Metrosekswal: Ang bagong lahi ni Adan (Isang pananaliksik papel) BAUTISTA, Carmela Veronica, CANDELARIA, Andrea, CAPARAS, John Nikart, CASTRO, Gladys, LINA, Donne Guilbert mula sa BSN T.A. I-7 2008-2009, Kolehiyo ng Narsing sa Patnubay ni Prof. Zendel Rosario ManaoisTaruc, M.Ed.
PANIMULA Sa mga nakalipas na henerasyon, ang pagkalalaki ng isang tao ay nasusukat sa kanyang lakas, tapang at mataas na pagtingin sa kaniyang pagiging lalaki. Ito ay makikita sa hindi niya pagtangkilik sa anumang bahid ng pagkababae. (Metrosexual: The Essence of Male Grooming, 2008) Ngunit kasabay ng pag-usbong ng mga adbertismo sa mundo ng komersyalismo, unti-unting nagbago ang imahe ng pagkalalaki. Isang konkretong pruweba nito ay ang pag-usbong ng grupo ng mga kalalakihang tinatawag na “Metrosexual”. Nag-ugat ang salitang ito sa isang artikulo noong 1994 na kinatha ni Mark Simpson na ipinakahulugan niyang: “a new narcissistic, self-conscious kind of masculinity produced by film, advertising and glossy magazines.” (Berman, w.p.). Subalit sa pagpapakita ng personalidad ng metrosekswal, hindi naging malinaw sa nakararami ang kanilang pagkatao na nagbunga ng maling persepsyon na sila ay mga binabae. Ang kakulangan sa pagkamulat ng mga tao tungkol sa mga metrosekswal ay nagdudulot ng baling paniniwala sa kanila. Upang maiwasan ito, makabubuting magkaroon ng ideya ang mga tao sa buhay, karanasan at saloobin ng isang metrosekswal at ang epekto ng kaniyang pamumuhay sa kaniyang pamilya, trabaho at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Sa ganitong kadahilanan, nilalayon ng papel na ito na:
1. ipaliwanag nang tuwiran ang kahulugan ng metrosekswal; 2. ipaalam ang mga katangiang kadalasang tinataglay ng mga metrosekswal;
3. ipakita ang opinyon ng ilan sa mga metrosekswal; at 4. ipaunawa sa lahat ang buhay, karanasan at saloobin ng isang metrosekswal.
I.
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
A. Depinisyon ng Pagkalalaki Mula sa sinulat ni Marc van Bree (2004) na hinango niya kay Levant, ang pagkalalaki ay inilalarawan ng mga sumusunod : "(1) avoidance of femininity; (2) restricted emotions; (3) sex disconnected from intimacy; (4) pursuit of achievement and status; (5) self-reliance; (6) strength and aggression; and (7) homophobia". Subalit sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng panibagong opinyon ang ilan at tuluyan nang tinalikuran ang tradisyon.
B. Etimolohiya ng salitang Metrosekswal
Ang bawat penomena ay may katumbas na tawag at ang bawat tao ay may kanyakanyang kategorya. Iyan ay patunay na sa lahat ng bagay ang mga tao ay mahilig gumawa ng mga kataga at titulo. Umusbong ang katagang metrosekswal noong 1994; naging popular lamang ito sa publiko noong 2003 nang muli itong ipinakilala sa iba’t ibang pahayagan at palabas sa telebisyon. Si Mark Simpson, isang Ingles na homosekswal at komentarista, ang unang naglathala ng terminong metrosekswal sa isang artikulo noong 1994 na tinawag na “Here Comes the Mirror Men.” (www.copperwiki.org) Ang
konseptong ito ay nalinang salamat sa libro ni Simpson sa identidad ng pagkalalaki sa mundong pinagagalaw ng media, na tinatawag na Male Impersonators: Men Performing Masculinity. (St. John, 2003) Hulyo ng 2003 ipinalabas ang dokumentaryong Totally Gay sa VH1 at sinundan naman ito ng Queer Eye for the Straight Guy sa Bravo. Pinag-usapan at tinalakay sa mga palabas ang bagong klase ng kalalakihan, samantala, ibinalita naman sa mga pahayagan, ang mga bagong uso na naaayon sa kanila (van Bree, 2004).
