News Digest January - March 2009

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View News Digest January - March 2009 as PDF for free.

More details

  • Words: 6,252
  • Pages: 11
VOLUME XXIX, ISSUE 1

JANUARY-MARCH 2009

SBMPC NEWS DIGEST SUBIC BAY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

Taunang Pangkalahatang Pulong at Halalan...

Naging matagumpay ang taunang pangkalahatang pulong at halalan ng mga opisyales ng SBMPC nuong ika13 ng Marso 2009 na may t ema ng “ K o op erati ba, Hamon sa Makabagong Panahon” na ginanap sa Subic Gym, Subic Bay Freeport Zone. Nagkaroon ng isang Thanksgiving Mass sa loob ng tanggapan ng SBMPC ng alas otso ng umaga na dinaluhan ng mga opisyales, kawani at kasapi. Ang tagapanguna sa misa ay si Reberendo Padre Nelson C. Vencilao sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Isang maliit na salu-salo ang inihanda ng pamunuan sa lahat ng mga nagsidalo sa nasabing misa. Ang pagpapatala ng mga kasapiang dadalo na nabibilang sa “members in good standings” o MIGS ay nagsimula sa ganap na ika-siyam ng umaga hanggang ikadalawa ng hapon sa pamamagitan ng ating mga masisi-

pag na kawani ng kooperatiba. Aktibong nagsilahok ang mahigit na 685 na kasaping MIGS at ng ating butihing mayor ng Olongapo City, Hon. James (Bong) Gordon, Jr. ang naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon. Pinuri ni Mayor Gordon ang pamunuan dahil sa kanilang pagsusumikap ay namamalagi ang kooperatiba sa pagtulong sa kanyang kasapi mula pa noong may Base Militar ng mga Amerikano hanggang sa kasalukuyan na nagsisilbi sa mga empleyado ng SBMA at mga kumpanya sa loob ng Subic Bay Freeport Zone. Nawa ang SBMPC ay patuloy na magsilbing isang instrumento sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kanilang kasapian, dagdag pa ni Mayor Gordon. Matapos ang makabuluhang pananalita ng ating panauhing pangdangal ay nagkaroon ng isang malayang talakayan tungkol sa mga ulat ng Lupon ng Patnugutan at mga Komite. Ito ay sinundan ng eleksyon para sa mga magiging bagong opisyales ng SBMPC. Namigay ang pamunuan ng white T-shirts na may tatak na ‘MIGS AKO! SANA IKAW RIN” sa loob ng mga miyembro na nakilahok sa halalan. Ganap na alas siyete ng gabi ay nagsara ang Lupon ng Halalan para sa pagboto at matapos ang kalahating oras ay nagsimula

na ang canvassing ng mga balota. Nagkaroon din ng raffle draw para sa mga dumalong kasapi sa Taunang Pagpupulong at Scholarship Raffle Draw para sa mga iskolar ng kooperatiba. Ang mga masuwerteng kasapi na nabunot ang kanilang mga stub/ticket (listahan ng mga nananalo ay nasa pahina 6). Matapos ang matagal na paghihintay, prinoklama ng Lupon ng Halalan ay mga sumusunod na nanalong mga kandidato sa mga nasabing posisyon:

How to become a member of the SBMPC... •

Must attend the PreMembership Seminar (PMES) and pays the seminar fee of P65.00.



Fill up a duly SBMPC application form for membership.



Pays the membership fee of P60.00 and initial share deposit of P200.00



Submit latest 1 pc 1” x1” ID picture.

A. Lupon ng Patnugutan 1. Almira T. Capistrano 2. Rolando R. Alarcon

Inside this issue:

3. Nancy M. Bernal B. Lupon ng Tagasuri

Tilamsik ng Diwa

2

1. Gloria S. Gadiano

From the Chairperson’s Desk

3

Buhay Pinansiyal

4-5

2. Stephen C. Ferrer K. Lupon ng Pagpapahiram 1. Ranny D. Magno 2. Joel G. Viray D. Lupon ng Halalan 1. Vincent N. Esteban 2. Renato C. Gayondato Sa mga nanalong kandidato, MABUHAY KAYO at dalangin naming na makapagsilbi kayo ng may katapatan sa ating kasapian. (Ulat ni Vicky Corpuz, Chairman Election Committee)

SBMPC ranked 3rd sa Best 6 Performing Coop... 1st Central Luzon Coop Congress matagumpay...

6

Re-organizational meeting...

7

Monthly Winners of Scholarship Raffle Draw

8

Winners of GA & Scholarship Raffle Draw

9

Coop News Updates

10

SBMPC NEWS DIGEST Page 2

EDITORIAL… MIGS AKO! Sana Ikaw Rin…. Ito po ay opinyon ko lamang sa nakaraang General Assembly at eleksyon na ginanap noong Marso 13, 2009.

“Alam naman natin sa sarili natin kung tayo ay palagiang nakakabayad ng ating shares at loans. Itong dalawang ito ang pinakaimportanteng responsibilidad ng mga miyembro ng SBMPC na maging MIGS ang bawat miyembro.”

Ang isa sa laging pinagtatalunan ay ang mga hindi makaboto. Sa una pa lang na pag-attend ng PreMembership Seminar (PMES) ay ipinaliliwanag na kung ano ang responsibilidad ng pagiging miyembro sa SBMPC. Ipinaliliwanag kung ano ang responsibilidad ng bawat miyembro, ano ag tungkulin lalo na ang pagiging Member in Good Standing o MIGS. Alam naman natin sa sarili natin kung tayo ay palagiang nakakabayad ng ating shares at loans. Itong dalawang ito ang pinakaimportanteng responsibilidad ng mga miyembro ng SBMPC na maging MIGS ang bawat miyembro. Kung ito po ay ating nagagampanan wala po siguro tayong problema sa pagkandidato at pagboto pagdating ng GA at halalan. Ang pamunuan po ay nag-

papadala ng imbitasyon para sa mga miyembro na MIGS lamang. Kapag kayo ay hindi MIGS wala po kayong matatanggap na imbitasyon though kung minsan may nakakaligtaan din, hindi po kasi tayo perpekto, kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga pangyayaring ganito. Sa mga susunod po sana na GA at halalan ay maging maayos na ang lahat. Kilala po natin ang sarili natin, kaya po wag po kayong magalit sa SBMPC kung hindi po kayo makapagparticipate sa GA at halalang gaganapin sa ibang mga araw. Para po sa kaalaman ng lahat uulitin po amin ang mga baseha para maging isang regular na miyembro na good standing na maaaring pagparehistro o makaboto tuwing may GA o taunang pagpupulong: 1.

