Noynoy Aquino Anc Forum Transcript

  • Uploaded by: Manuel L. Quezon III
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Noynoy Aquino Anc Forum Transcript as PDF for free.

More details

  • Words: 3,614
  • Pages: 9
Transcript of BSA III’s answers ANC Forum at AIM Conference October 6, 2009 Magandang umaga Sen. Noynoy, ang mga naririto po ay ang mga tinatawag naming “Local Government Champions”. Karamihan po sa amin ay iniinterview ninyo sa Kongreso. Ngayon po ay ikaw naman ang aming i-interviewhin. Sa pulong kahapon ay napagusapan at nais malaman kung ano ba ang sitwasyon ng pamahalaan lokal ngayon? Madadagdagan ba ang kakayahan ng mga Local Government Units? Ano ang sukat upang magkaroon ang mga Local Government leaders ng pananagutan sa mga tao? Nasaan sa puso mo ang pamahalaang lokal ngayon at kung ikaw ay mahalal bilang Pangulo. At ano naman ang mga kapangyarihan ng national government na dapat nang maibigay sa lokal? BSA III: Tatayo ho ako kung okay lang ho sa inyo? Magandang umaga po sa inyong lahat puwede ho ba magtagalog? Sasabihin ng mga kapatid nating sa Kabisayaan, “Puwede ba Ingles nalang para mas maintindihan?” Kapag nasa Tarlac naman ako at nagkapampangangan sinasabi ay may puntong Tagalog. Kapag nasa Maynila naman ako ang Tagalog ko ay may puntong Kapampangan Siguro nga ho ay saklaw ko nang lahat. Sa Local Government Unit nababatay kung maayos ang gobyerno o hindi. Ano ibig sabihin nito? Kapag may disaster, kayo. Kapag ang usapin ay health services at primary health care sa inyo nakasalalay. Ang mga tuntunin ng national government ay nakikita sa performance o kakulangan sa performance ng ating mga local government units. Nakikita rin natin na ang dami-daming inaatas sa inyong mga balikat, ngunit ang suporta para magawa ang mga alituntunin ay tila nagkukulang. Ang punto ho, Kami ho ay naniniwala sa demokrasya. Ito nga ho ay ipinaglaban nang ating ama at ina, ang people power. At ayon nga po sa ating ina, “People power is basically empowering the people.” Sino ba ang nakakaalam sa suliranin na mas hihigit pa kaysa sa mga taong nandoon sa lugar na iyon? Sino ba ang makakatukoy ng solusyon sa mga problemang hinaharap na masusuportahan ng taong bayan – kung hindi yung mga namamahala sa lugar na iyon. Mahirap po yung hindi pa nabibisita ang kabilang lugar na may problema ay nagmamarunong na.

