UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
KATAWAN NI ADAN, GAMIT PANGKABUHAYAN Isang Pananaliksik Tungkol sa Prostitusyon sa mga Kalalakihan
BERONIO, Erold; DE GUZMAN, Andrea Caselda; JIMENEZ, Benito Christian; LOPEZ, Stephen; SANCHEZ, Arturo; SORIANO, Cleto mula sa Kolehiyo ng Narsing seksyon I-9, T.A. 2008 – 2009 Sa patnubay ni Prop. Zendel Taruc, M. Ed.
I.
Mga Kaugnay na Babasahin
A. Ang Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan Ang prostitusyon ay may dalawang uri, ang prostitusyon sa mga kababaihan at ang prostitusyon sa mga kalalakihan. Ayon kay Garcia, (1994) ang prostitusyon sa mga kalalakihan ay isang halaga ng salapi. Dagdag pa nito, ang mga lalaking prostityut ay sadyang may kakaunting bilang kaysa sa mga babaeng prostityut. Ayon naman kay Mathews, P. (1987), ang prostitusyon sa mga kalalakihan ay isang gawaing may sekswal na kalikasan na ginagawa sa kapwa lalaki man o babae, na may layuning hindi lamang nakatuon sa sekswal na pangangailangan. B. Uri Ng Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan Ayon kay Garcia, (1994) may dalawang uri ng mga lalaking prostityut. Ang unang uri nito ay nabibilang sa kategoryang “peer-delinquent subculture”. Ito ay binubuo ng mga lalaking prostityut na nagmula sa isang mababang estado ng buhay. Dagdag pa rito, pinasok nila ang kalakarang ito upang kumita ng pera. Hindi nila ito ginagawa dahil sa ito’y kanilang kagustuhan ngunit dala ng pangangailangan. Ang ikalawang uri naman ng mga lalaking prostityut ay nabibilang sa kategoryang “gay subculture”. Binubuo nitong mga lalaking ginagamit ang prostitusyon bilang daan upang mapunan ang kanilang
pangangailangan sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ang kumita ng salapi ay hindi nila masyadong binibigyang pansin. C. Ang Kalagayan Ng Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan
1. Sa Buong Mundo Ayon sa ulat ng CBC News, ang tumataas na bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa Bali, Indonesia, Costa Rica, India at Bangladesh ay nagpapakita lamang na ang prostitusyon sa mga kalalakihan doon ay lumalaganap kasama ng sakit na ikinakalat nito. Sa mga binanggit na kalagayan ng prostitusyon sa kalalakihan sa iba’t ibang lugar, mahihinuhang ang kalagayan ng prostitusyon sa mga kalalakihan sa buong mundo ay lumalaganap, kasama ang mga dahilang pinagmulan at ang mga masasamang epektong nadudulot nito.
2. Sa P$ilipinas Sa Pilipinas, ayon kay Mathews, P. (1987), ang prostitusyon sa mga kalalakihan ay sadyang lumalaganap lalo na sa mga malalaking lungsod. Pinagtutuunan ng pansin ng kanyang isinagawang pagaaral ay ang lungsod ng Maynila, partikular na rito ang Ermita na kung saan ang mga Amerikanong turista ay inaalok ng mga lalaking prostityut ng kanilang serbisyo. Ang ganitong situwasyon sa Pilipinas ay sadyang kakaiba sa ibang bansa tulad ng Australia, U.S.A. at Britanya. Dagdag pa nito, kadalasang kumukuha ng mga turistang kostumer ang mga prostityut sa mga “gay bars”, “disco bars” at sa kalsada o kalye. D. Mga Dahilan Sa Pagpasok Ng Partisipante sa Kalakalan ng Laman
May mga dahilan kung bakit pinapasok ng ibang kalalakihan ang mundo ng prostitusyon. Narito ang ilan sa mga dahilan:
Ayon kay Garcia M. (1994) •
Kahirapan ang pinaka-karaniwan dahilan.
