Maed Pagsusuri.docx

  • Uploaded by: jessica gudgad
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Maed Pagsusuri.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 5,395
  • Pages: 23
PAGSUSURING PAMPANITIKAN TUNGKOL SA AKDA NI EDGARDO M. REYES NA “SA MGA KUKO NG LIWANAG” 3/5/2013 43 Comments

I.

PANIMULA

Ano nga ba ang maikling kwento? Ito ay isang uri ng masining na panitikan na tinatayang hindi lalagpas sa pitong libo at limang daang salita. Ito ay may banghay, tauhan paksa at tagpuan.

II.

A.

PORMALISTIKO

Buod o Synopsis

Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kanyang kita gayundin ng kanyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kanyang kasamahan rin sa trabaho.

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang paupahan.

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres.

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay nap ala si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya. Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

B.

MGA ELEMENTO

1.

PAKSA

Ang kahirapan ng buhay ng mga probinsiyano sa Maynila at ang pagkamaaalalahanin ng isang probinsiyano sa kanyang kauri.

2.

TAGPUAN

Ang tagpuan sa kwentong sa mga kuko ng liwanag ay sa Maynila.

3.

TAUHAN

Si Julio na isang probinsyanong lumuwas ng Maynila upang magtrabaho, si Pol na kaibigan ni Julio, si Ligaya na kaibigan rin ni Julio na matagal na niyang hindi nakikita at si Ah Tek na kasintahan ni Ligaya.

4.

BANGHAY

a.

PANIMULA

Si Julio ay napadpad sa Maynila mula sa probinsya. Siya ay namasukan sa isang construction site. Hindi sapat ang kanyang kita gayundin ng kanyang mga kasamahan pagkat maliit lang ang sweldo roon. Si Julio ay nakitira sa kanyang kasamahan rin sa trabaho.

b.

SAGLIT NA KAKINTALAN

Noong malapit nang matapos ang gusaling iyon, nagbawas na ng mga trabahador ang nagpagawa ng gusali. Isa sa mga tinanggal at nabawas si Julio bilang construction worker. Dahil doon ay umalis rin si Julio doon sa tinitirahan niyang bahay.

Naisip niya ang kanyang kaibigang si Pol. Dahil doon ay hinanap niya ito at doon rin siya nakitira sa kaibigan niya. Dahil rin kay Pol ay nakahanap ng regular na trabaho si Julio at kumikita na siya ng maayos.

Isang gabi habang naglalakad si Julio ay parang naaninag niya ang kanyang kababayang si Ligaya, ngunit hindi niya sigurado kung si Ligaya nga iyon sapagkat nakita niya lang ito sa isang parang paupahan.

c.

PAPATAAS NA AKSYON

Noong hinahanap ni Julio ang nanakaw niyang wallet ay nakita niyaa si Linda, ang kanyang kababata at kaibigan sa probinsiya. Niyaya niya itong kumain sa isang restawran at naikwento ni Ligaya na nagging biktima siya ng prostitusyon sa Maynila. Ngayon ay may nakilala siyang isang Intsik na nagngangalang Ah Tek. Niyaya ni Julio si Ligaya na tumakas na sa Maynila at umuwi na ng probinsiya. Napagplanuhan nilang magkita sina Ligaya at Julio mula alas dose hanggang alas tres.

d.

KASUKDULAN

Hindi sumulpot si Ligaya sa napagplanuhan nila ni Julio. Nabalitaan niya sa kanyang kaibigang si Pol na namatay pala si Ligaya sapagkat nahulog ito mula sa taas ng kanyang tinutuluyan.

e.

PABABANG AKSYON

Labis na naghinagpis si Julio nang malamang patay nap ala si Ligaya. Tahimik lamang siya hanggang mailibing si Ligaya. Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

f.

WAKAS

Natapos ang kwento na napatay ni Julio ang kasintahang Intsik ni Ligaya na si Ah Tek.

g.

TUNGGALIAN

Tao laban sa lipunan, sapagkat si Julio at si Ligaya ay mga probinsyano at dahil doon ay tinatrato silang maliit at hamak lamang ng mga taga- Maynila.

III.

A.

TEORYANG PAMPANITIKAN

IPALIWANAG ANG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang mga teoryang pampanitikan ay ang mga hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga katha nila. Ilan na rito ang:

1.

