oktubre-nobyembre 2007
opisyal na publikasyon ng kabataang makabayan
MATAPOS ANG PAMBOBOMBA SA PAMPUBLIKONG LUGAR NA GLORIETTA MALL, sinabi ng Malakanyang sa pangunguna ni National Security Adviser Norberto Gonzales na posibleng nagaganap ang pagatake ng mga terorista sa bansa. Nang lumaon, mapupwersa itong bawiin ang nasabing pahayag. Pero dahil sa tindi ng krisis na kinakaharap ng rehimeng Arroyo, malinaw na pinapakinabangan nito ang mga isyung makapaglilihis ng atensyon ng mamamayan.
Krisis ng Rehimeng US-Arroyo, Sasabog editoryal
Editoryal
mula sa pahina 1
opisyal na publikasyon ng kabataang makabayan
Mga Eskandalong Sangkot ang Malakanyang
Krisis ng Rehimeng US-Arroyo, Sasabog Kasamang Mika
1
5
ZTE at Pampulitikang Panunupil
6
Usaping Reporma: Pagsusuri sa Repormang Isinusulong ng Gobyerno at Kontra-Rebolusyunaryong Taksil
7
Rebolusyonaryong Kooperatiba sa Baryo Dolyaw* Isang Kwentong AgReb Red Alert para sa Kalikasan
11
Pataba at Kasilyas
11
Ang Kalayaan ay regular na inilalabas ng Pambansang Kalihiman ng Kabataang Makabayan o KM. Tumatanggap ang Kalayaan ng mga kontribusyon, artikulo, rebyu at likhang sining mula sa mga kasapi ng KM sa buong bansa.Hinihikayat din ang mambabasa na magpaabot ng kanilang mga mungkahi at puna para sa ikauunlad ng publikasyon. Maaaring kaming i-email sa kabataangmakabayan
[email protected]
9
Nangangandarapa ang rehimeng Arroyo sa pagtatakip ng mga kasalanan nito sa sambayanan. Patuloy itong minumulto ng hindi nasasarhang eskandalong kinasasangkutan ng Unang Pamilya gaya ng Hello Garci, fertilizer scam, jueteng payola, Venable LLP, Macapagal Boulevard , Cyber Education at ZTE. Ang ZTE ang pinakahuling eskandalo na inilantad ng hindi inaasahang kalaban ng rehimen. Idinadawit ni Joey de Venecia (anak ni House Speaker Jose de Venecia) si Mike Arroyo (ang asawa ng pangulo) na sangkot sa transaksiyon at kumita sa suhulan sa ZTE. Sa bigat ng kaso, napuwersa si Romulo Neri -na kakampi ng Malakanyang sa pagpapatupad ng mga maka-imperyalistang programana ilantad ang panunuhol ng dating Commissioner of Elections na si Benjamin Abalos. Maituturing na “damage control” ng rehimen ang naganap na pagbitiw ni Abalos. Paulit-ulit na sinasabi ni House Speaker de Venecia na nananatiling maayos ang relasyon nila ni Arroyo. Pero ang totoo, nabawasan na naman ang huli ng masugid na kakampi sa mga naghaharing-uri. Dahil kinampihan ng matandang de Venecia ang anak, sinikap itong patalsikin bilang Speaker ng mga alyado ni Arroyo sa Kongreso. Pilit na ibinaling kay de Venecia ang akusasyon ng paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes. Nabigo ang kampo ni Arroyo at natulak si de Venecia na magbanta sa Malakanyang na kapag siya ay bumagsak, kasama niyang babagsak si Arroyo. Tinutukoy ni de Venecia sa bantang ito ang kakayahan niya, at ng kanyang paksiyon sa Kongreso sa pakikipagtulungan sa Oposisyon, na
2
palusutin sa Kongreso ang reklamong impeachment laban kay Arroyo – papunta sa Senadong dinodomina ng Oposisyon. Tinangkang kapunin ang kapangyarihan ni de Venecia na magproseso ng kasong impeachment laban kay Arroyo sa pamamagitan ng pagtulak ng mga tauhan ni Arroyo – sa pangunguna ni Ronaldo Puno, ayon mismo kay de Venecia – ang pagsasampa ng mahinang kasong impeachment laban kay Arroyo. Dito, muli na namang nalantad ang Malakanyang nang ibalita ang tangkang panunuhol ng KAMPI - na partido ni Arroyo - sa progresibong kongresistang si Crispin “Ka Bel” Beltran, at sa iba pang kongresista, para suportahan ang mahinang kasong impeachment. Sa pagsisikap na konsolidahin ang hanay, garapalang namigay ang Malakanyang ng perang nagkakalahaga ng P300,000 hanggang P500,000 sa lokal na mga pulitiko. Matapang na inilantad ito ng ilang lokal na pulitiko. Tampok dito ang paring gubernador na si Gob. Ed Panlilio na namumuno sa mismong probinsiya ni Arroyo. Itinulak ng barubal na aksiyong panunuhol ang kritikal na pagsasalita ng Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na nananawagan ng katotohanan sa usapin. Mabilis na pinagtibay ng mga obispong kontra-Arroyo ang panawagang magbitiw na si Arroyo. Nanawagan sina Obispo Julio Labayen, Deogracias Yniguez at Antonio Tobias – mga tagapayo ng Kilusang Makabansang Ekonomiya – na magbitiw na sa puwesto si Arroyo. Maging ang bisepresidenteng si Noli de Castro ay hindi malinaw na makapagpahayag ng suporta sa pangulo sa usaping ito. Ang panibagong iskandalo ng panunuhol ang nagpapalala sa away ng kampo ni Arroyo at de Venecia, ng LAKAS at ng KAMPI at maging ng
kalayaan oktubre-nobyembre
Editoryal
mga militar na may kanya-kanyang sinusuportang naghaharing- uri. Tumitinding Krisis Pangekonomiya Habang garapalan ang pangungurakot at panunuhol ng rehimeng Arroyo, patuloy na dumadanas ng paghihirap ang mamamayan. Ang matinding kahirapan na ito ay bunga ng mga programang maka-imperyalista ni Arroyo. Tampok dito ang pagsirit ng presyo ng langis. Lalo itong nagpapahirap sa mamamayan dahil kakabit nito ang pagtaas ng presyo ng iba pang batayang produkto gaya ng pagkain. Taliwas sa sinasabi ng gobyerno na wala itong magagawa, ang pagtaas ng presyo ng langis ay layunin ng kanyang patakarang deregulasyon. Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi tumitigil ang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralitang taga-lungsod. Nakapaloob ito sa pitong mayor na proyekto ng gobyerno: C5, Central Business District o CBD , Port Modernization, Philippine National Railroad o PNR , Pasid Rehab, Road Clearing at Estero Clearing. Koordinado ang mga demolisyong nagaganap dahil bahagi ito ng pagtatayo ng mga imprastrakturang pakikinabangan ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Agresibong ipinapatupad ng rehimen ang demolisyon, samantalang ang pagdami ng maralitang taga-lunsod ay bunga rin ng kanyang mga programa’t patakaran. Marami ang pumupunta sa lungsod dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa kanayunan. Patuloy pang lumalala ang sitwasyong ito sa dami ng magsasakang nawawalan ng lupa. Ang kawalan ng kabuhayan ng mga magsasaka at pagdagsa nila sa lungsod ay tinutulak din ng tumitinding terorismo ng estado.
Ang Taktikang Panlilihis ng Rehimeng US-Arroyo Sa harap ng matinding pampulitika at pang-ekonomiyang krisis naganap ang pagsabog ng Glorietta 2. Ang pagsabog ay pumatay sa labing-isang katao. Mahigit 120 naman ang nasakuna.
3
imbestigasyon sa naganap na pambobomba. Una, dahil nauna nang inamin na may natagpuang aktibong kemikal ng bomba sa lugar ng pagsabog. Ikalawa, dahil may nahuling dalawang lalaking nagtatangkang magpuslit at magtanim ng ebidensiya sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Ikatlo, dahil ayon mismo sa mga eksperto sa mga
Nililihis ng pambobomba ang atensiyon ng publiko mula sa maiinit na isyu –bagay na napapakinabangan ng rehimen.
Nililihis ng pambobomba ang atensiyon ng publiko mula sa maiinit na isyu –bagay na napapakinabangan ng rehimen. Noong una, sinabi ng gobyerno na grupong terorista ang may kagagawan ng pagsabog. Ngunit, lumilitaw na mapanganib ang sabihing atakeng terorista ang naganap – na nag-uugat diumano sa pagkakapatay sa maraming Muslim sa mga tunggalian sa Mindanao at pagkakadakip ng isang lider ng grupong terorista. Mapanganib ito dahil maghahasik ito ng labis-labis na takot sa mamamayan na gagambala maging sa mga mamumuhunan at dayuhang gobyerno. Nang lumaon ay ibinintang ito sa mga maka-Kaliwang pwersa. Nang kontakin ng midya ang numero ng nasabing tagapagsalita, humantong ang tawag nila sa cellular phone ng isang opisyal ng progresibong party-list na Bayan Muna at ng anak ng isang senador na oposisyunista. Patunay ito na cloned ang numero ng telepono ng tagapagsalita. Ngayon ay idineklarang aksidente ang nangyari. Kaduda-duda ang resulta ng
kemikal o kemistri, malayo sa katotohanan ang paliwanag ng gobyerno sa pagsabog. Magdudulot din ito ng problema sa rehimen dahil makakabangga nito ang mayamang pamilyang Ayala na siyang may-ari ng nasabing mall. Tiyak na papalag ito sa akusasyong kapabayaan nila ang nagdulot ng pagkamatay ng marami. Sa kabilang banda, matapang na ipinahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagtingin niyang ang rehimeng Arroyo mismo ang nagplano at nagpatupad ng pagpapasabog. Sa harap ng karanasan ng bayan noong panahon ni Marcos, at maging ni Estrada, tanging nangungunang mga tauhan lang ng Malakanyang ang direktang nagtanggol kay Arroyo sa akusasyon ni Trillanes. Hindi umani ng pagtuligsa ng mga mamamayan ang sa isang banda’y adelentadong pahayag ni Trillanes. Sintomas ito ng namamayaning palagay at pagkilala ng mga mamamayan sa rehimen. Nitong huli, namumuo ang kaisahan sa Mababang Kapulungan na magbuo ng mas matatag na reklamong
kalayaan oktubre-nobyembre
impeachment laban kay Arroyo. Nagpahayag na rin si de Venecia ng direktang panawagang linisin ni Arroyo ang dumi ng katiwalian sa gobyerno. Nagbigay pa si de Venecia ng taning na 100 araw para gawin ito ng pangulo. Nagkakasa na ng mga pagkilos ang dati nang malapad na alyansa ng mga mamamayan laban kay Arroyo. Nagpapakita rin ng pagkabuway ang militar. Balisa ang mga sundalong kinasuhan kaugnay ng protestang kontra-Arroyo noong Pebrero 24, 2006. Paulit-ulit ang pamunuan ng AFP sa panawagan sa mga tauhan nitong
Editoryal
4
kongresista para mahatak pabalik si de Venecia. Inanunsiyo sa midya ang pagkakasundo ni Arroyo at de Venecia ngunit mabuway ito hangga’t walang malinaw na suportang makukuha ang isa’t isa upang makapanatili sa kapangyarihan. Maging ang pagbuhay at pagproseso ng mga kaso laban kay Lintang Bedol ng Comelec ay maaaring tingnang pagsisikap ng rehimen na lituhin at pahinain ang bigwas ng kilusang kontraArroyo. Maaaring humupa ang away ni Arroyo sa iba pang naghaharing-uri. Pero hindi
Sa pagtindi ng bangayan ng mga naghaharing-uri - na nagpapakita rin ng mabuway na paninindigan ng mga ito dahil maaari itong pahupain ng gobyerno sa isang panahon,ang pinakamatatag na masasandigan ng mamamayan ay ang sama-samang pagkilos. Ito ay pagkilos ng mga inaaping sektor na pangunahing binubuo ng mga magsasaka at manggagawa. Kailangang ipakita ng rebolusyonaryong pwersa ang pangunguna nito sa mga isyu at pagpapakilos ng mamamayan. Kinakailangang magpursige ang rebolusyonaryong kilusan ng kabataan na sumanib sa lakas ng mga batayang sektor, at magpukaw, mag-organisa at magpakilos ng pinakamaraming bilang ng mamamayan para tuluyang pabagsakin ang rehimeng Arroyo. Susi sa pagpapakilos ng masa ang mabilis na paglikha at pagpapakalat ng propaganda at ang paglulunsad ng mga pag-aaral sa mga isyu. Kapag masigla ang kilusang masa, magiging madulas din ang gawaing alyansa. Kailangang magtayo ng o muling balikan ang mga alyansa ng kabataan laban sa korupsyon at terorismo ng estado. Sa pamamagitan nito, yakagin na pumaloob ang mga konseho, ligal na organisasyon, sangguniang kabataan, fraternity at sorority, kultural na organisasyon at iba pang mga pormasyon ng kabataan.Patindi nang patindi ang krisis ng rehimeng Arroyo. Habang nailalantad ang kabulukan ng sistemang malakolonyal at malapyudal, umiinit ang pagtanggap ng mamamayan sa pagrerebolusyon – ang pinakamalaking pagkilos, pangunahin ng uring magsasaka at manggagawa, para wakasan ang kanilang kahirapan.