•
Ang madalas na pakikihalubilo sa mga prostityut at mga bugaw, naiimpluwensyahan ng mga ito ang isang tao na pasukin ang mundo ng prostitusyon.
Ayon kay Anonuevo C. (1987) •
Ang pagkalulong sa bawal na gamot ay isang rin sa mga dahilan. Ayon sa kanya, natutustusan ng salaping kinikita nila sa kalakalan ng laman ang pangagailangan nila sa pinagbabawal na gamot.
•
Ang mga suliranin sa pamilya.
•
Ang kakulangan prostitusyon.
sa
pagharap
ng
pamahalaan
sa
suliranin
ng
Ayon kay Boyer D.K. (1988) •
Ang “sexual identity” ng lalaking prostityut
•
Ang “sexual exploitation” o “sexual abuse” ng lalaking prostityut
E. Ang Kalakalan Ng Laman Sa Prostitusyon Sa Mga Kalalakihan
1. Ang Negosasyon
Ang prostitusyon sa mga kalalakihan ay maituturing na isang gawain kung saan makakakuha ang isang lalaki ng kikitaing salapi sa loob lamang ng ilang sandal. Sa katunayan, itinuring ito ni Anonuevo C. (1987) na isang “easy money”. Ayon pa sa kanya, sa oras na ang isang tao ay pumasok sa kalakalan ng laman, iikot na ang kanyang buhay sa mga night clubs, gay bars, massage parlors, at ang pinakapraktikal, ay sa lansangan.
Binigyang diin ni Garcia M. (1994) na karaniwan sa kalye nagaganap ang negosasyon ng kostumer, bugaw, at ng prostityut 1. Napatunayan din ito ng isang dokyumentaryo ng Reporter’s Notebook, na ulat nina Jiggy Municad at Maki Pulido. Nakasaad dito na sa pagkagat ng dilim, namumugad na sa lansangan ang isang lalaking prostityut na nagngangalang Roberto.
Base sa mga obserbasyon ng mga mananaliksik, nagsisimula ang negosasyon sa pagitan ng kostumer at bugaw o di kaya nama’y sa mismong prostityut sa isang usapan. Sa ibang pagkakataon, ayon kay Anonuevo C. (1987), nagsisimula ito sa isang simpleng kindat ng mata ng prostityut sa isang potensyal na kostumer. Susunod na rito ang usapan sa pagitan ng mga ito. Nakalakip sa usapan ang pakikipagkilanlanan, ang pag-aalok ng serbisyo sa kostumer, ang mga serbisong maiibibigay ng prostityut, at ang pagkakasunduang bayad sa panandaliang aliw.
2. Salapi
Ayon sa website ng wikipedia dumidipende sa serbisyong kayang ibigay ng prostityut ang halaga ng salaping kapalit nito.
