ANG MORALIDAD * NG NASYONALISMONG PILIPINO ni
Punong Mahistrado Reynato S. Puno Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Isang mainit na pagbati sa ating lahat. Ngayon ay ipinagdidiwang natin ang ika-isandaan at labin-isang taon ng ating kalayaan. Ika-labindalawa ng Hunyo, isang libo walong daan at siyam napu’t walo, sa bayan ng Kawit, Cavite, unang itinaas at namayagpag ang bandilang Pilipino.
Hindi naging madali ang ating naging landas
patungo sa kalayaan. Kaya sa pagkakataon na ito, muli nating bigyan ng balik tanaw ang naging hirap ng ating mga bayani upang mapalaya ang ating bayan sa kulo ng mga mang-aapi at magpasamantala. Bago dumating ang mga Kastila ay napakasagana ng Pilipinas sa likas na kayamanan. Maunlad ang agrikultura at pangingisda. Mayroon nang mga industriya tulad ng mga bakahan, manukan, minahan, pagtotroso, paghahabi at pag-gawa ng barko. Masigla ang kalakalan sa loob ng mga isla.
Mayroon ding kalakalan sa mga komersiyante ng China, Japan,
Borneo, at iba pang dayuhan. Ang mga naunang Pilipino ay malaya at maunlad. Sa kasamaang-palad ang mga malalaking bansa sa Europa na mga ganid sa kapangyarihan, kalakalan at kayamanan ay inilunsad ang kolonialismo sa Asia, at iba pang panig ng daigdig. Ang Pilipinas ang isa sa *
June 12, 2009, Andres Bonifacio Monument, Caloocan City.
2
mga naging biktima ng patakarang kolonialismo. Dumating si Magellan sa Pilipinas noong 1521, at noong 1564 ay sinimulan ni Legazpi ang tahasang kolonisasyon ng Pilipinas para sa Espanya. Dinurog ang kalayaan ng mga Pilipino at nagpasasa ang mga Kastila sa kayamanan ng ating bayan. Ang mga Pilipino ay napailalim sa walang-lubay na paniniil at pagsasamantala sa higit na tatlong daang taon. Ngunit lahat ng kasamaan ay may katapusan. Nag-alsa ang mga Pilipino sa pangunguna nila Gat Andres Bonifacio, Jose Rizal, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini at marami pang iba.
Iwinagayway nila ang
bandilang nasyonalismo upang pag-isahin ang ating bayan. Ano po ang moralidad, ano po ang mensahe, ano po ang turo ng ating mga bayani? Ito po ang mga sumusunod: Masama ang pananakop; mabuti ang kasarinlan. Masama
ang
kaalipinan;
mabuti
ang
kalayaan.
Masama
ang
diskriminasyong; mabuti ang pantay-pantay. Masama ang mapangsarili at mapagsamantala; mabuti ang matulungin sa kapwa.
Masama ang
despotismo; mabuti ang demokrasya. Masama ang nagtataksil sa bansa; mabuti ang nagmamahal sa Inang Bayan. Ang paalala nga ni Gat Emilio Jacinto sa mga Pilipino na inaapi ng mga Kastila ay ito: “Ang kadakilaan ng isang tao ay hindi nakikita sa pagiging hari, o sa tangos ng ilong o puti ng balat, o sa pagiging pareng kinatawanan ang Diyos, o sa mataas na posisiyon sa daigdig, ngunit dalisay at totoong dakila ang tao na mayroong matuwid na pagkatao kahit na siya’y taga-gubat; na tapat ang
3
pananalita; na mayroong dignidad at honor; na hindi nangaapi at hindi tumutulong sa nang-aapi; na marunong kung paano niya mamahalin at pangangalagaan ang lupa ng kanyang kapanganakan”. Kahit napakalakas ng puwersa ng mga kolonialistang Kastila, nagawang i-proklama ni Gat Emilio Aguinaldo ang independensya ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ngunit, kapos-palad, ang mga Bayaning Pilipino sapagkat dumating ang puwersa ng bansang Amerika na may hangarin ding imperyo. Nagkunwang ka-alyado ang Pilipino laban sa mga Kastila. Noon pa man mayroon ng mga Pilipinong nagduda sa mga pakay ng Amerikano. Kaya’t nagbabala si Gat Artemio Ricarte kay Gat Aguinaldo na “mag-ingat, dahil mukhang gusto tayong lokohin ng mga Amerikano”. Gayon din, nagbigaypayo si Gat Apolinario Mabini sa mga lider ng himagsikan ng sumusunod: “At huwag ninyong lilinlangin ang inyong sarili.