Nakakapaghulog ng buwanang saping puhunan o monthly shares capital build-up sa kooperatiba.

2.

Nakakapaghulog ng buwanang takdangbayarin sa pagkakautang o monthly loan amortization sa kooperatiba.

3.

Para sa baguhang miyembro: Nakapagimpok ng Dalawang Libong Piso (P2,000.00) sa saping puhunan o share capital at anim (6) na buwang miyembro.

Sa kabuuan po ay nakaraos ang ating GA kahit na may konting kaguluhan. Nais po naming ipaalam din sa ating kapwa miyembro na ang nilalalaman po ng ating 2008 Annual Report ay naayon sa report na ibinigay ng ating mga staffs, reviewed by the Audit & Inventory Committee at External Auditors. Ang pamunuan ng SBMPC naman po ay transparent sa lahat. Kung kayo po ay may mga katanungan, ang opisina po ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 a.m. to 6:00 p.m.

TILAMSIK NG DIWA Ni: Ranny D. Magno, CreCom Chairman

Maligayang Pagkabuhay sa a t i n g m g a mananampalatayang Kristiyano. Ito ang panahon ng pagdiriwang ng panibagong pag-asa sa hinaharap. Bagamat ang ating katawang lupa ay nakatuntong sa lupa hindi ito nangangahulugang ating binibigyan ng katuwiran ang ating mga pagkukulang at mga kamalian sa buhay. Atin ngang kalimutan ang nakaraan at humakbang sa bagong yugto ng ating buhay. Makaraan ang Pangkahalatang

Pagpupulong at pagtatalaga ng mga bagong pamunuan ng ating kooperatiba minsan pang muli nating suriin ang tunay na mukha at takbo ng pamunuan kung ito’y tumutugon hindi lamang sa iilan kundi sa nakakarami sa loob at labas ng kooperatiba. Bahagi ng Pangakong Kooperatiba na ating binibigkas sa tuwing may programa ay ganito…”Isasakatuparan ko lahat ng pananagutan at patuloy na mamumuhay sa pilosopiya ng Kooperatiba. Iisang pananaw, iisang paniniwala, iisang damdamin sa samahang kooperatiba...” Kaibigan at kasama sa kilusang kooperatiba salaminin mo ang inyong sarili.

Sa mga susunod pang Pangkahalatang Pagpupulong at Halalang Pamunuan magandang maipamalas ang katapatan sa sarili at kapwa. Maging mapanuri at mapagmatyag sa mga nagaganap upang patuloy nating makamit ang katagumpayan at katuparan ng ating mga layunin sa kilusang kooperatiba. Ang Dakilang Lumikha ang patuloy na magpapala sa ating tapat na panunungkulan at Siya ang magpatibay sa ating samahan. Maligayang Pagkabuhay!

SBMPC NEWS DIGEST Page 3

FROM THE CHAIRPERSON’S DESK… Leticia M. Doropan Chairman, Board of Directors

“YOU CAN NEVER PUT A GOOD MAN DOWN.” These are the thoughts I lived by since childhood. I wish to share this to everyone to remember in their everyday life at home or at work.

“These we all owe to God, the Almighty, for having guided us through the years and HE did not let anyone put down these good men and women of SBMPC.”

Lahat tayo ay may mga agam-agam sa buhay—may kasiyahan at kalungkutan. Ang iba marahil ay lubhang mahirap o mabigat ang pasanin at ang iba naman ay maaaring kayang-kaya nating harapin. Ngunit, alam nyo ba na anu man ang mga ito, ay dapat nating isipin na ito ay mga pagsubok lamang sa buhay at siyang nagbibigay lakas para patuloy nating labanan at harapin ang mga pagsubok na ito. Maaaring ang mga ito ay mula sa ating mga tahanan, sa ating trabaho, sa pakikisalamuha sa ating mga kakilala at kaibigan, sa ating mga pamilya, o maaari ding sa pagmamasid sa mga nakapaligid sa atin. Hindi po lingid sa inyong kaalaman na ang maglingkod sa SBMPC ay paglilingkod din sa iba’t-ibang uri ng tao (miyembro, opis-yales, ka-trabaho, etc.) na may kanyakanyang kata-ngian. Ang

“Success is getting what you want. Happiness is liking what you get.” H Jackson Brown

higit na mahalaga ay kung paano tayo magpuri at ibigay ang ating sarili sa Panginoon bago natin simulan ang ating pangaraw-araw na gawain sa bahay man o sa trabaho. Ito ay mahalaga sapagka’t kailangan natin ang gabay ng ating Panginoon sa araw-araw. Kalimitan, ang mga miyembro o mga taong ating nakakasalamuha ay hindi masaya sa aming mga serbisyo. Ang mga taong ito ay pilit na tayo ay inilalaglag at nagbibitiw ng mga salitang hindi kanaisnais na lubhang ikinasasakit ng ating kalooban at higit sa lahat ng buong organisasyon—ang kooperatiba o SBMPC. Magkagayon man, alam ko na lahat kayo ay may mabubunying kaloobang hindi pwedeng palitan o kalimutan. Kayo pong lahat ay kayamanan at buhay ng SBMPC at ang sinumang magtangka ng hindi maganda sa inyo bilang tao ay walang dudang hindi magtatagumpay katulad din ng mga maninirangdila sa ating kooperatiba. Lahat tayo ay magkakaisa