F. Mga Epekto ng Prostitusyon sa mga Kalalakihan Ang kalakalan ng laman ay may mga sari-saring epekto sa lalaking prostityut, sa pamilya nito at sa lipunan na kanyang ginagalawan. May mga nailahad na epekto ng Prostitusyon sa website ng Wikipedia at Safest. Ito ay ang mga epekto sa: 1. Sarili • Pagkakaroon ng STD particular ang AIDS dahil sa pakikipagtalik sa ibat ibang mga tao. • Maaring gumamit ng ipinagbabawal na gamot upang malimutan ang emotional na sakit na nararanasan. • Hindi natitiyak ng isang prostityut kung sino ang sineserbisyuhan niya. Hindi siya nakasisiguro kung nasa tamang pagiisip ang taong makikipagtalik sa kanya. At maari itong mauwi sa pisikal na pang-aabuso ng kostumer sa prostityut. 2. Pamilya • Maaring layuan ng pamilya ang kanilang kamag-anak nilang prosti dahil ayaw nilang pagtinginan silang mababa ng lipunan. • Maaring magdulot ng pagaaway at sisihan sa pamilya. Ito’y dahil nagsisisihan ang mga magulang ng prostityut ukol sa hindi tamang pagpapalaki at pagsubaybay sa anak. • Nawawala ang suporta at pagmamahal ng pamilya sa Prostityut. 3. Society • Sa paningin ng publiko na maduming trabaho ang prostityuson madalas na nagkakaroon ng mababang pagtingin sa mga lalaking prostityut. Ang paningin ng tao ay sila’y isang salot ng lipunan. • Maaring maisip ng mga tao na lahat ng prostityut ay masasamang loob mukhang pera, madudumi o kaya naman mga sex addict
G. Mga Isyu
1. Sakit Kasama na sa kalakaran ng laman ang mataas na posibilidad ng pagkalat ng mga sakit tulad ng HIV at STD. Ayon na rin sa www.jakartapost.com, mataas ang posibilidad nito dahil sa pagpapalit-palit ng mga partners. Palipat-lipat sila ng mga lugar ngunit sa isang syudad pa rin upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan. 2. Diskriminasyon Hindi halata ang diskriminasyon sa mga male prostitutes. Ayon sa Prostitution & the Law – The FACTS ng www.newint.org, legal ang prostitusyon sa Canada, Germany, The Netherlands at sa iba pang bansa kung ito ay mga pribadong transaksyon. Ayon naman kay Matthews, P. (1987), ang prostitusyon sa kalalakihan sa Pilipinas ay disimulado dahil alam na rin na ito ay may salik na sosyal at ekonomikal; ngunit meron pa rin kakaunting diskriminasyon ukol dito. 3. Pang-aabuso Ayon sa ulat ng CBC News, karamihan ng mga male prosityut sa Saskatchewan ay may karanasan ng pisikal at sekswal na pang-aabuso kaya sila namasukan sa ganitong kalakalan. Ayon kay Sue McIntyre, ang may-akda ng ulat, sa 40 kataong galling sa probinsyang kanyang nakapanayam, 75% ang may kasaysayan ng sekswal na pang-aabuso at mahigit 80% ang nagsimula sa ganitong trabaho bago pa sila maging 18 taon. Mahihinuha sa pag-aaral na mayroong koneksyon ang paglalayas sa bahay at ang pagtatrabaho bilang male prostityut sa lansangan. 4. Mga Nilalabag na Batas Narito ang mga batas na nalalabag ng Prostitusyon na mula sa website ng Wikipilipinas at Arellanolaw. Revised Penal Code Article 202 Nakasaad sa batas na ito na bawal magpaligoy-ligoy sa kalsada ang mga taong kaya naman magtrabaho at buhayin ang sarili, sinasabi dito na lubhang pinagbabawal ang mga prostityut, delingkwente at mga bugaw na isinasagawa ang kanilang balak at pinagbabawalan din na magpaligoyligoy sa mga pribadong lugar na walang mabuting dahilan. Ang lahat ng ito ay may parusa na arresto menor at multa na 200 pesos pag umulit ang mga may sala. Revised Penal Code Article 341 Ang batas na ito ay magpapataw ng parusa sa isang tao na nakikipagnegosasyon sa isang prostityut.
Republic Act 9208 Section 4 of Republic Act 9208, o "Anti-Trafficking in Persons Act of 2003," Ito ay isang batas na nagtatakda ng mga polisiya upang masupil ang trafficking ng mga tao, lalo na sa mga bata at kababaihan, nagtatatag ng mga kinakailangang mekanismong institusyonal para sa proteksyon at suporta sa mga biktima ng trafficking, nagtatakda ng kaparusahan sa paglabag sa batas na ito, at para sa iba pang layunin. II.
