Ang Personal Development ay isang paghubog o paglinang ng isang kakayahan upang mas makilala niya ang kanyang sarili o pagkatao. Ayon kay Lucas Sales (2001) “Ang Personal Development ay paghubog sa bawat indibidwal nang sa gayon ay lubos nilang makilala ang kanilang sariling kakayahan.” Sinabi sa kanyang panukala na ang bawat indibidwal ay may kakayahan na alamin at suriing mabuti ang kanilang pagkatao nang sagayon ay lubos pa nilang mapayabong o mapalawak ang kanilang mga sariling kakayahan sa madaling salita ang lahat ng tao o indibidwal ay may kakayahan na hubugin ang kanilang sarili sa pamamaraan na nais nila at pwede din nila mapaunlad dito ang kanilang sariling kaalaman upang lubos na maunawaan ang ang pakikipagkapwa sa ibang tao. Hindi lang basta ikaw ang makakagawa ng pag-unlad sa iyong sarili pwede ka rin tulungan o patnubayan ng mga guro at tagapagpayo. Dahil sa Personal Development ay magkakaroon ka ng plano upang makamit mo ang iyong mga pangarap