Teoryang Klasismo- naglalaman ng mga payak na pangyayari.

2.

Teoryang Humanismo- nagpapakita ng mga kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito.

3.

Teoryang Imahismo- gumagamit ng mga imahen sa kanilang akda.

4.

Teoryang Feminismo- binibigyang-diin ang paglaban ng mga kababaihan

5.

Teoryang Arkitaypal- Ang paggamit ng may-akda ng mga simbolismo sa kanyang akda.

6.

Teoryang Pormalistiko- mga akdang ginagamitan ng tuwirang panitikan.

7.

Teoryang Eksistensyalismo- layunin na ipakita na ang tao ay may kakayahang pumili.

8. Teoryang Romantisismo- pagpapakita ng mga paraan ng isang tao na ipakita ang kanyang pagmamahal

9.

Teoryang Bayograpikal- mga akdang personal na nararamdaman ng may-akda.

10. Teoryang Saykoanalitiko- ang pagnanasa ng isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal.

B.

TEORYANG GAGAMITIN SA PAGSUSURI

Teoryang Realismo

C.

PAGSUSURI GAMIT ANG TEORYANG NAPILI

sapagkat sumasalamin ito sa totoong mukha ng buhay sa naganap kila Julio at Ligaya.

IV.

REAKSYON

Maganda ang kwentong ito mula kay Edgardo M. Reyes. Kahit na buod lang ang aking nabasa(pagkat isa itong nobela) ay naroon pa rin ang buhay sa kwentong binasa.

ONE LOVE

Friday, February 22, 2008

ISANG SURING BASA (SA MGA KUKO NG LIWANAG)

ISANG SURING BASA

(SA MGA KUKO NG LIWANAG)

KEVIN JOHN S. VENTURA

Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes ay unang lumabas bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine. Isinasalaysay nito ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa galing sa probinsiya. Hindi na binabanggit dito kung aling probinsiya, sapagkat kinakatawan nila ang libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa lungsod, maynila araw-araw.

Si Ligaya ang naunang nagbaka-sakali, kasama ng isang matronang babae, Mrs. Cruz, na nangako sa kanya ng isang simpleng trabaho, na may posibilidad pang makapag-aral at makapagpadala ng kaunting tulong sa iiwanan niyang mga magulang at kapatid. Pagkatapos ng ilang panahon na hindi na nakakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kanyang mga magulang at pati na rin kay Julio, na isip ni Julio na sundan ito sa Maynila upang hanapin ito.

Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Katulad nga ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya ng mga kuko ng liwanag ng mga neon lights ng Kamaynilaan.

Maynilalaman ang pagkakasulat ng Kuko. Ang mga simbolong: Gusali, unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito, bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na tandaan, na sa kanyang kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.

Huling-huli ng nobela ang ingay, at kalaswaan ng Maynila. Akmang-akma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari, at tauhang mapupuntahan, mararanasan, at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang napakamakatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.

Kung babasahin mo ngayon ang nobela, maiisip mong maaari pa ring mangyari ang kuwento ito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lang ang mga pangalan ng kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan mo lang ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz, gawin mo lang mas moderno ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin mo lang kahit minsan si Julio sa LRT, atbp. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, uubra pa rin ito kahit ilagay sa kasalukuyang taon ang pruduksyon nito.

Ngunit lubog man sa man sa dumi at alikabok ang Maynilang isinalalarawan sa nobela, mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni Julio ay mabubuting tao, kapos

man sila mismo sa materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ay nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio. Sino pa ba naman ang magtutulungan, Ika nga.

Isang mabisa, walang-kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa, sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ay ipinapakita ito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isa-isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.

Malungkot mang isipin, ang kuwento nga ay kuwento ng libo-libong Julio at Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mas mahirap pa.

Makatotohanan ito, sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao, at ang bulok na systema na nag papatakbo dito.

Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kanya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kanyang kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kanya. Si Julio ay hindi si Ibarra na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din ang dapat idulot sa mga kanyang kaaway.

Sa huli, sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang katulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kanyang kinasapitan?

Maaaring hindi intensyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang kanyang nobela. Ipinapaubaya niya marahil sa atin ang paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nitong palawakin ng mambabasa ang kanyang kamalayan sa realidad na ito, at, harinawa, kumilos.