Paglalahad ng Sariling Pag-aaral
A. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga dahilan, epekto, at higit sa lahat ang buhay ng mga lalaking pinili ang mundo ng prostitusyon upang mabuhay. Upang mabuo ang pag-aaral na ito, nagsagawa ang mga mananaliksik na isang panayam sa isang lalaking prostityut, si Rusty Montecar, sa isang motel sa Avenida, Maynila noong ika-12 ng Enero ng taong 2009. Upang maisagawa ito, gumamit ang mga mananaliksik ng isang “tape recorded” at mga katanungan na mag-uungkat sa naging buhay ni Rusty bilang isang lalaking prostityut. B. Pagsusuri ng mga Datos Base sa mga nalikom na impormasyon, at kaalaman sa mga sanggunian, marami rito ay sadyang makatotohanan. Tulad na lamang ng iba sa mga dahilan, negosasyon ng mga taong kaugnay, at ibang mga isyu ukol sa prostitusyon sa mga kalalakihan. Ang ibang mga konspetong nakalap muna sa mga sangguina’y lubos na mapatutunayan ng mga impormasyon nakalap sa isang lalaking prostityut na nakapanayam ng mga mananaliksik. Narito ang mga konseptong mula sa mga sanggunian na lubos na mapatutunayan ng lalaking prostityut, si Rusty na nakapanayam ng mga mananaliksik:
•
Ang mga suliranin sa pamilya ay isa sa mga sanhi sa pagiging prostityut.
Ayon kay Rusty, “ang pamilya ko ay isang may-kayang pamilya. Gayon pa man, dahil sa pagkalulong ng aking ama sa masamang bisyo, nasira ang pamilya namin. Nagkahiwa-hiwalay kami ng aking dalawa pang kapatid. Ang panganay naming kapatid ay may pamilya na, samantalang ang bunso namin ay iniwan sa pangagalaga ng aming tiyahin. Ako naman ay nasa Makati. Nagpasya akong tumayo sa aking sariling mga paa upang mapatunayan ko sa aking sarili at sa aking pamilya na kaya kong buhayin ang aking sarili sa sarili kong pamamaraan. At ang itinuturing kong pamamaraan ay ang pag-pasok ko sa kalakalan ng laman”. •
Kahirapan ang karaniwang sanhi ng pag-pasok ng isang lalaki sa prostitusyon.
Nasabi ni Rusty na “bago pa ako pumasok sa mundo ng prostitusyon, napag-aral ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang ‘car wash station‘. Napagtapos ko ang aking sarili sa mataas na paaralan; ngunit, sa hirap ng buhay kailangan kong huminto sa pag-aaral at pasukin ang mundo ng prostitusyon.
•
Ang madalas na pakikisalamuha ng isang tao sa mga bugaw at mga prostityut ay isa rin sa mga dahilan.
Nang tumigil si Rusty sa pag-aaral, “napasama ako sa mga barkada at doon ay nakakilala ako ng mga barkadang bihasa na sa ganitong gawain. Tinuruan nila ako ng mga ganitong gawain hanggang sa nasanay ako rito at naging bihasa. Gayon pa man, patago pa rin akong nagbibigay ng serbisyo“.
•
Ang teoryang nagsasaad na depende sa serbisyong ibibigay ng prostityut ang halaga ng salaping kapalit nito.
Isinaad ni Rusty na ”nag-iiba iba ang halaga ng salaping sinisingil ko sa aking mga sineserbisan. Nag-iiba ng halaga ayon sa kung anong uri ng serbisyo ang gusto ng kostumer ko”. Mas mababa ang singil ko sa loob ng sinehan kung saan “handjob” at “blowjob” lang ang inaalok kong serbis. Ang karaniwang halaga na pinagkakasunduan namin ng kostumer ay naglalaro lang sa P50.00 hanggang P100.00. Ngunit, sa ibang pagkakataon, umaabot sa P150.00 hanggang P300.00 ang inaabot sa akin ng mga kostumer kong galante at mabait.Mas mataas naman ang halaga kapag sa labas na ng sinehan, tulad na lang sa hotel o motel. Kadalasang kasama ang katawan, pagkalalaki, at buong pagkatao ko sa mga serbisyong inaalok ko kung saan malaya ang kostumer ko na sabihin o gawin kung ano ang kanyang gusto. Samakatuwid, nagiging pagmamay-ari ako ng kostumer sa ganitong pagkakataon”.