Ang mga Norte
Amerikano, tulad ng mga Kastila at ibang makapangyarihang Europeano, ay pinag-iimbutan ang pinaka-magandang perlas ng Karagatang Oryente. Ngunit mas minamahal natin ang pag-aaring ito, hindi lang dahil ipinagkaloob sa atin ng Diyos, kundi dahil napakaraming dugo na ang dumanak sa atin para dito”. At nagkatotoo ang kanilang mga pangamba. Tayo ay pinagbili ng mga Kastila at ang bumili sa atin ay ang mga Amerikano. Kaya’t idagdag natin sa moralidad, sa mensahe, sa turo ng nasyonalismong Pilipino ang mga ito: masama ang nililinlang ng sarili o ng
4
iba, lalung-lalo na ukol sa magkasalungat na interes at kapakanan ng bansang Pilipino at mga ganid na banyaga; mabuti ang bukas ang kaisipan sa tunay na pangangailangan ng mga Pilipino na salungat sa hangarin ng mga sakim na banyaga.
Sa madaling sabi, para sa kapakanan ng Pilipino,
masama ang nagpapakatanga; mabuti ang nagpapakalisto. Mga animnapu’t tatlong taon, sinaklawan ng Estados Unidos ng Amerika ang ating bansa.
Pinalaganap nila ang edukasyon na estilong
Amerikano. Ingles ang naging dominanteng lengguwahe. Pinangibabaw ang kulturang Amerikano, lalo na sa mga elitistang Pilipino. Nang sumampa sa kapangyarihan ang Democratic Party sa America (1912), nagkaroon naman ng puspusang “Filipinization” sa pangasiwaan. Nagkaroon ng lehislatura ang Pilipino, na may Senado at House of Representatives. Dumami ang mga Pilipinong Mahistrado sa Supreme Court, at ang kaunaunahang Pilipinong Chief Justice ay si Hon. Cayetano Arellano (1901). Tunay na ang mga Amerikano ay unti-unting hinanda ang kalayaan ng mga Pilipino. Ngunit kahit ginawa nila ito ay tiniyak naman nila na ang mga industriyalistang Amerikano ay makikinabang sa pananakop ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng batas (Payne-Aldrich Law) na ipinasa ng Kongresong Amerikano, itinali ang ating ekonomiya sa kanilang ekonomiya sa isang sistemang napakalugi natin.
Halimbawa, walang limitasyon ang pagpasok
sa Pilipinas ng anumang produkto ng Amerika, tulad ng mga yaring (finished) produkto ng mga industriyang Amerikano. Limitado naman ang pagpasok ng mga hilaw na produkto ng Pilipinas sa Amerika, dahil sa
5
imposisyon ng kota (quota). Kaya iyong tinawag na “free trade” natin sa kanila ay isang panlilinlang sapagkat ito ay hindi malaya at hindi patas, at ito ay isang diktasyon na hindi natanggihan ng mga lider ng ating bansa noong panahon na iyon. Dahil dito, higit na lumakas ang kontrol ng Amerika sa Pilipinas
sapagkat
ang
kayamanan
ay
nagbubunga
ng
higit
na
kapangyarihan. Ang kayamanan ng Amerikano at kayamanan ng oligarkong Pilipino ang nagsama at naghari sa ating bansa.
Ang biktima ay ang
“common tao”. Gayun pa man, naging malakas ang kilusan para sa independensiyang politikal ng Pilipinas na pinamunuan nina Gat Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña. Noong 1934, pormal na inaprobahan ng Amerika, sa pamagitan ng Tydings-Mcduffie Act, ang independensiya ng Pilipinas pagkaraan ng sampung (10) taon. Ngunit ang pakikibaka ng ating kilusang makabansa para sa ating kalayaan ay hindi pa rin nagtapos.
Nasangkot ang Pilipinas sa
pakikipaglaban sa Pasismo na binuo ng mga imperyalistang Alemanya, Italya at Hapon. Ang Pilipinas ay naging mahalagang bahagi ng plano ng mga Hapones na palawakin ang kanilang sariling Imperyo. Ang isa sa mga malalakas na samahang nationalista laban sa Pasista at laban sa Hapones, ay ang Civil Liberties Union (CLU). Ang mga bumuo ng CLU ay mararangal at matatapang na bagong bayaning Pilipino, tulad nina Gat Antonio M. Bautista, Roberto Concepcion (naging Punong Mahistrado ng Korte Suprema), J.B.L. Reyes (naging Pansamantalang Punong Mahistrado ng
6
Korte Suprema), Arsenio Dizon (naging Mahistrado ng Korte Suprema), Jesus Barrera (naging Mahistrado ng Korte Suprema), J. Antonio Araneta, Sr., Francisco Lava, Sr., Rafael R. Roces, Jr., Ramon de Santos, Jose Apacible, Amando G. Dayrit, Anselmo Claudio, Lorenzo M. Tañada (naging Senador), Enrique Fernando (naging Punong Mahistrado ng Korte Suprema), at Manuel Crudo (naging Grand Master ng mga Mason). Ang ilan sa mga layunin ng CLU ay ang tulungan ang Pilipino na makamtan ang lubusang kontrol at pakinabang ng likas na kayamanan ng Pilipinas; ipagtanggol ang demokrasiyang Pilipino; ipagtanggol ang mga karapatan na ginagarantiya ng Saligang Batas; labanan ang panghuhuthot sa tao; kontrahin ang diktadorya; at sikaping maganap ang makatarungang pagbabahabahagi ng kayamanan. Inilunsad ng CLU ang kilos-boykoteo laban sa mga produkto ng Hapon.
Nang mapasok na ng Hapones ang
Maynila, ang CLU ay naging Free Philippines laban sa mga Hapones. Hindi nag-wagi ang imperyalista at pasistang Hapones sa Pilipinas. Bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipinagkaloob sa atin ang ating independensya noong Hulyo 4, 1946. Ngunit nanatili ang kanilang control sa ating ekonomiya. Kanilang ipinagpatuloy ang sistemang “Free Trade” kung saan napaka-agrabiyado natin sa kalakalan. Maraming matinding tumutol sa maling sistema ng ating ekonomiya, tulad ng Democratic Alliance (DA), National Progress Movement (NPM), Movement for the Advancement of Nationalism (MAN), Nationalist Lawyers League (NLL), Philippine Patriotic Movement (PPM), at iba pa.
7
Walang lubay ang tinig nina Gat Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, Renato Constantino, Alejandro Lichauco (na pawang naging kasapi ng CLU), Salvador Araneta, Amado Inciong, Rey Fajardo at Emmanuel Yap, na
pulos
nananawagan
para
sa
maka-bansa
at
demokratikong
industriyalisasyon bilang susi sa kaunlaran ng Pilipinas. Ito ang paulit-ulit na ipinaliwanag ni Gat Claro M. Recto sa mga Pilipino: “Sa anumang ugnayan ng dalawa, ang bansang industriyal ang lumalamang,
ang
bansang
agrikultural
ang
natatalo…
iniluluwas natin ang ating mga hilaw na materyales sa mababang halaga… at inaangkat natin ang mga yaring produkto sa matataas na presyo… Tiyak, samakatuwid, na ang ating pangkabuhayang interes ang nag-uutos na magindustriyalisa tayo. …… At hindi tayo maaring magkaroon ng industriyalisadong ekonomiya na kontrolado at pinaaandar ng mga Pilipino kung wala tayong pasulong na puwersa ng malalim at matatag na nasyonalismo”.