Sa pagtindi ng bangayan ng mga naghaharing-uri - na nagpapakita rin ng mabuway na paninindigan ng mga ito dahil maaari itong pahupain ng gobyerno sa isang panahon,ang pinakamatatag na masasandigan ng mamamayan ay ang samasamang pagkilos.
maging niyutral at kalmado sa harap ng mga nagaganap at ng pambubuyo ng ilang kampo. Panibagong Maniobra ng Rehimen para Pahupain ang mga Kalaban Maraming maniobra ang ginagawa ng rehimen para pahupain ang mga kalaban. Tampok dito ang pagpapalaya kay dating Pang. Joseph Estrada. Bagamat pinalaya ang dating pangulo, minamadali naman ang pagsamsam ng mga kayamanan nito -na kalakhan ay nakuha sa mamamayan- upang humina ang kapasidad nito bilang isang lider ng oposisyon. Binubuhay din ang usapin ng Cha-Cha na pabor sa mga
na mababawi ang galit ng mamamayan sa rehimen dahil sa kahirapang dinaranas nito na dulot ng mga antimamamayang programa at nang walang pakundangang pangungurakot ni Arroyo sa kabang-bayan. Ang Paglaban ng Mamamayan at Kabataan ang Solusyon sa Krisis Alam ng marami ang mga nagaganap subalit kailangang maituon ang galit ng mamamayan sa malakihang pagkilos. Hinog ang sitwasyon para lumaban at magtamo ng kongkretong tagumpay ang mamamayan. Walang ibang solusyon sa krisis kundi ang lumaban para sa mga demokratikong karapatan.
kalayaan oktubre-nobyembre
Parangal sa Kabataang Martir
5
Kasamang Mika Parangal na Liham Mula sa Kanayunan Alfredo Cesar Command BHB-Ilocos Sur
Sa mga mahal na magulang, kamag-anak at kaibigan ni kasamang Mika, taas kamaong pagpupugay! Ipinababatid ng Partido Komunista ng Pilipinas, ng buong Alfredo Cesar Command NPA-Ilocos Sur at ng libulibong masa dito sa Ilocos ang taus-pusong pakikidalamhati sa maagang pagbuwis ng buhay ni Kasamang Mika. Alam naming hindi sasapat ang mga salita upang ilarawan at ibuhos ang bigat na nararamdaman nating lahat sa kanyang paglisan. Dama namin ang pighati na idudulot sa inyo ng kanyang pagkamatay dahil kayo’y nawalan ng isang mabuting anak, magiliw at maalalahanin na kaibigan, masayang kabarkada at mapagmahal na kamag-anak. Sa bahagi namin na nakapiling ni Ka Mika sa loob ng nakaraang anim na taon, hindi masusukat ng mga pangungusap ang aming pangungulila at paghihinagpis sa kanyang pagkawala. Ang Partido, ang Hukbong Bayan at ang masa ay nawalan ng isang mahusay na kadre, magiting na mandirigma at tapat na kasama. Si Kasamang Mika ay namulat at naorganisa habang siya’y nag-aaral sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila. Nagpasya siyang makipamuhay sa BHB dito sa Timog Ilocos Sur noong Disyembre 2001. Pagdaan ng ilang araw, nagpahayag na siya ng kapasyahang magpultaym sa armadong pakikibaka. Naging matibay ang kanyang paninindigan na magtuluy-tuloy sa pagrerebolusyon. Nakilala ang kasama sa iba’t ibang larangan ng gawain. Siya ang masiyahin at makulit na bunsong Ka Mika, Kyla, at nitong huli ay Frina. Ngunit Ka Mika ang mas laganap at tumatak na pangalan niya sa masa. Naging mahusay at mabunga ang panahong iginugol ni Ka Mika sa armadong pakikibaka. Kapuri-puri ang tibay ng paninindigan na ipinamalas niya kahit sa harap ng maraming pagsubok at
problemang dumating. Lagi siyang naaasahan na tagapayo ng mga kasama. Mahusay na organisador, propagandista at instruktor si Ka Mika. Napakadulas ng kanyang integrasyon sa masa kaya naman sa buong larangan, isa siya sa laging natatandaan at kinagigiliwan ng masa. Sa katunayan, sa loob lamang ng ilang buwan, matatas na ang pananalita niya sa lokal na lenggwahe hanggang sa puntong ayaw nang paniwalaan ng masa kung sasabihin niyang siya’y galing sa katagalugan dahil sa husay niya sa salitang Iloko. Magaling na instruktor o edukador si Ka Mika. Sa mga pag-aaral na inilulunsad sa hanay ng Hukbo at masa, isa siya sa pinakamaaasahan. Libu-libong masa ang tiyak na laging maaalala ang mga aral na ibinahagi niya. Siya’y magaling ding mangaawit. Sa tuwing aawit ng mga himig ng digma, siya ay laging buhay sa alaala ng mga kasama at masa. Bagamat galing sa pamilyang may kaya, hindi naging mahirap kay Ka Mika ang umangkop sa buhay gerilya na payak at minsan ay salat. Natuto siyang mamuhay ng simple at umayon sa hirap ng buhay ng masang kanyang pinaglingkuran. Bilang isang pulang mandirigma, nagpakahusay din siya sa gawaing militar. Sa tulong ng mga kasama, matiyaga niyang pinag-aralan ang kilos at estilo ng isang gerilya, mula sa paggawa ng kubo hanggang sa paggamit ng iba’t ibang uri ng baril. Sa buong panahon na narito siya sa piling ng masa at hukbo, gumampan si Ka Mika ng iba’t ibang rebolusyonaryong tungkulin. Naging kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Larangan, giyang pampulitika ng yunit, education officer, supply officer ng platun, at nitong huli, vice squad leader. Noong Setyembre 5, 2007, bandang alas-onse ng umaga, napa-engkwentro ang yunit na kinapalaooban ni Ka Mika sa mga tropa ng kaaway na nakatigil sa gilid ng isang bayan sa Ilocos. Kasabay ng
ibang kasama, magiting siyang nakipaglaban sa kaaway. Naipaputok pa niya ang higit sa isang magasin ng bala hanggang sa tinamaan siya sa bandang kanang tagiliran. Sa gitna ng makapapal na ganting putok ng kaaway, ginawa ng mga kasama ang lahat upang siya’y mailayo sa pinangyarihan ng labanan. Habang inaatras, hindi nagpakita ng takot o panghihina ng loob si Ka Mika. Siya’y naghabilin pa sa mga kasama na ipagpatuloy nila ang pagrerebolusyon. Ang huling pangungusap niya, “Itutuloy yo ti rebolusyon a rinugian tayo.” (Ipagpatuloy ninyo ang rebolusyong sinimulan natin.) Binilin din niya sa ka-buddy na umatras, “ Kaddua, saan ka agaw-awid.” (Kasama, wag kang uuwi.) Kahanga-hanga ang ipinakitang katapangan ni Ka Mika. Sa gitna ng labanan, sa harap ng kamatayan hanggang sa kanyang huling hininga ay natinag ang kanyang tapang. Isa siyang huwarang kasama. Umasa kayo na magpakailanman, siya’y laging buhay sa alaala ng buong rebolusyunaryong kilusan at sa puso ng masa. Siya ay isang martir, isang bayani ng rebolusyon. Kami’y lubos na nagpapasalamat sa inyo sa pagluwal at pagpapalaki ng isang mabuting anak ng bayan. Maraming salamat sa paggalang at pagsuporta ninyo sa kapasyahan ni Ka Mika na ialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa masang api at pinagsasamantalahan. Umaasa rin kami na balang araw makilalala ninyo ang mga masang sumusuporta sa rebolusyon, silang itinuring si Ka Mika bilang anak ng bayan, upang makita din ninyo ang mga bunga ng kanyang pagpupunyagi at pagpapakasakit. Mabuhay ang kabayanihan ni Ka Mika!
kalayaan oktubre-nobyembre
Pagsusulong ng Kilusang Masa
6
ZTE at Pampulitikang Panunupil
Dalawa sa pinakamatingkad na katangian ng rehimeng US-Marcos ang garapal na pangungulimbat sa kabang-bayan at ang pagpapairal ng lantarang pasismo. Tatlumpu't limang taon ang nakakaraan nang ipataw ng rehimeng US-Marcos ang Batas Militar. Ngayon, patuloy na nagaganap ang matinding pandarambong ng estado at pagpapatupad ng malawakang programa ng karahasan. Subalit, mas masahol ang kalagayan ngayon dahil nagmamantine ang gobyerno ng bihis na demokrasya habang binabawi ang ilang mga tagumpay sa demokratikong karapatan na nakamit ng mamamayan. Ang Pandarambong ng Rehimeng US-Arroyo Kamakailan lang nang maisiwalat ang panibagong ebidensya ng pandarambong ng pamilyang Arroyo. Isiniwalat ang pagpasok ng kampong Arroyo sa maanomalyang $329 milyong kontrata sa National Broadband Network (NBN). Lumalabas ding nagbulsa ito ng $130 milyong suhol mula sa ZTE Corporation ng China . Sa kasong ito, lumitaw na kasabwat ang pinuno ng COMELEC na si Benjamin Abalos at ilan pang mga upisyal ng gabinete – bagay na hindi nakapagtataka gayong katatapos lang ng eleksyon at tiyak na nagbabayad ang pangulo sa mga naging masusugid na tagasunod nito. Nagkukumahog ang naghaharing pangkating Arroyo sa pagsamsam ng kabang-yaman bunga ng lumalang krisis pang-ekomiya at pampulitika. Ginagawa nila ito habang sila ay nananatili sa kapangyarihan. Ang naganap na pagsiwalat ng ebidensya ng korupsyon ng kampong Arroyo ay nagpapakita na 1)lumiliit ang pinahahatian ng mga naghaharing-uri kaya tumitindi ang bakbakan sa pagitan nila, at 2) kumokonti ang kakampi ni Arroyo at
lumilitaw ang pinakamakitid na kalaban ng mamamayan. Ang Pasismo ng Rehimeng US-Arroyo Sa pangungulimbat ng kampo ni Arroyo nagsisilbi ang kampanyang Todo-Gera. Nasa interes ng rehimen na takutin ang mamamayan at pinsalain ang rebolusyonaryong kilusan para makapanatili ito sa pwesto. Ang Oplan Bantay Laya II ang sistematikong plano ng estado sa paghahasik ng terorismo sa kanayunan at kabayanan. Dito nakasaad na dapat ituring na kaaway ng estado ang mga progresibong organisasyon at ligal na mga institusyon at mga sibilyan. Isang hakbang dito ang pagpapasa at pagpapatupad ng Human Security Act –ang batas ng pasismo na nahahalintulad sa Batas Militar. Mabangis ang batas na ito dahil sa bihis na ligal at sa malabong depinisyon na pabor sa mga nais magpalaganap ng karahasan. Sa esensya, tinatanggal nito ang karapatang magpahayag at mag-organisa at ginagawang patakaran ang pag-atake sa mga ligal na organisasyon. Sa ngayon, hindi bababa sa 880 ang pinaslang, humigit-kumulang 200 aktibista ang nawawala, at libu-libo ang nakakaranas ng iba't ibang anyo ng panunupil at pandarahas sa di-deklaradong Batas Militar ng gobyernong Arroyo. Pagbubuo Ang matinding korupsyon ng pangkating Arroyo ay maituturing na pabuya ng mga imperyalistang gobyerno lalo na ng rehimeng Bush sa pagiging sunud-sunuran ng nauna sa patakarang liberalisayon, pribatisasyon at deregulasyon, o sa higit na malawak na
pandarambong sa likas na yaman ng bansa at pagsasamantala sa lakas paggawa ng mamamayan. Ang karahasan ng estado ay naaayon din sa kagustuhan ng US na maghasik ng terorismo para walang makapigil sa mga pandarambong nito sa bansa. Ang sinasabing seguridad ng bansa at ng buong mundo ay walang iba kundi ang pagtitiyak ng proteksyon ng mga lokal na naghaharing-uri at imperyalistang amo nito. Itinuturo ng kasaysayan na ang pagkakaisa ng sambayanan ay malayong mas makapangyarihan at mas malakas kaysa sa mga pakanang anti-mamamayan ng reaksyunaryong rehimen. Dapat palakasin ang panawagang magkaisa at lumaban para sa pagbabagsak ng rehimeng Arroyo. Kailangang magkaroon ng plano para sa mas malapad na nagkakaisang prenteng mananawagan na basagin ang katahimikan at bantayan ang ilang napatagumpayan na ng sambayanan para sa karapatang pantao simula ng rehimeng Marcos. Kailangang sunggaban ang ibayong kaguluhang kinakaharap ng naghaharing pangkating Arroyo at hikayatin ang lahat ng reaksyunaryong handang tumalikod sa bulok na rehimen na makipagkaisa sa bayan sa kanilang hangaring wakasan ang paghahari ng mga magnanakaw at mandarambong at bigyang-daan ang pagtatayo ng bagong gubyernong magtataguyod sa interes ng mamamayan. Dapat pang palakasin at palaparin ang lihim na rebolusyonaryong kilusan, paigtingin ang mga taktikal na opensiba ng New People's Army at parusahan ang mga sagad-saring tuta at pasistang pinakawalan ng estado. Dapat ding magkaroon ng mga plano para konsolidahin ang rebolusyonaryong pwersa at itaas ang mapanlabang diwa at kakayahan ng mga kasama para labanan ang pampulitikang panunupil. Nananatili at lalong napapatunayan ng mga kasalukuyang kalagayan na wasto ang pagsusulong ng digmaang bayan bilang solusyon sa pandarambong at karahasan ng estado.