“In spite of everything, I still believe that people are good at heart.” Anne Franck

at magtutulungan laban sa mga taong pilit na nagpapabagsak sa atin. Labanan natin ang mga taong may matatalim na pangil at matatalas na dila na patuloy sa pagsira ng ating Samahan. Isang mataos at tapat na paglilingkod ang ating sandata laban sa kanila at ito ay patuloy nating gagawin ng mahabang panahon. Katulad ko, lahat tayo ay nakaranas ng mga mabibigat na pagsubok na dumaan sa ating buhay at lahat ng ito ay ating napaglabanan, nakayanan at nasolusyunan. Bakt? Sapagka’t tayong lahat na sumusuporta sa ating Kooperatiba ay mga mabubuting nilalang ng ating Panginoon—na patuloy na gumagabay sa atin. These we all owe to God, the Almighty, for having guided us through the years and HE did not let anyone put down these good men and women of SBMPC. GOD BLESS US ALL…. MABUHAY ANG SBMPC!

“Happiness is something that comes into our lives through doors we don’t even remember leaving open.” Emily Carr

SBMPC NEWS DIGEST Page 4

BUHAY PINANSIYAL Ni: Erwin M. Cabe Vice-Chairman, Credit Committee Marami sa atin a n g umabot na sa retirem e n t age ay umaasa pa na makakapaghanap ng maaring mapapasukang hanap-buhay o naghihintay pa sa ayuda ng mga mga kayang kamaganak na nasa abroad o sa mga kaibigan dahil hindi nga naman sapat ang buwanang pension na tinatanggap mula sa SSS o kaya sa GSIS benefits. Halos maibenta na lahat ng mga naipundar na gamit at ibang ari-arian dahil wala ng maaring maasahan pa kundi iyon lamang. Hindi sasapat. Hindi kakasya ang budget. Kapos, kakapusin talaga. Sa ibang tanggapan na lamang ay may mga hired employees na maagang nag-retiro sa serbisyo subali’t kailangan pa rin maghanap-buhay hindi bilang “consultant” o hinahanap pa ng katawan na magtrabaho, kundi totoong kailangan pang maghanapbuhay sapagka’t ang tinatanggap na pension o allowances ay hindi sasapat para makatugon sa “needs” o kaya “want” na gusto niyang lifestyle. You are in charge what kind of financial condition you want in your entire life but as member of the SBMPC, I must tell and share you that most of the successful employees, on or off base, private or government, businessmen, single proprietors, who are long time members have story to tell how they started their financial life story. Most of them failed, to some succeeded. Ganoon lang, some succeeded, some failed. Success then failure, failure then success. Ako rin. Success then failure, failure then success. Pero, I learned a lot from my own mistakes and by others mistake.

Huwag mong aksayahin ang panahon habang makakaipon ka pa. Habang malakas at permenente pa ang iyong hanap-buhay, tulungan ang sarili mong makaahon sa start-up stage ng iyong buhay pinansiyal. Huwag kang magalala kaya mo ito. Tutulungan ka naming dito sa kooperatiba. TANDAAN MO LAMANG ANG MGA ITO All of us go through four (4) stages in our financial life:



Start-up Stage



Build-up Stage



Asset allocation Stage



Retirement Stage

Start-up Stage—This is when your only source of income is your salary or earnings provided by your active participation in terms of time, skills, knowledge and ability. Lahat ng kita mo ay galling sa iyong sarling oras, kaalaman, abilidad at pagod. Naghahanap-buhay ka habang regular na nagtatabi ka ng fixed saving share na hindi maaring galawin: Tamang gawain: savings=expenses)

(Income-

Maling Gawain: expenses=savings)

(Income-

Build-up Stage—This is when you now have some income coming from savings, share or investments contribute about at least 20% of your total income. Nagtatrabaho ka pa rin ngunit mga 20% ng iyong kita ay nanggagaling na sa interest ng iyong naipon o kita ng napamuhunang pera. Dahil sa fixed savings mo (shares) ay nakabili ka ng pamasadang tricycle habang lumalaki at patuloy ka pa ring regular na nag-iipon ng fixed savings (shares) mo hanggang na nakabili ka pa na isang tricycle na pamasada. Asset Allocation Stage—This is when at least a good portion (30-60%) of your income is being provided by your savings, shares and investments. Nagtatrabaho ka pa rin ngunit 30-60% ng iyong kita ay nanggagaling sa interest na iyong naipon o kita ng napamuhunang pera. Sa boundary ng iyong tricycle at sa iyong fix

savings, nakayanan mong makapagpundar ng sari-sari store, nakapangutang ka sa banko, namili ng brand new van. Ginawa mong rental for hire vehicle, hanggang nakayanan mo ng isa pang shuttle service na pinanghahanap-buhay. Ang sari-sari store mo naman, araw-araw ay may kolektor ng SBMPC nagdedeposito sa koop para makaipon pa. Inilabas mo lamang ang naipon mo nang may nagsasanlang tira uli na kapitbahay mo. Pangatlong sanlang-tira na ang transaksiyon mong ito. Ang iba pang fixed savings mo ay nagawa mong bumili pa ng long term mutual funds at iba pang mga investments na hiwa-hiwalay. Nagallocate ka rin para makabili ng life insurance plan para sa iyo, sa pamilya mo at maging sa seguro ng mga ari-arian mo. Pati na health insurance ay bumili ka. Ang tawag ng iba dito ay Fine Tuning Stage. Tinotoo mo na ang iyong buhay pinansiyal. Retirement Stage—This is when your income, shares and investments are your only source of income to support your living expenses and you can afford to stop active earnings. Lahat ng pera mo ay nanggagaling na sa interest ng iyong naipon o kita ng iyog napamuhunang pera. Hindi ka na nagtatrabaho bilang empleyado. Sapat ng tugunan ang pangangailangan depende sa lifestyle mo kung papaano ang naipon, interest o kita ng iyong napamuhunan ay kaya hanggang sa ikaw ay nabubuhay. Ang “life stages” ay hindi hinahambing sa edad ng tao. Mayroong tao na bata pa ay nasa “asset allocation stage” na at mayroon namang may katandaan na ngunit nasa “Start Up” pa lamang. Parating isipin na kung sakali matanggal ka sa trabaho o nawalan ng hanap-buhay, may naipon ka ba habang naghahanap ng ibang mapapasukan. Kung meron kakasya ba ng anim na buwan? Gaano katagal?

