Republika ng Pilipinas Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Kolehiyo ng Sining at Agham Lungsod ng Muntinlupa
“Batayan ng Pagpili ng Kursong Political Science ng bawat mag-aaral ng PLMUN”
Mananaliksik: Raymond Anacta Justin Begasa Ivan Pasilabban Aireen Bamba Marivic Cos Lovely Olvida ABPolitical Science-1E
Gng. Renato Hansor Dalubguro
Nobyembre 2018
Panimula Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isang napakahalagang desisyon na kailangang gawin ng bawat mag-aaral na nagnanais pumasok sa isang Pamantasan, Unibersidad o Kolehiyo. Malaki ang epekto ng pagpili na ito sa larangan o propesyon na kanilang kahahantungan paglabas nila ng Pamantasan. Maging ang institusyon na nagpapatupad at nagtuturo ng mga kurso ay nasusukat ang pagiging epektibo nito sa lipunan o komunidad kung ang kamalayan ng mga mag-aaral ay nalilinang at naiaangat tungo sa pagtupad ng kanilang tungkulin na maging produktibo at maging mabuting mamamayan. Mahalaga ang paglinang sa kamalayan tungo sa pakikiisa at partisipasyon sa lipunan ng isang mamamayan para sa ikauunlad ng bansa, maging pribado man ito, publiko at pampamahalaan. Ang kursong Political Science ay isa sa mga pangunahing kurso sa kolehiyo na layong linangin ang kamalayan na ito. Ang mga nagtapos sa kursong ito ay maaaring kumuha ng abogasya, maging kawani ng gobyerno at manungkulan sa pamahalaan bilang mga lingkod bayan. Bilang mga mananaliksik at mag-aaral ng Agham Pampulitika (Political Science) sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Pumukaw ng aming pansin upang gawin ang pananalisik na ito, ay ang pagkakaroon ng mababang populasyon ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Political Science. Ang departamento ng Political Science sa ilalim ng Kolehiyo ng Sining at Agham (College of Arts and Sciences) ay ang siyang may pinakamaliit na bilang ng populasyon sa lahat ng departamentong pangkolehiyo ng PLMun. Nais tukuyin ng pananaliksik na ito ang mga dahilan o sanhi ng umiiral na
kaganapan at kung ano ang maaaring maging implikasyon nito sa institusyon, lipunan at sa ating bansa. Metodolohiya Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng lugar ng pananaliksik,mga respondante, disenyo, paraan ng pananaliksik at ang instrumentasyon na ginamit. Lugar ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa loob ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) sa University Road NBP Reservation Brgy. Poblacion Lungsod ng Muntinlupa. Disenyo Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang tinatawag na “Deskriptibong Disenyo”. Sa pamamagitan nito, inilalarawan ang mga pangyayari at kondisyong isinaalang-alang sa pagtukoy ng angkop na batayan sa pagpili ng kursong Political Science ng isang mag-aaral. Paraan ng Pananaliksik Upang mas maging makabuluhan at epektibo ang ginawang pananaliksik na ito, gumamit ng mga paraan sa pananaliksik ang mga mananaliksik ng sa gayon ay mapabilis ang pangangalap ng datos o impormasyon. Obserbasyon Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nag-obserba sa kapaligiran na ginagalawan at kinabibilangan ng bawat respondante kaugnay ng batayang kanilang kinonsidera sa pagpili ng kursong Political Science na kanilang pinasukan. Sarbey
Upang mabigyang kasagutan at impormasyon ang pananaliksik na ito sa kung ano ang pinaka naging batayan ng mga respondanteng kabilang sa kursong Political Science; ang mga mananaliksik ay nagbigay ng talatanungan o sarbey sa 20 respondante na kabilang sa humigit kumulang 250 na populasyon ng departamento ng Political Science, na kung saan kinapapalooban ang mga maaaring naging batayan ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring batayan o dahilan mula sa sarili, mga kaibigan o kaklase, pamilya at sa komunidad na kinabibilangan.
Instrumento Talatanungan Mahal naming kapwa mag-aaral: Kami, bilang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinnlupa ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay patungkol sa “Batayan ng Pagpili ng Kursong Political Science ng bawat mag-aaral ng PLMUN”. Kaugnay nito, ay ang paghingi namin ng inyong kooperasyon at konting oras sa pagsasagot ng aming hinandang talatanungan. Maraming Salamat po. I.