Posted by 'kevin 6 comments:

mark said... pahingi pfu ng favor sau kci proj. lng pfu nmin xa fil.

sana pfu mbgyn nio pfu e2ng ng impormasyon e2 pfu ung pormat

I. pamagat - kahulugan ng pamagat II. may akda III. mga tauhan mga tungkol xa knila IV. buod v. pagpa2halaga ayon xa nilalaman a. kahalagahang sosyal b. kulturang pilipino c. pilosopiyang pilipino VI. teoryang pampanitikan a. kalagayang panlipunan b. " pansarili 1. bisa xa isip 2 " " damdamin 3. " " kaasalan VIII. implikasyon VIX. rekomendasyon

sana mkuha ko pfu ukaz kci pfu xa miyerkules pfu nmin pa2xa tnx u

ako pfu c mark

March 16, 2009 at 2:16 AM rafaellumio5 said... kailangan ko po ito sa aking project sa filipino 4

1.pagsusuri sa tauhan 2. pagsusuri sa mga salitang ginamit 3. pagsusuri sa teorya 4. aral/kaisipan 5. puna/mungkahi/rekomendasyon December 26, 2010 at 7:44 AM jana tasarra said... thank you po ng marami napaka laking tulong po nitong ginawa niyong pagsusuri September 14, 2013 at 9:19 PM jason almocera said...

pahingi pfu ng favor sau kci proj. lng pfu nmin xa fil.

sana pfu mbgyn nio pfu e2ng ng impormasyon e2 pfu ung pormat

I. pamagat - kahulugan ng pamagat II. may akda III. mga tauhan mga tungkol xa knila IV. buod v. pagpa2halaga ayon xa nilalaman a. kahalagahang sosyal b. kulturang pilipino c. pilosopiyang pilipino VI. teoryang pampanitikan

a. kalagayang panlipunan b. " pansarili 1. bisa xa isip 2 " " damdamin 3. " " kaasalan VIII. implikasyon VIX. rekomendasyon

sana mkuha ko pfu ukaz kci pfu xa miyerkules pfu nmin pa2xa tnx u

ako po si philip November 16, 2013 at 8:15 PM jason almocera said... pahingi pfu ng favor sau kci proj. lng pfu nmin xa fil.

sana pfu mbgyn nio pfu e2ng ng impormasyon e2 pfu ung pormat

I. pamagat - kahulugan ng pamagat II. may akda III. mga tauhan mga tungkol xa knila IV. buod v. pagpa2halaga ayon xa nilalaman a. kahalagahang sosyal b. kulturang pilipino c. pilosopiyang pilipino VI. teoryang pampanitikan a. kalagayang panlipunan

b. " pansarili 1. bisa xa isip 2 " " damdamin 3. " " kaasalan VIII. implikasyon VIX. rekomendasyon

sana mkuha ko pfu ukaz kci pfu xa miyerkules pfu nmin pa2xa tnx u

im jason November 16, 2013 at 8:17 PM Krish Chin Inot said... Advice ko lng po ito. Cguro namn maalam kau sumagot ng mga tanung na yan. Assignment niyo yan at hindi assignment ng ibang tao. July 21, 2016 at 5:31 AM Post a Comment

Newer Post Older Post Home Subscribe to: Post Comments (Atom) Blog Archive ▼ 2008 (4) ▼ February (4) mishu! ISANG SURING BASA (SA MGA KUKO NG LIWANAG) Draft para sa scholarship... (Some unique things a... Some unique things about me Ne-Yo - Because Of You