kalayaan oktubre-nobyembre
Pagsusulong ng Kilusang Masa
7
Usaping Reporma: Pagsusuri sa Repormang Isinusulong ng Gobyerno at Kontra-Rebolusyunaryong Taksil
Todo-bigay ang pangangampanya ng gobyernong Arroyo at ng mga kontrarebolusyonaryong taksil sa pagsusulong ng ekstensyon ng panahon at kapangyarihan ng CARP. Bakit nagbubuhos ng malaking salapi ang gobyerno para sa kampanyang ito? Paano titimbangin ang mga benepisyo sa pasakit na idinulot ng nasabing programa? May dalawang nagtutunggaling panig sa usapin ng reporma sa lupa: 1) ang panig ng masang magsasaka at rebolusyunaryong kilusan at 2) ang gobyernong Arroyo at mga repormistang grupong pinamumunuan ng mga kontrarebolusyunaryong taksil. Parehong panig ang nananawagan ng reporma sa lupa pero malaki ang pagkakaiba nila sa nilalaman at pagpapatupad ng programa. Huwad na Reporma Ang CARP ay programa ng reaksyunaryong gobyerno para sistematikong kontrolin at pagharian ang agrikultural na lupa ng bansa. Laman nito ang pamamahagi ng lupa at mga suportang serbisyo para sa magsasaka. Benepisyaryo ang tawag sa mga magsasakang makikinabang sa nasabing programa. Kung ang CARP ang programa para sa reporma sa lupa, ang batas para dito ay ang Comprehensive Agrarian Reform Law o CARL (RA 6657). Isinabatas ito noong 1988. Ito ang panahong ipinangako ng rehimeng Cory Aquino na lulutasin nito ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka. Ang mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng CARP ay ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Bank of the Philippines (LBP), at Land Registration Authority (LRA). Ang mga ahensyang ito ng pamahalaan ang tumutulong sa mga
panginoong maylupa o PML sapamamagitan ng pagpapatupad ng mga reaksyunaryong alituntunin. Sa pagresolba ng mga kaso, madalas kinukupot sa mga teknikalidad ang usapin para magtagal ang kaso at para mabigo ang mga magsasaka. Nakatakdang matapos ang CARP sa Hunyo 2008. Ngayon ay isinusulong ng gobyernong Arroyo ang ekstensyon ng panahon at pagpapalawak ng sakop ng nasabing programa. Epekto ng CARP Ipinagmamalaki ng gobyernong Arroyo ang CARP. Gaya ng iba pang programa ng gobyerno, totoong may mga pakinabang ang mamamayan dito subalit pansamantala at maliliit ang benepisyong nakuha dito ng iilang magsasaka.. Matapos ang 19 na taon ng pagpapatupad ng huwad na reporma sa lupa, tumindi ang problema ng milyun-milyong magsasaka at manggagawang-bukid. Sinasabing may 2.201 milyon ang naging benepisaryo ng CARP. Pero ayon din sa istadistikang galing sa gobyerno, sa panimulang target ng gobyerno na magpamahagi ng mahigit sampung milyong ektaryang pribadong lupain sa loob ng sampung taon, 1.9 lamang ang naipamahagi. Sa 1.9 milyong ektaryang ito, 82% nito ay nanganganib pang tuluyang mawala sa magsasaka dahil may nakaamba pang kaso sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi pa aktuwal o pisikal na nailipat ang pagmamay-ari ng mga nasabing lupain. Hindi pa rin ibinabawas sa sinasabing naipamahaging lupa ang mga kinansela ng iba pang programa ng gobyerno gaya ng Certificate of Land Transfer o CLT, at Certificate of Land Ownership Award o CLOA. Hindi rin isinama ang mga lupaing inaprubahang magpalit-gamit at mga idineklarang tourism
zones. Maging ang mga lupain na naharap sa kaso ng pagpapalayas sa magsasaka ay hindi rin isinaalang-alang sa kabuuang tala ng mga napamahaging lupa. Sa tulong ng CARP, sistematikong ipinatupad ang pangangamkam ng lupa, ang pagtaas ng upa o buwis sa lupa, ang paniningil ng mataas na interes sa pautang para sa pagsasaka, ang pagtatakda ng mababang presyo ng produktong agrikultural at pagbibigay ng mababang sahod sa manggagawang bukid. Pinigilan din ng CARP ang pamamahagi ng mahigit 800,000 ektarya ng palaisdaan sa buong bansa. Pakinabang ng gobyerno sa CARP Itinutulak ng rehimeng US-Arroyo at mga oportunistang grupo ang ekstensyon ng CARP dahil nakikinabang sila dito. a. Pakinabang ng PML
Ang CARP ang ligal na bihis ng mga panginoong maylupa sa pagpapanatili ng monopolyo sa at higit pang pangangamkam ng lupa. Imbes na pilitin ang mga PML na ipaloob ang kanilang lupain sa mga ipapamahagi sa mga magsasaka, kabaligtaran ang ginagawa. Sa tulong ng CARP, itinakda ang mga lupang kontrolado ng PML. Pinahintulutan din na itaas ng PML ang presyo ng lupain. Napakarami ding kaso ang pumabor sa PML. Sa esensya, dinadagan ang kapangyarihan ng PML sa lupa. Ang pag-iral ng CARP ay usapin din ng paghawak ng malaking salapi para sa diumanoy pagpapatupad ng nasabing programa. Ayon mismo sa adbertisment ng gobyerno na lumabas noong Hunyo 17, 2007, may kabuuang P62.31-B ang ginastos mula sa mga internasyunal na mga institusyong nagpopondo para
kalayaan oktubre-nobyembre
Pagsusulong ng Kilusang Masa
8
gumawa ng daan, tulay, irigasyon, at dryer. Ginamit din ang pondo para sa kuryente, pautang, pagsasanay at mga programang pangkabuhayan sa mga tinatawag na agrarian reform communities. Tinatantya namang aabot sa P119-B ang ginastos para sa implementasyon ng CARP sa loob pa lang ng 10 taon (1998-2007). Hindi pa kasama dito ang pondo mula sa World Bank at iba pang mga dayuhang institusyon sa pananalapi. Sa laki ng salaping ginastos para dito at sa liit ng pakinabang ng mamamayan sa CARP, tiyak na naging gatasan ang CARP ng mga naghaharing-uri (pangunahin ng mga nagdaang pangulo), ng mga tiwaling opisyal ng Department of Agrarian Reform o DAR at ng mga kolaborisyunista at repormistang grupo ng mga magsasaka at institusyon tulad
tinatanggap mula sa gobyerno at international agencies, pinapaasa nila ang mamamayan sa isang reaksyunaryong programa na walang ibang hangad kundi protekthan ang interes ng naghaharing-uri. Sa katunayan, ipinapanawagan ng mga ito ang pagtalikod ng mamamayan sa agraryong rebolusyon. Sa agreb nagkamit ng mas pangmatagalan at higit na maraming tagumpay ang masa. Dahil nakikinabang ang iilan at inilalayo nila ang mamamayan sa landas ng rebolusyon, nararapat silang ilantad at itakwil ng mamamayan.