SBMPC NEWS DIGEST Page 5 Con’t. Buhay Pinansyal… Bilang miyembro sa kooperatiba, dapat suriin ang kasalukuyang buhay pinansyal at gumawa ng plano ng pagpapalago ng iyong kayamanan o ipon batay sa “Life Stage” mo. Sa susunod na serye ng aking kolum ay maglalahad ako ng mga miyembro natin sa kooperatiba kung paano siya nakaahon at nakapagsimula sa “build-up stage” at narrating niya rin ang “asset allocation stage” habang siya ay isa lamang empleyado na may active income sa US Naval Base. Naghahanap-buhay pa rin siya habang may iba pang negosyo (passive income) kahit kaunting oras lamang o attention ang inuukol. Kung papaano iya napagsumikapang magtagumpay at bakit significant ang SBMPC ay kabalikat niya upang maging Malaya siya sa Kakapusan (Financial Freedom) ay aalamin natin sa susunod na kabanata. TANDAAN! KAYA MO RIN ITO

SBMPC—Tulong sa kanyang Miyembro… Maligayang araw po sa ating lahat. Matagal na rin pong panahon ang pagiging miyembro ko sa kooperatibang ito. Sa pagiging miAlicia Yumul FSC-Green Bri- yembro ko, maramirami na rin ang nanggade yari o nabago sa takbo ng aking pamumuhay. Dahil sa tuwing maglo-loan ako, napupunta ito sa mga proyekto o sa pag-aaral ng aking mga anak. Nakapagpatapos ako ng dalawang anak sa elementarya. Naipaayos ko rin ng paunti-unti ang bahay namin. Sa tulong ng kooperatibang ito, natulungan ko rin ang aking mga kapatid. Nakabili rin ako ng mga kasangkapan sa bahay. Sa tagal ng panahon, malaki ang malasakit ko sa kooperatibang ito. Kaya sa mga kapwa ko kasapi ng kooperatiba, tulong-tulong po tayong pagmalasakitan at paunlarin pa ang ating kooperatiba. Ang tagumpay ng kooperatiba ay tagumpay nating lahat.

A—I am very systematic about planning for my future and feel reasonably confident that I will have enough to retire comfortably on.

PATALASTAS… Sa lahat ng kasapi ng SBMPC, Mangyari lang pong magsumite ng 1 pc 1” x 1” ID photo sa Customer Service Dept. para magkaroon ng coop ID.

B—I may not always save as much as I could or should, but am saving on a consistent basis and feel pretty confident that will have o any problem.

Ang ID fee po ay P10.00.

C—I am somewhat worried as I have such a difficult time saving money.

EXPERIENCE THE HEALTHIEST WAY OF COOKING WITH THE INOS BRAND OF SURGICAL STAINLESS STEEL COOKWARE…

D—I am quite anxious, as I don’t really know where to run to in order to learn how. E—I don’t have any savings but am not too worried, the future will take care of itself.

April 20 Bregilda Coloma Annabelle Gutlay Regalario Jaring, Sr. Jasmin Manalo Irene Maya Oscar Quidling Meldy Usi April 21 Ernesto Cabalic Ernesto Robles Jose Canaynay April 22 Leo Busa Bobby Gonzales Juanita Hilario Raquel Robles April 23 Daniel Edejer Alicia Mendoza

When it comes to retirement… (Mamili ng isa kung saang stage kayo)

BIRTHDAY CELEBRANTS FOR THE MONTH OF APRIL 2009:

Hanapin si Grace Wong at Grace Medina sa iba pang mga detalye.

Paterno Opulento Carlina Tungol April 24 Janet Cabongca Redella Dulay Salvacion Rabacca Leonardo Ranola April 25 Dioleta Abad Lucia Moreno April 26 Mary Ann Lugtu Criselda Pascual Darwin Velarde April 27

INTERESTED MEMBER CAN AVAIL IT THRU FINANCING LOAN...APPLY NOW!!!

April Aragaza Verna Cabe

VOLUME XXIX, ISSUE 1 Page 6

SBMPC ranked 3rd sa Best Performing Coop... Isang masayang balita na ang ating kooperatiba “SBM PC” ay naging kandidato sa Best Performing Coop ayon sa COOP— PESOS Performance Standard na napili ng Cooperative Development Authority. Ang limang nominadong kooperatiba sa Central Luzon na may rating na lampas 70% ay ang mga sumusunod: (1) Parish of St. Francis de Asisi-Meycauayn MPC; (2) Bulacan Employees MPC; (3) Association of Small Christian Community MPC; (4) Subic Bay Multi-Purpose Cooperative at (5) Apung

Monica de Minalin MPC. Ang nangunang kooperatiba na may parehong rating ay ang Parish of St. Francis de Asisi, Meycauyan MPC at ang Bulacan Employees MPC. Ang paggawad ng Award ay ginawa sa pangalang araw ng First Central Luzon Cooperative Congress na ginanap noong Marso 10, 2009 sa Olongapo Convention Center, Old Hospital Road, Olongapo City. Ang parangal ay dinaluhan ng mga opisyales at kawani ng mga kooperatiba sa Central Luzon. Ang

kagalang-galang na Senador Juan Miguel F. Zubiri ang siyang naggawad ng parangal sa mga opisyales ng mga nanalong kooperatiba. Ang nasabing nominasyon ay isang tagumpay ng ating kooperatiba. Ito rin ay maging hamon sa mga miyembro, opisyales at kawani upang pag-ibayuhin ang ating pagsisikap na lalong mapaunlad ang mga serbisyo, benepisyo at negosyo ng ating kooperatiba.