SLIDE

Anu nga ba ang pag ibig? Posted: March 22, 2012 in gawang kanto

14 Ang Tunay na Pag-ibig ay isang napahalagang nararamdaman ng tao. Ito ay ang masidhing damdamin ng pagmamahal. ito ay hindi Lamang pinaka makapangyarihang lakas sa mundo kundi ito ay susi ng Buhay. Kung walang pag-ibigang buhay ay Malamlam at malungkot.. Ang ating kakayahang Umibig ay isang natatanging regalo ng Diyos, na marapat nating ipamahagi. Ang kahanga-hangang himala pa nito ay ang pantay-pantay na kakayahan ng mayaman at mahirap na bumahagi ng pag-ibig sa kapwa at ang pangangailangan na mabahaginan din. Ang pag-ibig ay maaring ipahayag sa libu-libong pamamaraan, kaya bakit tayo mag0iisip ng kung anu-anong maihahandog, samantalang andyan naman ang pag-ibig, ang pagmamahal na taimtim sa ating pusopuso. kapag nadarama natin ang katotohanang anak tayo ng Diyos, Pagsisikapan nating ang mga kabutihan ay maisaloob, ikaliligaya natin kahit munting tulong ay ating maiihandog sa dapat tulungan, dahil tayo ay may magandang layon ng puso’t kalooban. Ang pag-ibig ang pinakamagandang maiaalay natin sa mundo,ngunit bago nating magawang ibigin ang kapwa tao, dapat nating mahalin ang ating mga sarili.Kung hindi natin alam ang katuturan niyon at ang ibig sabihin. paano natin maisasalin ang diwa’t buhay nito? Ang tunay na pag-ibig ay kabutihang loob, hindi mapanibugho, di mayabang di mapagsubokdi mapang-lait, di mapanuri at hindi mapagmalabis. ito ay maunawain, may tiwala,matiisin, matiyaga at laging may pag-asa. Ang pag-ibig sa kapwa kapag ating naibigay, naipakalat at naipadama sa lahat sa sandaigdigan, tiyak ang maghahari ang katahimikan sa sansinukuban at ang buong pusong pagmamahal sa kapwa. -3/22/12

Ano nga kaya ang tunay na depenisyon ng pag-ibig? Ang pag-ibig eh walang perpektong depenisyon. Kaya madalas ito mahambing sa mga paniniwala mo sa isang bagay. Naihambing na ang pag-ibig kahit saan. Sa switch ng ilaw, sa bulok na prutas, sa produkto ng Coca Cola na ang pagibig daw ay parang ganoon na SAKTO o kaya naman eh Zero. Naging bulaklak na rin ang pag-ibig kapag pinitas mo daw ito eh hindi mo na maibabalik sa dati at mabubuhay muli dahil daw inalis mo na ang tangkay. Sa rami na ng depenisyon, lalong gumugulo kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin nito. Hindi bat napakasimple kung ang sasabihin lang natin eh ang pag-ibig eh pagbibigay ng tiwala at pagmamahal sa isang tao? Basta alam ko magkakaroon ng pag-ibig sayo at sa kanya. Ganun ka simple. Pero paano kung hindi ka rin marunong magmahal? Ganito na lang ata talaga ang mangyayari dito. Ibat-ibang depenisyon, ibat-ibang paniniwala. Dahil hindi naman lahat ng taong ating nakikilala at minamahal eh pare-pareho.

Tunay na pagmamahal at ang mga tamang rason nito. Labis akong napaisip sa bagay na ito. Medyo marami na rin ang naranasan ko pagdating sa pagmamahal. Ang pagiging masaya at pagiging miserable, pareho itong parte ng pagmamahal. Ngunit, ano kaya ang mga tamang rason kung bakit tayo nagmamahal?

Para sa akin, 'pag ikaw ay nagmahal, maraming bagay kang sinasakripisyo, nagpapakita ka ng pagrespeto, pag-galang at pagaaruga sa taong iyong minamahal. Sinusubukan nating mga tao magbigay ng sapat na oras para makasama ang mga taong mahal natin hindi dahil ayaw nating mag-isa ngunit dahil masaya tayo tuwing kasama natin sila. Kung ang lahat ng tao ay naiintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal at kung ano talaga ang mga rason para mahalin dapat ang isang tao, higit na mababawasan ang mga miserable sa pag-ibig, mga taong nagpapakamatay, marahas na paguugali ng tao, hindi mapayapang pag-hihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan na magdudulot ng masamang resulta at magugulong mga relasyon. Ang mga tao ay nagnanais magmahal dahil gusto nilang ma-trato sa magandang paraan. Nais nilang magkaron ng mapayapang relasyon sa komunidad.

Ang mga tao ay merong "sexual need" at nais nila magkaron ng kapaligiran na magbibigay sakanila nito sa oras na kailanganin nila ito. Ngunit kung tunay kang nagmamahal, dapat ay alam mo ang iyong mga limitasyon at dapat rin na malaman mo na hindi sex ang habol ng isang taong tunay na nagmamahal.

