Mga Tulang Hiligaynon.docx

  • Uploaded by: Aika Kristine L. Valencia
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Tulang Hiligaynon.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,894
  • Pages: 9
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL Telefax: (6347) 2372350 (6347) 2375830 City of Balanga 2100 Bataan, Philippines Website: www.bpsu.edu.ph Email: [email protected] Email: [email protected] Telefax: (6347) 2376658 FED 422-PANITIKANG FILIPINO Pangalan: Aika Kristine L. Valencia

Guro: Dr. Guillermo Q. Roman Jr.

SI NENENG ni John T. Hingco Bihisan n’yo si Neneng ng damit na bakles at pantalong hapit Pahiramin n’yo pa siya ng bagong sinturon upang bumakas ang kanyang kabigha-bighaning baywang. Di ba’t seksi? koka-kola badi. Hanapan niyo siya ng laso sa buhok na kulay asul o pula Teka muna. Parang may kulang pa. Meyk-apan n’yo muna ang mukha ni Neneng upang mamula-mula ang kanyang labi’t mukha. Di ba’t maganda na siyang tingnan; Mapula-pula pa sa gumamela ang kanyang bibig at mukha

Nakatitiyak ako na maiibigan talaga siya ng mga dayuhan Ebeta ni Neneng ipadala sa mga Hapon at Gyerman Pipili talaga sila ng kanilang mapapangasawa.

O, Neng, ngiti muna. Tingin sa kanan na medyo sayd byu Medyo nakausli ang puwit pagkatapos Palitawin ang iyong dibdib.

O, sige naLayts, kamera, aksyon.

I. ISTRAKTURA NG TULA:  may malayang taludturan II. PAKSA  Tinatalakay ang pangyayari o suliraning panlipunan ukol sa pagbubugaw o pagbebenta sa mga kakabaihan sa mga dayuhan o prostitusyon.  Ipinapakita rin sa tula ang mababang pagtingin sa kababaihan III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG:  Gumamit ang may-akda ng hayagan o literal na mga salita na madaling maunawaan ng mambabasa. IV. MGA PILING PAHAYAG  Bihisan n’yo si Neneng ng damit na bakles at pantalong hapit Pahiramin n’yo pa siya ng bagong sinturon upang bumakas ang kanyang kabigha-bighaning baywang.  Nakatitiyak ako na maiibigan talaga siya ng mga dayuhan

Kahulugan: Ginamit na simbolismo ang pangalang Neneng sa mga kabataang babae na kahit sa murang edad ay nasasadlak na sa maling gawain na gaya ng prostitusyon.

Kahulugan: Ipinapakita lamang ng saknong na ito ang pangyayari sa ating lipunan na gamit na rin ang makabagong teknolohiya

Ebeta ni Neneng ipadala sa mga Hapon at Gyerman Pipili talaga sila ng kanilang mapapangasawa.

at internet, ang kababaihan ay nagagawang ibenta sa mga dayuhan. At dala na rin ng kahirapan, minsan nagagawa rin nilang kumapit sa patalim.

V. TEORYA: TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO- Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinahaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

ITAY, UWI NA IWAN ANG SAUDI ni: Eugenio M. Pablo Itay, uwi na, iwan ang Saudi Si Inay maysakit lumulubha lumalala Nagpapakonsulta siya sa mga diskuhan Kasama ni Kumpare mo Bistre Nagpapagamot siya sa bahay madyungan Charity at pong ang kanyang karamdaman!

Ang ating tahanang noo’y matibay Unti-unting gumigiray Ang matibay nitong mga haligi Ngayo’y bumubulik, mabubuwal

Itay uwi na, Iwan ang Saudi, si Inay iligtas…

I. ISTRAKTURA NG TULA:  Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat. Ito rin ay itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino.  Nagpapakita ng uri ng tugma sa katinig. II. PAKSA  Nagpapakita ng suliraning pampamilya.

 Sa tulang ito, tinatalakay ang karaniwang nangyayari sa isang pamilya na ang asawa ay naghahanapbuhay sa ibang bansa, na kung saan ang babae ay nagkakaroon ng ibang karelasyon habang ang lalaki ay nagsasakripisyo na maghanapbuhay sa ibang bansa. III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :  Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita at tayutay na nakaragdag sa kariktan ng tula. IV. MGA PILING PAHAYAG  Nagpapagamot siya sa bahay madyungan Charity at pong ang kanyang karamdaman! Kahulugan: pagkalulong sa sugal  Ang ating tahanang noo’y matibay Unti-unting gumigiray Kahulugan: Pagkasira ng dating matibay at maayos na pamilya Nilalaman: Sa unang saknong ng tula ipinapakita ang pagkalulong ng ina sa iba’t ibang uri ng sugal at pakikipagrelasyon nito sa ibang lalaki o kumpare nito. Inilalarawan naman sa ikalawang saknong ang unti-unting pagksira ng pamilya, ang dating matibay na relasyon ng mag-asawa ay nagbabadyang mawasak dahil sa paglayo o paghahanapbuhay ng lalaki sa Saudi. Sa huling saknong naman, nais ng persona sa tula (anak) na bumalik na sa Pilipinas ang kanyang ama upang maisalba pa ang kanilang dating masaya at maayos na pamilya. V. 