Personal na Impormasyon:
Pangalan: (Optional)_______________________________________ Kasarian: ________________
Edad: ________________
Year: ____________________ II.
Batayan ng Pagpili ng Kursong Political Science ng bawat mag-aaral ng PLMun Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang tapat ng pahayag kung ito ay kasama sa iyong pinagbatayan sa pagpili ng kursong Political Science.
Mga Batayan sa Pagpili ng kursong Political Science : Naging Batayan Ko A. Aking Personal at Sariling Batayan 1. Pinili ko ito sapagkat ito ang aking gusto,pasyon, hilig at pangarap. 2. Dala ng pagkakataon at pangangailangan. 3. Paniniwala sa swerte, tadhana, kapalaran, sabi-sabi at bahala na.
4. Hindi ang personal at sariling kaalaman ang naging batayan ko. B. Ugnayan sa pagitan ng mga Kaibigan/Kaklase 1. Ako ay naimpluwensiyahan at napilitang kumuha ng kursong ito. 2. Dikta,sabi at payo ng aking mga kaibigan/kaklase. 3. Motibasyon at Inspirasyon nila sa akin. 4. Hindi sila naging batayan ng pagpili ko. C. Relasyon sa aking Pamilya 1. Inutusan at pinilit nila ako na piliin at kunin ito. 2. Sila ang gumagawa ng plano at desisyon para sa akin. 3. Motibasyon at Inspirasyon mula sa aking pamilya ( magulang, kapatid, kamag-anak) 4. Hindi sila naging batayan ng pagpili ko. D. Kaugnayan sa Komunidad, Paligid, Idolo,Kakilala, Guro, at Kapwa 1. Karanasan at payo bilang inspirasyon ko mula sa aking mga guro o kapwa. 2. Pagtitiwala ng mga taong nasa paligid ko. 3. Kagustuhang gawin at sumunod sa kung ano ang ginawa ng aking idolo buhat sa mga tagumpay nito sa buhay. 4. Hindi sila naging batayan ng pagpili ko.
Resulta at Diskusyon Ang kabanatang ito ay naglalaman ng naging resulta at diskusyon ng pananaliksik na ito. Talahanayan 1: Bilang ng mga Respondante na naging batayan ang Personal at Sariling kaalaman sa pagpili ng kursong Political Science. A.
Aking Personal at Sariling Batayan
I.
II.
15
6
III. 5
IV. 4
Makikita sa talahanayan bilang isa, ang bilang ng mga respondante na mag-aaral na naging batayan ang personal at sarili nilang kaalaman na nahahati sa apat na pahayag. Ito ay ang mga sumusunod: I. Pinili ko ito sapagkat ito ang aking gusto,pasyon, hilig at pangarap. II. Dala ng pagkakataon at pangangailangan. III. Paniniwala sa swerte, tadhana, kapalaran, sabi-sabi at bahala na. IV. Hindi ang personal at sariling kaalaman ang naging batayan ko. Sinasabi sa resultang nakuha na mas malaki ang bilang ng mga mag-aaral na naging batayan ang kanilang sariling kagustuhan,pasyon, hilig at pangarap kaysa sa ilang batayan na kasama sa personal at sariling batayan.
Talahanayan 2: Bilang ng mga Respondante na naging batayan ang pagkakaroon ng Ugnayan sa Pagitan ng mga Kaibigan/Kaklase sa pagpili ng kursong Political Science. B. Ugnayan sa Pagitan ng mga Kaibigan/Kaklase
I. 1
II.
III.
IV.
2
6
14
Ang mga pahayag na kasama sa batayang ito ay ang mga sumusunod: I. Ako ay naimpluwensiyahan at napilitang kumuha ng kursong ito. II. Dikta,sabi at payo ng aking mga kaibigan/kaklase. III. Motibasyon at Inspirasyon nila sa akin. IV. Hindi sila naging batayan ng pagpili ko. Sa talahanayan bilang 2 naman makikita ang bilang ng mga respondante na hindi naging batayan ang pagkakaroon ng ugnayan sa mga kaibigan o kaklase sa pagpili ng isang partikular na kurso. Kompara sa unang talahanayan na malaki ang bahagdan ng bilang ng mga mag-aaral sa unang pahayag/batayan, dito naman ay pang-apat na batayan ang nakakuha ng malaking bilang ng mga respondante na hindi nila naging batayan ang ugnayan sa kanilang mga kaibigan at kaklase.