Minsan, kahit mahulog ka sa isang tao dahil sa tama at magandang paraan, maari paring mabago ito. Kontrol ang kailangan para sa dalawang taong nagmamahalan. Oras naman ang kailangan ng dalawang tao para humanap ng tamang rason para mahalin ang isa't isa ng tunay.

Ano ba talaga ang pag-ibig para sa inyo? What is really the definition of LOVE for you?? Kasi sa pag-ibig, maraming umiiyak, maraming nagdurusa, maraming naguguluhan marami ring nasasaktan at sa kabila ng lahat maraming rin masaya sa pag-ibig, marami ring kinikilig sa pag-ibig kong pag-uusapan at marami rin nagtatagumpay dahil sa pag-ibig…Matanong ko lang kayo ano ba talaga ang

pag-ibig? Basahin ninyo at unawain ang kwento…. Nakakapagod pala ang magmahal…Minsang nasambit sa akin ni Elsa. Si Elsa ay isang Half Pinay-Greek na kasalukuyang karelasyon ay si Joey na isang purong Pinoy. Minsan ng naikwento sa akin ni Elsa ang buhay nya sa piling ni Joey. Matanda ng 10 years si Joey kay Elsa. Di pa rin masasabing hiwalay si Joey sa kanyang tunay na asawa dahilan na rin ng kakapusan sa pera ni Joey. Hindi kayang tustusan ang pag file ng diborsyo sa asawa. Dagdag pa rito na walang permanenteng trabaho ang lalaki. Isang babaeng moderna si Elsa, maganda , edukada, mataas ang posisiyon sa kanilang kumpanya. Meron na rin syang anak sa unang nakarelasyon nya. Masasabing mabait na tao si Elsa subalit lubhang napakamalas naman nya sa larangan ng pag-ibig sa dahilang mali ang mga taong naiinvolve o nakakarelasyon nya. Di ko na alam ang gagawin ko Ms. J, sa isip ko gusto ko ng tapusin ang lahat ng ugnayan ko kay Joey, pero para naman akong nauupos na kandila pag wala sya sa buhay ko. Umiiyak na paliwanag sa akin Elsa..Alam kong mahal ako ni Joey, pero bakit ganun matagal na kami pero me kulang , marami…. at ako ang nagpupuno para sa aming dalawa. Mabait si Joey pero minsan di ko maramdaman na kailangan na ako sa buhay nya. Damang dama ko ang paghihinagpis ng damdamin ni Elsa, bilang babae alm ko ang kailangan nya di lamang sa usapang pisikal subalit sa usapang emosyonal din…

Minsan ko ng nasabi kay Elsa na kung gusto nyang sumaya, putulin na nya ang dapat ay noon pa nya ginawa. Mahirap at masakit maging “other Woman”..kahit gaano pa ninyo kamahal ang isat isa, napakahirap kalabin ang MALI…Subalit katulad ng isang babaeng mahina si Elsa, hindi sya marunong makinig sa advices ng iba at tanging puso nya lamang ang kanyang pinakikinggan…

ANO ANG PAGSUBOK Marami sa atin ang hindi nakaka-alam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ''pagsubok''. Ang tinutukoy ko dito sa sulat kong ito ay ang tinatawag nating pagsubok sa atin ng diyos hindi pagsubok sa pagsusulit o sa ano mang bagay. Kadalasan at bukang bibig nating lahat na ang paniniwala nating pagsubok sa atin ng diyos ay kung dumarating sa buhay natin ang isang problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Kadalasang naririnig ko sa tao... ''Tibayan mong loob mo pagsubok lang iyan sa iyo ng ating panginoon kung gaano ka katatag sa problema. Sinusubukan lang kung hanggang saan ang tatag mo''.

Iyan ba ang pagsubok sa atin ng diyos?

Halos 90% or 95% na mga pilipino ang naniniwala na ang problemang kinakaharap ng tao ay binigay ng diyos upang subukan kung gaano ka katatag. Hindi po. Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or masama sa kanya sa pamamagitan ng kapwa kung paano ka niya bibigyan ng gantimpala at kung paano ka niya bibigyan ng parusa ayon sa ginagawa mo sa kapwa at ayon sa kung ano ang iniisip mo sa kapwa sa araw-araw. Kaya nga tayo binigyan ng isip upang maisip natin kung ano ang tama at mali at kung ano ang masama at mabuti. Binigyan tayo ng layang mag-isip upang isipin natin kung tama nga ba nating gawin o hindi ang isang bagay na nais nating gawin. Binigay ng diyos sa atin ang lahat ng laya sa ating sarili.

Marami ang naniniwala na ang diyos ang gumagawa ng lahat ng nais nating gawin. Hindi rin po, di wala na sanang gumagawa ng masama, wala na sanang magnanakaw at mga killer, wala na sanang mga pintasero at abusado. Lahat ng ginagawa mo ayon sa sarili mo, ayon sa isipan mo at ayon lahat sa kagustuhan mo. Ikaw mismo ang gumagawa ng lahat hindi diyos. Nakamasid lang sa atin ang diyos.

Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or ng masama sa kapwa. Makikita mo ang ibibigay niyang pagsubok sa iyo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha mo or nakakaharap mo sa oras-oras. Kung gagawa ka ba ng mabuti or masama sa kapwa mo upang maigawad niya ang gantimpala sa iyo ayon sa kabutihan mo at parusa ayon sa kasalanan mo. Ang iyong kapwa ang nagsisilbing pagsubok mo sa araw-araw kung gagawa ka ng mabuti o masama, hindi kung anong problema ang kinakaharap natin.

Ano ba ang gantimpala sa kabutihan mo at parusa sa kasalanan mo? (Mababasa ninyo ito sa isang entry ko na may pamagat na ''Gantimpala or Parusa''.

Kadalasan halos lahat tayo alam lang sa salita na magpakita ka ng kabutihan mo sa diyos pero... hindi alam kung sa paanong paraan maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa diyos. Hindi po nakikita ang kabutihan sa pagsisimba or pagbabasa ng bibliya. Makikita ang kabutihan mo sa diyos sa pamamagitan ng pagtrato mo sa kapwa, pakikitungo mo sa kapwa. Kaya ang tunay na pag subok ng diyos sa atin ay ang mga taong nakakaharap natin, nadadaanan natin, nakikita natin. Sa pamamagitan nila makikita ang kabutihan at kasalanan mo sa diyos.

Transcript of Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao "Pagka-ano ng tao" Pagka-sino ng tao. Siya ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan, at dignidad. Pagka-iba sa tao sa ibang nilalang na may kakayahang mag-isip (rasyonal) at kakayahang itakda ang kaniyang mga kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan. "Pagka-sino ng tao" Tumutukoy sa persona ng tao. Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod tangi sa kaniya sa kapuwa tao. Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay dumaraan sa tatlong yugto: ang tao bilang indibidwal, ang tao bilang persona, ang tao bilang personalidad. Ang tao bilang INDIBIDWAL Ito ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Ang kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kanyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos(unfinished). Ang tao bilang PERSONA Ito ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang persona, may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit (unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Ibig sabihin, hindi siya mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil buo siya bilang tao. Ang tao bilang PERSONALIDAD Ito ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan. ang resulta ng pagpupunyagi sa pag buo ng kaniyang pagka-sino. Ang taong tinuturing na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Ang pagkamit ng kaniyang personalidad ay nangangailangan ng pagbuo ng kaniyang pag-iisip, pagkagusto, pananalita, at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa lahat ng mga ito. 3 katangian ng Tao bilang Persona Naisasabuhay mo ba ang tatlong katangian ng pagpapakatao? Paano makatutulong ang mga ito sa pagtupad mo sa iyong misyon sa buhay, magbibigay sa iyo ng tunay ng kaligayahan? TAGUMPAY Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao "Madaling maging tao, mahirap magpakatao."