Nakalulungkot na hindi natin dininig ang panawagan ni Recto. Humina
at
nagkawatak-watak
ang
mga
kilusang
makabayan.
At
pumaimbabaw ang mga lider politikal na hindi isinulong ang programang magkaroon tayo ng industrilisadong ekonomiya na siyang susi sa ating pagunlad, susi sana na magsasama sa Pilipinas sa hanay ng tinatawag nating First World countries. Dahil dito, patuloy na naging agrikultural ang ating bansa, patuloy na naging tambakan tayo ng mga yaring produkto ng ibang bansa, patuloy na pinagsasamantalahan ng mga mayayamang bansa dahil sa
8
kahinaan ng ating ekonomiya. At ang lahat ng ito ay higit na lumala ng ang mga kapitalistang bansa ay lubos na naghari pagkatapos ng Cold War. Tinulak nila ang patakarang Globalization na ang puso’t diwa ay free market at free trade. Alam po natin na iyang globalization ay siyang nagdala ng pinakamalagim na kapahamakan sa ekonomiya ng buong mundo. Kahit iyong mga ganid na bansa na nagsulong niyan ay naging biktima ng kanilang pagkaganid. Kaya’t maaasahan natin na ang mga bansang ito ay magbabalangkas ng ibang pamamaraan upang makabawi sa kanilang krisis sa pananalapi. At higit na aabusuhin nila ang mga mahihinang bansa gaya ng Pilipinas na mayroon pang natitirang likas na kayamanan. Muli nating itatanong: dahil sa mga pangyayaring ito, mayroon bang moralidad, mensahe o tinuturo ang kilusang makabayan para sa mga Pilipino ngayon?
Mayroon po, at ito ay napakaliwanag: masama ang kaniya-
kaniyang pagtaya ng ano ang dapat gawin; mabuti ang nagkakasama-samang bumubuo ng layunin, patakaran, plano at gawain para sa ikatatagumpay ng bansang Pilipino; masama ang ipagkait ang karunungang makabansa sa masang Pilipino; mabuti ang matiyagang ibukas ang isip ng masang Pilipino, sa pamagitan ng paliwanag na madali nilang maiintindihan. Kung minsa’y mayroon tayong maririnig na paratang na ang masang Pilipino di-umano’y mangmang at di dapat bigyan ng halaga. Sa aking abang opiniyon, iyan ay isang malaking kamalian. Ang mismong Saligang Batas natin ang nagsasabi na ang kataas-taasang kapangyarihan ay nakalagay sa taong-bayan; at alam natin na ang masa ang nakararami sa
9
ating bansa.
Samakatwid, ang masa ay dapat igalang ng lahat.
Sa
katunayan, hindi kagustuhan ng sinoman sa masa ang maging ignorante; ang pagka-mangmang ng maraming maralita ay bunga ng matagalang kapabayaan ng mga makapangyarihang nagpapatakbo ng ating lipunan. Ano po ang mensahe ng kilusang makabansa sa atin? Masama ang apihin ang ating masa; mabuti ang maki-isa sa lahat ng agrabyadong sektor ng ating lipunan; masama ang humalukipkip at magsawalang-kibo na lamang, mabuti ang ipaglaban ang kanilang karapatan. At tandaan natin na ang mahina ngayon pag nagkasama-sama ay magwawagi sa tamang takda ng panahon. Sa katunayan, marami na ang nagbabago sa pananaw ng mismong mga industriyalisadong bansa sa Amerika, Europa at Asya, dala ng napakagrabeng krisis sa ekonomiya na nangyayari sa buong daigdig. Tila marami nang may kapangyarihan sa daigdig ang gustong pigilan ang kasakiman ng tinatawag na “corporatocracy”. Halimbawa, sinabi ni Barack Obama, nang siya ay kumakampanya para maging Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika, na kailangang “ikalat ang kayamanan”. At nang siya ay naging Pangulo na, sinabi niya sa kaniyang Inaugural Address ang mga sumusunod: “…lahat ay pantay, lahat ay malaya”… “ang isang bansa ay hindi maaring sumagana kung pinapaboran lamang ang masagana”… “hindi na natin magagawa ang pagwawalang-bahala sa pagdurusa sa labas ng ating bayan, at hindi nating maaring gamitin ang kayamanan ng daigdig na walang pagsasaalang-alang sa epekto nito…”. Kaya sa muli, ano ang mensahe ng kilusang makabansa sa atin? Masama ang sumunod tayo sa mga ekonomikong ideyang lipas na; mabuti ang sumunod tayo sa mga