Five simple rules to be happy… 1. Free your heart from hatred, 2. Free your mind from worries; 3. Live simply; 4. Give more; 5. Expect less.

MABUHAY ANG SBMPC...

1st Central Luzon Coop Congress matagumpay… Ang idinaos na 1st Central Luzon Cooperative Congress na ginanap sa Olongapo Convention Center noong Marso 9-11, 2009 ay naging matagumpay. Ito ay dinaluhan ng mga opisyales ng mga kooperatiba sa Gitnang Luzon. Naging panauhin sa kongreso si Senador Juan Miguel “Migs” Zuburi, na siya ding Chairman ng Committee on Cooperatives sa senado. Ayon kay Senador Zubiri, marami na siyang naging experience kung paano pinatatakbo ang isang kooperatiba lalo na nung siya ay nasa local government pa ng Bukidnon at masasabi na talagang maka-kooperatiba siya dahil ito ang sektor na talagang gusto niyang matulungan kaya tinanggap niya ang pagiging Chairman ng Committee on Cooperatives. Ayon pa kay Senador Zubiri na isa sa

mga amyenda sa batas ukol sa kooperatiba ay ang tax exemption ng lahat ng mga kooperatiba sa kanilang mga negosyo kasama na dito ang exemption sa VAT. Ang pag-aayos ng batas ay upang lalong mapalakas ang kilusang kooperatiba sa buong Pilipinas at makapaglingkod ito ng maayos sa kani-kanilang mga kasapi. Nakiusap din si Senador Zubiri sa mga taga local government unit (LGUs) upang makilahok sa tamang implementasyon sa kanilang nasasakupan. Ayon pa rin sa bagong batas, sinabi ni Senador Zubiri na may preferential rights ang mga kooperatiba ng magsasaka at mangingisda na mabigyan sila ng puwesto sa public market upang madaling maibenta ang kanilang mga produkto. Gayon din ang transport cooperative na mabigyan ng mga terminal. Madaming mga delegado ang labis na natuwa sa mga binalita ni Senador Zubiri.

Nandun din si Senador Ricard Gordon na nagsabi na kailangang malinaw ang pananaw ng cooperative sector at ano ang tatahaking direksiyon para maging globally competitive cooperative. Hinamon niya ang sector ng kooperatiba na lalo pang magpalakas sa pamamagitan ng tamang edukasyon para sa lahat ng kanilang mga kasapi. Si Chairperson Lecira Juarez ng Cooperative Development Authority ay naglahad ng kasalukuyang kalagayan ng kooperatiba sa Pilipinas at ito ay sinundan naman ng paglalahad ng mga best cooperative practices mula sa mga nangungunang kooperatiba sa Central Luzon. KUDOS sa Regioal Cooperative Devt. Council na siyang organizer ng nasabing congress! (Ulat ni Direktor Almira T. Capistrano)

“Ang pag-aayos ng batas ay upang lalong mapalakas ang k i l u s a n g kooperatiba sa buong Pilipinas at makapaglingkod ito ng maayos sa kani-kanilang mga kasapi.”

SBMPC NEWS DIGEST Page 7

Re-organizational Meeting….

LIST OF OFFICERS FOR 2009-2010 Board of Directors Leticia M. Doropan, Chairman Armila M. Alviz, Vice-Chairman Almira T. Capistrano, Director Rolando R. Alarcon, Director Nancy M. Bernal, Director

Audit & Inventory Committee Stephen C. Ferrer, Chairman Gloria S. Gadiano, Vice-Chairman Fernando M. Aquino, Secretary

Credit Committee Ranny D. Magno, Chairman Erwin M. Cabe, Vice-Chairman Joel G. Viray, Secretary

Election Committee Victoria P. Corpuz, Chairman Vincent N. Esteban, Vice-Chairman Renato C. Gayondato, Secretary

Matagumpay na naidaos ang isang re-organizational meeting ng mga bagong halal na opisyales sa tanggapan ng SBMPC noong ika-23 ng Marso, 2009 na pinangasiwaan ng dating Lupon ng Halalan na sina Vicky Corpuz, William Dulay at Jomar S. Ebardo. Ang Lupon ng Patnugutan at mga Komite ay nag-halal sa pamamagitan ng secret ballot ng kani-kanilang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Kalihim. Naging maayos ang nasabing halalan at ang resulta nito ay makikita sa Talaan ng mga Opisyales sa taong 2009—2010 na nakasaad sa kaliwang bahagi.

Education & Training Committee Armila M. Alviz, Ex-Officio Chairman Erwin M. Cabe, Vice-Chairman Victoria P. Corpuz, Secretary Joel G. Viray, Lead Trainor Rolando R. Alarcon, Trainor Jomar S. Ebardo, Trainor William M. Dulay, Trainor

Personnel Management Committee Rolando R. Alarcon, Chairman Leticia M. Doropan, Vice-Chairman Fernando M. Aquino, Secretary

