1
Justin john E. Sabinet
Pininta rin ni Francisco “Ang Buhay at Mga Himala ni Santo Domingo” (Life and Miracles of Saint Dominic) sa simbahan ng Santo Domingo nuong 1954, at ang “Stations of the Cross” sa simbahan ng Far Eastern University (FEU) nuong 1956. Ang unang mahalagang “mural” ni Francisco ay ang “500 Taon ng Kasaysayan ng Pilipinas” (500 Years of Philippine History) na ginawa niya para sa International Fair sa Manila nuong 1953. Inukit sa kahoy ang “mural” ng mga bihasang lilok (wood carvers) ng Paete. Puminta rin siya duon sa malalaking plywood. Nilarawan niya ang pinagmulan ng Pilipino, mula sa paglabas ng mga unang tao sa putok na buho, sina Malakas at si Maganda, hanggang sa pamahalaan ni Pangulo Elpidio Quirino nuon. Hanga ang lahat, nalathala pa sa Newsweek at sa Time, 2 malaking magazine sa America. subalit pagkatapos ng International Fair, nilansag at naglaho ang mga katha. May balita pa na ilan sa nilansag na plywood ay tinagpi sa dinding ng karagkarag na elevator sa lumang National Library. Libu-libong dolyar na ang halaga sana subalit hindi pa lumilitaw hanggang
ngayon. Ang pinakatanyag na “mural” ni Francisco ang paglarawan niya ng kasaysayan ng Manila, ngayon ay nasa tanggapan ng mayor ng Manila, ang Bulwagang Katipunan. Ipinagawa ito nuong Mayor si Antonio Villegas sa Manila, at inilarawan ang sigasig ng mga unang datu sa Manila at Tondo, ang pagpasok ng mga Español, ang mga bayani ng Himagsikan, hanggang sa panahon ng Amerkano, halos buong kasaysayan ng Pilipinas na dumadaloy na parang ilog, apoy na nagliliyab at mga ulap sa lumalaganap sa buong lawak ng “mural.”
mahinahon ang Pilipino ni Amorsolo, ang mga tao ni Francisco ay masigla, magalaw, magaslaw pa kung minsan, at kapag kinakailangan, may sapat na pagka-bayani.
Nakaka-bagabag-luob, nakaka-daig ang kanyang mga inilarawan.
Tulad uli ni Amorsolo, natuto si Francisco na gumamit ng matingkad na mga kulay upang ilarawan ang taginting na sinag ng araw sa Pilipinas. Subalit kaiba sa tinawag na makaAmorsolong hilig sa pagpinta (“Amorsolo school of painting”), hindi ginintuang kulay ng araw ang nanaig sa kanyang mga larawan. Diniliman niya ang karamihan ng dilaw, hinaluan ng pula upang maging kayumanggi, at tinapalan ng “sumisigaw” na lunti (verde, green) upang itanghal ang kulay ng mga bukid na mahal niya.
Unang nakilala ang galing ni Francisco nang magwagi ang kanyang “Kaingin” sa paligsahan ng Art Association of the Philippines nuong 1948. Nuon din unang Kaiba rin kay Amorsolo, bihirang “nakatirik” natunghayan ang kaibahan ng kanyang sining ang mga larawan ni Francisco. Gumamit siya sa “ginintuang” mga larawan ni Fernando ng mga hilis at pulupot na linya at kulay upang Amorsolo. ipahiwatig ang “galaw” at sigla ng tao at bagay-
2
Justin john E. Sabinet