Martial Law 1969 National Elections. Nagtayo sila ng alternative na partido sa Dav ao na tinawag nilang Kamayan Part y. Noong araw kasi, dalawang parties lang ang bida: Nacionalista at Liberal. Tinalo ni Ferdinand Marcos ang incumbent na Diosdado Macapagal sa 1965 Elections at naghahangad ng re-election ang Pangulo sa 1969. Dahil sa napapansing pagiging gahaman ni Marcos sa kapangyarihan, nangamba ang ilang mga grupong kagaya ng Kamayan Party. At ang madalas nilang sinasabi ay, "Kapag nagkamali tayo ng pasya sa eleks yong ito, ito na ang huling eleks yon sa buhay natin!" Sa buong probinsya, halos walang pinanalunang pwesto ang Kamayan. Paano raw kasi, ang mga kandidato nila ika ay nakak atakot. Isa na si Ka Memong na ang apelyido ay Patayan. At yung aking tatay na ang apelyido naman ay Granada. At nagkatotoo nga ang kanilang mga sinabi. Ang 1935 Constitution ay nagsasaad na ang term ng Presidente ay 4 years at maari lamang siyang magiging presidente ng maximum of 2 terms. Kaya bago sumapit ang 1973 elections, nagdeklara ang nanalong Presidente Ferdinand Marcos ng Martial Law noong 1972 at sa susunod na 15 years ay walang magaganap na malayang elections sa bansa. Sumakabilangbuhay na ang aking ama. Samantala, minsan-minsan ay nakikita ko pa si Ka Memong. Noong is ang taon ay nalimbag ang kanyang librong "Struggle". At sa gulang na 86, bilang founding chairperson ng MASIPAG (Farmer-Scientist Partnership for Development), siya ay nangunguna sa pakikibaka laban sa pagkaubos ng mga binhing mas kapakipakinabang sa mga sakahan at bukirin sa Pilipinas. Samantala, lalo pa sa mga kabataang nasa elementar y at high school, ang Martial Law ay alien sa kanila. Paano nangyari ito? Tama nga siguro ang ilang nagsasabi na maiks i ang memor y natin kaya hindi tayo natututo sa kasaysayan. Pero mas tamang sabihin na talagang hindi natin maaalala ang histor y ng Martial Law dahil unang-una hindi natin sinulat ang histor y nito. Halimbawa na lang, ang mga biktima ng Martial Law. Wala sa textbooks ang mga pangalang Tulio Favali, Johnny Escandor, Lorena Barros, mga martir ng Escalante at libo-libo pang iba. Paano nila maaalala ang hindi man lang nila nababasa? Obvious na naman kung sino ang dapat singilin, kaya pag- isipan na lang natin kung ano ang pwedeng gawin. Ang isa, kahit suntok sa buwan, sang-ayon tayo sa mga nagsasabing magtayo ng Truth Commission para maik wento nang totohanan sa mga textbooks ang k wento ng Martial Law. Isa pa, suportahan ang mga nagmumungkahing maglagay ng mga markers sa mga dakong kung saan may na-salvage o dinukot noong panahon ng Batas Militar. At isa pa, ang mga kolehiyo ay maaring
magdevelop ng required course sa Martial Law. At pwer a biro, gumawa ng tele-novelang tipong " Mula sa Puso ni Imelda". Pambihira naman kasi, isipin n'yo naman kung ano ang sumasagi sa isip ng kabataan pag narinig nila ang Martial Law. Isang pulutong ng mga jologs na mga estudyante ng U.P. pa ang nakamalasan kong natanong. At sinagot din ako ng tanong, "Sister ni Ricky?"
ISANG taon bago ang 1972, naghuhumiyaw na ang mga plakard sa mga rali: “Digmang bayan, sagot sa martial law!” Parang inaasahan na ng mga aktibista ang batas militar – at handa silang labanan iyon nang ngipin sa ngipin. Martial law din ang prediksiyon ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., bago pa man ang Setyembre 21, 1972 nang ibulgar niya ang Oplan Sagittarius na diumano’y plano ni Marcos sa pagpapataw ng batas militar. Isinuspinde ni Marcos ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus noong Agosto 21, 1971 – at lalong nasilip ng lahat ang pangil at sungay ng batas militar. Kumbaga sa sugal, talagang ipinapakita ng presidente ang kanyang mga baraha. Pero nang ideklara na ni Marcos ang batas militar, maging ang mga aktibista at pulitikong oposisyon ay nakadama ng isang uri ng pagkagimbal na hindi pa nila nararanasan sa tanang buhay nila. Panahon ng batas militar Habang naghahanda ang mga pulitikong oposisyon sa magkasunod na eleksiyong midterm at presidensiyal, naghahanda naman ang mga aktibista sakaling ideklara na nga ang batas militar. Maraming lider ang umiwas na sa mga kilalang tambayan, hindi na sumasama sa mga demonstrasyon, bawal nang pumunta sa mga headquarters (opisina ang tawag ngayon) na siguradong tinitiktikan ng mga ahente ng militar. Ang iba pa nga, nagunderground na, ibig sabihin, nagbuhay-palihim na. Kabilang sa kanila si Monico Atienza, na laging nasa diyaryo dahil, bilang pangkalahatang kalihim ng KM (Kabataang Makabayan), laging nakakabit ang pangalan niya sa media statements ng organisasyon. Natanaw na niya ang posibilidad ng crackdown sa kilusang aktibista. Kung kaya, nang bigla na lang nawala sa ere ang radyo at TV, at wala nang lumabas na diyaryo sa kalye, agad niyang kongklusyon ay batas militar na nga. “Marami ang hinuli noong Setyembre 23, 1972, pero higit na marami ang tahimik na “nakaatras.” Sa tinatawag na kilusang lihim o underground movement, patuloy silang nag-organisa at nakipaglaban. Dalawang taong aktibo sa kilusang lihim si Atienza. Nadakip siya, Oktubre 4, 1974. “Kung di ako nagkakamali, may mga naunang nahuli sa aming network na may alam sa aming kinalalagyan…kaya umabot (sa kaalaman ng militar kung nasaan kami),” alaala niya. Sa Parañaque, kasama ang asawang si Edith, kaibigang si Ernie, at dalawa pang babae na di na niya matandaan ang pangalan, pinasok ng mga sundalo ng 5th MIG (Military Intelligence Group) ang kanilang bahay.