Ang lupa sa kanayunan at pook pangisdaan ay kinakamkam para bigyang daan ang mga kumbersyon at eko-turismo. Tampok dito ang kaso ng lalawigan ng Timog Katagalugan, Cagayan Valley at Central Luzon, Bikol, Bohol at Cebu. c. Panlilito ng mga Kontra-rebolusyonaryong taksil
Masugid ding isinusulong ng mga kontrarebong taksil ang huwad na repormang agraryo. Tatlo sa pitong panukalang batas para pahabain ang CARP ay isinumite ng mga mambabatas na sina Rep.HontiverosBaraquel ng Akbayan, Rep.Cua at Rep. Edcel Lagman. Pinakamasahol sa mga panukalang batas ang HB 1257 ng Akbayan party list dahil kahalintulad ito ng sinasabi ni Arroyo na “reform agrarian reform”.
Sa tulong ng CARP, malayang pinapakinabangan ng mga dayuhang agro-korporasyon ang mga lupaing kinamkam ng PML. ng UNORKA, PARAGOS, PEACE FOUNDATION, PARRDS at Alliance for Rural Concern o ARC ( isa sa mga partylist na pintakbo ni Arroyo nitong eleksyon ng Mayo.) b. Pakinabang ng mga Imperyalista
Nagsisilbi sa interes ng mga dayuhang agro-korporasyon ang CARP. Sa tulong ng CARP, malayang pinapakinabangan ng mga dayuhang agro-korporasyon ang mga lupaing kinamkam ng PML. Ang PML o lokal na naghaharing-uri ang kakuntsaba ng dayuhan sa pagtatakda ng gamit ng lupain, paglikha ng mga produkto at pagtali ng produksyon sa mga binhi at kemikal na nanggagaling sa mga dayuhan. Imbes na unahin ng goberno ang produksyon para sa lokal na pangangailangan, nangingibabaw ang produksyong tinitingnan ng mga dayuhang korporasyon na pagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi.
Ang nilalaman nito ay ang paglalaan ng lupain sa agri-business taliwas sa nararapat na pamamahagi ng lupa sa magsasaka. Sa biglang tingin, tila progresibo dahil kritikal duimano ang mga kontra-rebong taksil sa mga panginoong maylupa. Pero, nananawagan ito ng kolaborasyon -na madalas nilang tawaging “kritikal na pakikisangkot” - sa mga ahensiya ng gobyerno. Sa isang banda, maaaring may mga empleyado ang mga ahensiya ng gobyerno na nais maglingkod sa mamamayan. Ngunit sa kabuuan, hindi maaasahan ang mga ahensiyang ito na maghatid ng malalaki at pangmatagalang tagumpay dahil itinayo at pinapanatili ang mga ito pangunahin para sa kapakinabangan ng naghaharing-uri. Ang mga demokratikong karapatan kaugnay ng lupa ay hindi kusang ibinibigay ng gobyerno. Ito ay ipinaglalaban ng mamamayan. Mapanganib ang panawagan ng mga kontra-rebong taksil dahil habang nakikinabang ang iilang grupo sa pondong
Ang Reporma sa Balangkas ng Agreb Kailangan ng reporma sa balangkas ng agraryong rebolusyon. Ang repormang agraryo, para pakinabangan ng mamamayan ay dapat kumawala sa kontrol ng mga panginoong maylupa at ng malalaking agrokorporasyon. Kailangang alisin ang kontrol sa mga naghaharing-uri at ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka lalo na sa mga maralitang magsasaka, at manggagawangbukid. Hindi dapat umasa ang mamamayan sa mga programa at ahensiya ng gobyerno. Nakasalalay sa pinagsamang lakas ng mga samahan ng magsasaka at manggagawang bukid ang pagigiit na makapanatili sa lupa, ang pagpapalaki sa parte sa ani pabor sa magsasaka, ang pagpapababa ng upa o buwis sa lupa at interes sa pautang at usura, pagigiit ng manggagawang bukid para sa sapat at nakabubuhay na sahod – mga programa ng agraryong rebolusyon. Kailangan din ng mamamayan ng hukbong bayan. Ito ang lalaban sa militar, pulisya at grupong paramilitar na nagbibigay proteksyon sa mga naghaharing-uri. Ang pagpapatupad ng repormang sa lupa ay kinakailangan ding mahigpit na nakakawing sa pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon. Ang mga mahahalagang industriyang magpoproseso ng mga agrikultural na produkto ay dapat maging pagmamay-ari ng bansa para matiyak na mamamayan ang makikinabang sa mga produkto nito.
