Martial-law (3).docx

  • Uploaded by: Rafael Dominguez
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Martial-law (3).docx as PDF for free.

More details

  • Words: 476
  • Pages: 2
Custodio, Nathaniel Cedric B. 4 BIO 5 Ang aking nakapanayam ay si Hazeldene S. Santos, siya as kaibigan ng aking ama sa trabaho. Siya ay nasa Angeles city, Pampanga nung panahon ng Batas Militar doon rin siya nakatira sa panahon ng batas militar hanggang nagyo. Nung tinanong ko siya kung anu-ano ang mga naging epekto sa kanila, ito ang kanyang sinabi. “Para sa akin siguro maganda ang Martial sa maikling panahon subalit sa aking nakita sa kalaunan ang tao kapag binigyan mo ng matinding kapangyarihan ay ito ay naaabuso. Pinapakita na okay siya ( ika nga sa salitang Ingles ay ito ay “façade”) subalit marami ang napapahamak dito pati mga taong inosente“. Nung itanong ko sa kanya kung anu-ano at kanais-nais na mga pangyayari na kanilang nasaksihan sa panahong iyon, ang kanyang tugon ay “ Iyun ay panahon ng kaguluhan sa probinsiya nuong kapanahunang iyon. Iyon ay panahon ng pangaabuso ng military na ang tawag sa kanila nuong panahong iyon ay Philippine Constabulary. Sa aking pagkaalala iyon ay panahon na nagbabarilan sa labas ng Nepo Mart kung saan merong tindahan ang aking ina at kami ay kanyang pinadadapa sa loob ng tindahan dahil sa nagaganap na barilan. Panahon din iyon kung saan uso ang raid ng PX goods sa Nepo Mart. Kukunin ng Militar ang inyong paninda at kapag ikaw ay pumunta sa kanilang istasyon at makikipagayos ay magbabayad ka at ibabalik nila ng mga paninda mo na hindi na rin pakikinabangan sa kadahilanang kukunin lahat nila iyong maaayos at magagandang paninda. Naalala ko rin ng ang aking ina ay kinulong sa halagang limang dolyares. Siya ay nakipanubo upang kumite ng 25 sentimos upang dagdag kita at mapakain kami. Mahigpit nuon iyung palitan ng dolyares. Ang aking ina ay dinampot na lamang ng militar na walang “due process”. Kami ay medyo masuwerte pa dahil merong tumulong na kamaganak na merong kilala na military kaya ang aking ina ay nakalaya sa loob ng isang araw. Naikuwento niya para siyang nakalagay sa isang bartolina nuong panahong iyon. Nuong kapanahunang iyon marami kaming nababalitaan na pinapalala ang kaso upang hindi ka na makalaya o kaya hindi ka na rin makikita. Abot-abot ang aming pagdadasal nuong nangyari iyon sa aming ina. Kung ako ang tatanungin na personal mas masasabi ko na maraming di kanais nais na naganap nuong panahon ng Martial Law sa probinsiya“. Para sa akin tingin ko na maganda at pangit ang martial law dahil una, maganda ito kasi nagkakaroon ng disiplina ang mga tao sa Pilipinas at yun ay nakapahalaga lalo na sa panahon ngayon kung saan inaabuso ng mga mamayan ang kanilang kalayaan. Ito ay masama dahil masyado rin inaabuso ng mga militar at ng pamahalaan ang kanilang kapangyarihan na nagreresulta sa mga hindi magagandang bagay katulad ng sinabi ng aking nakapanayam. Pero pangkalahatan ang batas militar ay maganda basta ito ay ginagamit sa mabubuting bagay.

More Documents from "Rafael Dominguez"

Martial-law (3).docx
June 2020 5
Abdome Agudo
November 2019 17
May 2020 9
Problemas De Mate
May 2020 9
May 2020 12