Reaction Paper- Panitikang Filipino.docx

  • Uploaded by: Aika Kristine L. Valencia
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Reaction Paper- Panitikang Filipino.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 646
  • Pages: 2
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL

FED 422-Panitikang Filipino Pangalan: Aika Kristine L. Valencia Reaction Paper: Panitikang Filipino

Guro: Guillermo Roman

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang naiaambag ng panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Ito rin ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa , hinaing at guniguni ng mga mamamayan o nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinhaga at masining na mga pahayag. Ang panitikan ang nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Malaki ang nagawang impluwensiya ng panitikan sa kasaysayan ng daigdig. Kung bubuklatin ang mga nagawa nito sa bawat bansa sa ibat’t ibang panahon ng kasaysayan ay magugulat tayo sa naiambag nito sa pag-unlad ng kabihasnan. Gaya na lamang ng Uncle’s Tom Cabin ni Harriert Beecher Stowe ng Amerika, ang Social Contract ni Jean Jacques Russeau ng Pransiya at ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo n gating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ang mga ito ay nagsilbing liwanag at nagbukas ng mga isipan ng mga Amerkano, Pranses at mga Pilipinong ang hangarin ay ang mga tunay na karapatan at kalayaang nararapat tamasahin ng tao. Sa Pilipinas, malaki ang naging ambag ng mga panitikan. Sa pamamagitan ng mga panulat nina Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce at iba pa, ang damdaming makabayan ay napakilos, napagkaisa at humantong din sa himagsikan at kalayaan ng bayan laban sa mapanakop na mga Kastila. Tunay ngang masasabi na ang Panitikang Filipino ay napakayaman at hitik sa kaalaman. Nababatid natin ang mga nangyari noon hanggang sa kasalukuyan sa papamagitan ng panitikan. Ang lahat ng mga nasulat o naipahayag sa iba’t ibang wikaing Filipino tungkol sa kanilang karanasan, isipan, damdamin at tradisyong pasalita ay bahagi ng panitikang Filipino. Nagkaroon din ng ambag ang mga kalapit-bansa ng Pilipinas gaya ng Indonesia, Malaysia, India, Arabia at Cambodia sa ating panitikan. Ito ay masasalamin sa mga epiko, alamat, kuwentong-bayan, awiting-bayan at karunungang-bayan. Sa pagdating ng mga Kastila ang kanilang pinalaganap ay ang mga tradisyong Europeong napapaloob sa komedya, korido, awit, senakulo, pasyon at

sarsuwela. Ang tuon naman ng panitikang ito ay ang relihiyong Kristiyanismo na atin ring niyakap. Sa panahon naman ng Propaganda, ang mga Pilipino ay nagsisulat sa wikang Kastila, Tagalog at sa iba’t ibang wikaing Pilipino. Dito naman nakilala ang mga nobela, sanaysay, tula at mga artikulo sa pahayagang Tagalog at Kastila. Sa panahon ng Himagsikan ay nagbago ang paksa at istilo ng panitikan. Ito ay naging maapoy, patuligsa at mapaghamon na kung saan ang mga panitikang ito ay nagpapakita ng pag-ibig sa bayan at paghahangad ng kalayaan. Nang masakop naman tayo ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay sumulat ng panitikan gamit ang wikang Ingles. Ito ay simula ng pag-unlad ng panitikang Pilipino sa Ingles. Sa panahon naman ng pananakop ng Hapones, marami sa mga manunulat na Pilipino sa Ingles ang nawalan ng pagkakataong sumulat sa wikang ito, kaya’t ang ilan ay pansamantalang sumulat sa Tagalog. Higit na binigyang-pagkakataon ng mga Hapon ang wikang ito hindi dahil sa pagmamahal sa wikang ito, kung di dahil sa pagkapoot sa kalabang Amerikano. Sa pagbagsak naman ng kapangyarihang Hapon, muling sumigla ang malayang pagsulat. Nagkaroon ng iba’t ibang samahan ng mga manunulat at mga patimpalak. Maging ang mga pamantasan ay nagkaroon ng kurso sa pagsulat kaya mas lalong sumigla ang Panitikang Filipino. Tunay ngang ang panitikan ay hindi maihihiwalay sa kasaysayan. Malaki ang nagiging tulong nito lalo na sa mga kabataang nais mabatid ang mga pangyayari sa henerasyong hindi pa nila nasaksihan. Nararapat lamang na pahalagahan natin ito at mas pagyamanin. Ang panitikang Filipino ay bahagi rin ng ating pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Filipino. Kaya’t nararapat lamang natin itong ingatan, pahalagahan at mas pagyamanin.

Related Documents

Reaction Paper
November 2019 26
Reaction Paper
October 2019 28
Reaction Paper
October 2019 24
Reaction Paper
June 2020 13
Reaction Paper
November 2019 33

More Documents from ""