C. Depinisyon ng Metrosekswal Ang metrosekswal ayon kay Richard Trubo (w.p.) ay isang straight, sensitibo, may pinagaralan, “urban dweller who is in touch with his feminine side.” Siya ay may lingguhang pagpapa-manicure at ang kanyang buhok ay nasa pangangalaga ng isang stylist kaysa sa isang barbero. Mahilig siyang mamili, maaaring meron din siyang alahas, at ang kanyang paliguan ay puno ng mga grooming products tulad ng moisturizers at make-up. Ang kanyang panlabas na kaanyuan ay kadalasang nakakakuha ng atensyon sa mata ng karamihan. Binigyang kahulugan naman ni Gary Drum ang metrosekswal bilang isang heterosekswal na hindi lamang partikular sa kanyang pananamit at pangangalaga sa katawan, ngunit pati na rin sa mga kaugalian sa pag-aayos na kasama ang mga bagay na ginagawa ng mga babae tulad ng exfoliating, moisturizing at spa treatments. Subalit nabanggit sa kanyang artikulo ang sinulat ni Sean K sa South China Morning Post na ang sekswalidad ay “unspoken part of the definition”. Hindi raw kinukwestyon ang sekswalidad ng isang metrosekswal, bagkus, siya ay inilalarawan ng kung ano siya pati na rin ng kung ano ang hindi siya.
D. Katangian ng Metrosekswal Ayon kay Jake Brennan (w.p.), ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng isang metrosekswal: makabago, kadalasan ay binata na “masyadong binibigyang pansin” ang kanyang sarili at ang kanyang feminine side; palaayos sa kanyang katawan; ang kanyang mga damit ay laging sunod sa uso nasa opisina man o nasa gimikan; walang pag-aatubili kung gumastos ng kanyang kita makasunod lamang sa uso sa istilo ng buhok, damit at sapatos. Ang ilang kalalakihan naman ay naguguluhan sa tunay na kasarian ng mga ito samantalang ang iba ay nagseselos sa mga metrosekswal dahil sa pagtatagumpay nila sa mga babae, lalo na sa pagpapahanga sa mga babae na natutuwang makasama sila sa kadahilanang nakikita nila sa mga metrosekswal ang mga detalye ng pagiging tunay na lalaki. Ang iba naman sa mga metrosekswal ay nahihilig sa literatura, mga palabas sa sinehan at sining; may kaalaman sa pagluluto; may abilidad sa pagpili ng perpektong alak at musika; nahihilig sa interior designing; “is a city boy or, if living a commute away from downtown, is still urbane, if not rightly urban” at nasisisyahan sa pagbabasa ng panlalaking magasin.
E. Ang Metrosekswal at Narsisismo Ang pinakakonkretong depinisyon ng metrosekswal ay narcissism o ang labis na pagmamahal at paghanga sa sarili. Ayon sa artikulo ni Qasim Moini (2007) na hinango niya sa pahayag ni Sigmund Freud, ang metrosekswal ay “narcissist type C: loves what he would like to be.” Samantala, ang konsepto ng metrosekswal ay mayroon pang isang panig, ang media at komersyalismo. Sa pananaw ng komersyalismo, hindi narcissist ang metrosekswal. Dahil ito sa kagustuhan ng mga marketers na palawakin ang pakinabang ng konseptong ito sa negosyo. Ayon sa artikulo ni Vivian Manning-Schaffel (2006), nais ng mga kumpanya ng mga produktong pampaganda na kumbinsihin ang mga kalalakihan na normal lang sa isang lalaki ang gumamit ng kung anu-anong produktong pang-ayos sa katawan. Bagama’t magkaiba ang pinaniniwalaan ng dalawang panig,
Litrato mula sa: http://www.flickr.com/photos/leon_simone/3262697929/
nagkakaugnay pa rin sila sa puntong ito: “Metrosexuality = narcissism and homoeroticism = advertising.” (van Bree, 2004)
II.
PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL A. Metodo Bago ang aktwal na panayam sa isang metrosekswal, nagsagawa muna kami ng ambush interview sa Eastwood City, Libis, kung saan kadalasang makikita ang mga pusturyosong kalalakihan at kababaihan. Pagkatapos nito, kinapanayam naming si Kerwin, isang metrosekswal. At upang maidokumento ang aming panayam, gumamit kami ng digital camera (para sa video at pictures) at cellphone bilang rekorder. Sa tulong naman ng mga guide questions, naging maayos ang daloy ng panayam. Narito ang mga halimbawa ng mga tanong sa aming guide questions:
• • • • • • •
Gumagamit ka ba ng mga styling products? Madalas ka bang mag-work out? Sinu-sino ang iyong fashion icons? Mahilig ka bang sumunod sa uso? Ano ang iyong styling preference: for style or for comfort? Banidoso ka ba? Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng salitang metrosekswal? Sa tingin mo ba isa kang metrosekswal? Bakit o bakit hindi?
B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng datos Sa aming ambush interview sa Eastwood City, Libis. Apat na lalaking pusturyoso ang aming kinausap upang malaman kung ano ang opinyon nila sa mga metrosekswal. Tatlo sa kanila, bagama’t umaming banidoso, ay homosekswal ang tingin dito.