Property Management & Delinquency Control Committee

Matapos ang nasabing halalan, ay nagkaroon ng maikling palatuntunan na sinaksihan ng mga miyembro at kawani ng SBMPC. Sa pangunguna ni Direktor Rolando R. Alarcon, nagkaroon ng isang mataimtim na dalangin. Ito ay sinundan ng isang pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni Bb. Kathleen Melody Canapi. Nagbigay ng isang bating pagtanggap ang Tagapangasiwa ng Kooperatiba. Ang Pangulo ng Lupon ng Patnugutan na si Gng. Leticia M. Doropan at Kalihim na si Gng. Jet T. Galarretta ay namahagi ng “Distinguished Service Award” sa mga outgoing officers, kawani at Le-

gal Officer. Ang mga opis-yales at bagong halal ay nanumpa sa harapan ni Atty. Edmundo S. Legaspi, coop legal counsel. Isang masayang salosalo ang inihanda ng pamunuan sa mga opisyales, kawani, kasapi at mga bisita ng gabing iyon. Sa mga bagong halal na opisyales, nawa ang ating adhikain, hangarin at layunin ng Subic Bay Multi-Purpose Cooperative ay inyong maisakatuparan sa ikauunlad ng ating kooperatiba. Sa mga kasapi, nawa ang lubos ninyong suporta ay manatili sa pamunuan upang lalong mabigyan ng magandang serbisyo ang ating mga kasapi. MABUHAY ANG MGA OPISYALES NG SUBIC BAY MULTIPURPOSE COOPERATIVE AT A N G K I L U S A N G KOOPERATIBA!!! (Ulat ni Vicky Corpuz, Pangulo ng Lupon ng Halalan.)

Nancy M. Bernal, Chairman Stephen C. Ferrer, Vice-Chairman Victoria P. Corpuz, Secretary

Community & Business Development Committee

Grievance & Conciliation Committee Ranny D. Magno, Chairman Leticia M. Doropan, Vice-Chairman Nancy M. Bernal, Secretary

Leticia M. Doropan, Chairman

Renato C. Gayondato, Member

Armila M. Alviz, Vice-Chairman

Jomar S. Ebardo, Member

Gloria S. Gadiano, Secretary

Cleanliness & Beautification Committee

Almira T. Capistrano, Member

Almira T. Capistrano, Chairman

Vincent N. Esteban, Member

Vincent N. Esteban, Vice-Chairman

Renato C. Gayondato, Member

William M. Dulay, Secretary

“Leaders no matter how long they are in the position, will always have their day and should find it in themselves to relinquish power.” Tony Blair

SBMPC NEWS DIGEST Page 8 BIRTHDAY C E L EBRANTS FOR THE MONTH OF APRIL 2009: April 1 Celsa Dela Cruz Nelson Mamon Ernie Marquez Carmelita Movilla Henry Ogaban Dianita Raqueta April 2 Garry Baustista Richard Fabrique

Monthly Winners of Scholarship Raffle Draw... Ang Lupon ng Edukasyon at Pagsasanay ay namahagi uli ng kalahating kabang bigas sa mga masuwerteng kasapi na nanalo sa ating buwanang scholarship raffle draw. Ang Kalihim ng nasabing Lupon na si Vicky Corpuz na sinaksihan ng mga kawani ng kooperatiba ang siyang bumunot ng nga masuwerteng raffle tickets at ang mga nanalong mga kasapi ay sina: (1) Gng. Lourdes Mozo ng

SBMA Ecology para sa buwan ng Enero, 2009; (2) G. Manuel Piano ng FSC PWG, sa buwan ng Pebrero, 2009; at (3) Bb. Zenaida Mina ng SBMA IIO sa buwan ng Marso, 2009. Halina po at bumili na tayo ng raffle tickets upang magkaroon tayo ng pagkakataon na manalo sa mga susunod pang mga buwan. Ang nais pong bumili ng ticket ay magsadya lang po

sa tanggapan ng ating kooperatiba, Customer Service Counter at hanapin si Grace Wong o Grace Medina. Ang pera pong malilikom ay magiging karagdagang pondo ng Scholarship Fund para sa mga anak ng ating mga miyembro na may talino at nais umunlad ang kailang buhay. (Ulat ni Vicky P. Corpuz, Kalihim ng Lupon ng Edukasyon at Pagsasanay.)

Flora Undan April 3 Jaime Abdon III

Meet our Scholars...

Alex Limon Romel Reyes Liza Toledo April 4 Ernie Bautista Artemio Cricini

Leonel Enriquez

Cleofe Espineli

2nd Year High School

Sarah Macud

St. Joseph High School

Momola Malawad

Son of Ms. Evelyn Enriguez SBMA Accounting Dept.

Akiya Olama

Ma. Victoria P. Cabarles

Myla Mei Pablo

2nd Year College-Associate in Computer Technology

1st Year College-Bachelor of Science in Accountancy

Lyceum Subic Bay

Aura Mondrian College

Daugther of Ms. Marites Cabarles, SBAC

Daugther of Ms. Marivic Pablo, Sari-sari Owner

Liham Pasasalamat…. B i l a n g S B M P C Scholar, ako po at ang aking magulang ay taos pusong nagpapasalamat sa mga opisyales, kawani at sa lahat ng mga kasapi dahil sa walang sawang pagsuporta sa aking pag-aaral. Dahil sa inyo ako

po ay nakatapos ng high school sa Gordon Heights National High School. Kaya po maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Sana po ay marami pa kayong matulungang estudyanteng tulad ko. GOD BLESS…(John Zirus N. Reyes, anak nina G. at Gng. Daniel Reyes, SBMA-HRMD)

“Start by doing what is necessary, then what’s possible and suddenly you’re doing the impossible.” St. Francis of Assisi

SBMPC NEWS DIGEST Page 9 BIRTHDAY CELEBRANTS FOR THE MONTH OF APRIL 2009: April 5 Jonalyn Rose Baltazar

Mga Nanalo sa GA & Scholarship Draw... Matapos ang Taunang Pagpupulong, narito ang mga sumusunod na masuwerteng mga kasapi na nabunot ang kanilang stub/ticket number:

Darwin Bitangcol Elizabeth Diaz Melanie Garcia Irene Ebuenga Irene Tinoko April 6 Ruslyn Alinea Nora Batabar Emelda Encina Teresita Minas April 7 Regina Gayacao Angel Mengote Irene Menes Christopher Paja April 8 Egardo De Leon Dionisio Laguitan Marlon Perello April 9 Marie Clotie Domingo April 10

Joel Viray April 12 Victoria Corpuz Samuel Cordova

46389

Armando Rumeral

44739

0503

3. Almira Capistrano

0286

Maria Dolores Dagta

48565

4. Teodolfo Mangaog

0332

Carolina Pamintuan

54008

5. Leonila Aurel

0360

6. Liza Tenerife

0713

Mercy Diago

55042

7. Norbelita San Juan

0645

Marcelina Acera

47581

8. Erlinda Ignacio

0365

9. Margarita Abadia

0104

Angelito Del Cusar

55046

10. Asuncion Bandolon

0021

Eva Abraham

48966

11. Miguela Domingo

0175

Renato Ching

53201

12. Elna Aurel

0499

Aida Fuerte

47433

13. Marilou Esguerra

0543

Bag of Groceries

14. Anita Aseras

0019

Joel Arzadon

42989

15. Fred Delos Santos

0329

Ernesto Ramos, Sr.