kalayaan oktubre-nobyembre
Ambag sa Digmaang Bayan
9
Rebolusyonaryong Kooperatiba sa Baryo Dolyaw* Isang Kwentong AgReb Isinulat ni Kasamang Tet
Naalala niyo ba ang supertyphoon Harurot? Sa Baryo Dolyaw*, labis na nasalanta ang kanilang bahay at palayan ngunit hindi ang mapanlikhang rebolusyonaryong diwa ng mga organisadong masa roon. Ang Repormistang Proyekto, Ginawang Rebolusyonaryo Sa pangunguna ng POC (Peasant Organizing Committee), nakapagkalap sila ng 25 kaban ng bigas mula sa calamity fund ng DSWD sa probinsya at ipinamahagi ito sa 83 pamilya ng barangay. Kung tutuusin, mahigit apat na salop** lamang ito kada pamilya. Sa loob ng dalawa o tatlong araw ay mauubos din. Kinakailangan, sa gayon, ng pangmatagalang programa upang matugunan ang matinding kakulangan ng bigas sa baryo. Matagal na itong problema ng mga magsasaka sa Baryo Dolyaw, hindi lamang pagkatapos ng Harurot. Kapag wala nang bigas sa baryo, mapipilitan silang bumili ng bigas sa sentro ng munisipalidad. Mas mahal ang presyo rito bukod pa sa gastos para sa pamasahe. Mahigit kumulang 30 minutos pa ang lalakarin mula sa Baryo Dolyaw tungo sa kalsada. Malawak ang mga palayan sa Baryo Dolyaw, isang baryo sa Kordilyera. Salamat sa sipag at tiyaga ng kanilang mga ninuno na gumawa ng mga hagdanghagdang palayan. Pero nakatiwangwang ang karamihan dahil kulang sa sistemang patubig at maayos na irigasyon. Ilang
dekada at taon na ang problemang ito dahil sa pagpapabaya ng gobyerno sa mga serbisyong pang-agrikultura. Sa bihirang mga pagkakataon na may proyekto o serbisyong pampubliko ang lokal na gobyerno sa baryo, mga maliliit lamang ito, panandalian, pampaganda o panakip butas lamang. Sa tulong ng yunit ng NPA na kumikilos sa erya, napagkaisahan na magtayo ng isang rebolusyonaryong rice cooperative (RC) mula sa 25 kaban ng bigas na “dole-out” ng reaksyonaryong gobyerno. Nagbalangkas ang NPA at POC ng mga oryentasyon, polisiya at patakaran. Ginabayan sila ng mga batayang prinsipyo ng rebolusyong agraryo: na ito ay pangunahing magsisilbi sa mababang saray at mababang panggitnang saray ng magsasaka. Ang agreb din ay dapat magmumula sa mulat at sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng masa at Hukbo. Binabasag nito ang sakit ng organisadong masa sa erya na NEL (NGOismo, ekonomismo at legalismo) at repormismo. Sa mahabang panahon, nalulong at nasanay ang masa na ng mga sosyo-ekonomiko na proyekto ay magmumula lamang sa mga NGO o sa mga legal na institusyon kung kaya’t natatali sila sa pakikibakang pangekonomya lamang. Dahil naman sa repormismo, nagkakasya na ang masa sa mga mababaw na proyektong ibinibigay ng gobyerno at hindi na iginigiit at ipinaglalaban ang mga batayang karapatan at serbisyo. Matagal ding napabayaan ang gawaing pulitikal, mga
pag-aaral at ang suporta sa armadong pakikibaka na siyang ubod ng rebolusyong agraryo. Ang Simula at mga Usaping Hinarap Binigyan ang bawat pamilya ng palugit na anim na buwan o hanggang sa susunod na pag-aani upang maibalik ang 25 kaban ng bigas na siyang magsisilbing panimulang kapital ng kooperatiba. Ang unang suliraning Kanilang hinarap: paano ang bodegang gagamitin at saan kukuha ng pondo upang makapagpatayo nito? Muli, ginamit ang isang proyekto ng reaksyonaryong LGU at pakikipagalyansa sa mga guro ang mga petiburgesya sa kanayunan. Kinausap ng POC ang mga maestra ng daycare sa barangay upang ibigay na lang sa kanila ang kontrata sa paggawa ng fence ng daycare center sa halip na ibigay sa iba. Sa pamamagitan ng angkas*** o bayanihan, natapos nila ang fence sa loob ng 2 araw o 1 araw kada Linggo. Hindi na nila pinaghatian ang labor ng kontrata, dahil ito na ang ginamit nilang pondo sa paggawa ng bodega. Ang mga kabataan ang napagkaisahang pangunahing mamamahala ng RC. Binuo ang Komite ng RC ng 11 na kabataan na boluntaryong nagbigay ng oras at pagod upang bantayan at siguraduhin ang RC sa pangaraw-araw, nang walang incentibo o alawans. Sa loob ng komite, nahubog ang disiplina ng mga kabataan at naisapraktika ang kolektibong
kalayaan oktubre-nobyembre
Ambag sa Digmaang Bayan
pagtutulungan. Pagkatapos ng 1 buwan, nag-audit at nagtasa ang komite. Iisa lamang sa kanila ang nakapagtapos ng hayskul kaya nahirapan sila sa pagkwenta. Sa tulong ng yunit ng NPA, isang buong araw nilang pinag-aralan kung paano magkwenta at magbalanse. Litong-lito sila sa simula kaya’t hangga’t maari ay iniiwasan nilang mag-audit. Imbes na kada buwan, hinihintay na lang ng mga kabataan ang pagbalik ng yunit para matulungan sila sa pag-audit. Katagalan, nakumbinse rin sila na mas madali at mas mabilis ang buwanang pag-audit at hindi na kailangan hintayin pa ang yunit na karaniwang umaabot sa anim na buwan o mahigit pa bago makabalik uli sa baryo. Hindi lang mga kabataan ang may ginagampanang papel sa rice coop. Kapag nauubos ang stock ng bigas ng rice coop, bumibili ang kooperatiba sa sentro ng
10
ng LGU, nakakuha sila ng hindi lang minsang subsidyo para sa rice coop. Ang pondo ng lokal na gobyerno na gagamitin lang sana sa mga hindi produktibong proyekto gaya ng foot path o waiting shed ay naituon sa mas kapakipakinabang at pangmatagalang benepisyo para sa mga magsasaka. Gaya rin ng lahat ng kooperatiba, isa sa mga malalaki nilang problema ang utang. Bagamat itinatakda ng patakaran ang maksimum na maaaring hiramin ng isang pamilya at bagamat hindi pinapayagang umutang muli ang mga may utang pang di nababayaran, humahaba nang humahaba ang listahan ng utang. Kampanyang edukasyon at pagpapaunawa ang pangunahing hakbang ng komite ng RC at POC, upang ipakita na utang ang dahilan ng pagkakabagsak ng anumang kooperatiba. Dahil
Mahigpit na kawing at susi ng Agreb ang armadong pakikibaka. Ang pag-unlad ng rebolusyong agraryo ay dapat mangahulugan din ng pag-unlad ng armadong pakikibaka.
