Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Filipino. Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel Ramos noong Enero 15, 1997 na nagtatakda ng Agosto bilang Buwan ng Wika. Ang pagdiriwang na ito ay humihiling mula sa atin na tumugon sa tawag ng Nasyonalismo. Isang panawagang mahalin at isabuhay ang kulturang Pilipino na maaaring masaksihan sa ating pag-awit ng Pambansang Awit at pagsambit ng panunumpa sa watawat ng ating bansa nang taus-puso. Isang pagsasabuhay rin ng Kulturang Pilipino ang nasaksihan natin sa yumaong ina ng ating paglaya sa diktaturya at pagkamit ng demokrasya - si Pangulong Cory Aquino, sa ispi, sa salita at sa gawa.