44181

16. Zenaida Mina

0547

Lolita Esteban

49261

17. Diomino Dolores

0194

Estrella Dabu

47654

18. Erma Nusellas

0486

Teresita Miguel

34204

19. Elma Biando

0004

Lolita Sison

53226

20. Carmen Calubhay

0255

Silvina Acierto

52516

Marilou Dungog

40287

Imelda De Leon

53874

Carmelita Mellendrez

53122

Veronica Eclarinal

52607

Marriane Hannigan

53700

Ludevico Todavia

47524

Marietta Lagman

52434

Ernesto Santos

50288

1st Prize—TV Set

Susana Paraiso

Melody Villamento

2. Violeta Viejo

Norma Mortorillas

Angelita Castillo

50725

0344

B. Scholarship Raffle

April 11

Rosita Gloria

1. Merly Idanan

Mercedes Angeles

Rosita Omagap

Juice Container

Water Jug A. GA Raffle– Twenty (20) winners of half cavan of rice each:

Rogelio Acheta, Jr.

Alfredo Mosica

Consolation Prizes:

Corazon Ortiz

47915

2nd Prize—Electric Airpot Wilfredo Ecleo

46931

3rd Prize—Electric Fan Carlos Dela Cruz

50364

Electric Kettle

Flat Iron

Half Cavan of Rice

4th Prize—2-burner Gas Stove Araceli Jimenez

55096

Sa lahat ng mga winners, our Congratulations….(Ulat ni Vicky Corpuz, Secretary-Education & Training Committee)

SBMPC NEWS DIGEST Page 10 BIRTHDAY CELEBRANTS FOR THE MONTH OF APRIL 2009: April 13 Antonio Ballesteros Anita Boyce Cynthia Bucsit Rollin Cabalic Alfreda Nazareno April 14 Salvacion Galvezo Henry Edquiban Ma. Marilou Farnacio April 15 Lilia Martinez Anacleto Pedrozo Ester Ranches April 16 Engracia Medina Percelita Espiritu Marco Estabillo Imelda Mostacho April 17 Randy Angulo Ranizha Bongcarawan Norma Miranda April 18 Evangelista Arcenal Agnes Austero Ester Fronda Marites Labrador Alexander Mesia Rudy Navarro April 19 Melissa Alvarez Donald Anicker Nora dela Cruz Amy Dimacali Edgardo Reyes

COOP NEWS UPDATES….

RA 6938 Pinalitan ng RA 9520... Ang RA 6938 o ang Cooperative Code ay pinirmahan noong March 10, 1990 ni Pangulong Corazon Aquino at agad naman gumawa ng kautusan base sa isang memorandum ang Cooperative Development Authority na ipagdiwang ang araw na ito bilang araw ng mga kooperatiba sa buong Pilipinas.

Ayon sa bagong batas ang lahat ng kooperatiba kabilang ang dating rehistrado na sa RA 6938 ay kailangang magparehistrong muli kasama ang pagbabago o amyenda rin ng kani-kanilang Articles of Cooperation and By-Laws na naaayon na rin sa bagong batas ng RA 9520.

Kamakailan lamang ay na ameyandahan ang batas na ito at ngayon ay pinalitan na ng RA 9520 PHILIPPINE COOPERATIVE CODE OF 2008 at ito ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong February 17, 2009 sa Heroes Hall, Palasyo ng Malacanang sa harap ng may 500 opisyal mula sa ibat-ibang samahan ng kilusang kooperatiba sa Pilipinas.

Ayon din sa bagong batas, ang pagrerehistro ng kooperatiba ay base sa negosyong kanilang pinatatakbo, halimbawa transport coop, water coop, farmers coop, labor coop, education coop at ang bagong kooperatiba na advocacy coop na isasama din sa implementing rules and regulations (IRR). At ang mga ito ay puwedeng maging multi-purpose coop pagkatapos ng dalawang taon mula sa pagkarehistro sa CDA.

Maaari nang ipatupad ang nasabing batas matapos itong mailathala sa Daily Tribune noong Marso 7, 2009.

Ang pagtatalaga o paglalagay ng isang Representative Assembly na bibigyang karapatan ng General Assembly na matugunan

ang kanilang karapatan na suriin din ang financial audit maging ang social audit. Sa RA 9520, ang termino ng panunungkulan ng isang director ay tinanggal na ang limitasyon at ang isang director ay maaaring manungkulan hanggat siya ay nananalo sa eleksiyon sa general assembly meeting. Sa dami ng mga pagbabago sa larangan ng kooperatiba, ang regional office ng Cooperative Development Authority sa Region 3 ay nagkakaroon ng mga pagpupulong sa lahat ng mga kawani sa tamang implementasyon ng bagong batas na nauukol sa pagpapalakas ng mga kooperatiba dito sa rehiyon. Sa mga kaganapan sa sektor ng kooperatiba, ang tanong ng marami dapat nga bang amyendahan pa ang batas ng kooperatiba? Baka ang dapat lang ay tamang implementasyon sa batas? (Ulat ni Lydda Baltazar, Tagapamahala)