probinsya upang makatipid ng kaunti at masulit ang pamasahe ng ilang sako ng bigas. Sa paghahakot ng bigas mula sa kalsada patungong baryo makikita ang partisipasyon ng mga kalalakihan (POG o Peasant Organizing Group) at kababaihan (WOG o Womens Organizing Group). At kung minsan, pati ang mga miyembro ng COG (Childrens Organizing Group) ay tumutulong din. Sa unang mga taon, walang kita at negatibo pa ang lumalabas na resulta sa audit ng komite. Kung magpapatuloy ito, siguradong magsasara ng maaga ang RC. Muli, sa pamamagitan ng mahusay na pakikipagalyansa ng POC sa mga opisyal
pangekonomyang benepisyo, mas higit nilang niyayakap ang armadong rebolusyon. Kapag gumagaan ang kanilang pangekonomyang mga suliranin, mas magkakaroon sila ng panahon para sa mga pampulitikang pakikibaka at pagaaral. Mula noong naitayo ang RC sa Baryo Dolyaw, hindi na nahirapan ang mga mabababang saray na pamilya sa paghahanap ng bigas sa panahon ng krisis. May malapit at mura na silang mahihiraman nang walang interes. Ang mga panggitna at matataas na saray naman ay nakakatulong din sapagkat sa halip na ibenta nila ang sobra nilang mga ani na bigas sa sentro, ibinebenta na nila ito sa kooperatiba. Sa gayon, dumarami ang stock ng bigas sa baryo. Kung dati, ang Baryo Dolyaw ay nagkukulang ng bigas sa loob ng 4-5 buwan, ngayon ay sa 3 hanggang 4 na buwan na lamang. Habang tumatagal ay nababawasan na ang pagbibili ng RC ng bigas sa sentrong bayan ng probinsya dahil unti-unti nang umaasa sa sarili ang baryo. Dahil dumarami na rin ang stock ng RC, nakakapagbigay na rin ito ng halos regular na bigas para sa kanilang Hukbo. Napakahalagang suporta ito sa armadong pakikibaka. Higit pa rito, pagkatapos lamang ng 2 taon mula nang naitayo ang RC, nakapagluwal na ito ng dalawang magigiting na bagong sampa ng Bagong Hukbong Bayan.
kooperatiba ito ng mamamayan, nararapat lamang na maging responsible ang bawat isa upang alagaan at patagalin ito. Bukod rito, may kampanyang paniningil-utang din ang komite sa panahon ng anihan ng palay, mais, kape, at iba pang produkto ng mga magsasaka. Ang Rebolusyong Agraryo at ang Armadong Pakikibaka Mahigpit na kawing at susi ng Agreb ang armadong pakikibaka. Ang pag-unlad ng rebolusyong agraryo ay dapat mangahulugan din ng pag-unlad ng armadong pakikibaka. Kapag mas nakakamit ng mga masa ang mga
kalayaan oktubre-nobyembre
* hindi totoong pangalan ** 1 salop ay tinatayang katimbang ng 2 kilo ng bigas *** mobilisasyong masa kung saan lahat ay inaasahan - kalalakihan, kababaihan at kabataan upang tumulong
11
Anti-imperyalista
Red Alert para sa Kalikasan
May taning ang pagsalba sa kalikasan. Dahil sa proseso ng pagkasira, maraming tao ang nalalagay sa peligro. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa mamamayan. Ang pagkasira ng lupa ay may dalang panganib sa milyun-milyong magsasaka. Dahil pangunahing nakasalalay ang bansa sa agrikultural na produksyon, malaking usapin ang pangangalaga ng kalikasang kaugnay ng mga agrikultural na lupain. Ilan sa mga halimbawa ng pagkasira ng kalikasang nakakapinsala sa magsasaka ang mga sumusunod: 1. Ang pagliit at pagkasira ng lupaing agrikultural Marami ang magsasakang nawalan ng lupa dahil sa pagpalit-gamit ng mga lupain patungong industriyal, komersyal at residensyal. Dahil sa pagpapalit-gamit, hindi na maibabalik ang katangian ng lupang paborable sa agrikultural na produksyon na higit na mapakikinabangan ng mamamayan kaysa sa naipalit na gamit dito. Malaking usapin sa magsasaka ang pagkasira ng lupa. Ang pag-alis ng pinakaibabaw na lupa ay nangangahulugan ng pagbaba ng produktibidad ng lupa. Panganib din ang dulot nito sa mamamayang naninirahan sa mga lugar na bulubundukin, sa palagiang inuulan at lalo na sa madalas daanan ng bagyo.
Halaw
Pataba at Kasilyas
2. polusyong gawa ng mga pang-agrikulturang kemikal Simula nang ipagpilitan ng mga dayuhang agro-kemikal na korporasyon ang mga binhi, fertilizer at pesticide nila, kalakhan ng lupaing agrikultural ng bansa ang nakatali na sa mga produktong ito. Pinatay nito ang mga dating klase o “variety” ng mga pananim dahil ang mga lupang gumamit ng nasabing produkto ay hindi na pwedeng tamnan ng mga dating klase ng panananim. Dagdag dito, sa pagkawala ng bisa ng mga kemikal sa mga peste at sakit (na kadalasang nangyayari sa mga produktong ito), napipilitan ang mga magsasaka na bumili ng mas matapang na kemikal na hindi lamang mapanira sa lupa kundi delikado sa kalusagan. Ang mga imperyalistang korporasyon ang nagdudulot ng pinakamalaking pinsala sa kapaligiran. Kasabay ng pagpapahintulot ng gobyernong Arroyo sa mga imperyalistang bansa sa panlilimas ng likas na yaman at pagtatapon ng mga imported na produktong surplas, ang pagsira ng kalikasang nagdadala ng matinding panganib sa mamamayan. Kung kaya, ang pangangalaga ng kalikasan ay nangangahulugan ng paglaban sa mga programa’t patakaran ng tutang gobyerno at pagtitiyak sa proteksyon ng mga mamamayan.
Para sa mga pinakabagong sulatin ng KM, bisitahin ang website http://www.geocities.com/ kabataangmakabayan2007/
Para sa mga Tsino, kayamanan ang basura. Hindi pambihira ang makakita ng tao sa gilid ng daan na may hawak na tong na gawa sa bamboo at namumulot ng dumi ng kanyang alagang hayop. Ang dumi ay ginagamit bilang pataba sa produksyon ng mga magsasasaka. Gumagamit din ng kemikal na pataba ang mga Tsino, pero hindi sila umaasa sa kemikal na pataba na hindi nila kayang likhain o nangangailangan pa ng malaking salapi. Hinalili nila ang paggamit nito sa mga organikong pataba. Simula ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, pinag-aralan ng mga mamamayan ang paggawa ng kemikal na pataba. Hindi ito gumagamit ng petroleum o natural gas na may prosesong mapanira sa kalikasan. Ngunit hindi sumapat ang nalilikhang pataba para sa napakaraming lupaing agrikultural ng Tsina. Kaya naman pati ang dumi ng tao ay ginamit ng mga Tsino bilang pataba. Simula rin ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, napalitan ang mga pribadong kasilyas ng mga pampublikong palikuran na nagiipon ng duming gagamiting pataba sa produksyon. Isang araw sa isang pangkomunidad na kasilyas, isang kasama ang nakakunot-noo. Habang siya’y nakaupo, dumating ang isang kaibigan. Ang sabi ng huli, “ Aha, Kasamang Li. Andito ka pala’t seryosong nagbibigay ng ‘yung regular na kontribusyon sa agrikultura.”
kalayaan oktubre-nobyembre
12
at
kalayaan oktubre-nobyembre