Modyul Sa Ekonomiks.docx

  • Uploaded by: Michael Adam Evangelista
  • 0
  • 0
  • September 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Modyul Sa Ekonomiks.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,046
  • Pages: 5
Modyul sa EKONOMIKS

ang salapi o pera ay ginagamit upang makabili ng mga produkto at serbisyo na makatutugon sa kanilang pangangailangan TEKSTO TUNGKOL SA SALAPI. Humihingi ka ba ng pera sa magulang mo? Bakit ba mahalaga ang pera? Kung gaano kahalaga sa iyo ang pagsasaayos ng pera mo ay ganito din ito kahalaga sa ating bansa. Ang ganitong pagsasaayos ng pananalapi ng bansa ay hindi na kayang gampanan ng pamahalaan kung nag-iisa lamang, kaya kailangan niya ng patakaran sa pananalapi, ngunit bago ang lahat, merong mga Pamantayan sa Paggawa ng Salapi 1. Commodity Standard a. Gold Standard kapag ang money supply ay may katumbas at tinutubos ng ginto. Halimbawa, ang U.S. ay gumagamit ng pamantayang gold coin at gold bullion standard. Ang gold coin ay inilalabas nila sa sirkulasyon, samantalang ang gold bullion ay reserba ng pamahalaan. Tayo ay nasa ganitong standard sa panahon ng pananakop ng Amerikano. Tinawag din itong gold exchange standard. Ipinagamit din nila sa atin ang dollar exchange standard. b. Silver Standard kapag ang pamantayan ng halaga ng salapi ay pilak. Kasama din ang silver coin standard at silver bullion standard. Kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ginto o pilak bilang pamantayan ng pananalapi, sila ay nasa monometallic standard. Kapag dalawang metal, ginto at pilak, sila ay nasa bimetallic standard. Ang England ay dating nasa ganitong standard pero pinalitan nila dahil sa paliwanag ni Sir Thomas Gresham. Ayon sa Gresham’s Law, itinatago ng mga tao ang salaping may mataas na halaga ng metal. Nawawala ito at ang natitira ay ang inferior money. 2. Non- Commodity Standard a. Paper Standard - salaping papel na di na kailangang tumbasan ng kahit anong metal. Ito ay ang managed currency standard na sinimulang gamitin dahil mas madaling kontrolin ang dami nito sa sirkulasyon. Nangangailangan ang papel ng garantiya ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay nasa ganitong pamantayan mula 1949.

Ang patakarang Pananalapi o monetary policy ay isang sistema pinaiiral upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon Dalawang Patakarang Pinaiiral sa pananalapi.

1. Expansionary policy- o easy money policy isinasagawa kapag labis na matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan ng money supply. Layuning nitong pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag ng money supply Samantalang ang contractionary policy- o tight money policy ang pagbabawas ng money supply upang mabawasan ang labis na paggasta at upang mabawasan ang money supply Expansionary o EASY MONETARY POLICY sa pamamagitan ng mababang interes,nakaakit na kredito at madaling paraan upang makakuha ng pondo.kapag marami ang pera sa kamay ng

negosyante,hahantong ito sa mga bagong negosyo na magbubunga naman ng sigla o paglago ng ekonomiya 2. contractionary policy- o tight money policy ang pagbabawas ng money supply upang

mabawasan ang labis na paggasta at upang mabawasan ang money supply, ang Contractionary Policy, BSP upang maiwasan ang pagkakaroon ng implasyon.ang BSP ay magpapairal ng TIGHT MONETARY POLICY.Sa madaling salita,ang BSP ay magpapairal ng isang mahigpit na patakaran sa pagpapahiram ng pondo sa mga bangkong komersyal.