SBMPC dumalo sa Coop Taxation… Ang Lupon ng Patnugutan sa pangunguna ni Chairman Leticia M. Doropan, Vice-Chairman Armila M. Alviz at Director Nancy M. Bernal ay dumalo sa isang Dialogue kasama si Finance Secretary Margarito Teves, BIR Commissioner Sixto Esquivias, USec. Lecira Juares, CDA Chairman at mga opisyales ng BIR at CDA sa Region III tungkol sa Coop Taxation nuong ika-19 ng Marso 2009 na ginanap sa Dragon Restaurant, Subic Bay Freeport Zone.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga opisyales, managers at kawani ng iba’t-ibang sektor ng kooperatiba tulad ng credit coop, transport coop, water system coop, teachers coop at iba pa) sa Gitnang Luzon. Nagkaroon ng isang malayang talakayan tungkol sa mga hinaing ng mga kooperatiba tungkol sa mga buwis na ipinapataw ng ating gobyerno, ang pagkuha ng Certificate of Tax Exemption sa BIR at ang pagbabago ng implementing tax

rules and regulations na naayon sa bagong batas ng RA 9520. Naging maganda at maayos ang resulta sa nasabing pagpupulong at napagkaisahan na ang ahensiya ng CDA at BIR ay magtutulungan upang mapabilis ang pagbibigay ng nasabing Tax Exemption Certificate sa mga kooperatiba at upang maiwasan din ang mga graft & corruption sa nabanggit na ahensiya ng gobyerno. (Ulat ni Lydda Baltazar)

“BIG THINGS begins with SMALL BEGINNINGS”

SUBIC BAY MULTI-PURPOSE COOPERATIVE

Coop Service At Its Best!!!

Bldg.670 Main Gate Area Subic Bay Freeport Zone Philippines 2222

Phone: 047-252-3506 Fax: 047-252-3544 E-mail: [email protected] Website: www.subicbaympc.org

An official publication of the Subic Bay Multi-Purpose Cooperative. Its contents are prepared and edited by the Education & Training Committee. ARMILA M. ALVIZ Ex-Officio Chairman ERWIN M. CABE Vice-Chairman

SBMPC - TULONG sa kanyang miyembro... Mahigit sampung taon na akong miyembro ng Subic Bay MultiPurpose Cooperative (SBMPC) at masasabi kong malaki ang naitulong nito sa akin at sa Belen Gallardo aking pamilya. Dahil FSC-Labor Dept. dito ay naipatayo ko ang aming bahay at gayundin nakatulong ito sa pagpapa-aral ng aking anak. Maganda at kapakipakinabang ang maging miyembro dahil ngayon malaki ang natanggap kong dibidendo at patronage refund. Patunay ito na lalong umuunlad ang ating kooperatiba. Kaya sana patuloy nating tangkilikin ito at hikayatin ang iba pa na sumapi dito at lalo pang paunlarin. Mabuhay ang Subic Bay Multi-Purpose Cooperative at Maraming Salamat…

VICTORIA P. CORPUZ Secretary JOEL G. VIRAY Lead Trainor ROLANDO R. ALARCON JOMAR S. EBARDO WILLIAM M. DULAY Trainors

Malugod na inaanyayahan ang lahat ng mga kasapi na magpadala ng mga opinyon, puna o mungkahi tungkol sa SBMPC. Ilagay lamang po ang inyong buong pangalan, passbook number, tirahan at lagda. Maaari po itong ipadala ng personal sa ating tanggapan o mag-email sa Chairman ng Education & Training Committee. Ang lahat ng mga liham o artikulo ay maituturing na confidential. Ito ay isasailalim sa karapatan ng SBMPC na iwasto at magiging pag-aari ng pahayagang ito.

Ako po ay naging miyembro ng SBMPC mula noong 1997. Sa mga panahong lumipas o nagdaang taon ang kooperatiba ay laging naroon upang matugunan ang aming panEditha Bangoy gangailangang pinanFSC, PWTSG syal: upa sa bahay, utility bills, at para sa edukasyong pinansyal ng aking anak. Ang mga panahong yaon ay sadyang hindi naging madali para sa amin dahil hindi sapat ang aking kinikita upang matugunan ang aming pang-araw-araw na gastusin. Kaya’t ang tanging matatakbuhan naming sa ganoong pagkakataon ay ang kooperatiba.

Ngayun sa tulong ng kooperatiba at ng Maykapal ang aking anak ay nakatapos ng BSBA major in Management sa Gordon College. Salamat sa suporta at patnubay ng Maykapal at kooperatiba. Kung hindi sa kanila, maaaring hindi naging madali ang mga bagay-bagay para sa amin. Kaya ngayon, ang aking anak ay isa na ring miyembro ng samahan. Maraming salamat at mabuhay ang SBMPC… Noong una akong alukin ni Sir Erwin M. Cabe na sumapi sa SBMPC ay hindi ko binigyan ng pansin. Nang makapagisip isip ako ay nagkusa na akong suNestor Z. Brigg mapi at sa loob ng 2 SBMA-LED taon kong pag-sapi ay lubos akong natutuwa sapagkat unti-unti akong nakakaipon ng pera at lumalaki din ang aking saping puhunan. At lalo akong natutuwa ngayon dahil ang laki ng aking dibidendo. Kaya ang sabi ko sa aking sarili, maganda pala talaga ang ating kooperatiba, sana noon pa ako sumapi. Nuong una akong tumanggap ng dibidendo ang sabi sa akin ng staff ay may pambili na ako ng hamburger. Sa pangalang taon, sabi nila, “Sir may pamalengke ka na.” Kaya sa ngayon ay patuloy akong nag-iimpok at nagdadagdag ng saping puhunan. Salamat po at sana patuloy nating tangkilikin ang ating kooperatiba at maging member in good standing o MIGS…..

CORE VALUES!!! S—OCIAL RESPONSIBILITY B—ELIEVE IN THE ORGANIZATION M—OTIVATION P—ROFESSIONALISM C—OOPERATION

Related Documents