JUNRAYCBAUTISTA0265011 25. Elias Si Elias ang tagapaghatid ng mga lunggati ng maraming sawimpalad. Inilahad niya kay Ibarra ang pag-uusap nila ng pinuno ng tulisan habang namamangka sila sa lawa. Dito ay hiniling ni Elias kay Ibarra ang tatlong reporma: reporma sa hukbong sandatahan, sa Simbahan, at sa pangangasiwa ng hustisya. Ang ibig sabihin ay humihingi sila ng pagtingin ng isang ama mula sa panig ng Gobyerno. Ipinaliwang ni Elias ang mga hiling na reporma. Sa reproma sa hukbong sandatahan, sinabing kailangan ng higit na paggalang sa dangal ng tao at higit na pangangalaga sa bawat tao habang binabawasan ang bilang ng hukbong sandatahan at binabawasan ang pribilihiyong walang-habas na inaabuso ng pangkat na ito. Sinabi rin na dapat isaalang-alang na maari lamang makapaghigpit ang lipunan sa mga tao kung dinudulot nito sa kanila ang mga kailangan tungo sa kanilang kaganapang moral. Sa reporma sa Simbahan, hindi hinihingi ng mga sawimpalad ang pagbuwag sa relihiyon, bagkus ay humihingi lamng sila ng mga repormang kailangan sa loob ng mga bagong kalagayan at mga bagong pangangailangan. Hindi ibig sabihin na dahil mababait ang mga naunang misyonero ng Simbahan ay pahihintulutan na ang pagmamalabis ng mga tagapagmanang mga fraile. Tungkol naman sa reporma sa pangangasiwa ng hustisya, nawawala ang saysay ng hustisya dahil hindi pinapayagan ang pagtutol sa paniniil ng isang legal na lakas. Natatakot ang lahat na mapagmalupitan sa mga walang-saysay na dahilan. Dahil dito ay walang nakukuha ng mga tao sa pagtitimpi nila ng galit at sa pag-asa sa hustisya. 26. Vae Victis Sa kabanatang ito inilahad ang pagtortyur kay Tarsilo Alasigan. Si Tarsilo ay isa sa mga sumalakay sa kuwartel noong isang gabi. Sa kasamaang palad ay nahuli siya at ang kanyang kapatid na si Bruno kaya sila ay napiit sa bilangguan. Namatay si Bruno sa loob ng bilangguan ngunit nakuha ang kanyang deklarasyon. Siniyasat ng alferez si Tarsilo at tinanong kung an gang ipninangako ni Crisostomo Ibarra para salakayin ang kuwartel. Sinabi niyang walang kinalaman si Ibarra at ang tanging dahilan ng kanilang pagsalakay ay upang ipaghiganti ang kanilang amang namatay sa palo. Walang anumang inamin si Tarsilo kaya siya ay iginapos sa bangkong kahoy at pinalo nang pinalo ng yantok. Nagawa pa niyang insultuhin ang musa ng alferez na si Donya Consolacion. Dahil dito ay iminungkahi ni Donya Consolacion na dalhin sa balon si Tarsilo. Ang parusang pagpapalubog sa balon ay hango sa kawikaang “verdad saliendo de un pozo” (lumalabas sa balon ang katotohanan). Inilubog si Tarsilo sa maruming balong ng mga ilang beses ngunit wala siyang inamin tungkol sa pagsalakay sa kuwartel. Sa huling pagangat sa kanya mula sa balon ay patay na siya na nakabaluktot ang dila na tila ibig lulunin. 27-29. Tarsilo, Bruno at Pedro Kilalanin muna natin sila Trasilo, Bruno at Pedro. Sina Tarsilo at Bruno ay magkapatid na namatay ang ama sa mga palong ibinigay sa kaniya ng mga sundalo. Nais
nilang ipaghiganti ito. Nasa sabungan sila noon at gustong pumusta ngunit wala silang pera. Inalok ni Lucas na bibigyan ng pera ang dalawa kung papayag silang maglingkod kay Crisostomo Ibarra. Noong una ay hindi pumayag si Tarsilo dahil iniisip niya ang kanilang kapatid ngunit nang makita nila si Lucas na binibigyan ng maraming pera si Pedro ay nagpasya si Bruno na tanggapin ang alok. Sinabihan sila ni Lucas maghanap pa ng ibang kasama dahil sasalakay sila sa kuwartel sa makalawang gabi bandang ikawalo. Sa sementeryo ang kanilang tagpuan para sa mga huling utos ni Ibarra. Sa kabanatang Baraha ng mga Patay at mga Anino, nagtagpo sina Tarsilo, Bruno at Pedro sa sementeryo. May kanya-kanya silang dahilan kung bakit nila tinanggap ang alok. Ang dahilan ng magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay upang ipaghiganti nang kanilang ama at ang kay Pedro naman ay dahil ipinapagamot ni Ibarra ang kanyng asawa sa isang doctor sa Maynila. Pagkaran ng sandali ay dumating na si Lucas at sinabi sa tatlo na bukas ng gabi makukuha ng armas sa pagsalakay at