Midterm Komfil

  • Uploaded by: Gwen Navarro
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Midterm Komfil as PDF for free.

More details

  • Words: 1,595
  • Pages: 3
Midterm Mga Napapanahong Isyu Lokal at Nasyonal I. Korapsyon Korapsyon - Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Ito rin ang nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan, mga 'di natapos na kalsada, kawalan ng hustisya, at higit sa lahat - ang pangunahing negosyo sa loob ng ating gobyerno. Kung minsan nga, nakikipag-kompitensya at nakikipagunahan pa sila sa isa't isa. Graft - Nakawan sa gobyerno ; pangunguwalta sa gubyerno ; katiwalian Dalawang Uri ng Kurapsyon 1. Shared corruption- ay ginagawa ng mga taong nasa senado at kongreso sa pamamagitan ng PDAF o mas kilala sa tawag na pork barrel. 2. Solo corruption- ay ginagawa ng mga nasa departamento, ang halimbawa ay DPWH, DepEd, BIR, custom atbp. Pagsugpo sa Korapsyon sa Pilipinas a) Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas- Pinamagatang Pagpapanagot ng mga Opiser na Pampubliko ay nagsasaad sa Seksiyon 1 na ang opisinang pampubliko ay isang pagtitiwalang pampubliko. b) Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo- Nagsasaad na ang Pangulo, Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal at ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa panunuhol at graft at korupsiyon. c) Ang Republic Act No. 3019- Kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng anumang opiser na pampubliko, nagdedeklarang sa mga ito na hindi naayon sa batas at nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo. d) Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713- Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko e) Ang Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987- Nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo ng kapangyarihan na magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-arian ng mga opisyal at empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naayon sa batas . f) Ang Republic Act No. 6770 - kilala rin bilang Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan g) Ang Republic Act No. 6713 -Kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees of 1989. h) Ang Republic Act No. 7055- Kilala rin bilang An Act Strengthening Civilian Supremacy over the Military. i) Ang Republic Act No. 7080- Kilala rin bilang Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder. Mga katawan o ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal upang sugpuin ang graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang mga probinsiyan ng pagpapanagot na pampubliko. *Ang Office of the Ombudsman (OMB) *Ang Civil Service Commission (CSC) *Ang Commission on Audit (COA) *Ang Sandiganbayan

II. Konsepto ng “Bayani” Bayani- taong may kahanga hangang katangian at abilidad; may nagawang napakahalaga; - sa kuwento siya ang pangunahing tauhan na lalaki; o nilalang na may kakaibang katangian o espesyal na lakas, tapang o abilidad. - maaring kasingkahulugan ng mga salitang bagani, magani, bahani atbpa. Mandirigma- ang kinikilala at pinagpipitagang katangi-tanging pangkat ng mga tao sa mga barangay. Ang responsibilidad ng mga mandirigmang ito ay manguna sa pagtatanggol ng pamayanan laban sa kinakaharap na kaaway o panganib. Antas ng Mandirigma (ayon sa kasaysayan) A. Maniklad- ang may pinakamababang uri. Kailangan siyang makapatay ng isa hanggang dalawang tao, bago makasuot ng putong na pula at dilaw. B. Hanagan- kailangang makapatay ng limang kaaway. Subalit bago pa man makamit ang titulong ito, kailangan munang makapasa na maging tagbusawan, ibig sabihin, "sasaniban" ng kaluluwa ni Tagbusaw, ang diyos ng pakikidigma. Itinatakda ng mga matatanda sa tribo kung ang isang maniklad ay itatanghal na tagbusawan pagkatapos ng mga ritwal. Pagkatapos nito ay saka lamang siya makapagsususot ng pulang putong. C. Kinaboan- papatay ng pito hanggang dalawampu't pitong kaaway at maaring magsuot ng pulang jaket. D. Luto- may 50-100 ng buhay nang kinitil at ang pulang pantalon ay kanyang palatandaan E. Lunugum- ay siyang nakasibat at nakapatay sa loob mismo ng pamamahay ng kaaway. Itim ang kulay na maaari niyang isuot. Konsepto ng salitang “Bayani”  Ang salitang bagani sa Maranaw ay tumutukoy sa magkakaugnay na tema ng "walang takot," "katapangan," "kasiglahan," at "kahalagahan."  Ang magkatulad na konsepto ay ipinahahayag din sa Magindanaw: barani - katapangan, at heroism sa Ingles at Sulu: balani - katatagan ng loob at pagiging karapat-dapat (worthy).  Ang salitang bayani sa Tagalog ay matatagpuan sa tatlong sinaunang diksyunaryong Tagalog. Sa Vocabulario de Lengua Tagala ni San Buenaventura na lumabas noong 1613: Valiente, bayani (pp) y de fuercas, ang pagcabayani ni santos, la valentia de Santos, bayani cang tavo, eres hombre valiente, walang cabayaning tavo, es hombre muy valiente.  Ang diksyunaryo naman nina Juan de Noceda at Pedro San Lucar na lumabas noong 1754 ay nagbigay ng isa pang kahulugan bukod sa "matapang." Ang ikalawang kahulugan ay tumutukoy sa "samasamang gawa" o "gawaing panlahat" (obra komon). Ito ay dahil sa salitang "bayanihan" na ginagamit sa Katagalugan na tumutukoy sa "sama-samang pakikipagtulungan."  Gayundin, sa Dicccionario Tagalog Hispano ni Pedro Serrano Laktaw na lumabas noong 1914, ay tumutukoy sa akda ni San Buenaventura, ang pagsama ng 'mandirigma' (guerrero), bihasa sa digmaan' (guerrido) at 'mapandigma' (belicoso).  Ang kasalukyang kahulugan at gamit sa salitang bayani ay makikita sa Diksyunaryo Teasuro Pilipino ni Jose V. Panganiban na lumabas noong 1972.  Unang kahulugan nito ay katumbas ng 'hero' sa Ingles. Ito ay katumbas ng bayanii sa mga wikang Bikol, Kapampangan, Sebwano, Samar-Leyte at Tagalog. Samantalang ito naman ay baganihan sa Hiligaynon, banuar sa Ilokano at palbayani sa Panggasinan.  Ang ikalawang kahulugan nito ay 'cooperative endeavor, mutual aid.' Ito ay 'tulungan', 'usungan', at 'damayan' sa Filipino.  Ang ikatlong kahulugan nito ay tumutukoy sa isang taong aniya'y '…who offers free service in a cooperative endeavour'. Ibig sabihin, sa mga taong gumagawa sa isang kolektibong gawain na hindi binabayaran.  At ang ikaapat na kahulugan ay 'namamayani', isang pandiwa na nangangahulugang 'to prevail, predominante,be triumphant or be victorious', ibig sabihin, 'maging matagumpay'.  Sa Kordilyera, ang salitang unbalanak sa Igorot at balanni sa Apayao ay nangangahulugang 'kagilagilalas' o marvel sa wikang Ingles. Ang salita namang 'magnet' o 'loadstone' sa wikang Ingles ay may mga anyong batobalani sa Tagalog, Sebwano, Bikol, Sambal, Ilokano, Pangasinan, Akalnon at Hiligaynon; batumblani sa Bontok; batubarani sa Maranaw; at balan sa Sulu. May paniniwala na ang 'magnet' ay ang 'bato' ng uring mandirigma, ang kanyang anting-anting.

