Ang Paglalakbay ni Gulliver Narrator: Si Lemeul Gulliver ay ipinanganak sa Nottinghamshire, England. May kaya ang kanyang mga magulang. Masayang- masaya sila dajil kay Gulliver. Gusto ng mga magulang ni Gulliver na maging doktor siya. Yun nga lang, mas gusto ni Gulliver na maging manlalayag at maglakbay sa karagatan . Gulliver: Hay! Sana makapaglakbay rin ako sa karagatan baling-araw at maka-diskobre ng mga lupaing wala pang nakakakita hmmm… Narrator: Dahil wala naman siyang kilala na makakapagturo sa kanya sinunod na lamang niya ang kanyang mga magulang na maging doktor. Naging isa siya sa pinakamahusay na doktor sa Inglatera. Maalagang doktor si Gulliver sa kanyang mga pasyente at mahal niya ito. Pero ang kanyang puso ang nanatili sa karagatan pa rin. Iniisip pa rin niya kung matutupad ang pangarap niya na maging isang manlalayag. Makalipas ang ilang taon, nakapag-asawa si Gulliver at nagkaroon ng dalawang anak. Mapagmahal na asawa at mapagbirong ama si Gulliver pero nanabik pa rin siya sa kanyang pangarap. Asawa ni Gulliver: Mahal ko, may problema ba? Malungkot ka yata. Gulliver: Inalok kasi ako magtrabaho bilang kapitan ng isang barko. Tatanggapin ko sana pero nag-aalala ako sa iyo at mga anak natin. Asawa ni Gulliver: Mahal sundin mo ang gusto ng iyong puso, kung magiging masaya ka sa paglalayag tanggapin mo ang trabaho pero ipangako mo lang na babalik ka ng ligtas sa amin. Gulliver: Salamat mahal ko! Narrator: Nagpaalam na nga si Gullievr sa kanyang pamilya at nagsimulang maglayag sa karagatan. Pakiramdam niya na siya na ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero lingid sa kaalaman niya ang mga pagsubok na pagdaraanan niya. Nung gabing iyon, bumagyo ng malakas, lumaki ang mga alon at tumaas ang tubig. Nakapasok na ito sa gilid ng barko, agad na nawasak ang barko at tuluyan nang lumubog. Lumagoy nang lumangoy si Gulliver hanggang mailigtas niya ang sarili sa pagkalunod, naisip niya na yun na ang kamatayan niya pero bigla siyang tinangay ng malakas na laon pailalim ng dagat. Sa kabila ng lahat nakaligtas pa rin si Gulliver, inalod siya ng alon hanggang sa pampang ng isang isla. Nakatulog siya nang
mahimbing. Nang magising siya may naramdaman siya sa likuran niya pero hindi siya nakabangon dahil sa sobrang pagod. Makalipas ang ilang oras sa wakas nagising na rin si Gulliver. Gulliver: Hay, nakakapagod ang nangyari. Ano to?! Bakit ako nakatali ditto? Aray! Yung buhok ko. Narrator: Pag-angat ng kanyang ulo bigla niyang nakita ang isang maliit na tao. Kasing-laki lamang ito ng kanyang maliit na daliri at naglalakad ito papalapit sa kanya. Nagtaka si Gulliver. Gulliver: Patay na ba ako? Bakit ang liliit ng mga tao dito? Maliit na tao (Kawal 1): Hoy! Higante anong ginagawa mo dito sa isla ng Liliputians? Kakainin mob a kami? Gulliver: Ano? Hindi! Maliit na tao (Kawal 1): O baka naman aagawin mo ang isla namin! Gulliver: Anong isla? Maliit na tao (Kawal 1): Ang isla ng Liliputians. Teka! Sinabi ko nay un sayo, diba? Pinadala ka ba dito ng Blefuscu? Gulliver: Anong “Coo”? Maliit na tao (Kawal 1): Higante, sabihin mo anong pakay mo? Gulliver: Lemuel Gulliver ang pangalan ko at hindi higante at nalunod ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito. Natatandaan ko, nasa barko ako, nawasak yun at nalunod ako. Narrator: Nakita ng sundalo na nagsasabi ng totoo si Gulliver. Maliit na tao (Kawal 2): Dadalhin natin ang higanteng ito sa siyudad at hahayaan natin ang hari na magpasya. Narrator: Hinila ng 300 kabayo ang karo na hinihigaan ni Gulliver para buhatin siya. Dinala si Gulliver sa siyudad at hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakita. Gulliver: Ito nga ang Isla ng Liliputians. Kung makatingin sila sa akin, kakaiba ako sa kanila. Grabe! Kung kakaiba ka sa paningin nila kakaiba ka rin sa kanila. Nakakamangha!