Mula sa kaliwa: Richard, Matthew, Derick
Ang pang-apat ay si McCoy, dating kabilang sa bandang Orange and Lemons at ngayon ay bumuo ng sariling banda pinangalanang Kenyo, ay
nagsabing wala namang masama sa mga lalaking gustong mag-ayos at magpaganda ng katawan.
Resulta ng Interbyu: Si Kerwin ay isang metrosekswal na aming kinapanayam. Siya ay dalawampu’t isang gulang at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang market research company sa Makati bilang isang apprentis. Lumaki siya at nag-aral sa Cagayan de Oro kung saan umani siya ng mga parangal hindi lang sa akademikong aspeto (dati siyang valedictorian), kundi pati na rin sa sining. Noong magtapos siya ng hayskul, siya ay lumuwas ng Maynila upang doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
“Promdi ako kaya pagdating ko dito, kailangan kong mag-conform sa mga pagbabago.” Ayon sa kanya, noong bagong dating siya sa siyudad ay maraming tao ang nanghusga sa kanya dahil sa kanyang katabaan at uri ng kanyang pananamit. Sa artikulo ni van Bree, nabanggit na madalas makikita ang mga metrosekswal malapit sa mga urbanisadong lugar.
“Pagdating ko sa Manila, nagsimula akong maging self-concious. Natuto akong mag-ayos ng aking sarili and I have to know the latest fashion trends.” Sa matinding pagnanais niyang magbawas ng timbang at dahil na rin sa pagiging perfectionist, kamote at pinakuluang manok na walang kahit anong pampalasa lamang ang kanyang kinain sa loob ng apat na buwan. “Naging mahirap para sa akin ang mag-diet noong una, pero ayun sinanay ko na lang sarili ko kasi it’s for my own good naman”. Subalit ang mga sakripisyo niyang ito ay nagbunga naman ng malaking pagbabago sa kanyang sarili. “Tumaas ang self-esteem ko at dumami ang aking mga kaibigan,” aniya. Maraming bumukas na oportunidad sa mundo ng pagmomodelo dahil sa malaking pagbabago ng kaniyang hitsura. Ngunit hindi niya raw ito tinanggap dahil gusto niya munang matapos ang kurso niyang arkitektura. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumigil si Kerwin sa pag-aaral dulot ng problemang pampinansyal. Upang makatulong sa pamilya at makapagipon ng pera, inirekonsidera niya ang pagmomodelo. Pinasok niya ang mundong ito kung saan wala siyang nalalaman. Kanyang isinalaysay na mas naging banidoso siya dahil sa kanyang bagong mundong ginagalawan.
“From there (probinsya), I was nothing; from here (Manila) I was something.” Sa maiksing panahon, mabilis na lumobo ang bilang ng mga kalalakihang nawiwili sa pagtungo sa teritoryo ng mga kababaihan tulad ng mga spa at salon. (Wencislao, 2006) “Ever since pumasok ako sa mundo ng modeling, marami akong kinailangang gawin especially sa physical appearance ko. Kaya nagpa-relax ako, tapos mine-maintain ko ‘yun with the use of different styling products. Hindi ako makaligo pag walang conditioner at kailangan may lotion after. I also see to it na nagpapa-spa ako regularly.” Natuto rin siyang mag-ayos ng buhok gamit ang iba’t ibang styling products. Halos lingo-linggo daw siyang bumibili ng isang set ng mga bagong damit sa mga branded na tindahan. Ngunit hindi naman naging madali ang pagtanggap sa kanya ng ilan. Nang minsang umuwi siya sa kanilang probinsya, maraming tao ang hindi nakakilala at nagulat sa malaking pagbabago niya. Marami ang nagduda sa kanyang seksualidad, dahil sa sobrang pagkabanidoso niya, isa na rito ang kanyang dating nobya. Sang-ayon ang pangyayaring ito sa artikulong “Metrosexuals” na pinagdududahan talaga ang kasarian ng mga tulad niya. (www.copperwiki.org) Hindi naman ininda Kerwin ang mga ito sapagkat nirerespeto niya ang opinyon ng ibang tao. Subalit dumating siya sa punto kung saan napagtanto niya na hindi niya kailangan ang mga materyal na bagay na mayroon siya ngayon, pati na rin ang kanyang pagiging labis na banidoso. Ayaw niyang maging hadlang ito sa pagiging isang tunay na tao. Kaya naman ngayon, lahat ng kanyang ginagawa, ginagawa niya nang may moderasyon. Ayon sa kanya, metrosekswal pa rin siya, naging mas simple lang siya ngayon sa kanyang pananamit at madalang na lang siyang pumunta sa gym at magpa-facial.