III. Kalagayan ng serbisyong pabahay, kalusugan, transportasyon at edukasyon Programang Pangkalusugan- Nasa likod ng pag-unlad na ito sa kalusugan ang Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng sari-saring programang pangkalusugan sa inilulunsad taun-taon. Nangunguna ito sa paggawa ng pampaublikong pagamutan, ospital at pagbibigay ng mga medical mission at seguro sa mga pasyenteng maralita.Sa pamamagitan ng seguro o insurance, nagkakaroon ng panustos sa mga gastusin sa ospital ang mga pasyente. Ipinamamahagi ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan sa bansa ang libreng seguro sa pamamagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Programang Pang Edukasyon- Pinamamahalaan ng Department of Education (DepEd) ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas para sa lahat ng mag-aaral na Pilipino. Umunlad ang larangan ng edukasyon dahil sa panibagong programang tinatawag na K to 12 Kurikulum. Sa ilalim nito, ang lahat ng mag-aaral ay magkakaroon ng mga larangan o track na nais nilang kunin pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Ang elementarya sa ilalim ng K to 12 ay nagsisimula sa Grade 1 at nagtatapos sa Grade 6 at ang sekondarya naman ay nagsisimula sa Grade 7 at nagtatapos sa Grade 12. Bukod sa kurikulum, nagpapagawa ang pamahalaan ng mga pampublikong paaralan at aklatan upang makatulong sa mga mag-aaral na nais magaral para sa kanilang. Kasama na din sa pagpapaunlad ng mga paaralan at ng kurikulum ang pamamahagi ng mga iskolarsyip o tulong para sa mga mahuhusay na mag-aaral. Programang Pangkabuhayan- Bumubuti ang antas ng kabuhayan o ekonomiya ng isang bansa kapag ang mga tao ay produktibo at natustusan ang kanilang mga pangangailangan. Hindi pantay ang kabuhayan ng lahat ng mamamayan. May mayaman at mahirap. Tumutulong ang pamahalaan sa mga maralita sa pamamagitan naman ng pamamahagi ng salapi kapalit ang ang pag-aaral nila o pagtatrabaho nang maayos. Ang programang Pantawid Pamilyang Pilipino pRogram ay halimbawa nito. Programang Pang-imprastraktura- Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga estrukturang mahalaga sa pag-unlad ng bansa tulad ng mga kalsada, tulay, riles ng tren, paliparan at daungan ng mga barko. May ilang mahahalagang programang pang-imprastraktura na kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga daluyan ng tubig at marami pang iba.Nangunguna ngayon sa mga proyektong pang-imprastraktura sa buong bansa na itinayo ay ang mga sumusunod: sistemang roll-on/roll-off (RORO) sa mga pangunahing pantalan, ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3). Programang Pabahay- ay nakapailalim sa ahensya ng National Housing Authority (NHA). IV. Bagyo, baha, polusyon, mabilis na urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak ng/sa kalikasan, climate change atbp. Bagyo- ay isang malaking unos na mayroong isang pabilog o spiral sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima. Baha- ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang lupa, at isang delubyo.Sanhi nito ang ulang rumaragasa o bumubugso. Polusyon- ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ng kaisipan. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig. Ang urbanisasyon ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga pagbabago sa isang lugar.

Related Documents

Midterm Komfil
October 2019 37
Midterm
May 2020 23
Midterm
November 2019 37
Midterm
October 2019 31
Midterm
November 2019 43
Midterm
October 2019 34

More Documents from ""