Noli Metangere

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Noli Metangere as PDF for free.

More details

  • Words: 1,269
  • Pages: 10
Kabanata:1

HANDAAN Isang handaan ang ipinag-anyaya ni DON Santiago de los Santos (kapitan Tiago) bago matapos ang oktubre. Sapagkat kilalang galante. Agad-agad itong lumaganp sa lahat ng dako ng Maynila bagaman naganp lamang noong hapon ang pangungumbida. Ang magarang tahanan na nakatayo sa tabi ng Wawang Binundo ay maningning at masaya sa tugtog ng orkestra. Ang mga panauhin ay tinanggap ng matandang pinsang babae ni Kapitan Tiago na si Isabel. Magkakahiwalay ang umpukan ng mga babae sa lalaki at kapuna-puna ring maingay sa pag-uusap ang huli. Isa sa mga pangkat ng panauhing ng lalong maingay ay ang grupo nila Pari Damaso, Pari Sibyla, Tinyente Guevarra, G.Laruja at isang binatang may mapulang buhok na iilang araw pa lamang ng kararating buhat sa España. Pinagtatalunan ng mga ito ang ukol sa kapabayaan ng mga Indio na nauwi sa mainitang pagtatalo. Namagitan ang pagtatalo kina Pari Damaso at Tinyente Guevarra na naging dahilan para mausisa ang pagkakaalis ni Pari Damaso sa San Diego. Sa huli, ipinahayag ng tinyente na nabatid ang Kapitan Heneral ang kaso ng pagpapahukay ni Pari Damaso sa pagpapahukay sa libing ng isang marangal na mamamayan sa San Diego na wala namang naging kasalanan maliban sa hindi pangungumpisal. Ito umano ang dahilan kung bakit napalipat sa ibang bayan ang Kura na may dalawangpung taon ding namalagi sa San Diego. Humupa nag pagtatalo sa pamamagitan ni Pari Sibyla. Untiunti namang dumadating ang iba pang panauhin na nakisama sa umpukan nila.

1

Kabanata:2

SI CRISOSTOMO IBARRA Dumating si Kapitan Tiago na kasama si Crisostomo Ibarra. Nang ipakilala niya ito sa mga panauhin, namangha ang lahat: Namutla si Pari Damaso, nag-alis ng salamn si Pari Sibyla at lumapit si Tinyente Guevarra para ito kilalaning mabuti. Napahiya si Ibarra ng lapitan niya si Pari Damaso sapagkat bukod sa hindi nito iniabot ang kamay sa nakikipag kamay na binata’y itinanggi pa nitong kaibigan niya si Don Rafael Ibarra. Bahagyang napawi ang pag-aalala ni Ibarra nang magpakilala ang tinyente at purihin nito ang kaniyang ama. Naiwang walang kakilala sa bulwagan si Ibarra kayat ipinakilala niya ang kaniyang sarili na tulad ng isang kaugaliang Aleman na natutuhan niya sa Europa. Kimin di nag paunlak ang mga kababaihan, ngunit ang mga lalaki’y nagpakilala. Kabilang sa mga nakilala ng binata ang isang makata na tumigil na sa pagsusulat. Nakilala rin niya si Kapitan Tinong na nag-imbita ng isang pananghalian sa bahay nito sa Tundo kinabukasan. Magalang itong tinanggihan ng binata sa pagsasabing tutungo siya sa San Diego kinabukasan.

2

Kabanata:3

ANG HAPUNAN Nagpananghalian si Pari Damaso at Pari Sibyla sa kabisera nangg dumulong ang mga panauhin sa hapunan. Nagparunggitan ang dalawa na hindi man lamang na alalang imbitahing sumalo si Kapitan Tiago na tinawag naman ni Ibarra kahit na wala nang silya. Nang ihain ang tinola, mga parting walang laman ang napunta kay Padre Damaso. Nagdabog siya dahil dito at agad isinulong ang kaniyang pinggan matapos humigop ng kaunting sabaw. Nagkaroon ng masiglang usapan ukol sa pag lalakbay ni Ibarra. Lahat ay nagtatanong ukol sa bansang higit na kinagiliwan ng binata. Sinagot niya na para sa kaniya, ang kalayaan ay kagipitan ng bayan ay laging may kinalaman sa kaginhawaan at kagapitan nito. Pagkarinig nito’y ininsulto siya ni Pari Damaso. Nagtimpi ang binata at magalang na nag pukol lamang ng magandang sagot sa pari. Kapag kuwa’y agad siyang nag paalam bagaman pinipigil ni Kapitan Tiago na nag sabing darating si Maria Clara at ang bagong Kura sa San Diego.

