1 MOVING UP CEREMONY Emcee Script
I-
Processional Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Welcome sa 2019 Moving Up ceremony ng Paaralang Elementarya ng Habay. Para masimulan ang ating palatuntunan, inaanyayahan po ang lahat na tunghayan ang pagpasok sa bulwagan ng mga batang mag-aayat antas kasama ang kanilang mga magulang, mga guro ng paaralan, mga kasapi ng PTA, at ang ating punong guro kasama ang ating panauhing pandangal.
II-
(Pambansang Awit-Panalangin) Atin pong saksihan ang pagpasok ng mga kulay, na susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang sa multi-media,at Panalangin ng Pagpupuri ng Diyos na pangununahan ng mga piniling mag-aaral sa unang baiting.At manatiling nakatayo para sap pag-awit ng Himno ng Rehiyon VIII at Himno ng Timugang Leyte.
III-
Pambungad na Pananalita Tunay ngang hindi matatawaran ang galing ng mga gurong tagapagsanay sa paaralang ito. At ngayon po, tunghayan po natin ang pambungad na pananalita, mula sa isa sa mga batang walang pasubaling magtatagumpay din sa hinaharap, at magbibigay ng karangalan sa Paaralang Elementarya ng Habay, palakpakan po natin ang batang nagkamit ng isang karangalan Sean Athan B. Binongo.
IV-
Bating pagtanggap at Pagsusulit sa mga Magsisipagtapos At ngayon po, upang ibigay sa atin ang kanyang bating pagtanggap at pananalita at ang pagsusulit sa mga mag-aangat antas, ay narito ang ating butihing punong-guro G. Alfon M. Tiengo, at para sa pagpapatibay ng pag-aangat antas ay isusunod.
V-
Pagaabot ng Katibayan ng pag-aangat antas
VI-
Sinabi ni Arnold Glasgow, isang sikat na manunulat, na simple lamang ang dapat gawin para magtagumpay. Gawin mo ang nararapat, sa tamang paraan, at sa tamang panahon. Narito po ang mga batang mag aaral na maluwalhating mag-aangat antas para sa pagtanggap sa kanilang Katibayan ng pag-aangat antas. (Adviser read the names)Inanyayahan ko po si G. Alfon M. Tiengo at tutulungan ni Gng.Liza C. Arbiol. Pagpapakilala sa panauhing tagapagsalita Lahat po tayo ay may inspirasyon sa buhay. Ang iba po sa atin ay inspirasyon ang kanilang mga magulang. Ang iba naman ay inspirasyon ang kanilang mga kaibigan, o kaibigan. Ang iba naman po ay inspirasyon ang kanilang mga guro.
2 Ngunit ang iba ay naging inspirasyon ang hamon ng kahirapan, pagsubok, at suliranin sa buhay. Sa araw pong ito ay may isang natatanging tao na magbibigay sa atin ng inspirasyon. At upang siya ay ating makilala, narito po ang ating Punong Guro na si G.Alfon M. Tiengo.
VII-
(Message of the Guest Speaker and Awarding of Certificate of Appreciation) Pagbibigay award ng mga batang may parangal ng kanilang guro Gng. Jackelyn Uy.
VIII-
Mensahe ng Pasasalamat Pakinggan natin ang isang mensahe ng pagpapasalamat ng batang may parangal Shaniel A. Lamo
IX-
,At ngayon, saksihan natin ang isang Panunumpa ng Katapatan ng mga nagaangat antas na pangngunahan ni Lawrence B. Corporal, may parangal
X-
Awit ng pagtatapos Maraming salamat Lawrence Corporal. Sa punto pong ito mga magulang at mga panauhin, atin pong saksihan ang mga batang nag-aangat antas sa kanilang natatanging awit. Pictorial of the completers
XI-
Resisyunal Ngayon naman po ay saksihan natin ang paglabas ng mga kulay, na susundan mga nag-aangat antas,mga magulang, mga guro,Punong Guro at mga bisita.
At dito po nagtatapos ang ating palatuntunan. Sa muli Congratulations mga bata, mga magulang. Maraming salamat sa lahat ng mga guro, sa aming punongguro. Ito po ang inyong lingkod, Lhesly B. Binongo. Magandang umaga po at mabuhay ang Paaralang Elementarya ng Habay .