•
Ang paglaganap ng sakit na AIDS ay sanhi ng prostitusyon.
Bagamat hindi ito napatunayan ng diretso, nagbigay ang sabdyek ng kanyang paraan upang maiwasan niyang magkaroon ng gantiong sakit at anu pang mga sakit na maaari niyang makuha sa ganitong gawain. Ayon sa kanya, ”talagang delikado ang ginagawa ko, pero ang pwede kong gawin para maiwasan ang ganitong mga sakit. Ang isa sa mga paraan ay ang paggamit ng ’condom’. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkakaroon ng ganitong mga sakit”.
•
Mga bakla at matrona ang karaniwang mga kostumer ng mga prostityut. Taliwas sa konseptong ito, “ang karaniwang nagiging kostumer ko ay mga silahis, mga lalaking naguguluhan sa kanilang tunay na pagkatao. Madalang na matron ang kinukuha kong kostumer dahil mapang-angkin sila. Mapangangkin dahil madalas gusto nila ay mapasakanila ang buong pagkatao ko. Minsan, umaabot pa sa puntong pati ang kalayaan ko ay nagiging mailap“.
III.
A. Kongklusyon
Ang kahirapam nga ang pangunahing sanhi ng pagpasok ng isang lalaki sa prostitusyon. Ngunit, ang mga suliranin sa pamilya ay isa ring malaking salik upang pasukin ng isang lalaki ang kalakalang ito. Ginagamit nila ito upang patunayan sa sarili, lalo na sa pamilya na kaya nitong buhayin ang sarili sa kanyang sariling pamamaraan.
B. Rekomendasyon
Upang maiwasan na masadlak ang isang teenage sa prostitusyon, dapat palakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak ng may pagmamahal at maayos na buhay. Sa ganitong paraan, mailalayo ang mga anak sa ganitong suliranin at mapapaigting pa ang pagmamahalan ng pamilya sa isa’t isa. Sa mga lalaking prostityut, maraming paraan upang mapatunayan ang sarili. Tulad na lamang ng pagsali sa mga programang sa livelihood at entrepreneurship at paghingi ng tulong sa mga NGO na tumutulong sa mga lalaking prostityut. Sa gobyerno, dapat paigtingin pa ang pagbibigay ng trabaho upang hindi masadlak sa ganitong gawain ang mga kalalakihan. Ang pag-aaral na ito ay dapat pang palawakin upang lubos na mapatunayan na ang suliranin sa pamilya ay isa ring malaking salik sa pagpasok ng isang lalaki sa kalakalan ng laman. Sa mga nais magsagawa ng isang pananaliksik papel tungkol sa prostitusyon sa kalalakihan, marapat lamang na kumuha ng mahigit sa dalawang sabdyek upang malaman ang iba pang mga sanhi sa pagpasok sa prostitusyon.
C. Bibliyograpiya
Anonuevo, Paul. (1987). Cast The First Stone. Quezon City: National Book Store
Garcia, Manule. (1994). Social problems In The Philippine Context. Manila: National Book Store
Matthews, Paul. (1987). Male Prostitution: Two Monographs. Sydney: Australian Book Company
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Prostitution_in_the_Philipp ines http://en.wikipedia.org/wiki/male_prostitution#Risks http://www.arellanolaw.net/publish/itlj-issue3_13-3.html http://www.cbc.ca/health/story/2008/12/01/maleprostitus.html?ref=rss http://www.gmanews.tv/story/139098/pay-for-play http://www.jakartapost.com http://www.newint.org http://www.safest.org/page.aspx?nid=11 http://www.wikipedia.com/search/male_prostitution http://www.yahoo.com/images