Panalangin Ng Bayan.docx

  • Uploaded by: Elaine Quinto
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panalangin Ng Bayan.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 190
  • Pages: 1
IKALIMANG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY LUNES Buong pagtitiwalang itaas natin ang ating mga puso sa Diyos Ama na gumagabay sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita. PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN. O kaya

AMA, PANATILIHIN MO KAMI SA IYONG PAG-IBIG.

1. Ang Simbahan nawa’y isabuhay ang diwa ng Ebenghelyo at isagawa ang kalooban ng Diyos sa kanyang paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon. 2. Tayong lahat nawa’y magsikap na itaguyod ang katarungan at karangalan ng tao lalo na ng mga mahihina at mahihirap, manalangin tayo sa Panginoon. 3. Bilang isang pamayanan, nawa’y itaguyod at tulungan natin ang bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig at kabutihang ipinakita sa atin ng Panginoon. manalangin tayo sa Panginoon. 4. Ang mga may karamdaman sa kanilang katawan, pag-iisip, at kaluluwa nawa’y makatagpo ng ganap na paggaling, manalangin tayo sa Panginoon. 5. Ang mga namayapa nawa’y makapasok sa lugar na inihanda ni Kristo para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang makapangharihan, dinggin mo an gaming mga panalangin at buksan an gaming mga puso upang tanggapin at ibigin an gaming mga kapatid na nangangailangan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Related Documents

Panalangin Ng Bayan
October 2019 67
Ng
May 2020 47
Ng Tw23
December 2019 32
Ng Sdh
July 2020 23

More Documents from ""

December 2019 17
November 2019 16