Magandang Gabi By: JEIL
Habang ako'y naglalakad sa daan Minumunimuni ang masaklap kong nakaraan Madilim na madilim ang paligid Hindi makita ang mga nasa gilid-gilid Biglang ikaw ay aking nakita Nakaupo habang pabulong na kumakanta Ako ay lumapit at nagpakilala Sa isang multong ubod ng ganda Ika'y ngumiti at ako'y iyong binati Tayo'y nagkwentuhan, nadala sa ganda ng gabi Nakalimutan ko tuloy ang umuwi Pero ako ay hindi nagsisi Bago lumabas ang sikat ng araw Katahimikan sa paligid ay natatanaw Paalam nati'y napuno ng mga ngiti Sana mamayang gabi ika'y makitang muli Composed: 09-09-09