May kamalayan sa sarili May kakayahang ang tao na magnilay o gawing obheto ang kaniyang isip ang kaniyang sarili. Umiiral na nagmamahal (ens amans) Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. May kakayahang kumuha ng Buod o Esensiya May kakayahan siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang pangyayari. Nakikita ng tao ang esensiya ng mga umiiral (essence of existence) kung humahanga at namamangha na siya sa kagandahan ng mga bagay sa kaniyang paligid. Nahubog ang kaniyang persona sa kaniyang natuklasang misyon sa buhay - ang pagkalinga sa mga batang lansangan. Nakita ni Kesz ang kaniyang misyong maging produktibo, at makibahagi sa lipunan - sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga batang lansangan Kesz Valdez Isa rin sa mga nagpunyagi upang maging personalidad. Isang siyang magsasaka na puno ng dedikasyon sa trabaho upang maging mapanagutan sa kaniyang pamilya na maging matagumpay. Roger Salvador JOEY VELASCO Mother Teresa Nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap tinanggap ang misyong imulat ang mga tao sa kanilang kamalian at pagkukulang na sanhi ng kahirapan inhustisya sa bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga obra maestra mahalagang maunawaan ng tao ang mensahe ng mga pangyayari sa kaniyang buhay at kapaligiran upang makilala ang mga hakbang sa pagtugon sa tawag ng pagmamahal Ang pagsasabuhay sa mga katangian ng pagpapakatao ay makatutulong sa pagtupad niya ng kaniyang misyon sa buhay na magbibigay sa kaniya ng tunay na kaligayahan BATAYANG KONSEPTO Paano makakatulong ang mga katangian ng pagpapaka upang makamit niya ang kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan? mensahe Ang pag-unlad sa mga katangian ng pagpapakatao ay instrumento sa pagganap ng tao sa kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan. https://prezi.com/krsnldslo2y-/ang-mga-katangian-ng-pagpapakatao/

Ang mga katangian ng pagpapakatao 1. 1. Ang mga katangian ng Pagpapakatao 2. 2. Madaling maging tao, mahirap magpakatao Dalawang bahagi: 1. Pagiging tao – tumutukoy ito sa pagka- ano ng tao. - Ang tao ay may isip at kilos loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad

3. 3. 2. Pagpapakatao- tumutukoy sa Pagka- sino ng tao -Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod tangi sa kanya sa kapwa niya tao. 4. 4. 1. Ang tao bilang indibidwal - Tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. - Ang kanyang pagka- indibidwal ay isang proyektong kanyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos. Tatlong yugto ng paglikha ng Pagka- sino ng tao 5. 5. 2. Ang tao bilang Persona - Isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. - Tumutukoy ito sa paglikha ng pagka- sino ng tao Tatlong yugto ng paglikha ng Pagkasino ng tao 6. 6. 3. Ang tao bilang Personalidad - Pagkamit ng tao sa kanyang kabuuan. - May mga matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kanyang sarili, at tapat sa kanyang pagka – sino. Tatlong yugto ng paglikha ng Pagka- sino ng tao 7. 7. 1. May kamalayan sa sarili - Kakayahang magnilay sa kanyang sarili. - Alam niya na ALAM NIYA at HINDI NIYA ALAM - May pagtanggap sa kanyang talento na magagamit nya sa kaniyang pakikibahagi sa mundo Tatlong katangian ng pagpapakatao 8. 8. 2. May kakayahang kumuha ng buod - Kakayahang bumuo ng konklusyon mula sa isang pangyayari. - Nauunawaan niya ang layunin ng pag- iral ng mga bagay – bagay. - May paghangang magbubunga sa kanyang pagiging mapanagutan sa lahat. Tatlong katangian ng pagpapakatao 9. 9. 3. Umiiral na nagmamahal ( ens amans ) - Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. - Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Napakahirap gawin ang isang bagay kung hindi mo ito manamahal. Tatlong katangian ng pagpapakatao http://www.slideshare.net/joyrelle/ang-mga-katangian-ng-pagpapakatao

Mga Indibidwal na May Pangangailangang Paggamit at Paggana

"Prepare For Emergencies Now. Information For People With Disabilities." (PDF)

Printer Friendly version in English andSpanish

Preparing Makes Sense for People with Disabilities and Other Access and Functional Needs Get the Video Embed code or Download the Transcript here Ang pangangailangan at kakayahan ng bawat tao ay kakaiba, ngunit ang bawat indibidwal ay makagagawa ng mahalagang hakbang para makapaghanda para sa lahat ng uri ng emergency at magpatupad ng mga plano.Sa pagkilala ng personal mong mga pangangailangan at paggawa ng planong pang-emergency, mas magiging handa ka para sa anumang sitwasyon. Ang pagtuon s apagpaplano ngayon ay makatutulong sa iyo para sa anumang emergency na sitwasyon. 

Pag-isipan kung paanong makakaapekto ang isang sakuna sa indibidwal mong pangangailangan.