Maliit na tao (Kawal 2): Kamahalan, sinasabi niya na wala siyang gagawin masama. Sa katunayan, nawasak ang barko niya sa gitna ng malakas na alon at ngayon nawawala siya. Hari: Hindi tayo basta magtiwala sa kanya. Isa siyang banta sa atin. Paano lung pinadala siya ng Blefuscu. Kakaini tayong lahat! Maliit na tao (Kawal 2): Eh! Kamahalan hindi nya kilala si Blefuscu ang tawag nga niya don ay “Coo”! Hari: Sa tingin mo dapat ba natin siyang pagkatiwalaan? Maliit na tao (Kawal 2): Mukha siyang takot at naguguluhan. At saka bisita natin siya hayaan natin na patunayan ang sarli niya sa atin. Narrator: Nilapitan ng hari si Gulliver at maingat niya inusisa ang malaking taong nasa harapan niya. Gulliver: Siya ang hari dapat maging magalang ako sa kanya. Maligayang pagbati mula sa Inglatera, kamahalan. Ang pangalan ko po ay Lemuel Gulliver. Marami na po akong narating na mga malalayong lugar. Pero ang inyong lugar and pinakamaganda sa lahat. Kinagagalak ko kayong makilala, kamahalan. Hari: Ito ang Isla ng Liliputians. Maliit man kami sa paningin mo Gulliver, ngunit matatapang kami na mandirigma. Gulliver: Ikinagagalak kong makilala angmga magigiting na mandirigma na tulad nyo, Hayaan niyo akong mapatunayan ko ang aking sarili kapalit ng pagtanggap niyo sa akin. Hari: Hmmmm…. Nakatingin sa akin ang taong bayan dapat hindi ako magpadalos-dalos ng desisyon. Bisita natin siya kaya dapat natin siya respetuhin. Pero para sa kaligtasan ng Liliput ikakadena ang binti ni Gulliver hanggang malaman natin ang lugar na pinanggalingan niya. Narrator: Natuwa ang madla sa desisyon ng hari at nailigtas na si Gulliver. Pinatuloy nila si Gulliver sa wasak na templo dahil yun lamang ang lugar na sakto para sa laki niya. Nakakabit ang kadena sa kanyang kanang binti para hindi makaalis. Inalagan naman siyang mabuti ng mag Liliputians. Isang araw, nagkaroon ng paligsahan para tawirin ang isang templo papunta sa kabilang temple gamit lamang ang lubid.
Gulliver: Mukhang delikado kung ang lubid lamang ang kanilang tatawiran, Mas makakabuti kung gagawan ko sila ng tulay gawa sa lubid. Narrator: Naging masaya ang hari sa ginawa ni Gulliver bilang ganti tinanggal na ang kadena sa kanyang kanang binti. Naisip ni Gulliver na puntahan si Blefuscu na matagal nang bumabagabag sa isipan ng mga Liliputians. Pinakinggang mabuti ni Gulliver an gang kwebto ng hari tungkol dito. Isang araw, pinatawag ng hari si Gulliver. Hari: Gulliver, tulungan mo kami sasalakayin na kami ng Blefuscu. Gulliver: Susubukan ko ang aking makakaya. Narrator: Biglang umatake ang mga kawal ng Blufuscu papunta sa Liliputians, nitira nila ng pana si Gulliver pero hindi ito matamaan. Dahil sa takot ng mga kawal ng Blefuscu, muntik na sila mahulog sa barkong kanilang sinasakyan. Sa kabila ng nangyari tinulungan pa ni Gulliver ang mga kawal. Blefuscu: Salamat Gulliver simula ngayon hindi na namin sasalakayin ang mga Liliputians. Bilang gantimpala bibigyan ka naming ng malaking barko para gamitin mo paglalayag pabalik sa iyong lugar. Gulliver: Maraming salamat sa kabutiha ninyo sa akin Narrator: At nagsimula muli si Gulliver sa kanyang paglalayag at awa ng Diyos nakabalik siyang mabuti sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak.