Teoryang Humanismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Ang pokus ng teoryang
humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Hal. I Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.” “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
"Ako si Magiting" by Consolacion P. Conde, Teoryang Humanismo. AKO SI MAGITING Ang tao sa kanyang kabataan pa lamang ay dapat nang kakitaan at karinggan ng kanyang paninindigan bilang isang mamamayan. Matuto siyang magbulay-bulay ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid lalo't nahihinggil sa kalayaan, katahimikan at kaunlaran ng bayan. Ang kapansanan ay di sagwil upang makapaglingkod sa inangbayan. Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan. Nagbubuka ako ng bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig! Tunay, ako'y musmos pa lamamng kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong puso. Ang aking dibdib ay sintibay na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakikita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay.Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nananamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin ang ganda ng kabutihan at kapangitan ng kasamaan. Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kapalaran ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin! Ngunit kanina sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako sa aking nakita. May binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa'y naghalibasan sa isa't isa. Ang ilan ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba nama'y sugatang nagsipanakbuhan. O! Kasuklam-suklam na panoorin... Naibulong ko na lamang: A, hindi ko sila dapat pamarisan! Katutunghay ko pa lamang sa pahayagan ngayon na aking dala. Isang panawagan sa kabataan ang magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalagayan ng bayan. Kaya naman ako... ako nabibilang sa kabataan ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan! Bakit kayo nangingiti? Bakit nga? Bakit niyo ako pinagmamasdan mula paa hanggang ulo? mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako'y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok na paglilingkod? Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako'y naririto upang magpatala-upang lumaban; hindi... upang tumakbo!
Teoryang Realismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng
buhay.Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
Hal. “Mabangis na Lungsod” Ni Efren R. Abueg Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon,
kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan. "Mama... Ale, palimos na po." Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas. "Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas. "May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka. "Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang
mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda. "Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. "Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
Isang Dipang Langit - Amado Hernandez
Isang Dipang Langit Amado V. Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya!
“Mga ibong Mangdaragit” Amado V. Hernandez
“Iba Pa Rin Ang Aming Bayan” “Maganda Pa Ang Daigdig” Lazaro Francisco “Pba Pa Rin Ang Aming Bayan”
Teoryang Eksistensyalismo v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang. Pesimismo ang pangunahing kakambal ng teoryang ito sapagkat sa napakalaking responsabilidad ng tao, iniisip niyang hindi niya ito magagampanan at maisasaayos. Kinakailangang paganahin ang utak sa pagkatha ng anumang uri ng panitikan, at kinakailangan din ang utak upang maunawaan, masuri, at mabasa ang anumang magiging kayarian o kahihinatnan ng isang akda. Ang teoryang eksistensyalismo ay sumigla noong huling bahagi ng ikalawang dekadang
nakaraang dantaon. Ang ma nga kritiko ay nagpapalagay na isa lamang paniniwalaang teoryang ito. Ang kalayaan at hangaring awtentiko ang tanging nais kilalaninng.Sa pananaw na ito kitan kata ng mga tao ang ploseso ngpagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang,sistenia ng paniniwala ang pinahahalagahan ng tao upang mabuhay. Sa buhay ng makata at manunulat nakatuon ang teoryang ito.Ang eksistensyalismo ay walang sariling simulain. Maihahambing ang teoryang ito sa dalawang teorya: ang romantisismo dahil sa mahilig sa paghanap ng timay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon at ang modernismo dahil nakaipilit ito magwasak ng kasaysayan. Hal. Banaag at sikat Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos: Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pagaari, at mga pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.[1] Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga mahihirap at ang mga mayayaman.[1] Mga pangyayari Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na maysalapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.[1] May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto,
ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.[1] Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon. Pinagusapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.[1]
AKO ANG DAIGDIG Alejandro G. Abadilla i. ako ang daigdig ako ang tula ako ang daigdig ng tula ang tula ng daigdig ako
ang daigdig ng tula
malaya
ako
ako
ang tula ng daigdig
ang larawang buhay
ako ang malayang ako matapat sa sarili
ako
sa aking daigdig
ang buhay
ng tula
na walang hanggan
ako
ako
ang tula
ang damdamin
sa daidig
ang larawan ang buhay
ako ang daigdig
damdamin
ng tula
larawan
ako
buhay
ang tula ng daigdig
iii.
tula
ii.
ako
ako
ako
ang damdaming
iv.
ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako
ako
ang tula
ang daigdig
sa daigdig
ang daigdig
sa tula ako ako Teoryang Romantisismo v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisagsa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Hal.
SA TABI NG DAGAT Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahangmarahan...
PAG-IBIG
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan --Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!
ni Jose Corazon de Jesus 1926 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasapuso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho; Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo! Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan, Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan, At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang. Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos, Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos! Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod, Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog! Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip: Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig: Pag umibig, pati hukay aariin mong langit! Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag; Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak: Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak; O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat! "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!" Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal! Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay, Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay! Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais, Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid, Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib, At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!
Teoryang Historikal v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Malawak, ang saklaw ng teoryang historikal sa pagsusuri ng teksto lalo't kung ang pinaguusapan ay ang impluwensyang sasaklaw sa mga sa1ik na nakapaloob sa isang akda gaya ng buhay ng sumulat, iba't ibang sitwasyong politikal na lumulutang sa akcla, at ang tinatawag na tradisyonal at kombensyonal na pagtalakay sa akda malimit na pagsasama sa mga akda ang iba't ibang pwersang panlipunan lalo't hindi nagpapakitakaunlaran ang isang lipunang tigib ng pangungulila at kapighatian. Sa teoryang historikal ay binubusisi ang pwersang nabanggit na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat.. Hal Kwento ni Mabuti (Genoveva D. Edroza) Dahil kapag mahal mo ang isang bagay….lagi mo itong binabalikan…paulitulit…di ka nagsasawa kahit halos kabisado mo na lahat ng detalye…kaya binasa ko ulit ang “kwento ni mabuti” mula sa “Ang Silid na Mahiwaga…kalipunan ng mga kwento’t tula ng mga babaeng manunulat” (sa patnugot ni Soleded Reyes) …ewan ko…siguro’y gusto ko lang makisukob sa init ng pagmamahal na nasa puso ng kwneto… “lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay“, sabi ng naglalahad ng istorya…patungkol sa dati nyang guro na kung tawagin nila ay “Mabuti”… walang anu mang kamangha-mangha kay Mabuti…mula sa kanyang anyo hanggang sa kanyang tungkulin sa paaralan…siya’y larawan ng pagkaordinaryo…tinawag siyang “Mabuti” dahil madalas niyang bukang-bibig ang salitang mabuti….sa kahit anu mang kanyang sinasabi… hindi siya bumabanggit ng kahit anu tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng kanyang pagtuturo…subalit hindi ibigsabihin nito na walang lubak ang kanyang landas… lamang ay, mas gusto niyang tingnan ang buhay sa pananaw na ito ay “mabuti”. 1952 ng maisulat ang kwento…kaya ang hagod ng mga salita at balangkas ng mga pangungusap ay “puro” o payak…o malambing sa aking pandinig….parang tula o isang kundiman na umaawit ng dalisay na pag-ibig… (palagay ko nga ay napakasimple ng istorya…pero ang daloy ng paglalahad ay parang tahimik na
paghuni ng isang malamyos na awit ng pagsinta…ewan baka naman guni-guni ko lang yun…ngek? (churi po…nipipigil ko nga na wak magpatawa po) Narito ang ilang linyang nagustuhan ko… ( at mga hirit kong lagpas sa guhit) “Mabuti sana’y hindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin…kailan man. Ang ibig kong sabihi’y…maging higit na mabuti sana sa iyo ang… buhay.” (sa tingin ko mas magaang kasama yung mga laging sa liwanag nakatingin kaysa sa kadiliman…nakakahawa kase ang takot …at nakakabuhay naman ng pag-asa kung positibo ang pagtanaw) “Ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat….” (an sarap pakinggan nito dibah?) “Pagka-uhaw sa kagandahan…” (andami kaseng pangit po… nagkalat..kakadehydrate po tuloy…mga taong mapanlamang…makasarili… hambog…at feeling cute all the time,,,,ngek…aku ata un “feeling”?) “Pagbibigay kahulugan sa mga bagay na para sa ami’y walang kabuluhan…” (aliwalas ng umaga…awit ng ulan…ngiti ng araw…liwanag ng buwan…kumikindat ang nakasulyap na tala…napapansin mo pa ba toh?…may kabuluhan ba sa yo?) “Isang bagay sa buhay niya na nalisya ng ganon na lamang…” (pwedeng mangyari ng ganun ganun lang ang mga bagay na magtataglay ng mabigat na implikasyon sa buhay at sana’y wag ito mabigat na dalhin….pwede…lahat kase pwedeng mangyare dibah?…sa ingles…all is fair in love…ngek…juks!) “Kumirot sa puso ko ang pagnanasang tanganan ang kanyang kamay, lumapit sa kanya ….at hilinging magbukas ang dibdib sa akin…” (guilty ako dito… minsan kase gusto ko na yakapin nagngunguyngoy kong kaibigan….sermon pa inabot sa ken…patawarin….tao lang po!) “Iyun lamang nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ….ang maaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan…” (e bakit yung iba po…anlupit na ng naging lungkot ….pero ambabaw paden?….ah siguro kinukubli lang nila totoo nilang damdamin… pero bottomline po…palagay ko iisa lang ang mukha ng saya at lungkot…bipolar duplicity…parang kara at krus sa barya?… magkaiba pero magkasama palagi…parang si matching at si pagong…ngek anlayo na ata nun…..churi po!) “Nadama kong siya ay ako….parehong dumaranas ng lihim na ligaya’t kalungkutan..” (diba naman?…kahit gaano kaganda….katayog…o makapangyarihan ang tao…hangga’t inaamin nyang tao lang sya…parepareho lang tayo ng dinaranas…lungkot at saya…kaya wag sana tayo liparin ng hangin ng ating mga kalakasan….at wag den naman ilibing ng ating mga kahinaan… ayus na yung medya medya lang….sabe nga….”tumawid sa tamang tawiran….ngek!) “ang kariktan ng katapangan….ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng buhay….” (nararamdaman mo ba minsan na parang sinilang
kang kakambal ang kamalasan?…well, ako po madalas…nitanong ko nga si wits (utol ko) kung kelan naman dadateng swerte samen….sabe nya….yung mga bonggang saya daw….sa dulo dumadateng….sabe ko ay uu nga…kase sabe nga dibah….”sa hinabaha daw ng prusisyon, sa sementeryo den ang tuloy”….waaaaaa!) Byahe lang po!…..at kung me masama….meron din namang “Kwento ni Mabuti”… Salamat sa pagtitiyaga mong magbasa…. (para namang me nagbabasa nga… ahahahaha!) Ciao po!