III.
KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang pag-usbong ng salitang metrosekswal sa lipunan ay naging daan upang maipahayag ng mga kalalakihan ang kanilang identidad na may pagkabanidoso. Subalit nagdulot din ito ng hindi malinaw na pagkakaunawa ng mga tao sa kanila. Sa kabuuan, may iba’t ibang persepsiyon ang mga tao sa konseptong metrosekswal. Ngunit sa tulong ng mga nakalap na impormasyon, naipaliwanag ng papel na ito ang tunay na kahulugan, katangian at pamumuhay ng isang metrosekswal. Tulad ng mumunting buto na untiunting umusbong at lumago na isang mayabong na puno, ay ang pag-unlad ng pag-unawa ng mga tao.
Bilang pagtatapos, inaasahan ng mga mananaliksik na magiging daan ang papel na ito upang mas maparami ang mga pag-aaral sa mga metrosekswal sa wikang Filipino. Iminumungkahi na palawigin pa ang saklaw metrosekswal.
ng
pag-aaral.
Makabubuti
ring
dagdagan
ang
mga
kakapanayaming
At higit sa lahat, inaasahan na makatutulong ang papel na ito upang buksan ang isipan ng mga mambabasa na magbubunga ng pagsugpo sa hindi makataong panghuhusga. Malinawan din nawa ang nagugulumihanang isipan ng mga tao gaya ng pagsikat ng araw sa bukang-liwayway.
BIBLIOGRAPIYA:
• • • •
Berman, L. A. (2008, September 3). Who are the metrosexuals. Retrieved January 27, 2009, from http://www.narth.com/docs/metrosexuals.html Brennan, J. (w.p.). Are you a metrosexual?. Retrieved February 8, 2009, from http://www.askmen.com
Drum, G. R. (w.p.). The metrosexual: fashion-conscious or JGE (just gay enough?). Retrieved February 7, 2009, from http://www.hardyboy.com/metrosexual.html Manning-Schaffel, V. (2006, May 24). Metrosexuals: a well-groomed market?. BusinessWeek, Retrieved February 16, 2009, from http://www.businessweek.com/innovate/content/may2006/id20060524_072797.htm
• • •
Metrosexuals. (2008). In CopperWiki [Web]. Retrieved February 7, 2009, from http://www.copperwiki.org/index.php/Metrosexuals Moini, Q. A. (2007). Rise of the metrosexual. Dawn Sunday Magazine, Retrieved Marso 11, 2009, from http://www.dawn.com/weekly/dmag/archive/071021/dmag1.htm Naess, S. (2008, September 5). Metrosexuals: the essence of male grooming. Retrieved February 8, 2009, from http://www.articlesbase.com/men%27s-issuesarticles/metrosexuals-the-essence-of-male-grooming-549988.html
•
• • • • •
St. John, W. (2003, June 22). Metrosexuals come out. The New York Times, Retrieved February 16, 2009, from http://www.nytimes.com/2003/06/22/fashion/22METR.html?ex=1371614400&en=7f4a595 e0f27dd6d&ei=5007&partner=USERLAND
W.A., (2005, February 3). The metrosexuals at x. Sun.Star, Retrieved February 16, 2009, from http://www.sunstar.com.ph/static/ceb/2005/02/03/life/the.metrosexuals.at.x..html
Trubo, R. (2003, July 28). Metrosexuals: it's a guy thing!. MedicineNet, Retrieved January 27, 2009, from http://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=52190
van Bree, M. (2004, January 15). The metrosexual defined Narcissism and masculinity in popular culture. Retrieved January 27, 2009, from Marc van Bree Web site: http://www.mcmvanbree.com/metrosexual.htm Wencislao, B. (2006, September). The Grooming Rituals of Guys - Exposed. Cosmopolitan, 10(9), 84-88. Mga litrato ng mga tatak ng damit hango sa: o http://linhperfume.com/img/brand/Hugo_Boss_logo.jpg o http://www.arrow-menswear.com/index.html o http://www.oberfeldsnowcap.com/site/images_item_1/306_2_logo.jpg
o http://www.flickr.com/photos/alogou1775/2302069725/
http://www.sunnywatches.nl/media/Logo_s_watches/omega_watches_logo.j pg Mga litrato ni Kerwin hango sa: o http://2.bp.blogspot.com/_ECl7n5qVRsU/SSuPd6PRXOI/AAAAAAAAAGQ/Bou S_NMgKDs/s1600-h/Kerwin.jpg o http://styleonefashion.multiply.com/photos/album/41/Leg_6?&album=41&vi ew:replies=threaded o http://profiles.friendster.com/21662504 o
•