3

Kabanata:4

EREHE AT PILIBUSTERO NAglakad si Ibarra nang walang direksyon. Namangha siya sa pananatlit ng maraming pook dating ayos. Sa pagbubulay-bulay niya’y nilapitan siya ni Tinyente Guevarra. Hiniling niya dito na isalaysay kung paano namatay sa bilangguan ang kaniyang ama. Lumitaw na ang mga lihim na may kaaway ni Don Rafael ang nagging sanhi ng kasawian nito. Lumantad ang mga kaaway nang masangkot ang don sa di sinasadyang pag kamatay ng isang artilyero na nakaaway nito sa pagtatanggol sa isang batang sinasaktan. Nabilanggo ang don sa loob ng may isang taon dahil sa pag babagu-bago ng mga sakdal sa kaniya at dahil na rin sa pag-iiba-iba ng mga may-hawak ng katungkulan sa gobyerno. Labis itong nanghina sa pilitan at kung kailan pa makakalaya na’y saka namatay. Ayon sa tinyente, nasaksihan niya mismo ang pagkakamatay ng matanda. Si Ibarra ay pinag bilinan niyang mag-ingat matapos na kamayan at magpaalam.

4

Kabanata:5

TALA SA GABING MADILIM Pagdating sa tinuluyang silid sa Fonda de Lala, agad na naupo sa isang silyang nakaharap sa bintana si Ibarra. Wala sa maaliwalas at masayang tahanang nasa ibayo ng ilog ang tanaw niya gayoong naroon si Maria Clara at kapwa tinatanaw ng may paghanga at pangimbulo ng mga panauhin. Wala sa pagtitipong iyon ang-isip ng binata sapagkat nangungunita niya ang marawal na kalagayan ng kaniyang ama samantalang siya’y nasa malayong bayan. Sinusurot siya ng nakahahambal na pangitain ng kaniyang ama samantalang nagdurusa sa kapanglawan at karamdaman sa bilngguan. Naririnig niya halos ang paulit-ulit na pagtawag nito sa kaniyang pangalan. Nahimbiong siya sa matinding pagod nang dakong hating gabi. Sa pag himlay ng lahat, tanging ang batang Pransiskano lamang ang gisin, alipin wari ng kung anong alalahanin.

5

Kabanata:6

SI KAPITAN TIAGO Itinuring na isa sa mga pinakamayaman sa Bundok si Kapitan Tiago. Kasunduan niya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan: mag oamisa o mag padasal para sa kaniya, bukod sa donasyong anumang oras na hingin sa kaniya’y kaya niyang ibigay. Kasundo niya ang pamahalaan sapagkat wala siyang tutol sa anumang pataw o buwis. Masunurin siya sa batas at sa lahat ng opisyal. Hindi rin siya nakalilimot na mag regalo sa mga ito sa mga tanging araw ng kapanganakan o kapistahan nito. At higit sa lahat, hindi siya nag babasa ng mga aklat o babasahing galing sa España. Hindi siya pinag-aral ng ama dahil sa kakuriputan nito. Namasukan siya bilang katulong sa isang Dominiko na nag tiyagang turuan siya hanggang matuto. Napangasawa niya si Doña Pia Alba na nakatulong niya sa hanap buhay hanggang lumayo ang kayamanan nila. Walang naging anak ang mga-asawa sa loob ng anim na taon. Sa payo ni Pari Damaso. Namintakasi ito sa mga birhen sa Ubando hanggang sa makapaglihi. Namatay ito matapos makapanganak ng isang napakagandang batabg babae na walang minanang katangian kay Kapitan Tiago kundi ang maliliit na tainga. Giliw na giliw ang kapitan sa anak na lumaki sa pagpapala ni Tiya Isabel at ina amang si Pari Damaso. Nang mag katorse na ito. Itinira sa Beateryo ng Sta. Catalina sa kabila ng pagtutol. Masaki tang loob nitong nag paalam sa kaniyang ninong at kababatang si Crisostomo Ibarra. Ilang taon pagkaraan, tumanggap ang mag kababata ng pasabing sila’y ikakasal sapagkat naniniwala ang kanilang mga magulang na nagmamahalan sila.

6

Kabanata:7

SUYUAN SA ASOTEA Maagang nagsimba kinabukasan ang mag-aleng sina Maria Clara at Tiya Isabel. Nagyaya agad-agad ang dalaga sa paguwi matapos ang misa sa kasabikang makita si Ibarra. Pagkaalmusal, nagkani-kanilang gawain ang mga anak. Napag-usapan ang pamamaalam ni Maria sa Beateryo at ang pagbabakasyon sa San Diego. Nang dumating si Ibarra ay tarantang pumasok sa sili-dalangitan ang dalaga, bagay na ikinatawa ng mag pinsang Tiago at Isabel. Ang pag-uusap ng magkasintahan sa Asotea ay tigib ng mga gunita ng kamustahan. Mga tuyong dahon ng sambong kay Ibarra at isang sulat naman ng pamamaalam kay Maria. Nabalisa si Ibarra nang basahin ni Maria ang liham at nabanggit doon ang kanyang ama. Nagpaalam siyang dalidali upang makadalaw sa libing ng ama dahil kinabukasa’y araw ng mga patay. Mabigat man ang loob ng dalaga’y pinalakad niya ang kasintahan.

7

Buod: Kabanata 1-7

NOLI METANGE RE NI: JOSE RIZAL

8

PROYEKT O SA FILIPINO III 9

Jeraldine Romans III-Elm Tree Mrs.Del Rosario

10

Related Documents

Noli Metangere
June 2020 1
Noli
April 2020 14
Noli
May 2020 10
Noli Buod.docx
November 2019 13
Noli Group Work
November 2019 37
Noli Me Tangere.docx
April 2020 7