MODYUL 14: Karahasan sa Paaralan
Anu ang Pambubulas o Bullying? Isang sinasadya at madalas na malisosyong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang isang katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan.
1. Pasalitang Pambubulas Pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panglalait, pangaasar, paninigaw, pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa harap ng maraming tao.
2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas • May layuning sirain ang reputasyon at pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
3. Pisikal na Pambubulas • Pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kanyang mga kagamitan.
Profile ng Nambubulas 1. Mas lamang na napalaki ng isang pamilya na napabayaan na gawin ang lahat ng kanyang gustong gawin at hindi napaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang nagagawa. 2. Hindi nararamdaman sa kanyang pamilya ang pagmamahal. 3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya. 4. Ginamitan ng pananakit bilang pagdidisiplina. 5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng pagkakaroon ng damdamin na poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa pananakit ng iba.
Ang Binubulas ( sanhi kung bakit nabubulas ang isang tao) Kaibahang pisikal
Balisa at hindi panatag sa sarili
Kaibahang istilong pananamit
Mababa ang tingin sa sarili
Oryentasyong sekswal Madaling mapikon
Tahimik at lumalayo sa marami Walang kakayahang ipagtanggol ang sarili
Mga Epekto ng Pangbubulas • Labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog, mababang tiwala sa sarili, sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang tensyon. • Madalas na kakaunti o walang kaibigan • Posibilidad na sila mismo ay maging marahas.
Mga Pamamaraan upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan • Apat na antas 1. Lipunan- nkatuon sa sosyal at kultura na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man ito nagaganap. 2. Paaralan- pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase at sapat na panunutbay ng mga guro sa mga mag-aaral. 3. Pamilya- pagpapalakas ng ugnayan 4. Indibidwal- pagmamahal sa sarili; kaalaman sa sarili at paggalang sa sarili.
Kahalagahan ng Pagmamahal at Paggalang sa Kapwa • Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal sa inilalaan. • Ang pagmamahal sa kapwa ay nangunguhulugan din ng pag-unawa sa kanya. • Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
Quiz: 1. Isang sinasadya at madalas na malisosyong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang isang katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan. 2-4. tatlong uri ng pambubulas 5-8. Apat na antas ng pamamaraan upang maiwasan ang karahasan sa paaralan. 9-10. magbigay ng dalawang sanhi kung bakit nabubulas ang isang tao.