Planuhin na makakilos nang mag-isa, at makatagal nang kahit maikling panahon man lang.Posibleng wala kang mapupuntahang medikal na pasilidad o kahit botika.



Tukuyin kung anu-anong bagay ang ginagamit mo sa araw-araw at kung ano ang iyong gagawin saka-sakaling kaunti o wala ang mga ito.



Build A Kit with your unique consideration in mind. What do you need to maintain your health, safety and independence?<}100{>Bumuo ng

Kit taglay ang pagtatanging naiisip mo. Ano ang kailangan mo para mapanatili ang iyong kalusugan, kaligtasan at kasarinlan? Kung ikaw o isang taong malapit sa iyo ay may kapansanan o iba pang pangangailangang paggamit o paggana, maaaring mangailangan kang gumawa ng mga karagdagang hakbang para protektahan ang iyong sarili at pamilya. lamin ang tungkol sa pagtulong sa mga indibidwal na maaaring mapakinabangan sa inyong komunidad.Magrehistro nang maaga sa tanggapan ng mga serbisyong pang-emergency, sa lokal na himpilan ng bumbero, iba pang ahensiya ng pamahalaan o mga non-profit group.Ipaalam sa kanila ang hiwalay mong pangangailangan o pangangailangan ng isang miyembro ng pamilya at alamin kung anu-anong lingap, tulong o serbisyo ang maaaring ibigay. Sinu-sino ang Mga Indibidwal na May Pangangailangang Paggamit at Paggana? 

Silang mga bingi o hirap makarinig ay maaaring mangailangang gumawa ng mga kasunduan sa pagtanggap ng mga babalang pang-emergency.



Ang mga nagtatrabahong mag-isang magulang at mga limitado ang pangunawa sa wikang English ay maaaring mangailangan ng tulong sa pagpaplano para sa mga sakuna at emergency.Maaaring makatulong ng mga grupong pangkomunidad, pangrelihiyon at pangkultura na panatilihing nakababatid ang mga tao.



Ang mga taong walang sasakyan ay maaaring mangailangan na gumawa ng mga kasunduan sa transportasyon.



Ang mga taong may partikular na pangangailangan sa pagkain ay dapat na magsagawa ng mga paghahanda para sa sapat na supply ng pagkaing pang-emergency.



Planning



Staying Independent



Emergency Items



Federal Benefits



Volunteer



More Info

Ngayon ang panahon para magplano nang maaga par as amga maaaring kailanganin mo para manatiling ligtas, malusog, nakababatid, nakakakilos at nakapag-iisa sa panahong may sakuna.Tandaaan na maaaring mangailangan sa isang sakuna na masisilungan ang tahanan o makalilikas sa isang pangemergency na shelter o iba pang anyo ng pansamantalang pabahay. Bilang karagdagan sa inirerekomendang lista ng mga gamit ng Ready.gov magsama ng pangunahing emergency supply kit, ang mga taong may kapansanan at iba pang pangangailangang paggamit at paggana ay maaaring maisip na magdagdag ng karagdagang mga bagay na tutugon sa mga partikular nilang pangangailangan, i-click ang tab na "Emergency Items" para madagdagan ang nalalaman. Para sa impormasyon at kagamitang may kinalaman sa pagiging handa sa isang emergency para sa mga taong may kapansanan, bumisita sa FEMA Office of Disability Integration and Coordination. Sign up for FEMA RSS Feeds or emergency emails and text messages from your local government alert system to get important information on your cell phone or pager, in case you are are deaf, hard of hearing, or not able access emergency notifications when they occur. Mag-sign up para sa Mga Feed ng FEMA RSS o mga emergency email at text message mula sa sistemang pangalerto ng inyong lokal na pamahalaan para makakuha ng mahalagang impormasyon sa iyong cell phone o pager, sakaling ikaw ay bingi, hirap sa

pandinig, o hindi makakuha ngmga abisong pang-emergency kapag naganap ang mga ito. https://www.ready.gov/tl/individuals-access-functional-needs

Related Documents


More Documents from ""

Expertise.docx
December 2019 5
Kamusmusan.pptx
December 2019 8
Maed Pagsusuri.docx
December 2019 8
Maam Lily.pdf
December 2019 20
Favorite Fruits
May 2020 18