“What If?” Script
Scene 1 – Ang Pagdating ng Ermitanyo Narrator: Desyembre atrenta ng 1896 ay ipinatupad ang araw ng kamatayan ni rizal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang likuran. Setting: December 30, 1896, Manila -START OF THE SCRIPT OF SCENE 1(Naglalakad si rizal papunta sa pwesto kung san siya babarilin) Kapitan: Preparar! Mga Sundalo: (Ihahanda ang baril) Kapitan: Apunten! Mga Sundalo: (Muling itututok ang baril kay rizal) Kapitan: Fuego! Mga Sundalo: (Muling kakalabitin ang gatilyo ng baril) (Biglang hihinto ang oras) Rizal: (Magtataka ito at lilingon sa kanyang likuran) Ano ang nangyayari? Ermitanyo: (Tunog na galing sa punong nasa likuran ni rizal) Rizal! Rizal: (Napalingon sa pinaroroonan ng boses) Sino ka? Ermitanyo: (Nagpakita mula sa puno) Ako si Tatang Gero at ako ay isang ermitanyo. Rizal: (Patakang sinabi) Ermitanyo? (at pagalit niyang sinabi na..) Ano ang iyong ginawa sa kanila? Bakit tumigil ang kanilang mga kilos? Tatang Gero: (Habang papalapit kay rizal) Huwag kang mag-alala rizal, dahil ang panahon na ito ay nakalipas na. Rizal: (Nagtaka sa sinabi ni tatang gero) Ano ang iyong ibig-sabihin? Tatang Gero: Ako’y nagmula sa hinaharap. Rizal: Paano iyon nangyari?
Tatang Gero: Mayro’n akong kakayahan na maglakbay sa panahon. Rizal: (mukhang naguguluhan sa mga sinasabi ng ermitanyo) Hindi kapanipaniwala ang iyong mga sinasabi! Tatang Gero: Hindi pa ba kapanipaniwala ang iyong mga nakikita, Rizal? Rizal: (Lumingon si rizal sa mga sundalo at mga tao at ilang segundo lamang ay muli na ulit itong lumingon kay tatang gero) Pero bakit ang panahon na ito ang iyong napagpasyahang patunguhan? Tatang Gero: Dahil ikaw ay may mga mahahalagang bagay na dapat malaman sa hinaharap. Rizal: Ano iyon? Tatang Gero: Malalaman mo sa iyong paglalakbay sa hinaharap. Rizal: Bakit hindi nalang iyong sabihin sa akin ngayon? Tatang Gero: Dahil mas mabuti/maganda kung ikaw ang makakadiskubre ng mga iyon rizal, Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Rizal: Naiintindihan ko ang iyong nais sabihin ngunit ako lamang ay nababahala sa aking mga malalaman sa hinaharap. Tatang Gero: Huwag kang mabahala rizal. Magtiwala ka sa iyong sarili, sa iyong katapangan. Rizal: (Naalala ang kanyang sinabi noong siya ay bata pa) Sige! Aking napagdedesisyunan na tumungo sa hinaharap. Tatang Gero: Mabuti!(tumagilid at nakangiti habang nakatingin sa isang tanawin) Tatang Gero: (habang nakatagilid) siya nga pala rizal, nasasaiyo ang pagpapasya kung ikaw ay mananatili doon o ikaw ay babalik dito sa iyong panahon. Kung iyong napagdesisyunan na bumalik sa iyong panahon, ay bumalik ka lang sa lugar kung saan ka nagsimula sa hinaharap.
Rizal: Sige, Aking naisaisip na ang iyong mga sinabi, Ngunit paano ako tutungo sa hinaharap? Tatang Gero: hmm.. (inangat ang kamay at biglang lagitik ng daliri) *Snapped* Narrator: Sa paglagitik ng daliri ni tatang gero ay biglang lumiwanag ang paligid at biglang naglaho si rizal. At dito na magsisimula ang kanyang pagpunta sa hinaharap. -END OF SCENE 1Scene 2 – Ang pagpunta ni Jose Rizal sa hinaharap Narrator: (Sa isang paaralan) Estudyante 1 (Michael): (Pumasok sa isang kwarto) Oy pre! Napanood niyo ba yung bagong kanta nung twice? Estudyante 2 (Nemesis):(Habang pineplay ang kanta ng twice) Ito nga pinapanood na namin! Estudyante 3 (Renzon): (Korean heart sign) Ito pre oh! Gumaganon na nga kami dito pre oh! (Sumunod na pumasok si romar) Estudyante 4 (Romar): (Habang Pupunta sa kanyang upuan) Mga kpop talaga tong mga to! (Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang kanilang professor) Professor Jomar: Good Afternoon! Class! Mga Estudyante: Good Afternoon! Sir! Professor Jomar: Okay! So, we are going to start our lesson na! (Tinuro sila estuyante 1,2, at 3) Professor Jomar: Itigil niyo na yan! Estudyante 1,2,3: Sorry ser! Sorry ser!
(Makalipas ang ilang oras) Professor Jomar: Okay class! Mag Research kayo about sa history ni rizal, Class dismiss! Mga Estudyante: Yoooon! Estudyante 1,2,3:(Pagkalabas ni Professor Jomar)Panoorin na natin ulit yung twice! (Makalipas ang ilang oras) Estudyante 5 (Extra): Research daw sabi ni sir! Pano yun? Estudyante 1 (Michael): Oy tol! Sama kayo samin mamaya ha, meron kaming inuman. Estudyante 5 (Extra): (Pabulong na kausap si Romar) Ano tol? Haha! Tara inom tayo. Estudyante 4 (Romar): Inom na kaagad? Di tayo magreresearch? Estudyante 5 (Extra): Tsaka na yun! Haha! Ito muna! Estudyante 2 (Nemesis): Tara na! Sagot ko naman eh. Sagot ko naman romar! Estudyante 4 (Romar): Sige! basta isa lang ha? Estudyante 1 (Michael): Yooon! Estudyante 4 (Romar): (Kausap si estudyane 5) Tara! Narrator:
(Sa inuman) Estudyante 1 (Michael): Tagal naman ng dalawang ‘yon! Lasing na’ko! Estudyante 2 (Nemesis): Oo nga eh! Estudyante 3 (Renzon): (May napansing paparating) Ito na pala eh! Estudyante 1 (Michael): Oy! Tol! Ba’t ikaw lang? Nasan si Ismael?
Estudyante 4 (Romar): Wala pa dito? Mukhang tinalkshit lang ako ah. Estudyante 1 (Michael): Sige hayaan mo na yun tol! Ang mahalaga sumipot ka. Halika tol maupo ka dito.