Kabanata 13 ANG MGA PAG-IBIG NI RIZAL “Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan, subalit tulad din naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunong humanga at magmahal sa mga anak ni Eba.” MGA BABAING NAGKAROON NG KAUGNAYAN KAY RIZAL: JULIA (Abril, 1877; Los Baños, Laguna): Dalagitang taga-Los Baños, Laguna na nakilala ni Rizal sa dalampasigan ng Ilog Dampalit noong sya ay 16 na taong gulang pa lamang at ito ang babae na una niyang napagtuunan ng paghanga. SEGUNDA KATIGBAK (Disyembre, 1877; Troso, Maynila): Dalagitang taga-Lipa, Batangas na nakilala ni Rizal sa Troso, Maynila na sinasabing unang niyang pag-ibig. BB. L. (Pakil, Laguna): Dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na pinaniniwalaang ang gurong si Jacinta Ibardo Laza na nakatira sa bahay ni Nicolas Regalado na kaibigan ni Rizal. Sa dalagang ito pilit ibinabaling ni Rizal ang kanyang atensyon para pawiin ang pangungulila kay Segunda. LEONOR RIVERA: Pinsan ni Rizal na binansagang “La Cuestion del Oriente” ng matalik na kaibigan ni Rizal na si Jose Ma. Cecilio. Ito ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal at ang dalagang sinasabing nais pakasalan ni Rizal at tanging babae sa kanyang buhay na tunay niyang minahal ng kakaiba sa iba pang babaing kanyang inibig. CONSUELO ORTIGA Y PEREZ (Madrid): Isang babaeng Kastila na taga-Madrid na nakatagpo ni Rizal at pinaghandugan nito ng tula. O-SEI-SAN (USUI-SEIKO) (Hapon): Isang Haponesa na nakatagpo ni Rizal sa bansang Hapon, nang sya ay maanyayahan na maging kasapi ng pasuguan ng Kastila sa bansang iyon. Siya ay pinaniniwalaang isa sa tatlong babaing labis na minahal ni Rizal, na nagparanas sa kanya ng pinakaromantikong bahagi ng kanyang buhay. GERTRUDE BECKETT (Disyembre, 1888; Chalcott Crescent, London): Dalagang taga-London na nagkaroon ng lihim na kaugnayan kay Rizal. NELLY BOUSTED (Hulyo, 1889; Paris): Sinasabing ang babaing may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal sa lahat ng babaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino na minamahal din ni Antonio Luna.
JOSEPHINE BRACKEN (Dapitan): Ang babaing lahing Irish na mula sa Hongkong na nagpunta ng Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahan. Siya ay inangking asawa ni Rizal kahit walang pahintulot ng simbahan dahil na rin sa pagtanggi ng Obispo ng Cebu na sila ay makasal. Ito ay tinawag niyang “dulce estranghera” sa kanyang hinabing tula ng pamamaalam.
IBA PANG MGA TAUHANG NABANGGIT SA KABANATANG ITO SA BUHAY NI RIZAL: Vicente Abad: Ang lalaking pinakasalan ni Josephine Bracken pagkatapos ng dalawang taong pagkamatay ni Rizal. James Bracken: isang sundalong naglilingkod bilang private sa 28th Regiment of Foot na syang tunay na ama ni Josephine Bracken. George Taufer: Ang taong umampon kay Josephine Bracken na nabulag dahil sa syphilis. Manuela Orlac: Kalaguyo ng isang pari. Ang babaing naging kasa-kasama ni Josephine ng dumating siya sa Pilipinas. Eduardo Bousted: Isang mayamang Anglo-Pilipino na nakapangasawa ng isang mayamang Pilipina na taga-Maynila. Siya ang ama ni Nelly Bousted. Marcel H. Del Pilar: Nakatunggali ni Rizal sa halalan para maging Responsible sa isang komiteng mamamahala sa pagkakampanya para sa Pilipinas. Galicano Apacible: Isa sa 90 Pilipinong naninirahan sa Madrid na siyang nangangampanya para kay Rizal upang manalo sa halalan. Henry Kipping: Isang Ingles na pumayag pakasalan ni Leonor Rivera dahil na rin sa kawalan ng natatanggap na kalatas mula kay Rizal. Jose Ma. Cecilio: Isang matalik na kaibigan ni Rizal na hinabilinan nya na laging babalitaan sya ng mga pangyayari tungkol kay Leonor Rivera. Siya ang nagtaguri kay Leonor Rivera na “La Cuestion del Oriente”. Manuel Luz: Isang mayamang binatang taga Lipa, Batangas na nakatakdang pakasalan ni Segunda Katigbak. Paciano, Narcisa, Josefa at Trinidad Rizal: Mga kapatid ni Jose Rizal.
Kabanata 13 ANG MGA PAG-IBIG NI RIZAL
Ipinasa ni: Kenedy B. Morales CEIT-BSECE RTU at Israel S. Meso CEIT-BSECE RTU
Ipinasa kay: Gng. Noguera Guro ng History 3