“Ang tatlong Panahon Ng tulang Tagalog” Julian Cruz Balmaceda “Ang Pagkaunlad Ng Nobelang tagalong” Inigo Ed Regalado
Mga teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikanin. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.Narito ang mga halimbawa ng teoryag pampanitikan. Kung paanong napahuhusay ang pagtalakay sa isang sinusunng akda ay,masasabi ring"kapabayaan" ng teoryang pampanitikan. Isang uri ng kapabayaang ang hated ay kaaJ,sman at kasiyahan, na siyang tanging layunin ng panitikan. Bagamat teoryang dayuhan ang nakararami, hindi nangangahulugang kakapit na lamang tayo sa mga ito at walang tutol nating;tacinggapin tl:a ang mga ito lamang ang mananatilingmga teorya sa habang panaho~: Lagi nating iisiping ibang kultur~ ang nakapaieob sa mga teoryang ito. Bagamat tinatanggap natin· ang mga kulturang
dayuhan, huwag tayongmagpakalunod sapagkat kailangan din nating isiping tayo'y may sariling kulturang dapat pahalagahanat payamanin upang pumaimbulog aug' ating suriin, pagkakakilanlan. Katunayan, may mangilan-ngilan nang swpusulpot nil tcoryang ating-atin ngunit hindi pa gaanong nabibigyan ng mas~g pag-aaral at pagpapahaIaga. Para itong sisiw' na dahil sa kaliitan ay namamahin pa sa kanyang ptaagtataguanupa ng isang a raw ay gulatin n,a lamang tayo sa kanyang biglang malaking tulong ang n~wa ng pag~aJarn sa kahul~, katangian, simulain atsaysayang nakapaloob sa iba't ibang teoryang pampattitikan. Tunay na napagagaan nito ang pagt~lakay sa mga akdang nais oating suriitt lalo't marunong tayong alaga sa .fuga akdang ating binabasa. Kung paano pinaghahandaan natin ang pagtalakay ng binasang akda, mula sa pagpili ng akdang babasahin, pagbuo ng mga ran.ong sa jlilalaman ng akda, pagpili ng teoryang aangkop sa pagtalakay sa akda, ' paggamit ng estratehiyang babagay sa p.agtatanong, pagpapaliwanag, pagpapalitangkuro, pagbuo ng kaisipang taglay ng akda, atbp., tahasaag masasabing handa n.a nating harapin anumanghamon ng panitikan.
Paunang Salita Ang pamanahong papel na ito,mga teoryang pampanitikan ay inihanda upang matugunan ang mga pangangailangan ng tagapaglathala sa grado sa Pilipino.
Maingat itong isinulat upang magkaroon ng bagong pananaw ang tagapaglathala sa mga pampanitikan upang maging mali8naw sa kanya ito.At para narin sa mga estudyanteng makakabasa nito. Layunin ng pamanahong papel na ito na tulungan at maihatid sainyo ang mga simulaing ito na kung tawagin ay mga teoryang pamoanitikan.
Pasasalamat Taos pusong nagpapasalamat ang ipinaabot ng tagapaglathala ng pamanahong papel na ito sa kanyang guro sa pagbibigay ng pahintulot na gawin
ang pamanahong papel na ito at sa mga sumusunod na website at libro, google.com, pdfcoke.com, yahoo.com, at librong gintong pamanang wika at panitikan.
Dedikasyon Ang pamanahong papel na ito ay taos pusong inihahandog ng tagapaglathala sa lahat ng mga mag-aaral sa sekondarya na gusting malaman, matuto sa ibat-ibang uri ng teoryang pampanitikan. Malaki ang maitutulong nito sa mga mag-aaral lalong lalo na sa mga wala pang kaalaman.
Mga Teoryang Pampanitikan Gubat National High School Gubat,Sorsogon
Proyekto Sa Filipino Ipinasa ni: Anthony Bryan Escurel Ipinasa kay: Mr.Gil Eresmas