10
bagong ideya na angkop sa malaking ipinagbabago ng buong mundo at angkop sa ating sariling interes; masamang pabayaan ang kinabukasan sapagkat iyan ay nakalaan sa kabataang Pilipino. Pagkatapos po ng 111 taon, ano ang larawan ng ating bansa? -
isang bansa na balot ng napakaraming problemang sosyal, politikal, at ekonomikal;
-
isang bansa na ang karamihan ay lugmok sa kahirapan ng buhay at ang iilan ay may monopolyo sa kayamanan;
-
isang bansa na patuloy na pinagsasamantalahan ng mga dayuhan ang kanyang likas na yaman;
-
isang bansa na walang lakas labanan ang mga ganid na oligarko, ang mga ganid na banyagang multi-national, at mga mapanikil na banyagang bansa;
-
isang bansa na may bulok na halalan kung saan ang kapangyarihan ng salapi ang naglukluk sa pamahalaan;
-
isang bansa na hindi ginagalang;
-
isang bansa na nagkukunwaring demokrasya samantalang ang kapangyarihan ay wala sa kamay ng nakararaming masa;
-
isang bansa na hindi sinusunod ang batas;
-
isang bansa na sirang-sira ang moralidad dahil sa corruption;
-
isang bansa na gaya ng isang bulkan ay handa ng sumabog.
11
Wala po tayong katuwirang magdiwang ng ating kalayaan kung ganito ang kalagayan ng ating inang bayan. Tayong mga mamamayan, sa pangunguna ng mga makabayan, ay dapat magsama-sama upang mabago ang direksyon ng ating bayan na papunta sa tiyak na kapahamakan. At kinakailangan gawin natin ang mga sumusunod: -
hilumin ang mga sugat ng ating hindi pagkakaisa;
-
itigil ang paglalaitan, ang pagbabastusan, ang paggamit ng malalaswang salita laban sa isa’t isa;
-
itigil
ang
pag-sisiraan,
ang
pagwawasakan,
ang
pagtatapon ng putik sa pagkatao ng bawa’t isa; -
itigil ang ating pagkakawatak-watak;
-
itigil ang paglabag at pangbabaluktot ng ating mga batas;
-
itigil ang corruption;
-
itigil
ang
paglapastangan
sa
ating
eleksiyon
sa
pamamagitan ng paggamit ng salapi, at walang pakundangang pandaraya; -
itigil ang pang-aapi sa ating masa at ibalik sa kanila ang tunay na kapangyarihan;
-
itigil ang pagkakanulo ng interes ng ating bayan sa mga banyaga;
-
itigil ang kalaswaan sa ating kultura na dala ng laganap na sex video at mga sugalan;
-
itigil ang kriminalidad;
-
itigil ang pagdurog sa ating moralidad;
12
-
itigil ang napinintong pagsabog at pagkakawatak-watak ng ating bayan.
Let us all stop this journey to tragedy. Let this be not just our wish but our will. Let it be now and not never. Let us not fear to begin again but let us be afraid when we can begin no longer. Let us not wait for leaders, for all of us can lead. Let us not wait for others to come, for we cannot even wait any longer for ourselves to move. Let us have faith in the Filipino. Let us have no doubt that the Filipino can rise to greatness. In God’s perfect time, He will unite the Filipinos, He will restore righteousness in this land, He will shower this country with blessings, for our God is a God of love, a God of grace and a God of mercy. Isang mapagpalayang araw sa inyong lahat!