20899883-teoryang-pampanitikan

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 20899883-teoryang-pampanitikan as PDF for free.

More details

  • Words: 1,079
  • Pages: 8
Mga Teoryang Pampanitikan

SY:2009-2010 Gubat National High School

Gubat,Sorsogon

Proyekto Sa Filipino SY:2009-2010

Ipinasa ni: John Pura Ipinasa kay: Mr.Gil Eresmas

Humanismo May bunga ang panitikan sa tao. Sa humanismo ang pananaw ay nakasentro sa tao. Kinikilala ang taobilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari. Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa buhay at mga karanasan sa mundo. Itinatanghal ang kalagayan ng

tao bilang isang indibidwal na may pananaw sa buhay at malayang ekspresyon ng kakayahang Formalismo May sariling daigdig ang akda. Sa formalismong pananaw ay mahalaga ang katangiang sarili ng mga sangkap ng isang akda at ang organikong pagkakaugnay ng bawat bahagi. Walang lugar ang bayografikal o kontekstong historikal at panlipunan sa pagbibigay ng kahulugan sa akda sapagkat ito ay may taglay na sariling kabuluhan. Mismong ang akda ang sinusuri batay sa batas na sarili at objektiv na dulog. Ang akda ay may sariling kaanyuan ayon sa taglay na anyo, disenyo, imahen o simbolismo, motif, tono at punto de vista sa ilalim ng sistemang tekstwal. SaNatutukoy ang nilalaman, kaanyuan,o kayarian at pamamaraan ng pagkakasulat ng may-akda. Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa paglikha ng akda. Romantisismo Mayaman ang panitikan. Ang daigdigsa pananaw na romantesismo ay maganda at mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higpit ng pagsubok na dumadating. Sa likod ng kasamaan atkaguluhan ay may bagay o pangyayaring magpapatingkad sa angking kabutihan ng tao at laging mangingibabaw ang pag-ibig. Ideyalistiko ang pananaw ngunit maypagtakas sa realidad at pagkawala sakatwiran sapagkat may pagkasetimentalismo. Gumagamit ngmabulaklak na pagpapahayag, Tumatalakay sa mga valyu at paksang tungkol sa pagkamakabayan, pagkamaginoo, pagkakristiyano ngunit may mga karakter na hayagang mapusok ang pagkatao, pinaiiral ang sarili at rebolusyonaryo. Ipinakikita ang kahalagahan ng tao anuman ang kalagayan sa lipunan at sa nasa lipunan nag-uugat ang kasamaan ng tao. Higit na pinahahalagahan ang damdamin, kung gaano ang higpit ng klasisismo ay gayon ang kalayaan ng romantisismo.

Eksistensyalismo Ang realidad ay ang nagaganap. Ang pananaw ng eksisytensyalismo

ay kumikilala sa esensya ng tao nawalang iba kundi kung ano ang kanyang nililikha sa kanyang sarili depende sa lawak ng kanyang kakayahan at limistasyon o hangganan. Pananagutan ng tao ang kanyang sarili at walang kaugnayan ang kapaligiran at minanang katangian sa kanyang hangarin at Naniniwala ang mga romantisist naang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mgasalitang ginagamit sa akda. Sapamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdamingnapulutan sa kabuuan ng akda. Realismo Makatotohanan ang panitikan. Ito ay gising, mulat at matapat. Sa realismong pananaw, obdyektib ang paglalarawan sa tao at lipunan at samga puwersang nakapangyayari sa buhay. Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at ang kanilangpinag-ugatan. Inilalantad ang mgakatotohanan sa pamamagitan ng mgapaksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man mapangahas na paraan. Ang mga kaisipang inihahanay ay payak ngunit nakapagpapakilos. Binibigyangbuhay ang mga tauhang nakikisangkot, nanunuligsa o nanghihikayat upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng tao sa lipunan. Kadalasang paksain ang karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng katarungan, paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng ibat ibang uri ng tao sa lipunan. Ang awtor ay Malaya at walang kinikilingan sa paglalantad ng buong katotohanan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ayhango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalangalang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Marxismo May magagawa ang panitikan. Sa Marxismong pananaw, ang panitikan ay tumutugon sa nagtataguyod ngpagbabago. Hinahamon nito ang mgaistruktura ng kapangyarihan sa lipunan, nagtatangkang buwagin ang mga mapaniil na puwersa at inilalantad angmga tunggaliang pang-uri na nag-ugat sa kalagayang pang-ekonomiya. Sa ganitong pananaw, nagsisilbingrefleksyon ang panitikan ng mga nagkakasalungatang ideyolohiya na sinusuri sa paraang objektiv upangmagising ang kamalayang panlipunan. Ang epekto ng kabuhayan ng tao sa kanyang pagtingin sa buhay, pakikitungo sa kapwa, mga hangarin at pangarap, pagtanggap sa mga karanasan ay mababasa sa mga karakter. Ang paksa ay mabigat, seryoso, at kadalasang tumatalakay sa buhay, kalagayan at kaugnayan ng mga uring manggagawa sa uring nakapangyayari sa lipunan. Mahalaga ang mga realidad sa lipunan at kasaysayan, sapagkat angMahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman atmahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng mahiyap ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pangaapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan.

Naturalismo Isang malaking ekspresyon angpanitikan. Ito ay ekspresyon ng buhay at lipunang taglay ang mga pangit at madilim na realidad. Sa pananaw na naturalismo, karaniwang paksa ang kahirapan, krimen, kamangmangan, kawalang pag-asa, mahabang pagtingin sa buhay, mga taongtiwalag sa lipunan at may negatibongdamdamin at pagkilala sa sarli. Ang daidigay isang kalabisan at puno ngpagsasamantala. Ipinakikita kung ano ang ibubunga ng kapaligiran at mganamamanang katangian sa kapalaran ng tao. Ang pagkakaroon ng pagbabago ay

may malaking ginagampanan sa buhay ngtauhan bagamat ang pananaw sa karakter Queer Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. Feminismo Teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng mga kalalakihan,. Hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan. Hinango ang ganitong representasyon sa paniniwala ng lipunan na ang babae ay hindi makahihigit sa lalaki sapagkat ang taglay lamang niya ay ang kanyang katawan. Sa teoryang ito, ipinakitang ang babae ay kapantay ng lalaki sa lahat ng bagay. Dito nangingibabaw ang pamamaraan, kakayahan, karanasan at paniniwala at pananaw ng isa babae. Sosyolohikal Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.. tata selo

Ang Teoryang pampanitikan ay angsistematikong pag-aaral ng panitikan atang mga paraan sa pagaaral ngpanitikanin.Mayroong iba't ibang teoryapara sa pagaaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan angmababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao aynasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasanng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili.