Kamusmusan.pptx

  • Uploaded by: jessica gudgad
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kamusmusan.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 849
  • Pages: 19
GOOD NIGHT!!

KAMUSMUSAN: ISANG YUGTO NG BUHAY NG TAO NA MINSAN LAMANG NARARANASAN ISANG PAGSASAKONSEPTO NG KUWENTONG UNANG PATAK NG LUHA Inihanda nina: JESSICA R. GUDGAD CHARLYN T. TOMANGCAO KHAREN L. LACASANDILE

“Siya raw no’ng maliit pa s’ya, madalas din s’yang masaktan.” --- Obet

PANIMULA Kabataan, Pagkabata, kamusmusan. Ito ay yugto o pahina ng buhay ng tao na kung saan isang karanasang hindi natin maiiwasan at matatakbuhan sapagkat ang bawat isa sa atin ay dumadaan sa PAGKABATA. Isang yugto ng buhay na halos pagkain, paglalaro, panonood ng telebesyon lamang ang tanging pinagtutuunan ng pansin.

Dahil sa patuloy na pagbabago ng panahon, nagiging malakas ang paghatak ng mga makabagong teknolohiya na nakaaapekto sa paghubog ng pagkatao at sa kamusmusan ng mga kabataan na kung patuloy silang hindi magagabayan ay magpapatuloy ang kanilang pagkarahuyo sa mga ganitong gawain. ang maikling kuwentong “Unang Patak ng Luha,” na nagmulat sa mga mambabasa lalo na sa mga kabataan na tumatalakay o pumapaksa sa karanasan ng isang bata na marangya o hindi kapos sa buhay ngunit kapos sa kaligayahan na para sa kaniya ay matatamo lamang niya sa paglalaro

LAYUNIN Nilalayon ng pag-aaral na ito na sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang pagkakaiba ng isang batang lumaki sa

marangyang pamumuhay at mga batang mahihirap. 2. Maipaliwanag ang konsepto ng salitang “Kamusmusan” na isang yugto ng buhay na nararanasan ng bawat isa. 3. Ano ang papel ng mga magulang sa paghubog ng pagkatao ng kanilang anak? Ano ang implikasyon nito sa kanilang paglaki?

Kamusmusan: Karanasang hindi na muling mababalikan Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may dalawang mukha sa pamumuhay ng tao, may mayaman at mayroong dukha. Naibibigay ng isang magulang na maykaya ang mga bagay na ninanais ng mga anak ito man ay pagkain o laruan, ngunit ang mga kabataang lumaki sa hirap ay hindi agad naibibigay ang kanilang mga pangangailangan dala na rin ng kakapusan sa buhay.

“Si Obet at si Moreng, me laruan din sila. Trumpo. Tirador. Sipa. Pero hindi sila nagagandahan sa laruan nila kasi gawa lang daw nila yong laruan nila. Yong sa’kin bili.”

“Nang mahina na ang ulan, nakita ko si Moreng at yong mga kalaro niya, me nilalaro sa kanal. Nagkakarera ng bangka-bangkaan. Nagsisigawan sila, nagtatawanan. Ang saya nila. Naingit ako.”

Ipinahihiwatig lamang nito na ang kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi. Hindi mahalaga kung ano ang katayuan mo sa buhay, kundi kung papaano ang pagtanggap mo sa bawat sitwasyon o bagay na mayroon ka sa iyong buhay katulad ng mga pangyayari sa kuwento sa buhay nina Obet, Moreng at ang batang mayaman.

Ang problema ay hindi alintana basta makasama lamang ang mga kalaro sa maghapon ay lubos na ang kaligayahang nadarama. Ang bawat halakhak at tawa na maririnig ay tila musika sa pandinig ng bawat isa.

Napakasimple ng buhay at walang mabibigat na problema, ang nagdudulot ng sakit at nagiging sanhi ng kanilang pag-iyak ay kung hindi maibigay ang kagustuhan nila. Ito ang bumubuo sa pagkabata.

“Narinig ko ang boses ng mga bata. Nagsisigawan sila. Tuwng-tuwa sila. Binuksan ko nang konti ang bintana. Nakita ko sila. Ang daming bata. Naliligo sa ulan. May mga nakahubo pa. nakita ko din si Obet at si Moreng. Nagtatakbuhan sila. Palundag-lundag pa sila. Ang sayasaya nila.”

“Walang magulang ang nagnanais na

mapasama o mapahamak ang kanyang anak.”

May iba’t ibang uri ng pag-ibig. May pag-ibig sa Diyos, kaibigan, at ang pag-ibig ng isang magulang sa kanilang mga anak na hindi mapapantayan ng isang kasintahan at kaibigan. Ang pagpoprotekta na ginawa ng ama’t ina ng bata na huwag siyang maglaro lalo na kung umuuluan ay isang patunay ng lubos na pagmamahal ng mga ito sa kaniya.

Ang pagbibigay ng mga payo maaari niyang baunin lalo na kung wala ang kaniyang mga magulang. Ang pagguhit ng pag-aalala at pagkabahala sa mukha ng kaniyang mga magulang ng malaman ng mga ito na siya ay inaapoy ng lagnat at higit sa lahat ang pagpatak sa mga mata ng kanyang ama’t ina na nagpapakita ng buong pusong pagmamahal ng mga ito sa kaniya.

Ang implikasyon nito sa paghubog ka pagkatao ng isang bata ay nakatutulong ito upang mabuo ang kanilang sarili, bilang tao higit sa lahat, bilang isang bata.

KONKLUSYON Maraming karanasan sa ating buhay ang hindi na mababalikan kumbaga “Walang Rewind,” “Walang Take-Two,” ang buhay ng tao. Isa sa mga karanasang ito ay ang ating kamusmusan bilang bata. Ang bawat bata ay mayroong karapatan, karapatng maglaro, mag-aral, maibigay ang kanilang mga pangangailangan, magkaroon ng pangalan, tanggapin ng kapwa, mahalin at alagaan.

Huwag nating hadlangan ang kanilang mga nais lalo na kung ito ay magdadala o magdudulot sa kanila ay kaligayahan na walang kapantay. Na maaari nilang muling balikan at gunitain sa kanilang pagtanda na minsan sa knailang buhay ay naging masaya silang bata.

Ang maikling kuwento na ito ay nagsisilbing salamin ng katotohanan ng buhay ng tao na ang kaligayahan ay walang katumbas na salapi. Ang kuwentong ito ay kumukurot, kumakatok at humahaplos sa bawat puso ng mga mambabasa higit sa mga magulang dahil na kung minsan ay nagiging dahilan o nakapagdudulot ng kirot sa damdamin at puso ng kanilang mga anak

GOOD NIGHT!!!

More Documents from "jessica gudgad"

Expertise.docx
December 2019 5
Kamusmusan.pptx
December 2019 8
Maed Pagsusuri.docx
December 2019 8
Maam Lily.pdf
December 2019 20
Favorite Fruits
May 2020 18