kabataan ngayon ang may tyaga o kakayahan, na makapag-ipon , kung sa anong paraan nila isinasagawa ang pag-iipon , at bakit ito ang kanilang napiling paraan o sistema.

Ayon sa articulo ni Melchor V. Cayabyab, na pinamagatang PAG-IIMPOK: Ang Ating Puhunan sa Kasaganaan , Gaano man kalaki ang kita natin sa ngayon ay mauuwi din ito sa wala kung hindi tayo magiging masinop. Ang pag-iimpok ay isang salitang katulad din ng pag-iipon. Sinasabi din sa artikulong ito na ang pag-iipon ay para sa tatalong bagay, ito ay para sa proteksyon ng kabuhayan, para sa kinabukasan , at para pagtanda. Ang pag-iipon o pag-iimpok ay may maaring isagawa sa iba’t ibang paraan, tulad ng , pagpapatago ng pera sa kaibigan, pagpapatago ng pera sa magulang, paggamit ng alkansya, pagpapatago sa bangko na walang ATM o pagpapatago sa bangkong mayroong ATM. Ang Automated teller machine o mas kilala bilang ATM , ay ginagamit upang mas mapadali ang proseso ng pagkuha ng pera kahit malayo ka sa mga bangko. Layunin Ang pangkalahatang layunin n gaming pag-aaral ay upang malaman ang pinakamabisang paraan ng pag iipon para sa mga estudyante Ang mga Tiyak na layunin ay 1. malaman kung nag iipon ang mga estudyante ng 1-AMC 2. malaman sa kung anong sistema nila isinasagawa ang kanilang pag iipon Metodolohiya Ang paraan ng aming pagsasaliksik ay palarawan.Bago mag simula ang pagsasaliksik ay hinati kami ng guro ayon sa aming mga kurso.Sa unang araw ng aming pag aaral, binigyan kami ng aming guro ng panahon upang makapagsaliksik sa kung anong paksa ang aming maaring talakayin na may kaugnayan sa aming kurso. Pagkatapos naming makakuha ng paksa ay binigyan kami ng oras upang makahanap ng mga impormasyon ukol sa paksang aming napili. Pagkaraan ng pagsasaliksik ng mga impormasyon ay tinuruan kami n gaming guro kung paano gumawa ng isang konseptong papel.Nagsimula na kaming gumawa ng indibidwal na konseptong papel at pinagsama-sama naming ang aming mga ideya upang mabuo ang aming ipapasang konseptong papel.Pagnatapos na naming ang konseptong papel ay isa-isang ituturo saamin kung paano gawin ang bawat parte ng aming pananaliksik. Kapag naipaliwanag na ng mabuti ang bawat prosesong aming dapat pagdaanan upang maisagawa ang aming pag aaral ay sisimulan na naming ang pag gawa ng “sarbey form”. Dito nakasulat dapat ang mga katanungan na kung sila ba ay nag iipon, kung sa anong paraan nila iniipon ang pera at bakit ito ang paraan na kanilang napili upang makapag ipon. Kapag natapos na namin ang pag papasagot ng sarbey ay maaari na naming simulan ang aming pananaliksik. Hahatiin naming ng aking kagrupo ang mga dapat gawin sa pananaliksik upang mag mapabilis ang paggawa nito. Ipapakita namin ang gawa naming sa aming guro upang makapagbigay siya ng komento sa aming gawa. Babaguhin namin ang mga dapat baguhin sa aming papel ayon sa komento ng guro at ipapasa ito ng malinis at maayos. Kapag naipasa na naming ito sa guro at ito ay amprubado na ng guro ay magsisimula na kaming maghanda para saaming pagpepresenta sa harap ng guro. Kami ay maghahanda ng mga tanong na maaring itanong ng aming

guro sa araw ng presentasyon na may kaugnayan sa aming paksa.Kami ng aking kagrupo ay mag tatanungan upang masukat an gaming kaalaman sa paksa. Ito ang magiging estilo naming upang makapaghanda sa darating na presentasyon. Gagawa din kami ng “powepoint presentation” upang magsilbing “visual aids” sa aming presentasyon. Sa gabi bago kami humarap sa guro ay mag hahanda kami ng pormal na damit na aming susuotin sa aming presentasyon.Aaralin naming ang bawat detalye n gaming tatalakayin at ang mga salitang aming gagamitin. Matutulog kami ng maaga , kakain ng agahan , mag-aayos ng sarili nang magmukang malinis at mananalangin sa Dyos upang maging handa sa araw na iyon. Sisiguraduhin naming darating kami ng maaga pa sa oras na itinakda samin ng guro at sisiguraduhing nasunod ang mga plano at paghahanda naming sa araw na iyon. Papasok kami sa loob ng silid-aralan kung saan nakaupong mag-isa ang guro upang makinig sa aming paksa. Babatiin naming siya bilang pag galang at sisimulan ng ayusin ang mga kagamitang aming gagamitin sa pagtatalakay. Kami ay magsisimulang magtalakay at ang guro ay mag tatanong sa kung anong gusto niyang linawin sa aming tinatalakay , at sasagutin naming siya sa abot ng aming makakaya.Kapag natapos an gaming pagtatalakay at wala naman ng karagdagang tanong ang guro ay magpapaalam kami ng pormal sa guro at lalabas na ng silid. Inaasahang Bunga Sa katapusan ng aming pagsasaliksik ay inaasahan naming makuha ang mga opinyon ng mga estudyante kung sila ba ay nag iipon at kung ano ba ang pinaka mabisang paraan ng pag iipon para sakanila. Ito ay magsisilbing basehan ng mga tao upang makapag isip sila ng mas epektibong paraan ng pag iipon ng pera.

More Documents from "Joanna Marie Forges"

Reaksyong Papel Final.docx
December 2019 5
Konseptong_papel.docx
December 2019 1
Glorious.docx
December 2019 3
Dayao_nino 2nd Demand
October 2019 7