TEORYA Teoryang Realismo-ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay. Ang pananaw ng teoryang ito ay higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political at iba pa.)

NANG GUMRADWEYT SI OTOY Tahan na Dahil ipagbibili ni Tatay mo Ang kalabaw Para may ibabayad ka sa accounting sa iyong paaralan Arkila ng toga Graduation fee pa May nakalaan na ritong Credit card Para sa iyong sapatos Na imamartsa Ang photographer na ma-syat Baka makalimot Kulitin uli Meron ka palang handa? Sa boarding house Ma-celebrate pala kayo Oo, sige ipalista lang muna

Serbesa at Tanduay Babayaran lang nating di magtatagal Ay… Puntahan mo nga pala, iyong ninang Magbibigay nga pala ‘yon ng manok at palay Ano? Graduation ring pa? O, sige Sabihin ko sa Tatay mo Ipagbibili ang damuraga na pinaalaga Kay Pukay Mabuti naman kung ikaw makatapos Makatulong sa ating gastos Pagtawag ng pangalan Pumalakpak talaga nang matagal si Nanay Luha ng kasiyahan Parang di maipaliwanag. Pagtapos ng graduation, Ba’t umiiyak pa rin si Nanay? Ano? Si Otoy nangumpisal? Kanya palang syotang si Inday manganganak na, hindi magtatagal I.

ISTRAKTURA NG TULA:  Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat at tugma. Ito rin ay itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino. II. PAKSA  Patungkol sa buhay ng isang ordinaryong pamilya na nagnanais mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak. III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :  Gumamit ang may-akda ng hayagan o literal na mga salita na madaling maunawaan ng mambabasa. IV. PILING PAHAYAG  Luha ng kasiyahan Parang di maipaliwanag. Kahulugan: labis na kaligayahan Nilalaman: Ipinapakita sa tula kung paano pinipilit ng ina at ama na makasabay magtapos ang kanyang anak, kaya nagawa nilang ipagbili ang alagang kalabaw upang matustusan ang mga gastusin ng anak sa graduation nito. Iniisip ng magulang na pagkatapos ng graduation ay makatutulong na ang kanilang anak sa gastusin sa pamilya. Ipinakita ang pagluha ng ina sa sobrang katuwaan nang tawagin na ang pangalan ng kanyang anak. Bilang isang magulang na may payak at ordinaryong pamumuhay, tanging edukasyon lamang ang sinasabing maipapamana nila sa kanilang anak. Kaya napakalaking bagay sa magulang na magtapos nila ng kolehiyo ang kanilang mga anak. Ngunit sa huling saknong ipinakita pa rin ang pagtulo ng luha ng ina, ngunit ito ay luha nan g kalungkutan. Nagmistulang pangarap na gumuho ang ikinumpisal ng kanyang anak na nagtapos, dahil ito ay magiging ama na.

V. 

TEORYA Teoryang Realismo- Layunin nito na maipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa mga pangyayari sa totoong buhay.

HUMAYO KA, SAMUEL ni: Hebron G. Samilano Pagod ka na ba, Samuel? O, nababagot na sa kinasapitan mo? Huwag kang matakot patuloy pa, Samuel kahit na matuklasan mo rito sa mundo ang pangungulila, pagkaasiwa at kapinsalaan na inihasik ng iyong mga kauri basura sa mukha ng kalupaan lason sa gitna ng karagatan at usok sa kahanginan. Humayo ka, Samuel: huwag lumingon sa lakas mong sinayang kung sa lakas ng loob, magiging maliksi ka muli Hakbang pa Samuel… igalaw ang paa kasabay ng tungkod ng pag-asa Hayo na, Samuel: at ingatan mong huwag matapakan ang kalbo nang kabundukan ang lahat ng nabalutan ng itim nang mga ulap na patuloy na binubuga ng mga dambuhalang bakal Sige, hayo pa, Samuel… Baka pa naman marating mo ang hardin ng mga bulaklak may ngiting matamis, matingkad at matimyas Loko, dapat kang maglakbay uli Samuel huwag lang basta sakay sa mga bagwis ng kahapon kundi magising ka sa katotohanan na ikaw ngayo’y talagang kailangan kumilos upang mapigil ang paninira sa mga gawain na sa iyo inihabilin Hayo, Samuel, hayo. I.

ISTRAKTURA NG TULA:

  II.  

Gumamit ng malayang taludturan, ang tula ay walang sukat. May mga taludtod na nagpapakita ng tugma sa katinig o tinatawag ding Di-ganap. PAKSA Pangangaral sa tao ukol sa pagkasira ng kalikasan Ang tula ay nangangaral sa tao na kailangang kumilos o mag-ambag ang bawat isa para sa ikaaayos at ikagaganda ng nasirang kalikasan. Binibigyang-diin din sa tula ang pagkasira ng mundo na mismong tao rin ang may sala. III. PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :  Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita at tayutay na nakaragdag sa kariktan ng tula. IV. MGA PILING PAHAYAG  Huwag kang matakot patuloy pa, Samuel kahit na matuklasan mo rito sa mundo ang pangungulila, pagkaasiwa at kapinsalaan na inihasik ng iyong mga kauri basura sa mukha ng kalupaan lason sa gitna ng karagatan at usok sa kahanginan. Kahulugan: Ginamit ang pangalang Samuel bilang simbolismo ng tao. Ipinapakita rito ang pagkasira ng kalikasan at mga uri ng polusyon na mismong tao ang gumawa.  Hakbang pa Samuel… igalaw ang Paa kasabay ng tungkod ng pag-asa

Kahulugan: Panghihikayat sa tao na bawat isa sa atin ay may magagawa kung tayo ay kikilos at magkakaroon ng malasakit sa ating kalikasan.

 ang lahat ng nabalutan ng itim nang Kahulugan: Mga pabrika na nagbubuga mga ulap ng maruming usok na patuloy na binubuga ng mga dambuhalang bakal Nilalaman ng tula: Ipinapakita ang kasalukuyang nangyayari sa ating mundo at sa ating kalikasan. Inilarawan sa tula ang kaunlarang hinahangad ng tao ngunit unti-unti naman nilang nasisira ang kalikasan. Sa huling saknong, binigyang-diin dito na ang tao, bilang bahagi ng isang lipunan ay kailangan kumilos at makiisa para sa pagsalba at ikaayos ng nasira nating kalikasan. Sinasabi rin sa tula na ang kaunlaran ay maaari nating makamit nang hindi masasaalang-alang ang pagkasira ng mundo.

V. 

TEORYA Teoryang Sosyolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito ang pamaraan ng tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

SI TANDANG JUAN ni: Eugenio M. Pablo Si Tandang Juan otsenta anyos may pahiwatig ang tingin sa akin

Ang maputi niyang buhok nagpapatunay ng mga pangungunot ng kanyang noo. Gumanti ako ng tingin dahil parang hindi ako makaunawa pero bigla akong natauhan dahil sa kanyang mata aking nakita kislap ng aking kinabukasan! I.

II.

ISTRAKTURA NG TULA:  Gumamit ng malayang taludturan, walang tiyak na sukat at wala ring tugma ang pagkakasulat ng tula. PAKSA:  Tinatalakay ang pangyayari o suliraning panlipunan ukol sa pagbubugaw o pagbebenta sa mga kakabaihan o prostitusyon dahil sa kahirapan.  Tulad ng unang tula na naisulat ni Eugenio M. Pablo na Si Neneng, halos pareho ang nilalaman nito at nais talakayin ang suliraning panlipunan ng kababaihan sa kasalukuyan.

III.

PAG-OORGANISA NG PAHAYAG :  Maayos at gumamit ang may-akda ng matatalinghagang salita

IV.

MGA PILING PAHAYAG: Ang maputi niyang buhok nagpapatunay ng mga pangungunot ng kanyang noo. kahulugan: katandaan

dahil sa kanyang mata aking nakita kislap ng aking kinabukasan! kahulugan: nabigyang-pag-asa

Nilalaman: Ipinapakita sa tula ang kalagayang panlipunan, dala ng kahirapan maraming kababaihan ang nakagagawa ng mali o kumakapit sa patalim upang maiahon ang sarili o pamilya sa kahirapan. V.

TEORYA:  TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO-Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinahaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Related Documents

Tulang
August 2019 25
Tulang Ikan
June 2020 15
Tulang Nakakatuwa
October 2019 30
Tulang Rusukku
June 2020 12
Mga Tala.docx
December 2019 14

More Documents from "Melody Riyoshi Dela Torre"