Talahanayan 3: Bilang ng mga Respondante na naging batayan ang Relasyon sa Pamilya sa pagpili ng kursong Political Science. C. Relasyon sa aking Pamilya
I.
II.
III.
IV.
1
3
10
9
Kaiba sa nakuhang resulta sa talahanayan 2, halos balanse naman ang naging bilang ng mga respondante na naging batayan ang relasyon sa kanilang pamilya kumpara sa hindi pinagbatayan ang kanilang pamilya at iba pang pahayag na kasama sa batayang ito. Ang mga batayan dito ay ang mga sumusunod. I. Inutusan at pinilit nila ako na piliin at kunin ito. II. Sila ang gumagawa ng plano at desisyon para sa akin. III. Motibasyon at Inspirasyon mula sa aking pamilya ( magulang, kapatid, kamag-anak) IV. Hindi sila naging batayan ng pagpili ko
Talahanayan 4: Bilang ng mga Respondante na naging batayan ang Kaugnayan sa Komunidad, Paligid, Idolo, Kakilala, Guro at Kapwa sa pagpili ng kursong Political Science. D. Kaugnayan sa Komunidad, Paligid, Idolo, Kakilala, Guro at Kapwa
I.
II.
9
10
III. 3
IV. 8
Sa talahanayan bilang (4) apat , mapapansin ang malaking bahagdan ng bilang ng mga respondanteng mag-aaral ng PLMun na pinagbatayan nila ang ugnayan sa paligid at mga kapwa tao ngunit nangibabaw ang pangalawang bilang sa mga pahayag/batayan.
Kasama sa batayang ito ang mga sumusunod na pahayag: I.
Karanasan at payo bilang inspirasyon ko mula sa aking mga guro o kapwa.
II.
Pagtitiwala ng mga taong nasa paligid ko.
III.
Kagustuhang gawin at sumunod sa kung ano ang ginawa ng aking idolo buhat sa mga tagumpay nito sa buhay.
IV.
Hindi sila naging batayan ng pagpili ko.
Kongklusyon Batay sa mga lumabas na resulta, ang mga sumusunod ang nasabing kongklusyon: 1. Mas higit na pinagbatayan ang personal at sariling kaalaman ng mga mag-aaral ng PLMun na nasa kursong Political Science. Sa madaling salita, naging indepediente ang mga ito sa pagpapili ng kanilang kursong tatahakin. 2. Hindi naging batayan ng mga respondante ang ugnayan sa pagitan ng mga kaibigan/kaklase. Hindi sila dumepende sa mga ito anuman ang sabihin at gawin nila. 3. Bahagyang naging batayan ang relasyon sa pamilya. 4. Bahagyang naging batayan ang kaugnayan sa komunidad, paligid,idolo, kakilala, guro at kapwa.
Rekomendasyon Maraming kurso sa kolehiyo ang nangangailangan ng iba’t ibang batayan sa pagpili nito. Iba’t iba rin ang nagiging dahilan o sanhi ng desisyon ng bawat mag-aaral ukol sa kung ano ang nais nilang tahakin na karera, propesyon at larangan. Upang maiangat pa at mapagtibay ang paglinang sa kamalayan ng mga mag-aaral ng kolehiyo tungkol sa kurso ng Political Science, narito ang ilang mga rekomendasyon at mungkahi:
Patuloy at maigting na pagbibigay kalayaan ng institusyon sa mga mag-aaral sa pagpili ng nais nilang kurso.
Pagsasagawa ng mga “information drive” at “seminars” sa mga mag-aaral sa hayskul ukol sa pagkakaroon ng kursong Political Science.
Pagbibigay ng sapat at malalim na impormasyon sa mga enrollees ng Pamantasan patungkol sa kursong Political Science.
Pagsasaayos ng departamento ng Political Science tungo sa pagkakaroon ng makabagong institusyon at aktibong organisasyon ng Pamantasan.
Rekomendasyon