pinaalis na niya ng mga ito. 30. Donya Pia Alba Si Donya Pia Alba ang asawa ni Kapitan Tiago na mula sa Sta. Cruz. Siya ang tumulong kay Kapitan Tiago sa pagpapayaman at pagtaas sa kanyang katayuang panglipunan. Hindi nasiyahan si Donya Pia sa hanapbuhay ni Kapitan Tiago bilang mangangalakal na bumibili ng asukal, kape at tina upang ibenta. Nais niyang magtanim at mag-ani kaya bumili ang mag-asawa ng mga lupain sa bayan ng San Diego. Dito nagsimula ang pagkakaibigan nila kay Padre Damaso na kura sa San Diego at kay Don Rafael Ibarra na pinakamayamang kapitalista ng bayan. Matagal na hindi nagkaroon ng anak ang mag-asawa hanggang payuhan sila ni Padre Damaso na magtungo sa Obando at magsayaw sa pista ni San Pascual Bailon. Hindi nagkamali ang mag-asawa sa passunod sa payo ng fraile dahil nagdalang tao si Donya Pia. Salungat ang naging reaksyon ni Donya Pia sa pagdadalang tao. Imbes na maging masaya ay naging napakamalungkutin siya at hindi siya nakita pang ngumiti. Kinasusuklaman niya ang anak sa sinapupunan. Sabi ng lahat, pati ni Kapitan Tiago, na dala lamang ng sumpong ng naglilihi. Isang lagnat ng kapapanganak ang tumapos sa kanyang kalungkutan. 31. Pilosopo Tasyo Paparating ang unos nang magtungong simbahan si Pilisop Tasio. Nakita niya roon ang dalawang sakristan na nagtatayo ng isang tumba na naliligid ng ng mga kandilang nakatirik sa kandelabrang kahoy. Si Basilio ang nakatatanda na mga sampung taing gulang at si Crispin naman ang nakababata na mga pitong taong gulang. Nilapitan niya and dalawang sakristan at tinanong kung sasama sila sa kanya dahil naghanda raw ang kanilang ina ng isang hapunang pangkura na ukol sa kanila. Sumagot ang dalawa na ayaw pa silang paalisin ng sakristan mayor hanggang alas-otso. Umaasa rin ang dalawa na makukuha ang kanilang suweldo upang ibigay sa kanilang ina. Umakyat sina Basilio at Crispin sa tore habang sinusundan ng tingin ni Tasio. Si Pilosopo Tasio ang nagmungkahi sa bawat bagong kapitan na bumili ng pararayos ngunit pinagtawanan lamang siya ng lahat. Sa halip ay bomba’t kohote ang binili at mga repike ng kampana ang binabayaran.
Nang nagawi si Rizal sa bahay ni Pilosopo Tasio upang isangguni ang tungkol sa pagpapatayo ng paaralan ay nabanggit sa kanilang usapan ang tungkol sa Gobyerno. Sinabi ni Pilosopo Tasio na ang Gobyerno ay hindi nakakakita , hindi nakakrinig, hindi nakapagpapasiya nang labas sa ipinapakita, ipinaparinig, at ipinapasya ng kura at ng probinsyal. Hindi nangangarap ng anumang malusog na hinaharap ang Gobyerno. Sinabi naman ni Ibarra na masiyahin ang ating bayan at hindi dumaraing ni naghihirap tulad ng ibang bansa. Sinagot ng Pilosopo si Ibarra na hinid dumaraing ang bayan dahil walang tinig, hindi kumikilos dahil nanghihina. Subalit darating ang araw na gagalaw rin ang bayan. Sa isang sipi mula sa sinabi ni Pilosopong Tasio sa paggalaw ng bayan: “Kapag sinikatan ng liwang ng araw ang anak ng mga anino, darating ang nakahihindik na kilos ng paghihiganti: ang naiipong lakas sa loob ng mga dantaon, ang natitipong kamandag na dinalisay ng patak-patak, ang nalikom na sinikil ng hinagpis ay lilitaw at sasabog…” 32. Maria Clara Ang pag-awit ni Maria Clara ay naganap habang sila ay nagingisda. Una ay hinilingan si Victoria para umawit ngunit idinahilan niyang tumututol ang mga lalaki at minamalat siya. Dahil dito ay nahilingang umawit si Maria. Sinabi ni Maria na malingkot ang kanyang mga awitin ngunit hindi na naghintay ng pamimplit. Kinuha ang alpa at umawit ng buong damdamin. Ang kanyang awit ay tungkol sa pag-ibig sa bayan at sa ina. Narito ang ilang mga taludtod mula sa kanta: Kay tamis mabuhay sa sariling bayan Lahat kaibigan sa silong ng araw, Buhay kahit simoy buhat sa parang, Aliw ang mamatay, umibig ay banal . . . Maalab na halik sa labi’y kasilaw Magmula sa dibdib ng ina paggising; Ang hanap ng bisig ay yapusin, At napapangiti ang mata pagtingin . . . Kay tamis mamatay kung dahil sa bayan, Lahat kaibigan sa silong ng araw; Lason kahit simoy paras sa sinumang Walang bayan, walang ina’t minamahal.
end