Malamasusing-banghay.docx

  • Uploaded by: Elizabeth Talosig
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Malamasusing-banghay.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 835
  • Pages: 6
Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino IX

I.

Layunin Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salita mula sa akdang napanood; b. napahahalagahan ang mensaheng hatid ng akdang napanood; at c. nakagagawa ng maikling dula-dulaan, awitin, islogan at nakaguguhit ng isang bagay na sumusimbolo sa kanilang ina.

II.

Paksang-Aralin: A. Paksa: Kabanata 14 “Ang Kwento ng isang Ina” mula sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal B. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=Kb6T--oCp2s C. Kagamitan:kopya ng video, meta istrip, pentel pen, manila paper,sobre

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain a. Pagbati b. Panalangin c. Pagtsek ng lumiban B. Pagganyak Papangkatin ang klase sa apat sa pamamagitan ng pagpapabunot ng mga larawan ng ina, ama, anak na babae at lalake. Ang magkakapareho ng mabubunot na larawan ay magkakasama sa iisang pangkat. Pipili ng myembro mula sa kani-kanilang pangkat ng magsisilbing kanilang pangulo. Ang pangulo ay bubunot sa kahon, isasagawa kung ano ang nakalahad dito at huhulaan ng ibang pangkat. Kapag hindi nahulaan ito ng pangkat ng napiling sumagot ay mapaparusahan sa pamamagitan ng pagbunot ng pangulo ng nasabing pangkat sa isang kahon ngunit kapag nasagot nila, ang pangkat na nagpahula ang siyang mapaparusahan. Mga salitang nasa kahon na isasagawa: Baliw Masaya Malungkot Naghahanap Nagmamakaawa Mga pahayag na nasa kahon ng parusa: Lumakad ng limang beses sa pamamagitan ng duck walk. Sumayaw ng oops kiri ni Vice Ganda.

Taga Saan kayo? Gawin ang slowmo walk ni Miss U.

C. Paglalahad Ano kaya ang kaugnayan ng inyong ginawa sa ating aralin ngayon? Gaaano kahalaga ang isang anak para sa magulang? D. Pag-alis ng sagabal Ibibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita at gagamitin ang mga ito sa pangungusap. Bawat tanong ay may katumbas na kulay ng sobre na naglalaman ng mga letrang bubuuin. Mga salitang nasalungguhitan: 1. Napiit ng ilang taon ang taong nagtanggang pumatay sa akin. -nakulong 2. Hindi maganda ang kinalugmukan niyang sitwasyon ngayon. -kinalagyan 3. Ang mga prayle ang siyang nagsesermon sa simbahan. -pari 4. Sa kwartel na iyan siya naglagi matapos siyang hatulan ng korte. -kulungan 5. Kinutsya siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura. -nilait E. Pagtatalakay Gabay na katanungan: Paano maipapakita ng isang ina ang pagmamahal sa mga anak? Ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak? Magpapanood ng isang video tungkol sa Kabanata 21 “Ang kwento ng isang Ina”.mula sa akdang Noli me Tangere ni Dr. Jose Rizal Sa parehas na pangkat bibigyan sila ng mga gawain na gagawin lamang sa loob ng pitong minuto. Pangkat ng ina: Bumuo ng isang imahe ng tao sa pamamagitan ng mga hugis at sagutin ang bawat katanungan na nakapaloob dito.

Ano ang iniisip ng pangunahin g tauhan sa akdang napanuod?

Ano ang nararamdaman ng pangunahing tauhan sa akdang napanood?

Paano hinarap ng pangunahing tauhan ang nangyari sa kanyang buhay?

Pangkat ng ama: Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng lipunan noon at ngayon batay sa napanood gamit ang venn diagram. Noon

Pagkakaiba

Ngayon

Pagkakatulad

Pagkakiba

Pangkat ng anak na babae: Ano ano ang mga aral na mapupulot sa akdang napanood?

Aral mula sa akdang napanood

Pangkat ng anak na lalake: Ibuod ang napanood sa pamamagitan ng story frame.

Simula

Saglit na Kasiglaan

Tunggalian

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Pagprepresenta ng mga ginawa.

F. Paglalapat: Sa parehas na pangkat, kayo ay bubuo ng maikling dula-dulaan,awitin, islogan at gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa inyo mga ina. Pangkat ng ina Bumuo ng isang maikling dula-dulaan batay sa mensahe ng akdang napanood. Pamantayan: Kaugnayan sa akdang napanood---------10 Presentasyon--------------------------------10 Kooperasyon--------------------------------5

Kabuuan-----------------------------25 na puntos Pangkat ng ama: Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa inyong mga ina at ipaliwanag ito. Pamantayan: Kaugnayan sa akdang napanood---------10 Presentasyon---------------------------------5 Pagkamalikhain------------------------------5 Kooperasyon----------------------------------5 Kabuuan ----------------------------25 na puntos Pangkat ng anak na babae: Gumawa ng isang islogan na napapatungkol sa mensahe ng akdang na nais nitong ihatid sa mga manonood. Pamantayan: Kaugnayan sa akdang napanood--------------10 Presentasyon-------------------------------------5 Kaayusan-----------------------------------------5 Kooperasyon-------------------------------------5 Kabuuan--------------------------------25 na puntos

Pangkat ng anak na lalake: Bumuo ng isang awitin na iaalay sa inyong mga ina. Pamantayan: Kaugnayan sa akdang napanood----------------10 Presentasyon----------------------------------------5 Kaisahan---------------------------------------------5 Kooperasyon----------------------------------------5 Kabuuan ----------------------------------25 na puntos

IV.

Pagtataya TAMA O MALI: Magpapakita ng pangungusap ang guro at susuriin ito ng bawat pangkat. Itataas ang like sign kung ito ay tama at dislike sign kung ito ay mali.

Mga pangungusap: 1. Ang kura ang nagpalaya kay Sisa sa kulungan. 2. Natagpuan ni Sisa si Cripin sa bahay nila pagkauwi nito. 3. Nabaliw si Sisa. 4. Kinutya ng mga tao si Sisa habang naglalakad. 5. Itinago ni Sisa ang pera na umano’y ninakaw ng mga anak. 6. Kinuha ng mga kawal ang inahing manok ni Sisa. 7. Dalawang oras na nakulong si Sisa. 8. Nagpunta si Sisa sa bahay ni Tandang Tales. 9. Mapagmahal na ina si Sisa. 10. Tinulungan ng mga tao si Sisa habang hinuhuli ng mga gwardya sibil.

V.

Kasunduan a. Ilarawan ang inyong mga ina sa pamamagitan ng isang sanaysay. b.Basahin ang susunod na kabanata at sagutin ang sumusunod na mga katanungan: 1. Ano ang nangyari kina Basilio at Crispin? 2. Saan naglagi si Basilio?

More Documents from "Elizabeth Talosig"

Malamasusing-banghay.docx
December 2019 3
Genogram.docx
December 2019 1
Ms Mobility Study-2
October 2019 51
June 2020 17