Naniniwala kami na dapat maging consultative. Kung maganda ang ideya ko, ihalo natin doon sa ideya ng kahit kalaban ko sa pulitika. Lalo na’t kung mayroon siyang magandang solusyon, hindi hamak na mas maganda na maghalo ng mga ideya, at bumuo ng solusyon kaysa sa minungkahi ng iisang panig lamang. Ito ang tunay na sistema ng demokrasya. Lahat ay pinakikinggan. Ngayon ho ay pakikinggan ko kayo. Medyo elevated ang blood pressure natin dito dahil sa usaping ito, ako po ay never pa naging local government executive. Kayo naman po ay expert na, marami pang daing. Kayo po ang magiging guro, at ako po ang estudyante na maghahanap ng solusyon sa inyong daing. In that way, matulungan ko kayo, matutulungan din ang taong bayan, at sa ganitong paraan napapakita ang kagandahan ng sistemang demokratiko. Kung ito po ay mapapatibay natin, ito ang magiging susi sa pagasenso nating lahat. Sa papasukin nating devolution po, dapat ho ay i-review muna natin. Sa amin po sa Tarlac, noong dinevolve ang mga ospital, ang laki ng binagsak ng services ng aming provincial hospitals. Wala kaming ginawa kung hindi maghanap ng mga paraan upang mapuno ang mga kakulangan. Lahat po nitong services na dapat i-de-devolve sa inyo ay pagusapan natin, at siguro kailangang mapakita ang tinatawag na kakayahan at doon sa pagkakaroon ng accountability. Kailangan nating ma-i-sama na, “with rights, comes certain duties; with more power comes more responsibilities.” At Yung mga magagandang nagawa, tulad ng kay Mayor Hagedorn at ito pong kay Jesse, na isang success story po yung tungkol sa mga informal settlers. Pero sa totoo lang ho, complete opposite ang nangyayari kabuuan. Tulad ho ng ating UDHA. Ito ay hindi pa talagang naipapatupad hanggang sa ngayon. Ang mga problema po nito ay dapat na-solve na noong 1994 pa. Pangumpisang salita lamang ito. Ako po ay handang makinig. Gusto ko pong marinig ang mga sentimyento at daing ninyo. Kung tayo ay papalaring, mas malaki ang ating paglilingkuran. Dahil nga ho tayo ay public servants lahat, habang tumataas ang puwesto, lalong dumadami ang ating “boss” at pinapakinggan. Magandang umaga po uli. Q: Everybody is aware of the effects of climate change. It has caused a lot of disasters and calamities all over the country. If you will become President, how will you give full authority to the LGUs in the utilization of calamity funds? How will you effect transparency and coordination in the utilization of these? BSA III: Sa calamity funds, ang issue ko po ay kapag nagdeclare ang Presidente ng state of calamity in this or that particular area and authorizing the use of calamity funds. Tulad po nitong latest calamity natin, ay tila hindi maganda ang nagging sistemang nangyari. Sa aking personal experience, mayroong certain localities na naka-angkin ng calamity funds pero wala namang

nangyayari doon. (Hindi ko na babanggitin kung saan iyon, baka mapahiya ko pa ho iyon.). In that particular area maghanap tayo ng tamang agencies outside the government framework to to verify these areas. In that particular area, tatatlong puno lamang ang bumagsak, may iisang kable lang ang natanggal, hindi rin sila in danger, walang taong in danger at wala rin hong nangangailangan ng relief. Pero nandoon po at ginagamit yung calamity fund. May tendency pong ma-abuse, may tendency na delayed ang reaction. Kailangan nating i-draw-out ang specific parameters para less na ho yung masasabi nating discretionary funds ng Presidente. For instance, X-number of the population is in danger, the evacuation has to be automatic. Gawin nating automatic ang procedures instead of discretionary. Sa usapin po ng operations and consultations – kayo ho ang nagooperate. Gaya ho ng Pateros for instance, noong dinalaw namin hanggang tuhod parin ang tubig at walang assistance na nangyayari. Talagang yung kanilang Mayor, naawa ako na naoobligang, kung baga parang malimos na sa lahat nalang ng mga kapitbahay. We need to prevent abuses and to make it more responsive bago magkaroon ng urgency. Tingnan po natin, yung dating sistema noong panahon ng dating Secretary ng DSWD na si Dinky Soliman, parating palang ang bagyo, ready na ang mga relief goods at ready na ang mga evacuation centers namiminimize ang hardships ng taong bayan. Tulad nalang din po nang nangyari sa Kabikulan. Medyo matagal tagal din ang response. Ang nangyari ho ay yung National Government na po ang humihingi ng relief, parang napakabaliktad na yung dapat nangyayari doon. Lahat nang ito, kailangan ay i-empower, but at the same time, isulong natin ang accountability. Q: Handa ka bang ipaliwanag at ipakita sa mga mamamayan kung paano igagastos ang pera na ng National Government sa calamity? BSA III: Dapat naman ho. Dapat magkaliwanangan. Alam naman natin ang rules as far as the calamity fund is concerned. Importante ang transparency. Makuha natin yung simpatya ng taong bayan makikita na napakaliwanang ng pamamalakad. Siguro ho sa ganitong paraan ay mapupunan ang ating mga kakulangan. Q: Kung kayo po ay papalaring maging Pangulo, sa kaisipan ninyo, ano pong ahensya ng gobyerno ang tingin ninyo ay dapat bawiin sa pagkakadevolve sa local government. At ano naman po sa palagay ninyo ang pwedeng ibahagi sa local government? BSA III: Uulitin ko ho, ako ho kasi, allergic kapag dinidiktahan. At palagay ko, kayo rin ho siguro, ayaw ninyong dinidiktahan kayo. Sa issue po nang devolution, pag-uusapan po natin iyan. Mayroong mga local school boards na ang namamahala ay mga LGUs pero maraming hindi na a-actualize naman po yung ating tinatawag na taxation. Pinagaaralan natin yung UDHA na merong dapat na socialize housing fund. Ang pagkakaintindi po dito ay hindi ginagamit ang

power of taxation. On the other hand, ang usapin po ng mga ospital. Gusto ko nang isauli sa national government. Sa kapulisan naman ay total control of our local police force. Yung mungkahi ko ho noong araw sa Kongreso, na yung local police force ang siyang magsasaayos peace and order sa locality. Ang national police force ay hindi papasok kung hindi iimbitahin ng local government units at coterminous pa yung chief of police. The idea to the LGU official, but I don’t know if that will serve the people’s interest as far as having a professional and efficient police services are concerned. Mayroon namang happy compromise. Kailangang i-klaro yung OIC ng paglalagyan ninyo diyan. Ang point na kung paano rin tatanggalin,i-ka-klaro rin natin iyan. Kayo ang dapat in charge sa peace and order ng mga lugar, tapos hindi naman i-ignore ang mga hepe ng pulis.I-klaro na rin natin pati yung pag-exit. Sa panukalang batas na ito, na sana ay maipasa, ang karapatan ninyo ang ma-e-exercise. The foundation is consultation and the direct review. I-review muna natin yung mga na-devolve. Itanong natin, yung mga nagsucceed, bakit nagsucceed? Yung mga nagfail bakit nagfail? Ang batayan diyan ang kakayahan ng bawat LGUs. Titignan natin in general kung lahat ganito ang gagawin natin. We need to look at the capabilities of the cities and the municipalities. We will give responsibilities to those who can exercise the same. As much as possible, Hindi natin ibibigay yung pasanin na hindi nila kakayanin and at the same time we will give to those who can accomplish the mission. Q: If you will be elected President, how will you ensure that peace and development will finally reign in Muslim Mindanao and for that matter, the entire country? BSA III: Una sa lahat ho, walang taong haharap sa inyo na nagsasabi ng totoo at sasabihin niyang, “Ako ang sugo ng Diyos at ito ang mga solusyon diyan, na nasa akin ang konkretong solusyon.” Babalik po ako doon. Ako po’y tinuruan noong nag-aaral ako, na aminin muna na hindi ko alam ang isang bagay para magkaroon ako ng pangtulak na pag-aralan yung bagay na iyon. Sa aking pag-aaral. Napakamasalimuot nga.iba’t ibang direksyon. Napakaraming nga hong iba’t ibang interes.
 Ang kaba ko po ay hindi po dalawang kampo lang ang nagtutunggali at nagtatalo. Napakaraming interes na dapat tugunan. Nandoon narin ang kaba natin na maraming mga negative indicators ahead. Tulad nalang ng ARMM. Pati na rin yung sa education, mga achievement tests saan masama? Balik tayo sa ARMM. Ang masakit ho doon tulad ng mga problema sa Urban Planning ng Metro Manila, may mga dalubhasang nagsasabi na yung ating disenyo ay noong 40 years ago pa. Galing lang po kami sa Davao, Bukidnon, Cagayan de Oro. Kalsada ninyo na 2 lanes sa highways -compared po doon sa Quezon. Makitid pa yung one

way. Mayroong potential dito na maisagad natin ang mga benepisyo. Balik tayo sa peace and order: Hinahabol natin ay maging all- inclusive. Kailangan ay kasama lahat ng stakeholders sa usaping pangkapayapaan. Kailangan din nating maging transparent. Hindi puwede yung dalawa muna sa isang kwarto na mag-uusap, magkakasunduan. Paano naman ang ibang stake holders? Dahil dito, nagkakaroon ng dividing factor. Dapat kapag magsasaayos ng problema, lahat ay kasama. All these dialogues should be all-inclusive and transparent. Iyon ang isusulong natin. At the same time, we must also look at those who are primarily taking advantage of instability of the situation. For the long term solution, kailangan nating mag ”cross-correlation.” We need more dialogues. We need to hear both sides. In the first place, paano ka makikipagkasundo kung hindi mo mapagkatiwalaan yung kausap mo. We need to investment in the future. For instance, ang estudyante from Luzon and Visayas puwede nating ipadala sa Mindanao. Puwede rin ipadala ang mga estudyante from Mindanao sa Luzon and Visayas. Ang umpisa ng prosesong ito ay ang pagkakaroon ng pagtitiwala dahil ito ang hakbang na pinakamahirap. Kapag nagkaroon na kasaganaan, mayroon ng parehong interes na pangalagaan. Hindi ko po talaga gusto yung kapag may nagmamarunong. Katulad ng mga nagmamarunong na taga-Luzon sa Mindanao na hindi naman naiintindihan. Q: Kung kayo po ay magiging isang ama ng ating bansa. Sa Islam religion po ay mayroong obligasyon ang isang ama na magkaroon kayo ng isang butihing pamilya. Upang lahat ng ating serbisyo ay para sa ating susunod na henerasyon. Ano po ang inyong katayuan sa VFA? Ito po ba ay isang solusyon sa aming matagal na minimithing katahimikan o ito ba ay sanhi ng kaguluhan? BSA III: (Mas madali na po yung VFA.) Yung VFA po ay nakakatulong sa kagamitan, kaalaman. Sa buod ho ay nakakatulong. But at the same time, Kapag ang Pilipino ang naakusahan at nasintensyahan, diretso siya sa kulungan. Ngunit ang dayuhan, tila mas maganda ang pribilehiyo at ikinulong pa po sa parang resort sa US embassy. Parang ang nangyayari ho ay mas may mga karapatan pa ang mga dayuhan kaysa sa mga Pilipino. Dapat po ay ma-review iyan at mapagaralan at mapangalagaan na pangunahin tayong mga Pilipino sa sarili nating bansa. Pagpasok dito, more than anything tignan natin na parang nagiging permanent na sila dito. We need to look at it and ask, “Paano na po ang interes natin?” Lalo na kung hindi pareho ang interes natin sa kanila. Katulad na lang ng Palawan. May pagkakataon na silang mag-intervene. Katulad na lang po ng World War II na nadamay ang Pilipinas dahil may base sila dito. Pagkatapos ng giyera, tinulungan nga nila tayong bumangon pagkatapos tayong magulpi ng

isang giyera na hindi naman tayo ang may pangunahing pakay. Kailangan ay manindigan tayo sa ating mga karapatan. Bottomline, we need to review the Visiting Forces Agreement. Q: (On Rewards and Accountability) Ang bansa ay hindi magaling kung hindi magaling ang leaders ng pamahalaan. Ano ang pwede gawin sa mga hindi naman nagpe-perform? BSA: We need to have a performance measure. For instance, health. Pumili nalang kayo sa, child mortality to diseases. Kailangang mapakita mo na may change. Parameters must be set and we need to continue being consultative. For these parameters, kailangang dagdagan ang resources if needed. As for education, napakadaling i-determine noon. May mga tests na kino-conduct kung may natutunan ba ang ating mga kabataan. With this, right away makikita kung tama ang sistema ng pamamalakad ng mga local school boards. Halos lahat ay may certain designed criteria. Ang idea dito ay i-bring down ang mga resources to those who can make the most out of it. This is a way to maximize utility. Ang mga hindi naman nagpe-perform mayroong pananagutan. The rules will indicate kung ano ba yung grounds for suspension, ano ang mga pangaabuso, failure to do their duties – These should all be in the criteria. More responsibility performance based on the criteria that we should be providing the people. All the investments and lahat po ng desirable must be atuned to the local government. Sa amin po sa tarlac, we looked at the tourist arrival. Hindi ho kasama sa criteria lalo na’t walang dumadating na mga tourists. These indicators should not be imposed. We need a series of consultations. For each region, it must be different. Hindi yung iisang mold. What we really need is to address the realities of that particular area. Q: (On Environmental Management/Economic progress) After your oath of office, will you be able to effect reforms on Mining Laws that will give a part to the local government units in terms of approving mining permits? Baka puwedeng magkaroon ng joint agreements sa mining permits? Are you amenable to a shared revenue? BSA III: As regards the revenue sharing, I understand that it is already in the law. Yun yung tama at mayroon ng batas. Kung saka-sakali po na yung oil, natural gas and all mineral resources, na magkaroon ng environmental degregation. Kayo ang sisisihin sa pangyayari. Kung mayroong idadagdag at i-papako sa inyong mga balikat, magiging responsibilidad ninyo iyun. Huwag kayo maging katulad ng mga sundalo noong World War I na pinaabante sa kalaban at sabi pulutin mo na lang yung baril ng katabi mo. Maling mali ho ito. As for the revenue sharing of mining and the approval or logging for that matter. There is a responsibility. Hindi sumasama sa empowering the people na concept po natin. Ang sitwasyon

ho ay, nagiging hadlang, ang isang pamumuno kasi mayroong mga kaibigan tayo na kontra interes at sa mga mekanismo. Ang sa akin po ay kung saan magiging kapakipakinabang. Ang reason ko po diyan, kapag may dispute, ang dapat ay ang LGUs at ang National Government maging magkapantay. Kailangan po na i-treat ng equal, ngunit hindi po ito nakasaad sa constitution. Ang nangyayari po ay the subordinate will have more responsibilities. Bottomline, we need to have this subject to further studies and discussions, especially with the community. Q: (On the issue of Charter Change) Kayo po ba ay pabor sa pagpapalit ng ating saligang batas? At sa anong paraan po? BSA III: Sa pagpapalit po ng ating saligang batas, walang tatanggi na magkakaroon ng disruption. Ito pong disruption, katulad po doon sa mga gustong maginvest sa ating bansa. Mababago ang rules and regulations. Kaya’t hihintayin muna nila at pagkatapos po doon nalang sila magdedesisyon kung papasok sila o hindi. Ang mangyayari po ay papalitan mo yung pundasyon. Kailangan munang i-klaro kung ano ang kailangan palitan. Yung “how”, hindi natin alam, ang maliwanag na sa akin yung “why.” Documentong ito ay imperfect, pwede ma-improve. Mag-organize tayo ng debate. At kung sakasakali po ay ang Constitutional Convention. Kung pu-puwede naman po para naman hindi maging open ended, hindi puwede isang parte lamang. Kapag binuksan natin ang saligang batas kasi ay puwedeng palitan na ang lahat. I-limit natin to certain pages. Before Martial Law, dumadaan lahat ng mga appointments sa Commission on appointment (CA). May rulings na klaro. Ngayon ang appointments ng PNP hindi na dumadaan sa CA. Kailangan natin ng checks and balances. Ang powers ng presidency, hindi rin maliwanag sa constitution. Walang pangcheck. Kailangan ay ma-institute natin ang mga safeguards at mapangalagaan ang mga karapatan ng ating mga mamamayan. Mayroon ding sost kapag pinalitan natin ang saligang batas. Marami ring rrograma na maantala dahil inaayos natin ang saligang batas. Kailangan tignan muna talaga kung anong kailangan. Q: How will you provide the LGUs with fiscal autonomy? How about Public and private partnerships and other means of generating revenues? BSA III: Basically, kung ano mang iisipin. Ang implementation will be based on the capabilities of the LGUs.

Kung iisipin ang polisiya ng government, ang implementation po ay sa inyong mga LGUs. May tinatawag po tayong downplaying na ang plano ninyo - yung nasa lugar ninyo ang dapat gawin. Dapat ay magkakasundo tayo na ito ang dapat gawin. Kayo ang mangunguna sa laban. Kayo rin ang mangunguna sa pagtataguyod ng plano at kayo rin ang dapat na mayroong resources. May sharing din tayo sa hirap. Ito ay kailangang mapagusapan saka natin baguhin o dagdagan ang shares natin. Kung magagamit ito ng maayos, ating tandaan na mayroon tayong responsibilidad, mayroong tayong accountability. Bilang gabay, mayroon ding mga batas na dapat sundan natin. Ma-e-encourage naman yung mga maayos ang ginagawa na ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa.. at yung hindi naman, mayroon ding kaukulang ipapataw. Ipasok din hong ang transparency issue, kailangang ma-ipakita sa mga tao na dito na punta o doon. Gagawa tayo ng measure na yung dagdag na intervention ito ang resulta, kung gumanda ba o hindi. Q: (On IRA) If you will be the president will you be wiling to raise the share of the LGUs from 40% to 50% and what will be your basis for that additional 10%? BSA III: Sa ating pagaaral, ito pong revenues na pinagmumulan ng IRA ay napakaliit. Napakadami rin po kasing leakage. Puwedeng sanang makolekta at sana ay ma-i-dadagdag sa revenues. Ayoko munang i-announce ngayon kung gaano ka laki yung i-dadagdag. Magsimula tayo sa pagbabago ng ratio. Yung mga parangal kung paano mag-plan, i-identify na rin natin. Hindi ito imposible. Gawin natin yung dapat gawin. So, without changing anything, halos kaya ko na ho na i-guarantee sa inyo na may dagdag. On top of that, yung National government at ang buong budget puwedeng i-allocate to those particular LGUs. I will go back, naniniwala ako na kung ang problema ay kakulangan sa pera, magagawan ito ng paraan upang ma-i-ayos. Kung kayo ang may kakayahan, kaya namang i-absorb ang resources, at kayang i-implement with the National Development Bank ang pinaguusapan. Bakit kayo hindi magkakaroon ng resources? Kayo ang nasa harapan at kayo ang mayroong pananagutan sa taong bayan. Hindi puwede yung statement na, “Wala kaming nagawa.” Bibigyan naman namin kayo ng parangal at pagkakataon para may magawa kayo. Sa tulong po nito, kung ginawa ninyo ng maayos ang parte ninyo, lahat tayo ay magiging kasiya-siya sa ating taong bayan. Ito ang susi sa pananatili ninyo sa panunungkulan.

Kung ako po ay papalarin, ito ang ating maiiwang legacy. Again, kapag mayroong dagdag na responsibilities, mayroon ding dagdag na accountability. Kailangan ay may pagkakasundo sa lahat ng ating tatahakin. Hindi puwede na iisang tao na dahil lang siya ay pogi at sikat. Baliktad ho iyon sa ating paniniwala. Thank you for this opportunity. Ako ho kasi, hindi ako mahilig na magtayo ng sariling bandera, magtaas ng sariling bangko. Noong ako ay congressman, yung mga kababayan ko, hindi ako magkakaroon ng ganitong pagkakataon kung hindi dahil sa inyo. kung mayroon tayong napagtulongtulungan. Ayoko naman na gagawa ako ng parangal para sa aking sarili at tila hindi ho ata tama na ipagmalaki ko ang obligasyon ko. Sa aking mga katunggali na nagsasabing walang tayong alam, wala tayong nagawa, thank you na rin, salamat at napuri nila ako ng ganoon. Doon naman sa aking nakatrabaho ko na, nakita ninyo kung ano ang pinandiggan ko na. Talagang hindi importante kung sino ang sikat, ang importante ay yung magawa ang tama. Damang dama ko po na tila na ito na ang pagkakataon na ibangon ang taong bayan. Ang tatay ko ay lumaban, nanay ko ang nagpatuloy, sana sa tulong ninyo matatapos na itong ipinaglalaban at maging tama na ang ating lipunan. Magandang umaga sa inyo.

Related Documents


More Documents from "halimatus suryanto"