Ang Bangkong Sentral ng Pilipinas ang siyang natatanging bangko ang siyang nangangasiwa o

nagpapatupad ng mga patakarang ito tungkol sa pananalapi

SALAPI, PAG-IIMPOK, PAMUMUHUNAN 1795682Ang sektor ng pananalapi ay binubuo ng mga nag-iimpok at namumuhunan. Halimbawa nito ay ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market. asset – ay anumang ari-arian na may ekonomikong halaga (lupa, pabrika, salapi o bonds) bonds – ay piraso ng papel na nagpapatunay na may pagkakautang ang bahay-kalakal o pamahalaan salapi – ay ginagamit na puhunan ng bahay-kalakal o pamahalaan maturity date o period – ang panahon ng pagbabayad ng pagkakautang sa isang takdang panahon stocks – inilalarawan nito ang laki ng pagmamay-ari ng isang indibidwal sa isnag bahay-kalakal. stock-holder – isang indibidwal na may stocks sa isnag bahay-kalakal; siya ay may bahagi sa tubo ng bahay-kalakal dividend – ang tawag sa bahagi sa tubo bonds at stocks – dalawang uri ng pamumuhunan na maaaring ibukas sa sambahayan foreign investment – ang tawag sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa isang ekonomiya foreign direct investment – ang pangmatagalan na pamumuhunan ng mga dayuhan sa isang ekonomiya foreign portfolio investment – ang panandaliang pamumuhuna sa isang ekonomiya

Bangko Ang bangko ay isang institusyong pampananalapi na tumatanggap ng mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga pagpapautang; na maaaring tuwirang pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang gaya ng sa merkado ng mga kapital. Ang bangko ang nag-uugnay sa mga kliyente o mga namumuhunan na may kakulangang sa puhunan o kapital, at mga kliyente na may labis na puhunan. Uri ng Bangko 1. Bangko ng Pagtitipid (Thrift Bank) - tinatawag na “savings bank”, na humihikayat sa mamamayan na mag-impok. • Savings and Load Association - magpapahiram ng salapi. • Private Development - tumatanggap ng deposito • Saving and Mortgage Bank - naghihikayat din na mag-impok at tumatanggap ng sangla 2. Bangkong Komersyal - tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito tulad ng savings deposits gamit ang tseke 3. Bangkong Rural - layong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan 4. Trust Company - nangangalaga ng ari – arian at kayamanan 5. Mga Espesyal na Bangko Land Bank of the Philippines - pangunahing bangko sa pamahalaan Development Bank of the Philippines - tumutulong sa pamahalaan na mapaunlad ang ekonomiya Al Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines - pangunahing layunin ang tulungan ang Muslim upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan Pandaigdigang Bangko - Itinatag upang matulungan sa pinansyal na pangangailangan ang mga papaunlad at mahihirap na bansa. Asian Development Bank (ADB) International Monetary Fund (IMF) World Bank (WB)

Mga Institusyong Di-bangko - Itinatag upang magkaloob ng serbisyo sa kanyang mga kasapi Pag-IBIG Fund - pagtutulungan sa kinabukasan Government Service Insurance System ( GSIS ) - namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan Social Security System( SSS ) - panlipunang pangangailangan ng mga manggagawa

Bahay-sanglaan - nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral. Kooperatiba - Binubuo ang kooperatiba ng mga kasapi na may layuning panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa Insurance – ito ay may kinalaman sa pamamahala sa mga panganib sa buhay ng tao, ari arian t negosyo. Ang paglilipat ng responsibilidad sa maaring maganap na pagkalugi at pagkawala ng anumang bagay tulad ng buhay ng tao, ari arian at negosyo sa kamay ng mga kompanya ng seguro ay ginagawa upang sa sandal na may di magandang nangyari ay may tutulong sa mga naapektuhan

Related Documents

Modyul Sa Ekonomiks.docx
September 2019 16
Modyul Sa Ekonomiks.docx
September 2019 29
Modyul 14
October 2019 9
Sa
October 2019 86
Sa
October 2019 86

More Documents from ""

Un Activity Proposal.docx
October 2019 9
Modyul Sa Ekonomiks.docx
September 2019 16
Research Essay Final.docx
August 2019 29
Modyul Sa Ekonomiks.docx
September 2019 29
Ap9 Summary
August 2019 23